Nagpatuloy lamang ang tsismisan. Mula sa kaliwa hanggang kanan. Kahit pa kaharap ko. Wala akong pakialam. They even asked me, twice. Ah nah. Not just twice but I guess. Umabot ng tyam na bilang nila akong tinanong patungkol sa pinag-uusapan. Sinagot ko lang sila ng simple. "Baka mahal nya talaga yung girl.." kasi naman. Ilang ulit na. Masakit na sa pandinig ko na baka raw pera lang ang hinabol ng asawa ng CEO sa kanya. Little did they know. Hindi kayamanan ang gusto ko. Kundi ang mismong asawa ko.
Siguro ganun nalang mag-isip ang ibang mga tao noh?. Porket successful ang asawa ay ginusto na sya ng mahal nya. No. Hinde ganun kadali marating ang tuktok ng pinaghirapan nya ngayon. At mas lalong hindi rin materyal na bagay ang gusto ko. Sa madaling salita. Minahal ko sya noon pa. Sabihin na natin na. Panahong, walang wala pa sya. Nagmahalan kami na kami lang ang involved at walang namagitan na antas ng buhay sa aming dalawa. Ang tanging naging gulo lang sa amin ay ang pagiging istrikto ng pamilya ko. Lalo ng mga Kuya ko. Ni minsan. Hindi tinignan ng pamilya ko sa mababang paraan ang pamilya nya. Never in my dreams. At ngayon? Basta nalang nilang ipagkakalat sa iba na habol ko lang ang pera? Grabe! Wala akong ibang magawa kundi ang tawanan nalang sila. Mga walang magawa.
"Dinig ko ang bali-balita sa inyo ha?." si Kuya Lance ito. Gabi na. Kakatapos ng hapunan namin at heto kami abala sa pagpapalit ng mga damit ng bata. Kung tinatanong nyo kung anong ginagawa nya rito?. Simple lang. He's here to babysit. Para raw may pera ulit sya. Ewan ko ba sa kanya. Ang kuripot nya sa sarili nya. I wonder kung saan nya nilalagay ang mga perang pinaghihirapan nya. Tsk.
Nagpanggap akong parang walang ideya sa tinutukoy nya. "Na ano naman?."
"The Ceo's wife.. grabe ka! Hindi mo alam?." napatalon ako ng biglang tumaas ang tono ng boses nya.
"Pwede ba?. Hinaan mo naman boses mo.. nanggugulat ka eh.." reklamo ko dahil muntikan nang mahulog ang puso ko sa sahig.
Oa Bamby ha..
"Tsk.. ikaw ang oa.. o baka naman sinasabi mo lang yan para iwasan ang pinag-uusapan natin ha?. Lil sis.. you can't fool me.. you fool.."
"Ano ba kasi?.. obvious na nga.. tinatanong mo pa.. ano ba talaga ha?.."
"Oh!. what is that ha?. Chill bruh.." tinuro nya ako. Di kasi sya makapaniwala na tumayo ako para lang sagutin sya. This is not me. "Nandito mga bata kapatid.." paalala nya pa. Lumingon nga ako sa gawi ni Knoa. He's right there on the nook book. Playing his favorite globe statue. Then I look back at him. He's now staring at me. "What?." tanong ko dahil mukha syang tanga na nakatitig sa mukha ko.
"Teka.. wag mong sabihin na may nangyari sa office ngayon?. Tell me.."
May nangyari nga ba?.
Hay Bamby.. if you want to ease your overthinking. Try to tell it to someone na maaari, baka pwedeng makatulong sa'yo.. di yung sinasarili mo lahat...
Umupo ako. Kalmada na rin. Actually kanina pa. Simula siguro nang sitahin nya ako.
I let out a heavy sigh. "See?. May nangyari nga?. What is it?." nacurious na ito at umayos ng upo sa tabi ko. Mabuti nalang nakatulog na ang kambal. Kailangan nalang silang bantayan.
"E kasi.. yung secretary nya.."
"Sabi na eh.."
"Patapusin mo kaya muna ako Kuya.. hays..."
"Sige na nga..oh tapos?."
Hay..... naku!. Dumagdag pa eh.
"Pinasadahan nya ako mula ulo hanggang paa."
He remian silent. Kaya nagpatuloy nalang din ako. "And she asked me one thing.."
"What?." anya. Humarap na sakin.
"Kung basura daw ba ako?."
"Ano!?. Tapos anong ginawa mo?. Sinampal mo?.."
"Bat ko naman gagawin yun?. I'm not gonna let my guard down just to level on her level.. wala akong ibang ginawa.. nginitian ko lang sya.. bakit sino sya para sagutin ko?.. psh.."
"Ahahhahahahahaha!.."
Mabilis akong kumilos at tinakpan ang bunganga nya. Ang lakas kasi ng tawa nya e. Kaharap pa naman nya mga batang natutulog.
"Seriously?." anya nang alisin nya ang kamay ko sa mukha nya. "E di mas lalo lang syang nainis sa'yo?."
"Baka.. siguro.. ewan.. pero sa palagay ko.. matik na yun dahil tumirik ba mata nya sakin.."
"Hahahaha.. astig mo talaga.. biruin mong wala ka pang ginagawa, na-insecure na sya?. hahahaha.."
"Si Bamby nga kasi ako.."
"Astig.." puri pa nya sakin. Kaso. Hindi iyon ang inaalala ko. May iba pa.
"O bat parang hindi ka masaya kung ganun?. Mukha kang losyang dyan.." siniko ko sya kaya ito napaaray ng bahagya. Di na nagbago. Bully pa rin ng buhay ko.
"E kasi.. ang sabi nya, sasabihn nya sa lahat ang buong pagkatao ko.."
"E di maganda yun.."
"Anong maganda dun Kuya?. Ugh!."
Tinapik nya ang balikat ko. "Alam mo lil sis.. kung lagi mong iisipin ang mga bagay na mangyayari palang.. mababaliw ka lang.. bat ka natatakot kung totoo namang asawa ka ng CEO diba?. Wala ka bang tiwala kay Jaden para ganyan ka nalang mag-alala na mabuking ka nila?."
"May tiwala syempre kaso baka kasi masira pangalan nya.. ayokong sayangin ang pinaghirapan nya.."
"Alam mo bang ikaw ang naging dahilan nya para abutin ang mga bagay na meron sya ngayon ha?. Tanda mo noong mga panahon na iniwan mo sya without saying anything or explaining what's going on?. Dun nya sinabi sakin na papatunayan nya ang lahat sa'yo para lang ipakita kung gaano ka nya kagusto.. maabot nya lang daw ang tuktok . ikaw rin ang idadala nya ruon.."
I'm lost of words. Tinapik nyang muli ang balikat ko. "Kaya naman.. malaman man ng lahat o hinde. Stay as you are.. stay who you are.. wag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga salitang galing sa mga taong hindi nila kayo kakilala.. let them talk and let silence talk to them..got me?."
I feel like. He's on the advisor mode. Kahit papano. Nagkakaron ako ng ideya na iba. Tama nga sya. Di dapat ako magpaapekto sa ibang tao. Lalo na dun sa secretary nya. Kasi kahit ano namang gawin nya. Ako pa rin ang the Ceo's wife. Hek..