Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 49 - Chapter 49: Finally

Chapter 49 - Chapter 49: Finally

I cried a river pagkapasok ko. Nakita pa ako ni Tita Martha nang sya'y dumaan para ibilad ang mga damit nyang nilabhan. I run fast. Ayokong ipakita sa kanyang nanghihina ako sa mga oras na ito. Nakakahiya! Hindi sa ayaw kong ipaalam sa kanya na may problema kami. Ang ayoko lang ay ang makita nya ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko matanggap. Bakit nga ba mahirap tanggapin ang mga bagay na hindi natin gusto?. Anong dahilan bakit natin hindi gusto ang isang bagay o pangyayari?. Is it the person involve in it? Or the situation itself that you're in?. Mahirap ipaliwanag ito sa salita lalo na kapag ikaw mismo ay hindi pa gaanong maintindihan ang lahat. I know Jaden has his reasons. Alam ko kung bakit nya piniling pumunta duon kaysa rito. Ano nga bang dahilan?. Sa totoo lang. The issue is not about his secretary anymore. This is about him and me on how we handle this kind of situation. Pero paano nga namin aayusin ang lahat kung sya'y mas piniling lumayo kaysa umuwi rito?. Naiintindihan kong nahihiya sya sa kung anumang desisyon ng board pero asawa nya ako?. Bakit kailangan nyang lumapit sa iba kung andito lang naman ako?.

Bakit Jaden?. Gusto kitang intindihin hanggat maaari subalit ngayon, bakit hindi kita makuha?. Hindi ko magawang manahimik sa mga nangyayari.

"Are you okay?." napalingon ako ng lumangitngit ang pinto. Tita Martha open the door silently. Hawak nito ang walis at mop. Dumiretso ako dito kanina sa silid ng kambal para tignan sila. Pareho silang walang malay at muwang sa mundo. Payapang natutulog. Palihim kong pinunasan ang luhang naglandas saking pisngi.

"I'm fine.." maikli kong tugon saka sya tinignan at ngitian ng peke. Wala e. Ito lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon. Ang magpanggap na ayos lang at hindi nasasaktan.

Lumalim ang pagtingin nya sakin habang abala nyang inaayos ang mga damit ng kambal. "You look like you're not on yourself. Why?." alam nya talagang wala ako sa sarili dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ngayon.

Tumalikod ako sa gawi nya para muling titigan ang mukha ng mga bata.

"Jaden is in there with Kuya Lance.." kwento ko dito. Wala akong mapagsabihang iba kaya sa kanya nalang. Tutal. Alam nya din naman ang ibang parte ng buhay ko kaya no worries. "And until now. He has no replies about what happened."

"Did you call him?." akala nya siguro, di ko ginawa ito.

"I did tried. A hundred times.. but he, didn't get anyone.." pumikit ako. Dumaan kasi ang sakit sa lalamunan ko. Kailangan ko itong lunukin ng may pagtitimpi para mamaya maging okay na ako.

"Always remember Bamby.." umayos ako ng upo. Para pakinggan ng mabuti ang kanyang sasabihin. "Everything that happens has its own reasons. You know well your husband. You know well yourself too. Of course. You know well how deep is your love between the two of you. Why you let your doubts question your trust towards him?. Don't you not trust him?."

"I am.." paos ko pang tugon. Ngumiti lamang sya.

"Then, you should understand him."

"I understand him Tita.."

"But you don't trust him? Right?." nangapa ako. I'm in between, telling a yes and shaking my head.

"Trust is the foundation of all relationships Bamblebie.. if you don't trust him that much.. ask yourself why. Give yourself a time to answer your question. Why did you love him?. Why did you choose him?. Why did you gave your trust to someone like him?. If you find your answer on all your why's. Then.. you'll definitely find why you should trust him fully." dagdag pa nya. Bumalik daw ako sa umpisa. Sa unang araw kung bakit ko sya nagustuhan at kung bakit sya ang minahal ko.

Ginawa ko naman.

But still. May puwang pa rin na di ko alam punan. Parang sya lang ang makakasagot sa mga puwang na yun.

"Bes, how's Jaden?. Is everything okay there?." that night. I sent a text to Joyce. But then. Iba ang sumagot dito.

"Lil sis.. we'll text you back.. hinahanap pa namin sya." napatitig ako sa screen ng phone ko matapos mabasa ang mensahe ni Kuya. Anong hinahanap?. Sinong nawawala?. Oh my goodness!. Totoo ba ito?. Anong nangyayari?.

Sa kaba ko. Tinawagan ko sya. Pinadalhan din ng text kaso tulad nung mga nakaraang araw. Wala syang naging tugon. Kingwang yan! Hindi nya ba alam kung gaano na ako kafrustrated dito tapos sya, parang wala lang kung mang balewala sa akin?. Damn you Jaden! Kung ayaw mo na sa akin! Bahala ka na!

Sa pagod ko. Kakaisip sa lahat. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Kinabukasan ko nalang nabasa ang text ni Kuya na he's totally okay. May tawag pa pala ito na di ko na nasagot pa.

"Kuya, sorry. Nakatulog na ako kagabi.." di ko pa man naisend ang text ko. May tawag ng dumating. And it's him. Finally!

FINALLY!

"Babe.." paos pa ang gamit nyang boses. Sa pagkakabilang ko. May tatlong araw at apat na gabi na syang walang reply sa lahat ng tawag at text ko. Sinong hindi magagalit at hindi mag-iisip ng kung anu-ano?. Sige nga!

"I'm sorry.." anya. Hindi ako nagsalita. Sino sya, siniswerte?. Magdusa sya dyan! Maswerte pa nga sya dahil sinagot ko tawag nya. Di tulad nya! Bugok!.

Katahimikan.

Mahabang nakakailang na katahimikan ang namutawi sa pagitan namin!

"I am so sorry.. I'm going home now.." pambabasag nya sa nagyelong pagitan namin. I didn't bother to answer him nor give him a slight sigh. Sorry mo mukha mo! Bugok ka!...

"Don't be mad at me, please.." umikot lang ang mga mata ko sa kawalan sa sinabi nyang to. "I didn't mean to hurt you this way.." buti alam mo! Bulong ko sa sarili ko. "It's just that.. I'm lost in the past few days.. and.."

Pinutol ko sya.

"At sa iba mo nakita ang ibang parte ng pagkatao mo?."

"Babe..?." tunog nagpapaintindi ang boses nya.

"It's up to you kung uuwi ka pa ba o hindi na Jaden.. I need to go.. pagod ako at kailangan ng mahaba-habang pahinga!.." binaba ko na agad ang tawag kahit naputol sa gitna ang pagtawag nya sa pangalan ko.

Ngayon na at nahanap mo na ang sarili mo. Saka ka babalik?.

Hindi kita maintindihan minsan Jaden! Ang hirap mong basahin!.

Related Books

Popular novel hashtag