Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 50 - Chapter 50: He's Home

Chapter 50 - Chapter 50: He's Home

Not long ago. Dumating na nga sya! Imbes maexcite ako't tumalon sa tuwa. Baliktad lang at, mas lamang sakin ang naiinis, nagagalit at nayayamot.

"Babe.." he's trying to give me a kiss on lips but I stared at him, intensely. Kaya kahit ayoko. Kahit sumakit pa ang mga mata ko kakatitig ng masama sa kanya. Hinalikan nya pa rin ako sa noo. "Sorry na.." lumuhod pa sya sa harapan ko. Pagitan ng mga hita ko. Di ko sya pinansin. Kinuha ko lang yung nasa tabi kong unan at nilagay sa lap ko. Sa TV ako nakatutok habang pilit binabalewala ang prisensya nya. "Hindi ko lang kasi alam kung paano pumunta sa'yo matapos nila akong tanggalin bilang CEO ng kumpanya.." nakayuko na sya ngayon. Hindi na yata ako nagulat pa dito sa sinabi nya. Base kasi sa pagiging cold nya nitong mga nakaraang araw. Mukhang alam ko na ang naging resulta ng meeting nila. And it's him. Stepping down as their CEO. So what?. Iyon ba ang hinabol ko sa kanya?. Iyon ba ang minahal ko sa kanya?. Hinde!. Alam nya yan!.

Sa dami ng gusto kong sabihin. Kating-kati na ang dulo ng dila kong magsalita rito. Hindi ko pa rin sya binigyan ng kahit na anong salita na gusto nyang marinig mula sakin.

Nasaktan ako eh. Bakit ba?. Asawa nya ako tapos gaganunin nya lang? Iiwan na parang bula?. Hahayaan na parang hindi kilala?. Hindi nya ba alam na may mga anak sya sakin?. Mga bata pa! Susmaryosep!.

"Hindi ko kayang magpakita sa'yo dahil I failed myself. I failed my dreams. Hindi ko naipaglaban ang karapatan ko. Nagpatalo ako.." pagod na sya ngayong nakayuko sa harapan ko. Dumaan si Tita Martha at tinanguan nya lang ako. Meaning. I have to talk here and not letting my ego eat us.

Paano nga ba?. Galit pa ako e!

"Hinayaan ko silang gawin ang gusto nila. Hindi ko naipaglaban ang pangarap ko Mahal.." tiningala na nya ako. Dito naman nagkatagpo ang aming mga mata.

"Kami ba, hindi mo pinangarap?." hindi ko na talaga napigilan pa ang bumulalas rito. Umawang ang kanyang labi. "Pamilya mo kami Jaden. I am your wife.. hindi pa ba sapat na rason iyon para sa akin ka lumapit at magsabing natalo ka?. Ha?." I feel like my heart is talking right now. It's not my ego anymore. "Nagmukha akong tanga dito, alam mo ba yun?."

Parang wala sya sa sarili ng pilit nyang hawakan ako. Sa kamay. Sa pisngi. Sa baba. Para lang makita nya ang aking mata. Ayokong ipakitang umiiyak ako ngayon. Subalit wala akong nagawa ng pareho na nyang nahawakan ang magkabilang pisngi ko. "Pakiramdam ko tuloy. Wala akong saysay dito at display lang sa mga anak mo.."

"No baby.. Don't think that way.."

Umiling ako ng umiling. "Hindi ko naisip yun Jaden. Naramdaman ko iyon at ang sakit.. ang sakit sakit na kung pwede lang.. gusto ko ring iparamdam ang ginawa mo sakin para malaman mo kung gaano kahirap ang lahat.."

"I'm so sorry.. hindi ko alam.." yumuko na naman sya. Tapos tumingala muli para tignan ako sa mata. Nahuli ko ang pagkagulat sa mga mata nya ng makitang walang humpay kung dumaloy ang mga luha rito. "Wala akong alam, Mahal.."

"Iyon nga rin ang masakit. Wala kang kaalam-alam. Hindi mo alam Jaden.."

"I..." hindi na nya naituloy pa ang sasabihin. Nanahimik nalang ito basta habang abala at pilit winawala ang mga luhang nahuhulog sa pisngi.

Lumuhod sya ng todo at habang kapantay na nya ako sa kinauupuan ko. Without any words. Unti unti nya akong hinila para yakapin.

"Mahal kita Bamblebie.. patawarin mo ako. Nawindang ako't hindi alam ang ginagawa. Basta kumilos nalang ako't hindi naisip pa ang lahat.. patawarin mo ako kung nasaktan kita. Kung naiwan kita sa ere.. masyado akong naging makasarili.. nawala sa isip ko na mas higit pa pala kayo, ikaw at ng mga anak ko kaysa sa posisyon at karangyaan na meron ako."

Buti alam mo! Bugok!

Nanatili lang kaming ganun. At katahimikan lang din ang saglit na namutawi sa amin.

"I really wanna answer your call."

"Bakit hindi mo ginawa?." tinampal ko pa ang braso nyang nakayakap pa sa akin. Bumitaw na sya ngayon at naupo na sa tabi ko. Inayos nya rin ang buhok ko kahit bagong suklay ito at nakaipit pa.

"Gaya nga ng sabi ko. Nawala ko ang sarili ko sa mga panahong iyon. Pakiramdam ko. Kapag ginawa kong sagutin ang tawag mo. Mag-aaway lang tayo at iiwan mo ulit ako.."

"Hindi ba't sa ginawa mo, iniwan mo na rin ako?." nakanguso na syang tumango. "Walanghiya ka, alam mo ba yun?." walang preno ko nang sambit. Natigilan sya. "Tama ka nga. Masyado kang makasarili simula nung nasa posisyon ka at nasa tuktok ng iyong pangarap. Pati nga oras mo sa amin. Naipagpapalit mo na. Nakalimutan mo nang, kami ang nauna noon bago mo nakamit ang mga bagay na meron ka ngayon.." tahimik lang sya. "Sana lang.. inuna mo pa rin kami bago ang lahat.."

"Mahal.. mahal kita.. kayo ng mga bata.. kinailangan ko lang gawin iyon para makapag-isip ng tama.." tumayo ako. Napatayo din sya dala ng gulat sa kilos ko. Akala nya siguro magpapadala ako sa yakap at mga halik nya?. Bugok! Galit pa rin ako't nagtatampo! Suyuin nya muna ako ng todo-todo bago ko ibigay ang kanyang gusto.

Iniwan ko sya. He tried calling me pero naglakad ako na parang walang narinig.

At night.

Pumasok sya ng silid namin. Napabalikwas ako dahil hindi ko inasahan ang pagdating nya. Nasanay akong wala sya. Bakit ngayon?.

"Matutulog na ba tayo?."

"Aba! Malay ko sa'yo.. basta ako.. mahaba-habang pahinga ang kailangan ko.. gusto kong makapag-isip din ng tama.." mukha na akong tanga rito sa totoo lang. Alam ko naman. At mas lalong alam nya rin na nagpapanggap lang ako na galit sa kanya at nagtatampo. Bakit ba?. Hindi ba pwedeng magpakipot kahit kaunti?.

Ramdam ko sa likod ko ang kanyang titig. Hahayaan ko syang dito matulog dahil kawawa naman kung sa sala sya o di kaya ay sa baba. Maswerte talaga sya. Mabait pa ako sa ganitong lagay. Aha! Wag nya lang talagang sagarin. May hangganan ang lahat!.

"Mali ako. Inaamin ko.." bigla nyang kwento. Nakinig lang ako habang nakapikit. "Sanay maintindihan mo rin ako Mahal dahil ako mismo.. pilit iniintindi ang lahat." hindi ako nagsalita. Baka may sasabihin pa e. "Pero bakit habang iniintindi ko lahat lahat.. lalong nagiging kumplikado?. Anong mali sa mga ginagawa ko?. Bakit lahat ng pinangarap ko, bumabagsak at napapabayaan ko?. Bakit?."

Hindi ko alam na umiiyak na pala sya. I let him cry pero ng di ko kaya ang konsensya ko. Humarap na rin ako sa kanya at niyakap sya. "Tama ka nga siguro. Walanghiya ako kaya nangyayari lahat ng mga ito.."

"Shshhhhhh... tama na.. matatapos rin to lahat.."

Sana nga. Matapos na ito. Nakakadrain na din kasi. Lalo na, may mga bata. Hindi pwedeng pareho kaming ganito at lagi nalang ganito. Tama mga siguro si Tita Martha. Bumalik kami sa nakaraan at mag-umpisang muli kung saan nagsimula ang lahat.

Wala namang problema sa akin sa totoo lang. Ang akin lang. Sana lang din. Di nya ginawa yung di nya pagsagot at pagreply sa tawag at text ko dahil nakakabaliw. Kaya ko naman sigurong tanggapin na kailangan nya munang lumayo para makapag-isip ng tama. Kung sinabi nya lang ito. E di sana, walang problema. E anong ginawa nya?. Nagsolo flight?. Tapos ano?. Iniwan ako sa ere. Syempre, nasaktan ako. Nagcry. Emote dito. Emote duon. Hay...

"Ang mahalaga Bamby, andyan na sya. Tama na muna yang bunganga mo ha.. hayaan mong manahinik ang asawa mo at makapag-isip nga ng tama gaya ng sabi nya.." Yan ang text ni Kuya ng sabihin ko sa kanya ang lahat.

Ako pa may kasalanan?. Really huh?.

E di okay! Kung yun ang kailangan nya at gusto mya. Mananahimik na ako!. At hahayaan na syang hanapin ang kasagutan sa lahat ng kanyang katanungan.

Magagawa nya rin kaya iyon ng isang buwan lang?.

Pusta tayo! Pupusta ako!. Taon ang kailangang ilaan para mahanap mo ang mga sagot sa mga tanong na kumplikado pa sa ngayon. Kung gusto nya itong mahanap ng mabilis. He needs to go with the flow. Hahayaan nyang dumaan ang problema. At problema na mismo ang sosolba sa problema nya. Ganun lang. Hayst...