Jaden made a promise. At ginagawa nya naman ito ng buong puso. Sinusundo nya si Knoa from school to our house. Dinadala sa playground with the twins tapos movie date with me tuwing gabi. Lahat ginagawa nya para iparamdam samin na higit nya kaming mahal kaysa sa bagay na kailangan nyang gampanin. Lagi nya ring kaface time ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Dinig ko pa nga. Ate Catherine is coming here para mag-apply ng trabaho rito. Na kung tutuusin. Di naman na kailangan. Pero syempre. Iba pa din kasi kapag pinaghirapan mo ang isang bagay na gusto mo. Honestly. Life is not easy when you're in abroad. Time will tell you if you had enough or not. But on his case. Jaden has beyond enough. Ang kaso lang. Hindi ganun kadali ang lahat, na sa isip ng iba. Madali nalang para sa kagaya nya ang kumilos. Pero hinde. Hindi madali ang magtrabaho lalo na kung may nakapasan pang mas mabigat na trabaho sa'yo sa negosyo. Alam kong kaya naman ito ng asawa ko. Ang mahirap lang siguro ay ang oras nya. Kung paano nya hahatiin ito sa pamilya nya, sa amin at sa trabaho nya. Time management ba?. Well. Gumagana naman ito, sa iba. Siguro pwede pa. Pero pagdating na sa isang CEO ng isang malaking kumpanya?. Di mo na makontrol ang oras mo. Tipong. Off mo sana sa trabaho kaso may tawag kang kailangan mong pumasok dahil sa emergency. Ganun.
"Hindi ba pwedeng through Line nalang babe?." ang tinutukoy ko ay ang emergency meeting nila kasama ng board. Inayos ko ang kurbata nya sa kanyang leeg habang sya naman ay abala sa pag-aayos ng buhok at coat na isusuot. May plano sana kaming mag out of town ngayon. Pero dumating itong isang tawag na kailangan nila sya sa meeting. Kaya, naudlot na.
"Board meeting kasi Mahal ko. Kailangan talaga ang presence ko dun."
"What about our out of town?." di ko na sana ipapaalala ito. Ang iniisip ko lang kasi. Si Knoa. Nangako kasi sya dito. Baka masaktan ang damdamin ng bata.
"We'll move it nalang mahal. Urgent kasi ito."
"Tungkol saan ba ang meeting nyo?." ngayon naman. Ang sapatos na nya ang pinunasan ko. Hind pa nya ito sinusuot.
"About me, stepping down.." mahina nya itong sinambit. Naiwan sa ere ang kamay kong abala sa paglilinis ng kanyang sapatos. Literal na natigilan ako.
Tas, di napigilan ang sarili kong tignan sya. "Anong ibig mong sabihin?." kahit may ideya na ako sa sinasabi nya. Heto pa rin ako't parang tanga kung magtanong.
"They want me to step down as the CEO mahal.." kalmado nitong saad.
"What?. Why!?. May ginawa ka bang mali?." I mean. I don't want him to give up his dream. Tsaka. Anong rason nila para gawin iyon sa kanya kung walang mali naman sa trabaho?. Is this personal?.
Huli nyang hinagod ang buhok. Mataman tinignan kung maayos na ba talaga ito sa salamin. Pagkatapos ay sa coat naman ang pinagpag nya na para bang walang mababakas na kaba sa tindig nya. "Sa pagkakaalam ko wala naman. But when someone is so eager to pull you down for them to be lifted?. Lahat mali sa paningin nila."
Nangapa ako. Ang ibig ba nyang sabihin. May taong gustong makita syang bumagsak para sila naman ang umangat at higit sa lahat ay pumalit sa pwesto nya?.
Grabe!. Mga gahaman!.
I'm out of words to say. "I have to go. Malelate na ako." humalik sya sa labi ko pagkatapos sa buhok ko. Sumunod ako sa pagbaba nya ng hagdan. Binigyan nya din ng halik ang kambal. Si Knoa?. Nasa pool yun panigurado.
"Pwede ba akong sumama?." kabado kong saad. Pinatunog na nya ang sasakyan na gagamitin. Ito yung puti na BMW. Saka nilagay sa loob ang dalang gamit.
"Babe, don't worry.. I can handle this." paniniguro pa nya subalit hindi talaga ako kampante. May kung ano sa akin ang natatakot para sa kanya.
Matagal ko syang tinitigan ng pumasok sya sa loob ng sasakyan nya at pinaandar ito. Natigilan sya ng maramdaman ang paninitig ko. "Kinakabahan ako." totoong saad ko.
Inilahad nito ang kamay sa akin para lumapit sa kanya. Ipinulupot nito ang dalawang kamay sa baywang ko. Inayos din ang buhok ko na nililipad ng malakas na hangin rito. "Wag kang kabahan. Wala ka bang tiwala sakin?." para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.
"I trust you fully babe. Yung sa board ang wala. We'll never know what's their plan.." giit ko pa. Pinisil nya lang ang palad kong hinawakan nya saka tumingin sya saking mga mata.
"Hindi ako pupunta sa gyera ng walang dalang bala mahal ko. Magtiwala ka lang sakin. Kaya mo ba?."
Mariin kong kinagat ang labi saka tumango. "Good girl. Sa ngayon. Si Knoa na muna ang asikasuhin mo dahil kilala mo sya. Magtatampo ang batang iyon sakin." oo nga pala. Mahabang paliwanagan na naman ito.
Di na ako kumontra pa at hinayaan na syang makaalis. Ayoko pa sana syang payagan na magmaneho subalit gaya nga ng sabi nya. Late na sya at lalong hindi dapat mangyari iyon. I have trust on him. Malalim ang binuo kong tiwala para sa kakayahan nya subalit sa mga taong nakapaligid lagi sa kanya ang wala. I just know them by face and their names, not by their true intentions and agendas. Ngayon ko napagtanto lalo na, mahirap nga talaga ang posisyon at trabaho nya. Lalo tuloy akong namamangha sa taglay nyang galing.
Kalmado sya. Kalmadong kalmado na minsan hindi ko gustong makita sa isang tao. Nakakakaba ang ganun. Sana lang. Malusutan nya itong mga taong gustong magpabagsak sa kanya.
Bumalik ako sa loob ng bahay. Dumiretso na ng pool area. Tama nga yung hula ko. Knoa is on the pool. He loves swimming e.
"Big boy. Come.." tawag pansin ko dito. Mabilis naman itong lumapit sakin.
"Why po?."
"Did your Daddy talk to you?." agad syang umiling. Meaning. Di sya sumaglit rito.
Naupo ako sa gilid ng pool at hinayaan ang mga paa na lumubog sa tubig. "Your Daddy has an urgent meeting to attend to.." nakinig lang ito pero bahagya na itong nakayuko. "He made you a promise right?." tumango sya ngunit medyo bitin ito. "But he have to deal with the emergency meeting my dear."
"It's okay. Mom." mahina ang kanyang boses. Meaning. It's not really ok?. Hmm...
"I know that you feel tampo right now but Daddy didn't mean to let you feel that way." hinawakan ko ang basa nyang buhok. Ginulo ko iyon. Napatingin tuloy sya sakin. Malaki ka na nga Knoa. Nakakaramdam ka na ng mga bagay na maramdaman ng isang bata para sa magulang. "He doesn't want to attend the meeting but he have to. You know. He has this kind of work that no one else can do."
"But, he don't need to make a promise if he knew he can't make it po." tahimik na buntong hininga ang kumawala sa akin ng marinig ito mula sa kanya.
"I know baby. Try to understand him okay?. For now. Let's just wait for him to come back." di ko nalaman na mali pala itong sabihin. Hay...
"Baka hindi na naman sya uuwi.." teka. Nagtatampo talaga ang batang ito. I need to deal with it asap.
Hayst.. Ano bang tamang sabihin para maintindihan nya kami?. Kuya Lance, where are you?!.
"Okay.. Daddy needs to work for us to have this kind of life, honey." paliwanag ko na.
But. Of course. He has his reasons.
"But, I don't want his way of making this way of life Mom. He should give up his work para sa atin.."
Ano ba!?. Sumasakit na ang ulo ko Knoa!. Makinig ka naman!. Gusto ko syang pagalitan pero di ko kayang saktan lalo ang feelings nya.
Ano bang alam nya sa sinasabi nya?. Akala nya siguro ganun kadali ang lahat para sa Daddy nya at ako. Ang akala nya siguro, mas gusto namin ang iwan sila kaysa sa makasama sila ng mga kapatid nya?. No! Malaking kalokahan ang iniisip nya. Dahil kahit saan kami magpunta ng Daddy nila. Sila ang dahilan kung bakit ginagawa namin ito kahit ang kapalit ay ang oras namin para sa kanila.
Imbes. Ipatindi ko pa sa kanya ng malalim ang lahat. Mas pinili ko nalang na manahimik at hihintaying kumalma ang kung anong iniisip nya. It's not right to argue with someone when it's currently battling to his own war. Mag-aaway lang kami panigirado. At ayokong umabot kami sa ganung punto.