Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 46 - Chapter 46: Babe

Chapter 46 - Chapter 46: Babe

Yung kinatatakutan ko. Sa isang iglap. Nangyayari na.

"Like ew?. She's that girl?."

"Lousy lady. Who the heck she is?."

"The CEOs wife?. Her?. Ugh! No way!."

"Don't tell me, he fell in love to her? Really?."

Mga lintanya ng bawat taong nakikita o nasisilayan ako. Kahit ang mga kasamahan ko dito sa department. Iisa lang ang naririnig ko. They're all disgusted about me being their boss wife. At ano naman ang pakialam ko?. Of course. My heart is aching. So hard. Pero pinipilit kong wag silang patulan because it's not my name who will definitely ruin. It's his. At di ko isusugal ang isang bagay na alam kong hindi ko kayang itaya. Si Jaden iyon at kahit sya ang CEO nitong kumpanya. Para sakin. He's still the boy Jaden who I fell inlove with.

"Why you didn't tell us?." may isang babaeng nagbagsak ng isang malaking ruler sa desk ko. She's the alpha in our team. Isa sa kinatatakutan ng lahat dito sa building. Her forehead already creased. Na alam kong hindi na maganda ang kahihinatnan.

Ano bang gagawin pag ganito?. Tama bang manahimik nalang o sumagot din minsan?. Ano ba?.

"And stil, you won't even talk huh?. Are you mute?." napaatras ako sa swivel chair ko. I'm gonna let my anger eat me. Hindi tamang isabay ang init ng ulo sa talino ng isang tao. Matik na iba ang kalalabasan nun. It's better to stay calm and firm.

"You know what?. I am here to work. Not to impress nor express to you for what you want me to show you."

Hindi sya makapaniwala sa isinagot ko. "Arrogant sassy girl. As if you own the world right now because of your title huh?."

Sino bang nagsabi sa kanila na may pake ako sa titulong yan?. Damn bitch! I don't give a damn about titles. All I want is my husband's attention. Wala ng mas hihigit pa duon.

Tumayo ako. Sa mata nya tumingin. Wala naman akong ibang gagawin ngunit bigla itong napaatras na para bang susugurin ko sya anumang oras. But instead. I just fix my dress and coat saka muling umupo. "Mind your own business Elsie. Don't mind me. See? I'm busy here.." pinakita ko sa kanya ang tambak na trabahong kailangan kong tapusin.

Matagal nya akong tinignan ng masama. Nakakatakot. Sana lang sa paraan ng pagtingin nya ay hindi ako karmahin.

"What's happening there?." bigla ay dumating ang pinakahead ng department namin. Napalingon sa kanya ang lahat. Kasama na ako duon. Pagkatapos ay napasinghap nalang ang iba ng masilayan ang dahilan kung bakit nagkakagulo rito sa mesa ko ngayon.

"Good afternoon sir." bati ng lahat kay Jaden. Tahimik lang itong tumingin sa kanila bago nalipat sa akin ang seryoso nyang mata.

"Good afternoon." buong boses nya ata ang ginamit nyang magsalita kaya pawang nagulat at natakot ang iilan. Maging ako ay nabigla rin e. Naglakad syang nakapamulsa. Gumilid ang iilan upang bigyang daan ang gitna nyang dadaanan. And the path he's walking is on my desk. Napahawak ng mahigpit ang magkabila kong kamay sa notebook na hawak dahil sa kaba. Yumuko ako. Ayokong salubungin ang titig nya. "Good afternoon.." may isang pares na ng sapatos ang huminto sa harapan ko. Ilang pulgada lang ang pagitan sa mga paa ko. Napalunok ako. "I'm on my way home now. Let's go.." nagtaka ako dito. Anong uuwi na?. Tanghaling tapat palang?. Kumunot ang noo ko kasabay ng paghaba ng nguso. "We need to make some time for our children." dagdag nya pa na mas lalong naging dahilan sa pananahimik ng kapaligiran. Nakakabingi na ang kawalan ng ingay sa paligid. "Babe, are you okay?." ngayon na nya hinawakan ang baba ko para iangat. Umawang lang ang labi ko. Not on my senses. Tas kita ko kung paano sya tumawa. Na sa ngayon. Bihira ko nalang nakikita. "You are really adorable.." pinisil nya ang tungki ng ilong ko bago kinuha ang kamay ko upang mahawakan nya ito. "Tsk. Speechless ha?." dinig ko pang bulong nya. Kingwa! Sinong hindi magugulat sa kanya?. Kanina lang. Kulang nalang lapain ako ng mga Leon sa harapan ko para lang umamin ako sa kung totoo ba ang relasyon ko sa boss nila tapos ngayon?. Heto aya bigla. Sa gitna pa ng mga mata nila. Ginagawa ang lahat ng to?. Grabe! Parang nabitin sa utak ko kung ano bang dapat na maramdaman ko.

"We have to go. Please. Excuse us." paalam nya sa lahat. Naglakad na sya. Hila hila ako. Kalaunan. Huminto sya't tingnan ako sabay sabi ng, "Yung bag mo nga pala." saka ko lang din naalala na oo pala. Wala pala ako sa kdrama. LoL!.

Binalikan nya nga ang bag ko. Mabilis lang naman. Ilang hakbang nya lang. Saka muli syang nagpaalam sa lahat. Kumaway pa nga sa kanila. Ako?. Susmaryosep Bamby! Nasaan ang utak mo?. Nalunok mo na ba?. Bat hindi yan gumagana?.

Maging sa elevator. Sa amin pa rin ang mata ng lahat. "Babe. Pwede ka ng magsalita. Hahaha.." he teases me when we got in on his luxury car. Agad ko syang pinalo sa braso. "Para saan naman yun?." ngumuso pa sya. Hawak ang pinalo ko.

"E kasi. Para kang kabute. Pasulpot-pasulpot ka lang." humaba talaga ang nguso ko. Nakakainis kasi sya.

"Of course. Hindi ako bingi para di marinig ang lahat ng nangyayari sa'yo."

Tumaas tuloy kilay ko. "So, you knew?" takang tanong ko pa.

"Hmm.. little did you know. I have eyes and ears there. Lahat ng mga ginagawa mo. Pinapagawa sa'yo. May gusto sa'yo. May ayaw sa'yo. Alam at kilala ko. Everything about you babe." kinilabutan ako ng bigkasin nga ang 'babe' na yan. It feels so refreshing. Tsaka. Anong may gusto sakin?. Pati ba naman iyon?. Di na nagtanda. Hayst!

"Babe huh?." pang-aalaska ko rin.

Tas hinanap nya ang mga kamay ko. Hinawakan nya ito at hinalikan ng sabay. "I miss you so much babe. Marami akong kailangang tapusin pero mas higit ka pang mahalaga kaysa sa mga yun."

"Ikaw naman kasi. Ginawa mo ng bahay yang office mo. Pati si Knoa. Malapit ng magtampo sa'yo." totoo. Once a week o minsan sa dalawang linggo ang uwi nya samin. I want to question him once. Get pissed about his sched but I always reminded myself na this is not just about me and him. Hindi na gaya dati ang lahat. Marami ng nagbago at hindi nalang kami at ng pamilya nya ang nakadepende sa kanya. Marami ng pami-pamilya. Bawat oras naman din ang tawagan sa pagitan namin. Kaso. Iba pa rin talaga kapag kasama namin sya. Lalo na ng mga bata. Baka mamaya. Iisipin na nilang. Si Kuya ang Tatay nila. Maiiyak nalang sya.

"I'm sorry babe. Promise. I'll make time for us from now on." anya na muling humalik pa sa mga kamay ko bago ang sa tungki ng ilong ko't pati ng noo.

Mabuti nalang talaga. Dumating sya sa tamang oras. Dahil kung hinde. Hindi ko alam kung saan aabot ang pasensyang baon ko sa mga taong ginigipit lagi ako. Yes. I am kind and gentle but bitch. I have my limits. Don't tell me na hindi ako lalaban kapag kailangan na. Sasabihin ko na. Di ko rin gusto ang sarili ko kapag naubos ang pisi ng pasensya ko. Para akong ibang tao na di ko pa kilala. Ganun.