Pumunta sina Papa sa bahay gaya nga ng kanyang sabi. May mga dala pa silang groceries na para bang ilang linggo sila kung sa amin titira. I joked them kung lilipat bahay na ba sila o papasyal lang. At ang sabi lang nila'y, masama bang dumito muna kahit mga ilang araw lang?. Yan ang isinagot ni Papa. Tinawanan ko sya. Wala naman akong binanggit na ganun. Paanong nalaman nya nasa isip ko?. I can't stop laughing. Ang nangyari tuloy. Imbes sila lang ni Mama ang magbabakasyon sa amin ng isang linggo, nakisabit din ang isa. Ang paalam pa nya'y, sino raw magiging driver ko kapag umuwi sya?. Aba, para namang di ako marunong magmaneho. Nirason nya ba naman ang pagbubuntis ko. Bakit sya ba nagdadala para alam nyang di ko kaya?. Baliw din minsan. Tuloy, hindi panawan ng mainit na luha ang gilid ng aking magkabilang mata. Masyado akong masaya dahil andito sila't nilalagyan ng ingay ang buong kabahayan. Wala man si Jaden dala ng kanyang abalang trabaho ay pinupunan naman nila ito.
"Oh, tara na?.." kanina pa itong si kuya, makulit. Papunta kami ngayon sa office ni Jaden kung saan ilang milya ang layo mula bahay. I mean. Simula ng ikasal kami't pagkatapos ng ilang araw na honeymoon ay bumalik ulit kami ng Australia. Andito kasi ang hanap buhay namin pareho at di namin kayang basta nalang iwan. Kakatapos ng meryenda namin sa hapon at gusto kong makita si Jaden kaya si kuya ang magiging driver ko. At ang lagay, para bang, sya pa ang mas excited kaysa sa akin. Patawa lang. Asan ba kasi ka-lovelife neto?. Masyado nang napag-iiwanan eh. Lol.
"Sama." tumalon itong si Knoa mula sa pagkakahiga sa binti ni Mama sabay taas ng kanang kamay nya.
Napahalakhak bigla si Papa sabay turo sa kanya dahil yung suot nyang t-shirt ay may butas sa mismong kili-kili.
Hay... Bat di ko napansin iyon?. Kawawa naman baby ko.
May lungkot akong naramdaman para sa bata. Agad ko iyong pinatanggal subalit mahigpit nya akong tinanggihan at ang sabi pa ay, may presko raw yung suot nya ngayon.
"Baby, wag nang sumama. Malayo ang pupuntahan nila Mommy." mahinahong paalala ni Mama sa kanya. Pinaupo nya pa ito upang itago ang butas sa kanyang damit subalit heto at halos masamid pa si kuya na umiinom ng tubig ng batuhin ni Mama si Papa upang pigilan ito sa pagtawa.
"Pero gusto ko pong makita si Daddy." nguso nito sa Lola.
"Gusto nga kasi nya Mama." kunsinti rin ni Kuya sa bata.
"Stop talking Lance." sinamaan nito ng tingin ang nang-iispoiled na tao. Hindi na nagsalita si kuya at ipinakita pa kung paano nya izipper ang kanyang labi. Baliw din kasi. Kunsintihin ba naman ang bata. Sya pa nga nagsabi na wag pagbigyan lahat ng gusto nito tapos eto sya ngayon, pinagpipilitan ang gusto ng pamangkin. Grr!.. Sarap tuktukan.
"You can see him through video calls baby." dahilan pa ni Mama sa bata para wag na talagang sumama. Malapit na kasing gumabi. Baka mapagod sya't magmaktol bigla.
"No po Mamila. I want to see Daddy." pilit rin nya. Kaya ang nangyari. Nasunod ang gusto nya. Bumyahe kami past four na.
"Mag-iingat sa pagmamaneho Lance." paulit-ulit na paalala ni Papa kay kuya. Puro tango lang din ang sagot ng isa. Nung una ay maingay ang Knoa sa gitna ng byahe subalit kalaunan ay nagpabili ng pagkain at dinatnan na ng antok.
Dalawang oras yata o higit pa ang inabot namin sa daan bago namin narating ang building na pinagtatrabahuhan ni Jaden. Naunang bumaba si kuya para alalayan ako sa pagbaba. Pareho kaming nasa likod ng bata. Nung una ay katabi ko si kuya sa drivers seat ngunit pinalipat ako nito para mas maging komportable ang bata sa pagtulog. Kaya heto kami't medyo hirap sa pagbaba.
"Careful Bamby." ako pa inalala nya. Buhat na nito si Knoa ng walang kahirap hirap. Samantalang kapag ako, naku. Hindi na ako makahinga ng normal. Mabilis syang lumaki. Maging ang kanyang timbang ang dumoble pa. Paanong di ka mahihirapan Bamby?. Hay.. Mabuti nalang at di umuwi si kuya dahil tama sya at mali ako. Kailangan ko na talaga ng kasama sa pag-aalaga kay Knoa lalo na pag labas ng baby number two namin.
"Good evening ma'am. How can I help you?." yan ang bungad ng isang blandinang babae. Malaki ang ngiti nito habang gumagala ang mata nya sa bandang likuran ko. Nagnanakaw ng tingin kila kuya.
"I need to talk to Mr. Jaden Bautista." direkta kong sabi without thinking twice yet. Tinanong nya ako kung may appointment ba ako sa boss nya ang sagot ko ay wala.
"I'm so sorry ma'am but you need to make an appointment first before meeting him." nalukot ang mukha ko sa sinabi nya. Naramdaman ko ang paghakbang ni kuya papunta saking tabi. "Then call him and ask who is Bamby Eugenio in his life." kinabahan ako sa kung paano magsalita si kuya sa babaw. Bakas sa boses nito ang pagod at galit kaya siguro medyo nataranta yung babae. We didn't even bother to know her name dahil puno ako ng inis. Ganun din yata si kuya. Bumabakas na ito sa kanyang noo, lukot na.
Tumawag ang babae gamit ang telepono. Nagsalita subalit di ko na iyon binigyan pa ng pansin ng biglang magising si Knoa. "Mommy, I need to pee." luminga ako't hinanap ang banyo subalit di ko mawari kung nasaan. Binaba sya ni Kuya at basta nalang tumakbo. Sinundan ko sya at pinaiwan si kuya sa babae. I called Knoa dahil basta nalang itong sumakay ng elevator. May iilan pang mga tao sa loob kaya di ko nalang pinagalitan. Bumaba kami sa 10th floor kung saan purong abo ang kulay nito. Ito na ba yung office nya?. I question myself dahil di ko na tanda kung nasaan iyon.
"I guess, where on the wrong floor Knoa." sambit ko pa. Hinawakan sya sa kamay para di na naman tumakbo.
"Daddy is here." iyon lamang ang sinabi nito. Kokontra na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng isang silid at iniluwa ang bulto ng isang babae na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang damit. Ang butones ng kanyang blusa ay hindi pantay sa pagkakalagay habang ang suot na palda ay ang syang pinagtuunan ng pansin. Without realizing it. Humakbang ako papalapit sa kanya. Nagulat ko yata sya dahil napaayos sya ng tayo ng makita ako. Nagtagal ang tingin nya sakin. Pinasadahan pa nga ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nginisihan ng nakakaloko.
"You, where's Daddy?." biglang tinuro ni Knoa ang babaeng presko na ngayong nakatayo sa harapan ko. Yumuko pa nga sya kahit na ang kanyang damit sa hinaharap ay nakikita na ng bata ang dapat itago.
You?. Sya?. Wait?. Sya ba yung secretary ni Jaden?. What the heck!. Bat ganyan itsura nya?. Di kaya--?.
No Bamby! What kang mag-isip ng ganyan. Damn Jaden! Wag ka lang magkamali na gawin ang naiisip ko dahil kung hinde, naku! Di ko na alam.