"Where is Jaden?." naging marahas ang pagpintig ng aking puso sa sariling tanong. Hindi ko mapigilan ang kabahan ng ganito dahil sa ikinikilos ng taong kaharap ko. Ganyan ba dapat umasta ang isang secretary kapag office hours?. Atsaka, anong tumatakbo sa isip nya't malaki ang suot na ngisi sa labi ngayon?. What the hell Bamby!?. Wag ka nang magtanong! Pumasok ka nalang. Wala namang mawawala kung susubok ka diba?. Pero sa isang banda. Ang kabilang isip ko ay mabilis kumontra. Hindi ba bastos ang tawag kapag basta nalang akong pumasok ng walang kahit na anong pahintulot?. Ayos lang ba yun?. Bat ka pa magtatanong kung asawa ka naman ng may-ari ng building diba?. You have all the right Bamby. Kaya go na!.
"He's inside." nagpacute pa ang amp!.
Seryoso ba talaga tong babae na to?!. Gusto nya yatang makalbo eh!.
"Bamby, let's get inside. " inakbayan pa ako ni Kuya para akayin na papasok sa loob subalit hindi ko maihakbang ang aking mga paa. May dahilan pa ata para manatili ako rito at kausapin ang babaeng to.
"Is he busy?." tell me I'm crazy but I can tell you also that, this is my way of finding things that can calm me. Gusto kong marinig ang sagot nya. Kung oo man o hinde dahil kahit ano pa man sa dalawa ang sabihin nya ay papasok pa rin naman kami sa office nya. Gusto kong patunayan sa sarili ko na mali ang mag-isip hanggat wala pang patunay. Hindi sa kumakapit ako sa ginagawa na ng isip ko. May kung ano kasi sa akin na bumubulong na maniwala ako rito. Tuloy. Dahil sa pagkalito, hindi ko magawang ikuyom ang mga palad ko.
"He's very busy." ngumisi pa ang gaga. Ang sarap sarap sabunutan ng umaalon nitong buhok. Kung hindi lang ako hinawakan ni kuya sa braso, baka kanina ko pa nagawa tong nasa isip ko.
"Tama na yan. Nasa paligid si Knoa." muli akong pinaalalahanan ni Kuya. Bago ako sumuko sa bulong nya.
Nilabanan ko muna ang titig ng babae hanggang sa sya na ang unang umalis sa harapan namin. At take note. Imbes na sya pa dapat ang umassist sa amin dito para pumanhik sa loob dahil secretary sya, hinde. Kingwang babae! Mas iuna pa ang paglandi sa kung saan saan ang mata. Kahit anong gawin nyang pagtataray pa kanina ay nahuli ko pa syang tumitingin kay Kuya. No way! Kung ikaw lang magiging asawa ng Kuya Lance ko?. Wag nalang!. Thanks but NO THANKS!.
Minasahe pa ni Kuya ang kaliwang balikat ko kung saan doon sya nakaakbay para mapakalma ako. Humakbang kami patungong pintuan. Saka ko lang din naramdaman ang maliit na kamay ni Knoa sa may laylayan ng damit ko. Nakakapit lang sya doon.
Tama nga si Kuya. Nasa paligid si Knoa at kapag nangyari nga ang nasa isip ko pang pagsampal o kung ano pa man sa babae ay baka isipan nyang tama iyon. Baka sabihin nyang tama lang na manakit ng tao sa paraan ng pisikal.
"Is Daddy really busy?. I want to play with him tonight." ngumuso pa ang bata sa mismong kaharap ng pintuan. Para bang nagsasalita ang bagay na iyon at kusang sasagot sa kanya.
"We'll never know." si Kuya na ang sumagot nito. Dahil ako, kahit kumalma na ng bahagya ang loob loob ko. Mayroon pa rin sa akin yung uling na nagbabaga. Mapaypayan lamang ito ng kaunti, awtomatiko itong uusok na naman saka magliliyab at di magtatagal ay sasabog. "Stay calm Bamblebie. Makakasama sa baby kapag naistress ka."
Parang nang oras na binanggit ni Kuya ang baby ay duon lamang nagbalik sa tamang katinuan ang buong ako. Muntik ko nang makalimutan na nagdadalang tao pala ako. Susmiyo Bamby! Mabuti nalang at hindi mo kinalbuhan yung babae dahil kung nangyaring ginawa mo iyon, baka mas mabigat pa balik sa'yo. Iyon ay ang mawalan ng anak. Shit! Naiisip ko palang ang bagay na ito. Naiiyak na ako. "Thanks Kuya." I suddenly cry. Hinarap ako ni Kuya at marahang niyakap.
"I know. Wala iyon. O, nakita mo na?. Diba sabi ko sa'yo kailangan mo na ng kasama." he pointed out. Di ko tuloy matukoy kung tanong ba ang sinabi nya o hinde. Dala ng halo halong emosyon at pagod na rin. Hindi ko na mapigilan pa ang umiyak sa balikat nya.
"Daddy!." sa kabila ng pag-alis ko ng mga damdaming mabigat ay dinig ko pa itong boses ni Knoa sa buong hall. Bumukas na ang pumagitan sa hallway at sa office ni Jaden. "Daddy!. Daddy!." magiliw nang bati ni Knoa sa kanya subalit wag mo na akong tanungin dahil kahit iyon palang ang naririnig ko mula sa anak namin ay bumubuo muli ng panibago at mainit init na luha ang mata ko. "Look!. Mommy is crying." ito ang di ko inexpect. Alam pa ng anak ko na malungkot. I can't.
"Anong nangyari?." dinig kong lumapit ang boses nya. Agad ding nanuot sa ilong ko ang nakakaadik nyang pabango at dumaan iyon sa lalamunan pababa na hanggang sa aking puso. Lalong lumakas ang kalabog nito ng hawakan nya ako sa magkabilang balikat at yakapin nalang bigla. Doon lalo akong humagulgol sa dibdib nya.
"Ikaw.." sinuntok ko ng isang beses ang kaliwang parte ng dibdib nya dahilan para bahagya syang mapaatras. Nagulat pa ata dahil sa ginawa ko. "Bakit di ka umuuwi?." araw ko lang syang di nakita pero pakiramdam ko, taon na iyon at higit pa. Oa man sa tingin ng iba subalit iyon ang dinidikta ng aking puso't isipan.
"Oh damn!. Baby, I'm so sorry. Sorry. Sorry.." mas lalo akong napahagulgol sa sinabi nya habang pinapaulan ng halik ang noo at buhok ko. Maingat nya akong inakay sa loob ng office nya. Wala na doon sa hallway sina Kuya. Nauna na yata sa loob. Hindi nga ako nagkamali dahil presko na ang dalawa sa may mesa ni Jaden.
Nang magkatinginan sila ni Kuya. May isinenyas lang sya dito at gumalaw na rin ang isa. Tumingin ako sa may orasan at limang minuto nalang pala bago mag-ala otso ng gabi. Ganun kami katagal humarap doon sa bruhang iyon?. Erk!
Because of mix emotions. Kaunti nalang ang nakain ko't nakatulog na kaagad.