Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 23 - Chapter 23: Adorable Knoa

Chapter 23 - Chapter 23: Adorable Knoa

"Mommy, wake up!. Wake up!." doon ako nagising sa tawag ni Knoa. Niyugyog pa ako para talagang matauhan na.

"Hmm.. morning baby. What is it?." I asked growling. Bumalikwas ako upang makita ito. Nakaayos ito ng damit at di na suot ang pangtulog. "Where are you going?. Where is your Tito and Daddy?." ngumuso sya't bahagyang nagsalubong ang kilay. Para bang hindi nagustuhan ang tanong ko.

"They're already gone." napaupo ako ng wala sa oras.

"What gone?. Sinabi ba kung saan sila pupunta?." umagang umaga. Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon?.

Nagkibit balikat sya bago padabog na humalukipkip. "I want to go with them but they told me that I should be here when you awake. So.."

Napanganga ako. Ganun ba iyon?. Kaya ba hindi maipinta ang mukha nya dahil sa akin?. Dahil di sya nakasama sa kanila ng dahil sa Mommy nyang tulog pa?. Susmiyo naman kasi Bamby!. Bat tinanghali ka na ng gising eh?. Lihim kong nailagay ang palad sa noo dala ng pagkadismaya sa sarili. Nalungkot tuloy ang Knoa ko.

I fix my hair bago pinagsalikop ang mga palad to say that I am very sorry for him. "I'm sorry baby. Mommy is too late when waking up so early.."

"I know right.." gusto kong matawa sa batang to. Alam nya ba sinasabi nya?. Sino kayang nagturo ng ganito sya sumagot?. Susmiyo!. Naiisip ko palang si Kuya Lance ay natatawa na talaga ako. Magiging katulad nya si Kuya paglaki nya. Hay...

Sinilip ko kunyari ang mukha nya dahil bahagya itong nakatagilid sa akin. Ayaw ipakita ang busangot nyang itsura. "Are you mad?."

"Who's not Mom?."

Ay aba!. Sumobra yata ang sagot nya?. Hmmm... Bakit kaya galit na galit to?. Kukutusan ko yung dalawa na yung pag nalaman ko kung anong ibinilin dito. Nakakainis.

"Okay. Knoa is mad so meaning, Mommy should make it up for him, right?."

"Yes.." mabilis pa sa takbo ng tubig sa shower pag naliligo si Jaden ang sagot nito. Geez..

"What should Mommy do next then?." I asked calmly dajil ramdam kong konting konti nalang iiyak na to.

"Mommy should take a bath. Cook for breakfast and lunch and dinner and sleep again." kailangan ko nang kagatin ang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa. So adorable!. Gusto kong kurutin ang pisngi nya pero baka matrigger ito at lalong sumabog ang tinitimpi nyang iyak.

"Ohhh..." and in awe tone. I even clear my throat before making a move to clean up my bed and all the stuff around him. I secretly fix my dress dahil di man lang inayos ng taong yun. Bwiset!.

Habang nag-aayos ako ay di man lang gumalaw ito sa kinatatayuan nya. Kaya pagkatapos ng lahat ay umupo ako sa harapan nya. Kita ko pa kung paano nya kagatin ng mariin ang labi dala ng di galit o inis siguro. I can't guess what's going on inside of him. Paanong iniwan nila ito ng may kasama pang mga bilin?. Mga lokong iyon!. Makakatikim talaga sila sakin ng suntok pag balik nila.

"Mommy is apologizing. Would accept it?." tapos ko nang sinabi ito pero di man lang nya ako tinignan . Iwas ang mata nya ngunit tanaw kong namumula na ang gilid nito. "Don't cry baby. Mommy is saying sorry now.." pagkatapos ko lang sabihin ito ay dinig ko na ang paghikbi nya.

Oh damn! Baby, bat pati ako naiiyak na rin?..

"Oh baby?.." gumapang ako papunta sakanya. Di ko alam bat pinanood ko muna syang tahimik na humihikbi bago binigyan ng yakap. "I'm sorry. Sorry for Mommy."

Matagal bago sya tumahan. Marami na akong sinasabing pampalubag loob pero di pa rin ito paawat. Like damn those boys. Saan kaya nagpunta at nawawala nalang bigla?

Di nagtagal ay nakatulog nalang ito kakaiyak. Binuhat ko sya patungong kama at doon kinumutan. I kiss his dense cheeks bago bumaba. Naligo ako't inayos ang sarili bago pumanhik sa maliit na kusina. Noon ko lang naalala na tawagan ang isa sa kanila. Tanghali na kasi at wala pa nga sila. Tama ba ang nadinig ko mula sa bata na hanggang dinner silang wala?. Hay naku!. Dinala pa kami dito. Aalis rin pala sila. Tsk.. Humanda talaga sila sa akin pagdating nila!...

"Hello.." si Jaden to. Sya na ang tinawagan ko dahil kapag si Kuya ay baka mamura ko lang sya. Nakakabanas!. Umagang umaga susmiyo!. "Is Knoa okay?."

"What do you think?." di ko mapigilan ang maging sarkastiko sa kanya. Dala ng inis ko'y di ko na makontrol ito.

I heard his heavy sigh. At ang ibig sabihin lang nun, may kasunod ang buntong hininga nya. His explanation, of course. "Look babe. Di namin sya sinama kasi malayo ang byahe." umpisa nya. Di ako umimik. I want his explanation on point. Ayoko ng maraming paliko. Wala akong pasensya sa mga ganun ngayon. "Lance is taking his exam later at 3pm. You know. Harvard University?."

Muntik ko nang nakalimutan. Oo nga pala. Doon unti unting bumaba ang kulo ng dugo ko't umabot na sa talampakan ko. Kumalma ako't naging mababa na ang boses ko. Matik ring nawala ang pagiging sarkastiko ko't naging malambing na to. "Bat di nyo kasi ako ginising?."

"Mahirap gisingin ang isang tulad mo babe. Baka masapak mo lang kami. Hahaha.." natawa pa talaga sya?. Alam din nila eh. Marunong. So that clears na ganun yung mukha nung bata. Inutusan dahil alam nilang bata yun. Tsk.

"Ah. Kaya pala ginamit nyo yung bata ganun?." hamon ko.

"Di naman sa ganun. Sadyang, no choice na kami kanina. Ayaw pa ngang magpaiwan eh. Sinabi ko nalang na lalabs tayo pag-uwi namin para na di na umiyak.."

"Pero umiyak pa rin sya. At sobrang sama ng tingin sakin. Ako pa masama ha.."

"Ahahahaha.." I heard Kuya Lance is also laughing.

"Bwiset kayo!. Matraffic sana kayo.." nakakaasar tunog ng boses ni Kuya. Bwiset talaga!. Sarap batuhin ng babasaging plato.

Ang hardcore mo Bamblebie ha?. Kumalma ka nga!.

E paano nga?. Naiinis ako!. Geezzz...

"Oy oy!.. Wag naman ganyan. Paano na plano nating outing pag ganun?. Sige ka. Mas magagalit Knoa sa'yo.." pananakot pa nya. Nanay kaya ako. Alangan ako ang matakot sa kanya. Baliktad ata. Sya dapat sa akin.

"Bahala kayo!. Kahit dyan na kayo tumira. Wag na kayong umuwi..Bye!."

"Babe?." marahas kong ibnaba ang cellphone at inoff ito. Dinig ko pa ang pagtwag ni Jaden pero binalewala ko na iyon. Kahit ganun. Dasal ko pa rin na nawa'y maging maayos lang si Kuya sa exam mamaya. Matagal pa naman hapon kaya mamayang pagkatapos kumain ko nalang iopen cellphone ko. Mang-asar man lang sa kanila. Nakakaasar kasi sila eh. Pinipikon ako. E madali pa namang uminit ulo. Alam na pag naglilihi.