Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 25 - Chapter 25: Emergency Meeting

Chapter 25 - Chapter 25: Emergency Meeting

Pagkapahinga. Nagshower ako bago muling bumaba. Nadatnan ko na silang tatlo sa may kusina kung saan abala silang nagluluto.

"Ang bango naman nyan.." naamoy ko na ang pinaghalong asim at tamis ng adobong baboy.

"Syempre. Gwapo nagluluto eh." pagyayabang pa ni Kuya. Inirapan ko sya.

Gwapo nga, wala namang jowa. Ano kaya yun?.

"Psh. Anong konek ng adobo sa mukha mo?. hahaha.." pang-aasar ko. Kita kong kumurba ang gilid ng kanyang labi. Talaga nga namang nasa ASSHOLE MODE sya.

"Alam mo kapatid. Kapag kasi may itsura nagluluto. Matik na yang masarap."

"Bwahahhahaha.. e ano ngang konek?. Mukha mo ba iniluto mo para sabihin mong matik nang may lasa yang adobo mo?." patuloy ko. Hinawakan nito ang sandok saka inihalo ang kumukulong karne ng adobo. I walked towards them para silipin iyon. Kingwa! Bat amoy palang, parang masarap na?.

"Hopia. Mani, popcorn. Bawal tignan.." tulak nya ako gamit ang kanan nitong kamay.

Ang arti kahit kailan!. Sipain ko kaya pwet nya o di kaya yang mukha na nya para bawas yabang. Heck!. Ang tanong Bamby. Kaya mo ba?.

Ofcourse! Ako pa. Sumbong ko yan eh. Kanino naman?. Sa jowa nyang nawawla. Lol!.

"Sus.. Ang dami nitong arte. Makikita ko naman yan mamaya eh." pagdadahilan ko pa. Sumandal ako sa likuran ni Jaden kung saan naghahalo ito ng mga hindi nalutong gulay. Vegetable salad daw.

"Babe, wag asarin ang Kuya, baka di ibagay yung pasalubong mo." suway sakin ng asawa ko.

"Pasalubong?. Talaga?." muntik ko pang nakalimutan na may ginagawa itong si Jaden. Mabuti malakas ito at hindi natumba sa paraan ng pagkakasandal ko sa kanya.

"Hmm.. wag kang maingay bro. Nagdalawang-isip na nga ako eh."

"Ano!?. Uy Kuya!. Bawal bawian ha.." nguso ko sa kanya. I hug the back of Jaden dahil para akong hinihila nito sa pagtulog.

"It depends. Duh?."

"Bwahahhahaha!." maging si Jaden ay hindi napigilan ang paghagalpak. Kahit pa nga si Knoa ay natawa kahit hindi yata naintindihan ang takbo ng usapan namin.

"Tito Daddy is so funny. Hahaha.." anya pa. Sinabi sa kanya ni Kuya na sa kanya nalang daw nya ibibigay yung sakin dapat. Sinimangutan ko sya. Binantaan pa nga na kapag di nya ibigay iyon, hindi ko sya hahanapan ng kasintahan. Pinagtawanan nya lang din ako. Ang sabi nya. Di nya daw kailangan ng kasintahan dahil kuntento na raw sya sa achievements nya ngayon. Napa- e di wow nalang ako. Baliw din kasi. Sabi nang, magseryoso na sa babaeng mahal nya eh. Matigas pa rin ang ulo. Ayaw habulin ang buhay ng kanyang puso. Tsk. Bahala na nga sya dyan. I can't blame him kung sa huli ay maiiwan syang tigang.

"Luto na ba yan?. Naiinip na akong manood sa pinaggagagawa nyo."

"Magtiis ka dyan.." humirit pa sya talaga.

"Jaden, kahit yung salad mo nalang.." kay Jaden ako nagpacute. Sigurado akong di nito ako matatanggihan.

"Hmm.. matatapos na to." anya. Mabuti pa tong si Jaden ko. Malambing sakin. Lahat ng gusto ko. Binibigay nya. Samantalang ang isa dyan. Naku!. Saksakan ng pang-aasar sa katawan.

Kalaunan. Hindi na rin nila natiis ang gutom. Ang oras na ang nagsabi sa kanila.

"Let's eat.." maging si Knoa ay nauna nang umupo sa sarili nitong pwesto. Gutom na rin. Sumunod din akong umupo sa kaliwang bahagi ng mesa kung saan sa puno naunang umupo si Kuya. Si Jaden dapat duon eh. Asar lang. Tuloy, sa tabi nalang ng bata sya umupo. Magkaharap kami.

I ask kung kamusta ang exam ni Kuya. Sisiw. Yan ang tanging naisagot nya. Ang yabang talaga!!

Hindi ko na sya kinulit pa tungkol duon pero sa pasalubong?. Hindi ko sya tinantanan.

"Kuya, ano nga kasi yung pasalubong mo?."

"Nagbago na isip ko." simple nyang sagot. Nasaktan ako bigla sapagkat, hindi ko inasahan na ganun nalang kadali magbago ang desisyon nya. Ang sarap nyang pukpukin sa noo.

"Okay." malamya kong sambit. Sabi nang, wag kasing umasa sa wala Bamblebie e. Tuloy, hayan ka't hindi na maipinta ang mukha. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain at hinayaan silang mag-usap. Kahit nga ang anak ko ay muntik ko nang makalimutan sa sama ng loob.

"Babe, I have to leave." maya maya ay nagulat ako sa biglang bumulong sa akin. Muntik ko pa ngang masapak kung sino man sya pero nang marinig ang salitang Babe. Si Jaden pala. Binitawan ko ang hawak na kutsara at tinidor para pagtuunan sya ng pansin.

Nangunot ang noo ko. "Saan ka pupunta?. Kakauwi mo lang eh."

"May emergency meeting sa office. Kailangan ako duon."

"Bakit daw?. Anong nangyari?." nag-aalala ako sapagkat gumagabi na.

"Basta Babe. I have to go. I love you. I'll call you later pagkatapos." humalik lamang sya sa noo ko tapos kumaripas na ng alis sa hapag. Natanaw kong, hindi pa gaanong naubos ang nasa plato nya. May kirot akong naramdaman para sa kanya. Kahit ang pagkain nya ay di na nya maasikaso dahil sa trabaho. Jaden ko. Stay healthy please.

"I love you too. Take care okay?." I texted him. Di ko sya nasagot kanina. Nagmamadali kasi sya.

"I will." he replied.

Natapos ang hapunan na tahimik ang mesa. Kung wala pa ang mga pabigla biglang pagtili at pagkanta ni Knoa ay nabingi na kami ni Kuya sa katahimikan.

"Tsk. Tama na yang pag-iisip. Here." nasa sala ako, nakaupo. Nakaon ang tv pero wala akong maintindihan dito. Iniabot sakin ni Kuya ang isang malaking kahon na kulay puti.

"What is that?." tanong ko. Nawala sa isip kong gising pa pala ako.

"Your pasalubong. Open it." he cheerfully nodded at me. Knoa is heading towards us. Habol habol ang alagang aso.

Binuksan ko nga ang kahon. Laglag ang panga ko. Tsokolate?.

"LA Burdick?." Basa ko sa pangalan ng kahon.

"Hmmm.. Jaden said na bilhan ka ng ganyan dahil favorite mo daw ang sweets ngayon."

"Si Jaden?."

"Yes po. He even ordered plenty of that. So damn spoiled wife, little Bamblebie." I just bit my lower lip. Pinipigilan ko ang pagluha. Tinapik pa ang ulo ko ng ilang beses. "I know you're thinking right now. Magtiwala ka lang sa kanya at sa kakayahan ng asawa mo."

"Sinabi nya ba sa'yo kanina kung anong emergency sa office nila?."

"Nope. Pero alam kong kaya nyang bigyan ng solusyon ang problema na iyon." he just answered this.

Hindi na muli ako nagtanong dahil mukhang di nya rin naman sasabihn ang totoo. Nagpasalamat ako sa pasalubong nya. At sa parating pang mga chocolates. Ang tanging hiling ko lang ay, sana maayos na agad ang kung anumang problema ng Jaden ko. Ayokong nakikita syang nahihirapan.