Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 26 - Chapter 26: Scared

Chapter 26 - Chapter 26: Scared

Nagpatuloy ang morning sickness ko. Lumala pa nga dahil lagi akong nahihilo. Ang gusto lang ay matulog o nakahiga. Bawat minuto ko pa kung tawagin ang Jaden. Di ko alam. Wala naman dapat ipangamba subalit itong isip ko. Pilit binubulong na mayroon. Na dapat higpitan ko sya't wag hayaan na lumapit sa iba. Nakakapraning! Tipong, kahit wala naman syang ibang ginagawa kundi kausapin lang ako't kamustahin ang Knoa subalit, heto ako't pinagbibintangan sya sa bagay na wala namang katotohanan.

"Hello mahal." here I am again. Kakagising ko lang. Hapon na pero wala pa rin akong natatapos kahit na isang trabaho.

"Yes baby ko. Miss na miss mo na ba ako?. Hahaha.." tapos hayun lang sya't natatawa. Nakailang tawag na kasi ako sa kanya. Take note. Di pa natatapos ang isang buong araw.

"Hmm.. kailan ba kasi uwi mo?. Nakakainis ka, alam mo ba yun?." naiinis ako sapagkat mas mahal na yata nya ang kanyang trabaho kaysa sa akin, o sa amin ng anak nya.

Lumawak ang kanyang halakhak. Napapikit ako dahil para iyong magandang musika na hindi nakakasawang pakinggan.

"You want me to be there now?." sutil pa nya. Humaba tuloy ang nguso ko. Ginulo ko ang buhok na parang bata.

"Nakakainis ka na talaga!." may diin ko itong binigkas upang malaman nyang di ako nagbibiro.

"Ahahahahahahahah... naku naman!. Miss na ako ng Diwata kong asawa.. Napakaswerte ko nga naman.." anya na para bang sarili nya ang kausap nya riro. Napabuntong hininga nalang ako. Mabuti alam nyang maswerte sya pagdating sa akin. Ako din naman sa kanya dahil kahit tinotoyo ako minsan, andyan pa rin sya sa tabi ko. Hindi nang-iiwan.

"Jaden kasi.." I sounded like ugh!. So clingy Bamby. Wake up geez!..

Tumawa na naman sya. Mas lalo namang humaba ng humaba ang nguso ko. Kung andito lang sya. Paniguradong, isang halik na naman ang nakuha ng labi ko sa haba na nya ngayon. Sa kabaliwan ko ay, kinuhanan ko ang sarili ko ng litrato. Nakanguso. Salubong ang kilay at hindi maintindihan na buhok. Tsaka mabilis kong ipinadala iyon sa kanya gamit ang messenger.

He just reached to my photo. With a wild laughing emojis.

Nakita ko iyon at agad na sinundan ng isang galit na emoji.

"Baby, you're still gorgeous." anya with a wink emoji. Along with the red heart. "Wag kang mag-alala. Pauwi na ako. Wait me there, okay?."

Napaayos ako ng upo sa sumunod nyang chat. "Anong gusto mong pasalubong?."

"Some fluffy bread please and..." sinadya kong wag muna sabihin ang kasama ng chat ko.

"And what?."

"Ugh!. You, Jaden. I miss you."

Hindi na nya sineen yung last chat ko. Napasimangot ako sapagkat bigla syang nawala.

And in a span of seconds. Nag-ring ang phone ko. It's him. He's calling.

"I'm coming. Wag nang malungkot ha?."

"Are you sure?."

"Yes. Sasamahan kita sa clinic. Diba ngayon yung check up mo?."

Buti pa sya, naalala nya. Ako?. Nawala na bigla sa isip ko nung marinig ang boses nya.

Sinabi kong ngayon nga iyon at hapon na. Di ko malaman kung anong gagawin ko na sapagkat hindi ko mahabol pa ang oras na nakatakda sana. Sinabi ko rin kay Jaden na baka sarado na yung clinic at sabi nyang, sya na raw ang bahalang kumausap dun sa doktor. Pagkatapos magpaalam sa kanya. Tinawanan pa ang kabagalan ko ngayon. Bumaba na ako para tignan sina Kuya Lance at Knoa. Tinawag ko sila sa kahit saang sulok ng bahay. Walang tao. Dinial ko sa phone ang numero ni Kuya at duon lang nalaman na nasa park daw sila. Request daw nung bata. "Umuwi na kayo. Pauwi rin si Jaden." nagulat sya nung binanggit kong uuwi ang asawa ko. Baka raw kasi di pa tapos yung ginagawa nya sa office nila. Giit ko naman. Mas uunahin pa ba nya trabaho kaysa sa asawa nyang nangangailangan ng kalinga nya?. He added. I should learn now that, he is now a business tycoon. Priority talaga nito ang negosyo. Nagalit ako kay Kuya at binabaan sya ng tawag.

Minuto ang lumipas. Sila ang unang dumating. "Bakit daw uuwi sya?." yan ang bati sakin ni Kuya. Hindi na nya pinansin pa ang hindi maipinta kong mukha.

"Duh Kuya!. I need him. Di pa ba sapat na dahilan iyon?." I rolled my eyes. Kumukulo na naman dugo ko. Kakatapos ko lang maligo.

I heard his heavy sigh. Namaywang sya't pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. "You need him?. Yung mga tao sa buong opisina nya ba, hindi sya kailangan?."

What's his problem?. My goodness!. Sana di ko nalang sya tinawagan!. Nakakainis din sya. Ugrh!.

"Magkaiba iyon Kuya, ano ba?."

"What is your point then?. Explain please.."

Ako pa ngayon ang mali?. Mali bang hingan ng kahit man lang katiting na oras ang asawa ko?. Asawa ko sya. Kailangan ko sya. Bakit hindi nya iyon makuha?.

"Ako?. Asawa nya ako. Sila, tauhan nya lang."

"Oh my goodness Bamblebie!." histerika nyang sinapo ang noo. "Saang lupalop lumilipad ang isip mo?. Hindi basta tauhan lang ng asawa mo ang mga iyon. Isa rin sila na nagmamay-ari ng kumpanyang pinapatakbo nya. Paanong hindi mo ito alam ha?. Nag-aral ka naman diba?."

Natahimik ako.

"Alam mo bang hindi tumatakbo ang isang kumpanya na isa lang ang may ari nito?. Marami sila Bamby. Malaki ang stock share ng asawa mo duon kaya sya ang tinitingala nilang boss. Hindi porket ganun na sya katayog, hindi pwedeng magpabaya nalang sya."

What his point then?.

May sinabi ba akong pabayaan nalang ni Jaden ang kumpanya?. Sa pagkakatanda ko, wala naman.

Hay...

"Dahil kapag nagpatuloy syang ganito. Basta nalang iniiwan ang trabaho. Baka, magulat ka nalang isang araw. Wala na syang trabaho."

Parang may narinig akong putok ng baril sa tainga ko dahilan para matakot ako. Nabingi ako bigla sa lakas ng pintig ng aking puso. Nanginig ng basta nalang ang kamay ko. Napahawak ako sa pasamano at muntik ng matumba. Kung di pa mabilis ang galaw nya'y baka sumalampak na sa sahig ang pwet ko't nauntog sa matigas na semento.

"Hindi ko alam.." mangiyak ngiyak kong bulong. "Hindi ko alam Kuya.." duon na tuluyang nahulog ang mainit na tubig na nasa gilid ng mga mata ko. "Natatakot ako. Natatakot na ako para sa kanya.."

"Shhhh.. sorry na. Di ko dapat sinabi sa'yo to e." bulong nya sa tainga ko habang yakap ako. "Ssshhh.. Tahan na. Di naman mangyayari ang ganun." pagpapatahan pa nya. Ngunit kahit ano pang sabihin nya sakin ngayon, tumatak na iyon sa isip ko.

Tuloy, di ko na naman alam kung anong gagawin. Kung hahayaan na lang ba ang asawa kong gawin ang gusto nya o gawin pa rin ang gusto ko. Takot. Takot ang umiral sakin ng isang buong linggo kahit pa noong nakauwi na si Jaden.