Dumating nga ang lunch time at dinner na hindi umuwi ang dalawa. I even asked them kung kailan ang balik at ang tanging nasabi lang nila ay, after the exam. No exact date or time. Basta uuwi nalang daw sila.
"Mommy.. Tita Karen is calling.." ikalawang araw na ngunit wala pa rin sila. Umuwi na rin kami kinaumagahan.
"Yes, hello?." yung assistant ni Jaden ang nagmaneho para sa amin. I insisted na ako nalang kasi marunong naman ako pero iginiit nitong utos daw ng Boss nya. Baka raw kasi matanggal sya o pagalitan kapag di nya ginawa ang trabaho. Kaya heto kami ni Knoa sa likod ng magarang sasakyan na minamaneho nya't preskong nakaupo.
"Kamusta?." kalmado nitong tanong. I guess may gusto itong itanong dahil hindi ito ang madalas na umpisa nya kapag tumatawag. Empunto na ng kwento at kung anu-anong balita patungkol sa mga naging kaklase namin noong high school ang pambungad nya. Hindi ang kamusta katulad ngayon.
"Hmm.. eto, nasa daan. Pauwi palang.."
"Saan kayo galing?. Buti ka pa nakakatravel. Samantalang ako?. Pft.. No need to mention.." hula ko'y humaba na ang pino at makurba nitong nguso ngayon. Base palang sa tono ng boses nitong parang may tampo ay ganun na nga ang mukha nito. Mayaman naman asawa nya. Kung bakit ayaw kasing sumama sa kanya eh. Tsk!. Baliw din minsan. Di marunong sayawan ang ugali ng isang lalaki. Kaya laging naiiwan sa bahay nila e. Tapos ngayon naman, magrereklamo. Hay..
"Bat kasi di ka sumama minsan sa asawa mo?." at last. I voiced it out. Awtomatiko kong narinig ang pagpapakawala nya ng mabigat na hininga.
"Ayoko nga. Maiirita lang ako sa mga kasosyalan ng iba. Ayoko ng ganun bes. Alam mo yan.." tumango naman ako kahit di nya kita. Nasa Australia ako't nasa Pilipinas sya. Hindi naman video call ang tawag nya. International call talaga. Oh diba?. Sinong hindi sosyal?. Haha. Natawa nalang ako sa nirason nito.
"Bes naman. Iyon nga e. Kailangan mo minsang sumama para masanay sa mga bagay na hindi mo nakasanayan. Ayaw mo nun. Malay mo maging sosyal ka na rin?. hahaha.." hinaluan ko ng biro ang sinabi ko para di nya isiping pinagtutulakan ko sya sa ayaw nya. Hindi iyon ang punto. Gusto ko lang syang matuto. Hindi lang sa loob ng bahay dapat umiikot ang mundo ng isang babaeng may asawa na. Kailangan rin nating magliwaliw minsan para malibang at di magmukhang losyang.
"Hay naku!. Kung mga Ate ko siguro, pwede pa. Pero ako bes?. Hindi ko yata kaya.."
Ito ang problema nya. Minsan, mababa masyado pagtingin nya sa kanyang sarili. Na ang totoo. Di nya alam na may mga taong tumitingala sa kanya. Hindi man nya ito alam. Isa na ako doon. Sya kasi ay buo ang loob sa lahat ng ginagawa. Hindi gaya ko na laging may pag-alinlangan. Buo naman minsan loob ko lalo na pagdating sa trabaho subalit minsan hindi ko maiwasang pagdudahan din ang sariling gawa. Alam mo yun?. She's confident and I am not. Kompyansa sya sa kanyang asawa kahit palaging wala sa tabi nya pero ako?. Jusko!. Hindi ako mapakali lalo na nito lang nung nakita ko ang itsura at reaksyon ng sekretarya nya?. Susmiyo! Not saying either that I didn't trust him or vise versa. It's just that. Sabi ko nga. Paulit-ulit na. Wala akong tiwala sa mga taong nasa paligid nya. Lalo na sa mga babaeng katrabaho nya.
"Bes naman. Kaya mo yan. Ang totoo. Ayaw mo lang gawin."
Natahimik sya. Mukhang natamaan ko nga ang ayaw nyang tanggapin na katotohanan. "Ikaw pa ba?. Sa dami ng nangyari, ngayon ka pa ba aatras?. Di dapat ganun. Go for it kung alam mong kaya mo naman.."
"Paano kung pumalpak ako?. Pagtatawanan ako bes. Mapapahiya ko pa sya.."
"Tsk. Bat kasi iyan iniisip mo?. Think positive girl. Gusto mo atang si Winly ang kausapin mo para magising ka eh.."
"Oh. And speaking of. Alam mong, nakailang travel na rin iyon abroad?. Di man lang nag-aaya.." and just like that. In a span of minutes. Nag-iba na sya ng topic.
"I'll contact him once na makarating kami ng bahay. We'll make a schedule para makatravel tayo." himig paniniguro ko. Gusto ko rin ng ideyang naisip ko. I want to travel habang di pa gaanong malaki ang tyan ko.
"Sure ka?. Kaya mo ba?." she asked.
"Oo naman. Walang hindi ko kaya bes."
"Hay.. sana may ispirit din ako na ganyan." I told her ne meron naman talaga. Nasa kanya lang ang problema. Dinagdag ko ring, isipin nyang mabuti ang sinabi kong sumama minsan sa asawa nya. She needs to do it as soon as possible kung ayaw nyang mapag-iwanan na talaga ng panahon.
"Here we go." saka ko lang din nalaman na nasa bahay na kami ng ianunsyo ito ng driver. Nagpasalamat ako rito at inalok na humigop muna ng kape subalit matindi nya itong tinanggihan. At noon ko lang din nalaman na, may rules pala si Jaden sa mga empleyado nya. Isa na doon ay ang maging pormal sila sa akin. Wala daw pwedeng lumagpas sa pagiging empleyado lalo na sa pakikitingo nila sa akin at ng pamilya ni Jaden. Kumbaga, trabaho lang. Walang, personalan. Di ito sinabi ni Jaden. May Pros and Con's ito. Una, maganda iyon kasi nga, privacy is privacy talaga. Walang makikialam hanggat walang nakakaalam. Wala naman kaming tinatago pero para iwas tsismis na rin lalo na't hindi nalang basta ang isang Jaden ngayon at ng buong pamilya. Sa ibang banda naman, maganda sana kung makihalubilo sa mga empleyado para makilala ang mga tao sa paligid ng opisina nya subalit nga. This company is ruled by rules at di pwedeng balewalain nalang iyon.
Pumasok na kami ng bahay. Tahimik at iyon ang ipinagtaka ko. Wala si Tita Martha kasi nasa kila Mama sya. Ang sabi ni Mama ay tutulungan nya raw itong bumangon muli at bumuo ng sariling negosyo. Nag-offer nga ako to atleast help her financially pero pareho nilang ayaw. Mga matanda nga naman. Matitigas na ulo ngayon. Bahala na sila dyan. Tutal, kaya pa naman nila.
"Surprise!." sa sala kung saan andun ang malaking hagdanan ay biglang may pumutok at nag-unahan na pababa ang confetti na kulay ginto. Tiningala ko sila. Pareho na silang nakangiti at patango tango sa akin.
"Daddy!. Daddy!.." patalon talon na itong si Knoa sa tuwa. Paakyat na sana ang bata ng pigilan sya't sila nalang daw ang bababa. Si Kuya ay may hawak na malaking kahon ng bumaba habang si Jaden naman ay nasa likod lang ang mga kamay. Papalit palit ang tingin nya samin ng anak nya. At imbes sa bata sya dumiretso at iyon na ang nakasanayan ko. Hindi iyon ngayon dahil sa harapan ko sya mismo huminto.
"Happy monthsary babe.." umawang ang labi ko. Monthsary?. Naalala nya pa?. Aw naku naman!. Hihihi...
Kaya pala nasa likod nito ang mga kamay dahil hawak nya ang isang kumpol ng bulaklak doon. Iniabot nito sakin at madali ko ding kinuha. Noong una, tumitig pa ako sa kanya. Asking what should I do kahit obvious dapat na kunin ko ang binibigay nya. Buti nalang, nasa tamang ulirat pa ako't nagawa kong igalaw ang braso ko.
"Wow!." giliw na giliw din si Knoa nang ipakita ni Kuya ang puting maliit na aso. Bichon Frise daw tawag sa breed ng aso. Duon na rin nataon atensyon ko dahil ang cute cute nga.
"Anong pangalan nya?." ani Jaden na tahimik na ipinulupot ang kamay nya sa baywang ko habang dinadaluhan ang anak sa alaga. Kuya is confidently standing right in front of us. Watching us all.
"Candy. Her name is Candy." sumang-ayon kaming lahat dahil mukha kasi itong matamis na candy.
"You happy?." bulong sakin ni Jaden. Agad ko syang tinanguan. "We were very surprised. Thanks.." bulong ko din sa kanya. Di ko inexpect na andito na pala sila ni Kuya. Kaya pala di ko sila makontak kaninang umaga pa.