Limang buwan na rin ang tyan ko at malapit na ang kabuwanan ko. Hindi lang kaba ang gumugulo sakin kundi pati takot. Kinakabahan ako sa tuwing magpapaalam si Jaden pabalik ng kanyang trabaho habang takot naman ang umiiral sakin sa tuwing naiisip ko ang bagay na sinabi ni Kuya. Di naman sa di ko iyon alam. Sadyang, kakaiba pala talaga kapag narinig mo ito mismo sa ibang tao. Hindi ako natatakot na mawalan sya ng trabaho. Ang kinakatakot ko lang ay ang, bigla syang mawalan ng tiwala sa sarili kapag nagkataong dumating ang puntong iyon. Wag naman sana!.
Six month. Umuwi muli sya para samahan ako sa OB. "Mahal, ayos lang naman kung ako lang mag-isa. Kaya ko pa naman." I reminded him again about this thing. Pareho kaming nag-aayos para sa lakad namin.
"Nope. Masyadong malaki yang tyan mo. Baka di mo kayanin mamaya."
"But Jaden?." natigil sya sa ginagawa at tumagilid upang makita ako.
"I said nope Bamby." about the name calling. Meaning, he's talking to me seriously. Kaya naman. Wala na akong magawa kundi magpasama na sa kanya.
He drive the car. Ako sa tabi nya't sa likod si Knoa. Si Tita Martha, nasa kila Mommy habang inaasikaso ang kanilang plano na negosyo.
"How's work?."
Bumuntong hininga muna sya bago sumagot. "So far. Just fine babe."
"Walang problema sa sites?."
"Luckily. Wala naman."
"Dad, kailan po pala tayo pasyal ng Pilipinas?. I miss the people there." bigla ay singit ng bata. Nagpreno si Jaden. Eksaktong naging pula ang signal light.
Nilingon ko ang pwesto nya. Prente itong nakasandal sa upuan habang nasa labas ang paningin. Tinitingala ang bughaw na kalangitan. "Ask Mommy when." sagot ni Jaden sa kanya.
Napabaling tuloy ang bata sa akin. "Mom, please. Let's go to Antipolo." anya na para bang isang sakayan lang ang layo ng Pilipinas sa Australia.
"Yes man. We will."
"Yes!. When po?."
"After Mom gave birth Knoa." si Jaden to. "Are you excited with your baby siblings?."
"Why siblings po?."
"Coz we have twins baby." Jaden held my hand before giving it a gentle kiss. Knoa already know my pregnancy journey when he slept with me one night. Naikwento ko na sa kanya ito dahil wala itong kamuwang muwang na lumalaki ang tyan ko. He is so excited and happy that night. Tumalon talon sa kama. Wala noon si Jaden. Nasa isang site na kailangan ng inspeksyon.
And yes po. Kambal po ang dinadala ko. Duon ko lang din nalaman na sa side pala nila Jaden, may mga pares ng kambal.
Isa lang ang hiniling ko pero higit pa doon ang binigay. Sobra ako sa swerte ngayon.
Mabilis lang din lumipas ang ikapito at ikawalong buwan ko. Sobrang bigat na ng tyan ko Syempre. Malamang pa. Kambal eh. Natatawa pa itong asawa ko sapagkat sa sobrang hilig ko raw, naging doble ang nabuo.
Eight month. We did it again. Sabi naman ng OB. It's still safe to do it basta handle with care daw. Susmaryosep!. Hindi ka pa ba nagsawa sa tyan mo Bamby?. Nagmilagro ka pa sa lagay na yan?. Hay...
"Damn it Kuya!. Help me." sigaw ko sa mukha ni Kuya Lance nang itakbo na nila ako sa hospital. Kabuwanan ko na at eksaktong nasa business trip ang asawa ko. I didn't tell him na manganganak na ako. I don't want to bother him kung business na ang usapan. Baka magkamali pa ako't ako ang masisi. Ayoko!.
"Fucking Bamblebie!. Don't shout on me." pinagtitinginan ng mga tao si Kuya ng murahin nito ako. Mabuti nalang mabilis akong naidala sa ICU kung hinde, hindi ko na alam. I tried to push harder pero di ko kinaya. CS is the only way.
"Congratulations Mommy Bamblebie. It's a healthy baby girl and a boy." bati sakin ni kuya Mark..Isa ito sa tumulong raw sa operasyon according to Kuya Lance. I already knew na lalaki at babae sila noong nagpa-ultrasound kami ni Jaden. Kaya nga, tuwang tuwa ito. Hindi magkandamayaw ang saya. Gusto pa nga nyang magbaby shower pero pinigilan ko sya. Gusto kong isurpresa ang lahat ng myembro ng pamilya about the gender. Hindi pa rin sila makapaniwala na kambal ang anak namin.
"Bamby, it's a twin?." Mommy kiss my forehead. Nginitian ko lamang sya. Nanghihina pa rin. "Bakit di mo to sinabi agad samin ng Daddy mo?."
"Mom, gusto nya kayong surpresahin. Shhh.." pigil sa kanya ni Kuya Mark. At duon na ako nakatulog ng mahimbig.
Lumabas ako ng hospital makalipas ang dalawang linggo.
Jaden's not home yet. Nasa site naman ito ngayon. May inaayos daw.
"It's so cute." Tita Martha said. Kalong nito si Kayden habang si Mommy naman ay isinasayaw si Khloe. Si Jaden ang nagbigay ng pangalan ni Kai short for Kayden at ako naman kay Khloe.
"Daddy's home." umaga ng alas nuwebe ay dinig ang boses ni Knoa sa baba. Inanunsyo ito. Hindi ako agad makatayo dahil kasalukuyang kumakain si Kai. Breastfeeding.
"Mommy, daddy is here." dinig kong nasa labas na ng silid ang boses nito. Bahagyang bumaba ang tinig sapagkat alam nito na natutulog ang mga kapatid nya. Isang sandali lamang ay sumulpot nga ang bulto nito sa pintuan ng silid. Nakasakay sa likod nito ang batang makulit.
"My precious one's. Good morning." ngiti nyang bati. Binaba nito si Knoa bago kami nilapitan. "Good morning mahal ko." he greeted me bago hinalikan sa labi. Karga ko si Kai at tulog pa si Khloe. Hinalikan nito ang pareho nilang noo. Tapos tinitigan na sila pareho. "I'm sorry kung wala ang Daddy noong lumabas kayo." kausap nya dito. "Sorry din Mommy ha. Di ko maiwan ang site." he look at me, while caressing Kai's little hand.
"I understand naman." nginitian ko sya.
"You do?." tumayo sya't binigyan muli ako ng halik sa noo. Ginaya din ni Knoa ito. Tapos umupo si Jaden sa harapan ko. Karga na rin nya si Khloe na kakagising lang din.
"Yes naman po. Mahal kita at kahit ayoko, iintindihin kita."
"Ano?. Hahahaha.."
"Hahahaha.. patunay na Mahal kita, Alam mo yan." hinabol ko din ang labi nya. Kahit natatawa sya ay hinalikan ko pa rin iyon.
"Ay naku naku!. Magtigil ka Mahal ko. Tama na muna ang kambal mo." pigil ang tawa nya. He's pertaining to something na hinahanap ko lagi, pero not now. Of course,n. Grabe naman kayo!. Di pa ako tuluyang magaling eh.
"Ikaw!. May sinabi ba ako?." pinalo ko sya sa balikat. Mabilis ko ring binawi ang kamay sapagkat nagulat ko yata ang baby na isa.
"Kidding Misis ko. Mahal din kita. At mas lalo pang minahal dahil biniyayaan mo na naman ako ng walang katumbas na regalo." tumagal ang halik nya sa noo ko. "Mas lalo kong pagbubutihin ang pagtatrabaho dahil dito. Salamat."