Pababa na ako ng hagdan para maghanda sa pagpunta ng ospital nang madatnan sila Jaden at Mommy na nagtatalo sa may kusina.
"Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?. Laging mahaba ang leeg sa pagtanaw sa pag-uwi mo ha Jaden?."
"Sorry. Hindi ko naman alam.."
"Ahah!. Malamang hindi mo alam kasi puro nalang trabaho ang nasa isip mo.. ni hindi mo na nga makalaro ang Knoa na malapit nang pumasok sa kindergarten.."
Hindi nagsalita si Jaden. Gusto ko pa sanang humakbang pababa kaso mas pinili kong magtago sa likod ng pader kung saan paliko sa silid ni Kuya Lance. "Nahihirapan din naman po ako. Sa tingin nyo po ba ay madaling iwan sya sa tuwing umaalis ako?. Hinde ho.. sa tuwing sinasarado ko ang pintuan paalis ng bahay na to, nadudurog ang puso ko sa isiping iiwan ko na naman sila. Pero ano po bang gagawin ko?. Para sa kanila din naman po ang pagpupursigi ko sa trabaho. Gusto kong ibigay lahat ng gusto nila. lahat lahat.."
"Minsan Jaden. Hindi bagay ang kailangan nila.. ikaw.. ikaw Jaden ang Daddy ni Knoa, ang Jaden ko naman na laging linya dati ng Bamblebiee mo.. hindi ng mga bagay na binibigay mo.."
Nakita kong umiling si Jaden. Si Daddy naman ang sumabat. "Alin ba sa'yo ang mas importante hijo?."
Hindi sya tumugon. Alin nga ba ang mas importante sa kanya?. Kami ba na pamilya nya o ang pangarap nyang trabaho at posisyon?. Sa nakikita ko sa kanya. Hati ang kanyang isip sa isasagot. Alam ko namang mahal nya ang kanyang trabaho. Mas lalo naman kami. Naiintindihan ko ang side nya. Mahirap din para sa kanya ang sitwasyon nya. Pareho lang kami kung tutuusin. Ang pinagkaiba lang namin ay ako, kasama ko ang mga batang lumalaki. Sya naman, mag-isa. Laging kulang ang oras para makita ag paglaki ng mga bata. Mahirap. Ganun kahirap ang tanong ni Daddy.
"Alam ko naman na mahalaga sa'yo ang kumpanya at trabaho mo, lalo na ang future ng pamilya mo. Subalit, ikaw rin naman ang may gusto kung may maibibigay ka bang oras sa kanila o wala.. It's about time management anak.. huwag mo lagi ubusin sa trabaho ang oras mo. Maglaan ka ng para sa sarili mo at sa pamilya mo, nang sa gayong ay hindi ka mahirapan."
"Mali ho ba Pa, ang ginagawa ko?." Papa ang tawa nya minsan kay Daddy kapag ganitong nalilito sya sa lahat. Umiling lang si Daddy at nginitian sya. "Walang mali Jaden.. ang totoo. May kulang ka lang sa kanila.. yun lang.."
Hay.. mabuti nalang andyan si Daddy.. Nagawa nyang pakalmahin ang nag-aalburotong dugo ni Mommy. Halata kahit sa malayo ay, umuusok ang kanyang ilong sa harapan ni Jaden.
"Kung gusto mong wag muling mawala ang asawa mo sa'yo. Magtino ka Jaden. Noong simula. Ayoko talaga sa'yo para sa anak ko. Ngayon ko lang to sasabihn. Subalit wala akong magawa nang makita ko kung paano patunayan sakin ni Bamby kung gaano ka nya kamahal.. at nang isilang nya lalo si Knoa. But knowing right now that my daughter is silently fighting her sadness dahil wala ka man lang oras para sa kanila?. Di ko napigilan ang sarili ko na magtanong kung tama bang pinayagan ko kayo na dalawa o hinde dapat.."
"Mommy?!.." pigil ko kay Mommy mula sa taas. "Mommy naman.." kulang nalang tumalon ako sa mataas na hagdanan para lang makarating agad sa gawi nila.
"Bakit?. Ayaw mong marinig nya ang opinyon ko Bamby?." gusot ang buong mukha nito at ang mga kilay ay, naging isang linya.
"Mom, hindi sa ganun.." padyak ko. Humapdi ang gilid ng mata ko ng magsimulang bumuo ng luha ang mga mata ko. Pilit ko iyong pinigil.
"Tsk.. Tama na yan Editha.." pigil na sa kanya ngayon ni Daddy. "Tara na.. umakyat na tayo at nang makaayos na. Kailangan pa tayo sa ospital.." malumanay na bulong dito ni Daddy. Tumalim ang mata ni Mommy sakin matapos titigan ng masama si Jaden.
"Ayusin nyo yang bagay na Bamby.. ayokong mauwi sa gulo ang puwang na pumagitan na sa inyong dalawa. tandaan nyong hindi na lamang kayo ang dapat nyong isipin. May mga anak na kayo si Knoa at ang kambal.. iyon dapat lagi ang laman ng isip nyo at hindi lang kayo.." padabog syang tumayo sa pagkakaupo sa high stool na upuan sa may bar counter. Napanganga sandali si Daddy sa likod nya. Sumunod din sya dito. Bago iyon. "May tiwala ako sa'yo hijo.." tinapik pa ni Daddy ang balikat ni Jaden bago pumanhik sa taas.
Pagkaalis ng dalawang matanda. Nilamon na kami ng katahimikan. It feels so awkward!. So awkward!. Di ko alam kung bakit. Iyon ang pakiramdam na hindi ko gusto at hindi ko maipaliwanag.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?." Jaden broke the long silence between us. Napalunok ako ng wala sa oras. Naglakad sya't naupo sa inupuan ni Mommy kanina. Patalikod sa kinatatayuan ko. That little gesture breaks again my broken heart. Paano nya nagagawang talikuran ako habang kami'y nag-uusap at nag-aayos ng mga gusot?. Why are you like that Jaden?. Bakit pakiramdam ko, hindi na ikaw yung Jaden na pinakasalan ko?. You're acting like someone else.
E kasi natatakot ako. Yan ang salitang nasa dulo na ng dila ko na handa na dapat sabihin subalit inunahan nya ako. "Bakit hindi mo man lang sinabi na may pagkukulang na pala ako sa inyo?."
Yung puso ko. Nadudurog unti unti sa mga bawat salitang binibitawan nya. Bakit nga ba Bamby?.
"Bamby naman.. akala ko ba ayos lang ang lahat sa atin?." duon ko lang napansin na umiiyak na pala sya.
Humakbang ng isa ang paa ko ngunit natigilan din nang makitang gumalaw ang kanyang balikat. Duon ko napagtanto na hindi lang simpleng iyak ang ginagawa nya, kundi hagulgol pa. "Sorry.. sorry.."
Di na mapigilan ng luha ko ang bumuhos pa. Dahil duon ay niyakap ko sya ng tahimik. Umiyak ako sa kabila ng paghagulgol nya. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong ganito syang nasasaktan ng todo. Naging parte na sya ng katawan ko na kapag malungkot sya'y nalulungkot din ako. I know how he feels. Maybe o baka hindi rin. Ang tanging nasa isip ko lang ay yakapin sya ng mahigpit.