Umuwi si Kayden sa bahay pero wala na roon si Jaden. My heart aches knowing that his Dad is not here when he's finally home. Aware naman ako sa mga consequences sa naging desisyon ko but still, mahirap pala kapag nasa totoong sitwasyon ka na. It's like. Here I am. Asking myself kung tama bang hayaan syang mag-isa na ayusin ang problema nya o hinde?. A part of me, saying yes but seventy percent of my self rate is saying nah. It's not right at all. Pilit kong iniisip kung alin sa mga iyon ang mali.
"See?. Mag-isa ka ngayong nag-aalaga tas dalawa pa tong bata?. Do you get me?." Kuya Lance interrupted my thoughts. Kuya Mark is on the sofa. Taking a nap.
Isa sa maling nakikita ko ay, mahirap maging single parent sa kambal na anak. Kuya is right and that, I admit I am wrong. May solusyon din naman. Hire a Nanny. If it's necessary.
"Huwag ka ngang sirang plaka dyan Lance.." Kuya Mark. Umupo ito at ginulo ang buhok.
Ang buong akala ko. Kanina pa tulog ito. Iyon pala ay nakapikit lang dun. Nakikinig sa amin. Mabuti nalang walang akong ibang sinabi sa isang to. "Why?. Tama naman ako diba?." saad ni kuya Lance sa kanya habang nilalagyan ng kumot si Khloe.
"Tama ka naman. Ang kaso lang sa'yo. Hilig mo ang paulit-ulit. Hindi ka ba nagsasawa?."
"Tsk.. e kasi.. matigas ulo nyan eh." ako pa sinisi?. Sinabi ko naman na sa kanya na wag na syang makialam pa kasi naman alam ko ang ginagawa ko tas ako pa may kasalanan ngayon?. Susmaryosep! Ewan sa kanya.
Tamad pinahinga ni Kuya Mark ang ulo sa taas ng sofa saka tumingala sa kisame. "Ano nga bang dahilan mo Bamblebiee?. Sabihin mo na nga para magtigil na yang kapatid mo.."
Natigilan ako. Hays.. Ang kulit naman kasi. Pati taong hindi nagsasalita. Naiirita na sa kanya. Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga bago magpaliwanag. "You both knew Jaden.."
"Of course. Get straight to the point please.." iritadong ani ng kapatid kong daig pa ang babae sa kaartehan. Bakla!.
"Tsk." singhal lang ni Kuya sa kanya.
"I just want him to rest. That's all." mabilis kong paliwanag.
Then. Nagpalit palitan ng tingin ang dalawa bago nila ako pinakatitigan ng husto. Hindi normal na titig na lagi nilang ginagawa sa tuwing ako'y namomroblema sa kung sino ang kasama kong mag-alaga noon kay Knoa. Ngayon. Iba sila kung tumingin. Para bang gusto nilang tumawa na parang pumutok na bulkan.
Hindi nga nagtagal. Hayun na ang hagalpak nilang dalawa.
"Crazy reason.. bwahahahhahaahahahahhaha!.." halos sabay pa nilang saad.
Umiyak agad si Kayden. Dinaluhan ko sila habang binibigyan sila ng pamatay na tingin.
Tumigil din agad sila ng pati na rin si Khloe ang umiyak. Agad tumayo si Kuya Mark at nilapitan ito. "Kasi.. nakakainis!.." parinig ko sa kanila. Lumapit din ai Kuya Lance samin at pilit gumawa ng bagay para tumahan ang dalawa. Ilang minuto ay nakatulog na din ulit sila. Binatukan ko nga mga kumag.
"Aray!." of course!. Reklamo yan ng bakla.
"Your fucking damn mouth Lance Eugenio!." mura dito ni Kuya.
"Fuck you!..." nagbatuhan pa ng mura!. Hays...
"Ssshhhhh..." umikot ang mata ko sa stress sa dalawang ito. After a long hiatus of curses from their loud mouth. They both squat on the floor habang ako'y sa kama nakaupo. Pinapanood ang natutulog na kambal. Knoa is in his room. Sa kabilang silid lang. Kanina pa pinatulog ni Lance. Ayaw nya pa sana kaso pinagalitan nito sya kaya napilitan na rin. "Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina lang Bamby?." ang panganay na ang unang nagbukas muli ng usapin. Mabilis ko syang tinanguan. "Why?. You want him to rest?. In peace?."
"Kuya naman!." mahina ngunit madiin ko syang binantaan. They both laugh. Just a half. "Gusto nyo na ba talagang maghirap ako buong buhay ko?. Maliliit pa mga anak ko."
"Then what?." tumaas kilay nito sakin. Pati din yata panganay namin eh bakla! Kilay kung kilay!.
Tama nga naman. Want him to rest?. Mali ba yung term ko?. Tsk..
"Ang ibig ko lang sabihin. Gusto ko syang magpahinga sa lahat. Sa trabaho. Sa responsibilidad. Sa stress. Sa takot. Sa pag-iisip. Sa pressure. Lahat lahat. Kahit sa amin.." malungkot kong saad sa huli kong salita. I saw how their facial expressions change from being mad to sad. "Jaden is also tired." habol ko pa. Sabay lang silang suminghal.
"Ikaw rin naman hindi ba?. Hindi ka ba pagod ha?." Kuya Lance keep asking this. Noong isang araw pa ata.
"No I mean. Yes. I'm tired physically dahil sa mga bata. Pero sya?. Lahat. Physically. Emotionally. Mentally. Ni hindi nya kayang bigyan ng pahinga ang sarili nya kaya ako na ang nagbigay ng pahintulot para sa kanya. Inaamin ko. May takot din naman ako sa katotohanang malayo sya sa amin. Lalo na sa akin but I trust that. No matter what life throws at me now. I'll just go with the flow. Kung babalik man syang, kami muli ang uuwian nya. I'm more than a lottery winner. Ngunit, kung sakali mang sabihin nya sakin na kailangan nya pa ng panahon to built his own self. Hindi ako handa sa ganun. Baka. Bumigay lang din ako sa katotohanan na mali ang naging desisyon ko at tama kayo sa panghuhusga ninyo."
"You know what lil sis. Walang tama at mali pagdating sa desisyon ng mga tao. Alam mo yung katagang. May tamang tao pero maling panahon?. May tamang oras ngunit maling tao?. Ganun."
"Anong konek?." nalito ako.
"It's about time Bamby. Diba you already had a hard time noon pa bago pa naging kayo?. Parang ganun lang rin ngayon. Ang pinagkaiba lang. Hindi nalang kayo ang involve dito. May mga anak na kayo at pamilyang nabuo. If you think giving up is the only way for you to ease the pain in you?. Siguro tama. But what about the pain your children would feel if they'll know that their parents are walking on their different paths?. Mas masakit yun hindi ba?." napaisip ako. Tumayo sya't umupo sa tabi ko. He even caressed my long black hair. "Hanggat may nakikita ka pang maliit na pag-asa para ibalik ang dati pa. Kumapit ka duon. Dahil maaaring ang maliit na bagay ay may malaking maitulong sa inyo. Don't give up yet hmm?.. Matapang ka diba?. You let him find himself right?. Dapat yung tiwalang meron sa'yo noong binuo mo ang desisyon na hayaan sya ay dapat manatili pa rin sa'yo hanggang sa sya'y bumalik na sa inyo."
Kuya Lance is out of words. Ako din naman. Iba pala talaga kapag mas matanda na. Ang lalim. Di ko ba masisid. "Huwag kang magbago dahil lang may nabago sa inyo Bamby. Text him if you misses him. Call him kung feel mong kailangan marinig ng mga anak mo ang boses nya para naman marealize nyang hindi sya nag-iisa."
"Kailangan ba yun?." tanong ko.
"Hahahahahaha.." tawa ni Kuya Lance.
"Huwag kang tumawa dyan brother. Payo ko rin iyon sa'yo. Kayong mga bata, oo." iling ni Kuya samin. Natahimik ang bakla. "Bamby. Space lang yung binigay mo sa kanya. He accepted your offer kasi nga alam nyang may tiwala ka sa kanya. He didn't even tell you something dahil alam din nyang naniniwala ka sa kanya na babalik sya after. He didn't mention na aalis na sya for good at iiwan kang mag-isa.."
Di ko alam bat nag-init nalang basta ang mga mata ko. He's right. Damn right. Hindi ko naman sinabing iwan na nya kami ng tuluyan. Ang sinabi ko lang. Sige umalis ka't ipahinga ang isip mo sa lahat. Iyon lang sa pagkakatanda ko.