Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 33 - Chapter 33: Silence

Chapter 33 - Chapter 33: Silence

Hinayaan nya lang akong nakayakap sa kanya ng matagal habang sya ay umiiyak. Sandaling katahimikan pa ang bumalot samin bago sya tumayo at nagpaalam na maliligo. Pupunta raw ito ng ospital kasama ko. I didn't question his sudden decision dahil alam kong nahihirapan din sya. All I think is what he's doing right now. Gusto ko rin naman ng oras nya para samin.

"E pano kung bumagsak sya?. Paano kayo?." Yan ang gumugulo sa isip ko na pianpakaba ang aking puso hanggang sa kaliit-liitang bahagi ng buto ko. Paano nga ba?. E di bahala na. Dalawa naman kayo hindi ba?. May trabaho kayo pareho. May license din. Babagsak man. Makakabangon din kayo.

But, of course.

Knowing him na pangarap nya iyon. Mahirap sa kanyang tanggapin at isipin ang bagay na ganun. Di ko alam kung makakaya ko rin bang makita syang ganun o hinde. Sya ang kahinaan ko eh.

Tahimik kaming naghanda para sa pagpunta kay Kayden. Kanina pa ako handa subalit sya'y nandon pa rin sa silid. I contacted him through phone. Hindi ito sumasagot. Eto na nga sinasabi ko eh. Bat ang tagal nya naman?. Alam ba nyang hindi date ang pupuntahan namin kundi ospital.

"Damn Bamby! Yan ba ang mabilis sa inyo?. Kaninang umaga pa ako naghihintay. Kailangan ka na ng anak mo rito.." kulang nalang mabasag ear drums ko sa linyang iyon ni Kuya Lance. Kahit pa naiwan sila ni Kuya Mark dun. Iba pa rin kapag ako. "Wag mo na naman idahilan si Khloe dahil andyan naman sina Mommy.. Ano na ha?!.."

"Papunta na. Hinihintay ko lang si Jaden.." mahinang sagot ko sa mahaba nyang reklamo.

"Oh! Pakitanong nga para sakin. Bakit naisipan nyang umuwi?.."

Bumigat ang paghinga ko. "Kuya naman. Wag ka ng dumagdag pa.."

"Bakit?. Nasampolan na ba sya ni Mommy?. Good for him.."

"Tsk.. wag sana tayo ganyan.. nahihirapan din sya.."

"Ikaw ba hindi?. Ako rin Bamby." malaman na himig nya. Hindi ko na sya kinontra pa sapagkat tama rin naman. At ayoko ring sabihin na tama sya dahil ayokong dagdagan pa ang galit nya kay Jaden. It's not that I'm protecting or defending him. It's just that, we both in a situation that we both don't want to.

Sakay ng magarang sasakyan ni Jaden. Tanging ang tugtog lang sa radyo ang maingay sa loob.

I let the silence sit between us until we arrive. Sumalubong samin ang nakahalukipkip na si Kuya Mark. Jaden greeted but he did not responded. "I heard he greets you.." why not greet him too, atleast just for a show?. Dagdag ko pa sana kaso umatras nalang bigla ang aking dila. Tumabi ako sa kanya at ginaya ang panonood nya sa likod ni Jaden na nanonood din sa salamin na nakaharang sa pagitan nilang dalawa ni Kayden. "Wag sana ganito.." dagdag ko pa. Kuya never responded. Dumating si Kuya Lance. Sya ang tumabi at bumati kay Jaden. Tinapik pa sa balikat dahil kanina pa walang imik ito. They talked. I don't know about. Kumakabog ang dibdib ko na baka pati sya ay magsalita about him but nah. I trust him. Tiwala akong pakikinggan nya ako't hindi hahayaan na mawasak ang pamilya ko.

Umupo ako sa isang tabi at hinayaan lang sila na mag-usap. Hanggang sa nagpaalam samin si Kuya na sya raw muna ang uuwi para makapagpahinga.

Di kalaunan ay umupo sya sa tabi ko. Nagkatinginan kami ng pareho naming tignan ang isa't isa. He slowly held my hand and gently caressing it. Iyon lang ang ginawa nya't wal nang sinabi. I let him be that. Pinahinga ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Siguro, ang bigat ng dibdib nya sa mga nangyayari ngayon. Sana matapos na to.

"Galit ba silang lahat sakin?." inaantok na ako ng bigla syang magsalita. Ang tingin nito ay sa mga kamay naming magkahawak. Minamasahe ang ibabaw ng aking palad. "Kasi ang totoo.. hindi ko na alam ang gagawin.." malungkot nyang saad. Ako naman ngayon ang nagmasahe sa kamay nya.

"Mahal kita Jaden."

"Hindi na yata sapat ang pagmamahal lang.."

Natigilan ako. Umayos ako ng upo at tinitigan sya. Anong ibig nyang sabihin?.

"Jaden?.."

"Mahal kita, Alam mo yan Bamby pero hindi sapat ang mahal lang natin ang isa't isa.."

Natameme ako. "Ang totoo. Walang pinagbago ang pagmamahal ko sa'yo.. alam kong ganun ka rin sakin subalit hindi ko maipaliwanag ang nangyayari ngayon?. Pakiramdam ko, parang may kulang pero hinde. Alam mo yung parang masaya ako pero malungkot din. Ang gulo gulo ng utak ko.."

"I'm sorry.." sa dami ng gusto kong sabihin. Iyon pa ang lumabas saking labi.

Umiling sya. Pinigilan ang kamay ko sa pagmasahe sa kamay nya at sinalikopp iyon ng dalawa nyang palad. "Ako dapat ang humingi sa'yo ng sorry at hindi ikaw.." inilingan ko rin sya. Humigpit lalo ang hawak nya sa kamay ko. "Napaisip ako.." tumigil sya. "Pwede bang umuwi na muna ako.."

"Oo naman.. sumabay ka nalang sana kay Kuya Lance kanina.." agap kong saad. Ngunit parang hindi iyon ang pinupunto nya dahil umiling din sya.

"Sa Pilipinas Bamby.."

Duon ako natahimik. As in. Nawalan ako ng boses kahit maraming letrang nabubuo sa isip ko. Ano raw ulit yun?. Uuwi ba sya? Sa Pinas pa?. Seryoso ba sya?.

"Gusto kong makapag-isip isip.."

Saan naman?. Anong kailangan nyang isipin?. Ganun ba kahirap sa kanya ang magdesisyon?.

"Ah.. ahahaha.." kingwang tawa na yan.. Ano ba!?. "Bakit duon pa Jaden?. Ang layo ng Pilipinas para lang mag-isip ka.." hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin ito.

"Duon makakapag-isip ako ng maayos.." malumanay nyang saad.

"Dito ba hinde?. Bakit?. Dahil ba samin?. Sakin?." agad naman syang umiling.

"Gusto ko lang balikan ang mga lugar kung saan ko binuo ang mga pangarap ko.. gusto kong maalalang muli ang mga bagay na nagtulak sakin para humantong ako sa kinatatayuan ko ngayon.. gusto kong balikan ang nakaraan kung saan... kung saan tayo nag-umpisa.. gusto kong balikan ang lahat ng yun.."

"Andito naman na ako Jaden.. para saan pa't kailangan mong balikan ang lahat?.."

"Gusto kong ibalik muli ang dating ako Bamby.. yung mga oras na lagi akong sabik na makita ka at ng mga anak ko.. inaamin ko.." yumuko sya. "Inaamin ko na nawawalan ako ng pokus.. duon ako hirap dahilan para magkulang ako sa inyo.. gusto kong hanapin muli ang sarili ko.." nag-angat sya ng tingin sakin. "Maunawaan mo sana.."

"Kung yan ang kailangan para makita kong muli ang Jaden na nakilala namin noon.. gawin mo.. umuwi ka. hahayaan kita Jaden.. pero hindi ko rin alam ang mararamdamn ko pagbalak mo.."

"Bamby?.."

"Sinabi mong mahal mo ako.. oo. alam ko na iyon noon pa.. ang tanong ko lang.. ngayon ba, mahal mo pa rin ako Jaden?. Kasi alam mo kung bakit, hindi ka mawawalan ng pokus sa amin kung wala kang hinahanap na kulang sa'yo..lahat ginagawa ko para sa pamilya natin..alam ko, ganun ka rin, tinitiis ko kahit lagi nalang akong nakatanaw sa malayo sa pagdating mo tapos sasabihn mo to sakin?. Anong ibig mong sabihin kung ganun?. Maghiwalay na tayo?."

Hindi sya umimik. Ibig sabihin lang. Parang ganun na nga. Tumayo ako't iniwan syang nakatulala. "Sige na. Umuwi ka na sa inyo.. at wag ng babalik pa.."

Duon nadurog na naman ng pinu-pino ang puso ko. Hinintay ko kung yayakapin nya ba ako mula sa likod at tatanggi sa sinabi ko. Naghintay ako. Umasa ako. Nagtiwala naman ako.. Pero... wala. Hindi nangyaring niyakap nya ako niyakap. Ni hindi man lang nagsalita na bakit?. Biglaan naman Bamby. Huwag naman ganito?. Mga linyahan nya noon pa. Imbes, Pinili nyang humakbang taliwas sa kinatatayuan ko't umalis nang walang paalam.

Sa puntong iyon. May pinili na sya. Iyon ay ang umalis at hindi na bumalik pa.