Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 37 - Chapter 37: Clear

Chapter 37 - Chapter 37: Clear

"Win, sige na kasi. Kwentuhan mo na ako."

"AYOKO NGA!. Bakit hindi nalang Ikaw ang magtanong kasi sa kanya?.."

"Mahabang kwento nga!.."

"E di paikliin mo ganern kung gusto mong kwentuhan kita."

Kahit pilitin ko talaga sya. Hinding hindi ito magsasabi not unless makuha rin ang gusto nya. Pinipilit nya rin kasi na nag-away kami ni Jaden na ang totoo naman ay hindi. Iyon naman ang totoo diba?. Di ko sya inaway. Di nya ako inaway lalo. Walang awayan na naganap. Totoo yun. We just talked. That's all. He said, he wanted to go home with his family, so I let him. Ni hindi ko na nga sya tinanong pa bakit. Nag-assume nalang ako na kailangan nya ang magpahinga kasama ang kanyang pamilya duon. No misunderstandings at all.

Wala nga ba?.

Hays... ewan nga.. wala naman talaga.

Mahaba na ang chat namin ni Winly. Di ko na sana sya rereplyan kaso bakit parang natitriger ako sa wala. Ano kayang meron at ganito na lamang ako kainteresado sa kwento nya about my husband. Di kaya, impossible naman!. Veberly?. Nah!. No!. Malapit na ring ikasal ang isang yun. Paanong umabot ang imahinasyon ko sa ganung bagay?. Suskopo!.

"Umamin na kasi. Nag-away talaga kayo?."

"Hinde nga ho."

"Sinungaling.."

"Hindi nga. Wala akong matandaan na pinag-awayan namin."

"Bat sabi nya, oo.."

"Ehh?.." natigilan ako. Kami daw nag-away?. Kailan naman?. Tsaka anong rason?. Tinawagan ko sya through messenger din.

"Hindi kami nag-away.." I said defensively.

"O bat parang defensive ka?." anya. Natatawa. Buti pa sya, natutuwa. Ako?. Hindi na katuwa tuwa ang naririnig.

"E kasi, hindi nga totoo. Paano nya naman nasabing nag-away kami. Umalis nga yun ng Pinas without saying goodbye to me tas sasabihn nya sa lahat dyan na may problema?!."

"Oh, kalma! Kalma!.. Yung puso natin gurl.."

"Paano ako kakalma!?. Bwiset!. Lagi ko syang pinagtatanggol kila Kuya tapos maririnig ko lang sa iba na sasabihn nyang may problema?. Bat di nya ako tanungin kung ano talagang problema ha?. Sabihin mo nga yan sa kanya. Nakakainis sya!.."

"Pati yung 'Nakakainis sya' ba ang sasabihin ko?."

"Oo! Kung pwede!.."

"Hala!. Galit ang peg!.. Wag naman madam. Wala pa nga ako sa kalahati ng kwento ko eh.. gusto mo pa bang makinig o hinde na?."

"Kahit hindi na. Bahala na sya sa buhay nya.."

Ano kayang tinutukoy nyang problema?. Parents ko?. Si Kuya Mark?. Bakit di nya sila kinausap bago umalis?. O bakit hindi nya sinabi sakin lahat lahat para maayos namin ito bago sya umuwi?. Hindi yung ganito na malalaman ko pa sa iba na masam ang loob nya sa amin. Hay.. sumasakit tuloy ulo ko.

Sa kabila ng lumalaking butas ng ilong ko sa kakabuntong hininga ko. Nagtext pa si Kuya Lance.

"Hey sis. I bumped to your special friend Dilan. He's asking how you doing?." Duty na rin kasi ni Kuya Lance sa ospital. Resident doctor na sya duon. Si Kuya Mark naman ay, head nurse. Iisang ospital ang pinapasukan nila. Sina Mommy naman ay patuloy sa business nila ni Tita Martha. Habang si Daddy naman ang syang humalili ngayon sa pwesto ng asawa ko. Ang hirap mag-isa. Lalo na kapag wala si Kuya Lance.

"Say hi to me." reply ko sa text nya then I focus to the one who's talking.

"Hahayaan mo na lang ba sya?. Girl. Di na kayo bata."

"Yun nga. Di na kami mga bata Win."

"Try to understand him madam."

"Iyon naman ginagawa ko eh. Sya din yung umintindi sakin. Kakapanganak ko tapos-.."

"Tapos?."

"I let him went there para magpahinga sya Win kasi alam kong stress sya sa trabaho at sa lahat. Wag naman sana nyang gawing mali ang pag-aalala ko sa kanya." tahimik lang syang nakinig. "I let him have his freedom to be his self again para naman hindi nya kami pagsawaan kasi alam mo bang, mahirap makihati sa mga priorities nya ngayon?. Kulang nalang lumuhod ako sa harap nya para lang uwian nya kami. Ganun sya kahirap makasama ngayon.."

"Kayo ang priorities nya girl kaya nya ginagawa ang lahat. Para daw sa inyo yun."

"Aanhin namin ang lahat kung kapalit naman ay sya?. Aanhin namin ang bagay kung wala syang oras samin?. We don't need material things Win."

Speechless sya. "Hayaan mo. Kakausapin ko sya after." paniniguro pa nya sakin. Ako naman ngayon ang umiling.

"No. I'll call him later and clear things out para malinawan naman sya."

Di ko na pinaabot pa ng hapon ang sinasabi kong pagtawag kay Jaden. Tinapos ko lang na patulugin ang mga bata. Tinuruan si Knoa na magsulat bago sya kinausap.

"Hello.." damn his baritone voice. Sinuklay ko ang buhok patalikod gamit lang ang kamay saka tinali muna bago sya hinarap. It's a video call.

"Hi there.." pormal kong saad. "I go straight to the point na ha." nagulat pa ata sya dahil natigilan ito. "Nakausap ko si Winly and he told me something. Nag-away ba tayo Jaden?."

"Bamby?." he called me by my name. Nakakapanibago. I mean. Maraming beses ko naman nang narinig ang pangalan ko mula sa kanya but this time. Iba. Di ko maexplain.

"Look. I let you go there for you to breathe. Mali bang hayaan kita na umuwi dyan ng mag-isa?."

"Bamby.." here my name again. Where's the 'babe' thing now?. May nagbago na ba?. Tell me boy!.

"Mali bang bigyan kita ng oras para sa sarili mo ha?. Ginawa ko iyon lahat kasi alam kong kailangan mo iyon Jaden. Ayokong pabayaan mo nalang ang sarili mo para lang samin. Ayokong mangyaring umabot ka sa puntong.." yumuko ako saking mga paa. Trying so hard not to cry a river. "Tuluyan ka nang mag-sawa sa amin.."

"Bamby.." parang sa puntong ito. AYOKO nang marinig ang pangalan ko. Naging sirang plaka na ito sa pandinig ko.

"Tanggap ko pa kung aalis kang mag-isa kahit di na..." hirap akong sabihin ang nasa isip ko sapagkat baka magkatotoo. Subalit mas mahirap naman kung dadalhin ko pa sa pang araw araw na gawain ko. May tatlong anak pa ako. Suskopo!.

"Babalik ako Bamby. Kayo ang tahanan ko at hindi iyon magbabago. Salamat dahil tumawag ka. Ang akala ko. Galit ka sakin.."

"Anong rason para magalit ako sa'yo?. Wala Jaden.. ang puso't isip ko ay tanging pag-aalala lang para sa'yo.."

"Namimiss ko na kayo.. ang mga bata?." parang naiiyak pa nyang sambit. "Ngsisi ako kasi hindi ako nag-isip bago nagdesisyon. Hindi ko man lang naisip na pati ikaw ay nahihirapan din. Sorry mahal ko. I already booked a flight way back home. This was a mistake Bamby. Forgive me. Dahil sa kapabayaan ko't pagiging makasarili. Hayan ka't nahihirapan sa lahat.. I miss you.."

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Imbes galit ang maramdaman ko dito. Yung pagmamahal ko pa rin sa kanya ang nananaig. "Come back home asap please.." naluluha kong sambit. "Si Knoa kasi. Gustong magpaturong mag-aral. Hindi ko maasikaso dahil sa dalawang bata.."

"Isasama ko si Mama.."

"Naku.. wag na. Baka mahirapan din lalo sya.." iling ko. Matanda na rin kasi ang Mama nya. Ayokong mag-alaga lang din ng bata ang gawin nya.

"Para may kasama tayo sa bahay. Busy mga Kuya. Parents mo din ganun. Kaya sige na please?.."

"Ikaw bahala. Basta umuwi ka na. Di na ako galit.." may multo ng ngiti sa gilid ng labi ko ng sambitin ko ito. Humaba din ang kanyang nguso. Tinatago ang matamis na ngiti.

"Yes po Master. I'll explain to you everything pagbalik ko dyan."

Tinanguan ko sya saka na nagpaalam. He said I love you and I responded to it too. Di ko alam paano naging maayos ang sa isip ko'y kumolikadong lagay. Siguro kapag naging tapat ka sa taong mahal mo. Lahat maayos ng walang nasasaktan na tao.