Isang araw kalahati. Bago muling nakabalik ng bahay si Jaden. At eksaktong, off din ng dalawa kong kapatid.
"Akala ko ba, di na babalik?." bulong sakin ni Kuya Lance matapos akong lagpasan mula sa stool chair patungong lababo para hugasan ang kanyang baso.
Jaden is upstairs. Sya naman ngayon ang nagbabantay sa natutulog na kambal. Knoa is with him too. Tinuturuan nito ng Mathematics. Advance masyado. Ako. Sinalubong nya lang ako ng yakap at halik tas diretso na sa mga bata. Si Mama nga ay sumama sa kanya. Nagpapahinga naman sya ngayon. Napagod sa byahe.
Di ko sinagot si Kuya Lance. Ano bang sasabihn ko?.
Nagsalin sya ng kape mula sa coffee maker saka hunarap sakin habang humihigop dito. Nakahalukipkip ang isa nyang kamay sa gamit nyang pang-inom. "Nagkausap na kayo?."
"Hindi pa."
"Bat pa pinapatagal?." may iritasyon sa kanyang boses.
"We already talked about it. We're perfectly fine."
"Akala ko ba hindi pa?. Alam mo. Ang gulo mo kausap." sinimngutan nya ako bago lagpasan.
I don't know what is his problem about Jaden. Goods naman sila dati. He's acting like fishy. Para bang may gusto syang sabihin pero di nya masabi ganun. O baka. Guni guni ko lang din to sa dami ng iniisip ko.
Umakyat ako sa silid. At nadatnan na nakatulog din sila ni Knoa. Nilagyan ko sila ng comforter bago muling iiwan sana kaso Jaden suddenly held my waist kaya napaupo ako sa kama. Bandang tyan nya. "I'm sorry for everything.."
"Tsk.. ayos lang.."
"No. It's not.. alam mo bang kapag ayos lang ang sinasagot mo sakin, natatakot ako?. Feeling ko kasi. Iiwan mo ako kahit alam kong hinde. Please babe. Alam kong hindi ka ayos. Tell me why please. Be open to me.." pumungay ang kanyang mga mata. Inaantok na talaga. Hinaplos ko ang buhok nya.
"Saka na mag-usap. Sa ngayon. Matulog ka na muna. Napagod ka pa sa byahe. Nag-alaga ka pa."
"Mas pagod ka kaysa sakin. I can endure pa naman.."
"Okay.. sa tuwing sinasabi kong ayos lang. I really meant it. Ayos lang sakin na magpahinga ka. Gawin ang gusto mo. Magsaya. Magtrabaho. Magpagod hanggat gusto mo. Yun. Ayos lang talaga sakin na mag-enjoy ka rin kasi naman lagi kang stress sa site.. ayos lang means, you have my permission to let the old version of Jaden to be out sometimes.. kasi you know what boy Jaden.. nakakamiss ang batang Jaden.. yung hindi busy.. maraming oras sakin.. we just play.. yung Jaden ngayon. Seryoso sa buhay.. laging walang oras sa pamilya.. lalo na sa sarili.. ni hindi alam ang salitang pahinga.. paano kung magkasakit ka?."
"Andyan ka naman para alagaan ako eh.."
"Sus..of course.. it's my duty bilang asawa mo.."
"Really?.." isang pilyong ngiti ang pinakita nya habang ang kamay nya nakapasok na sa t-shirt ko. "Do the duty of being my wife then baby?. I miss you so much.." umahon ito galing sa pagkakahiga saka binalot muli kay Knoa ang comforter.
"May dalaw ako ngayon.." nalukot agad ang mukha nya ng sambitin ko to sa kanya. "Maybe next time Jaden. Tsaka. Nasa baba lang si Kuya Lance.."
Hinalikan nya ako sa pisngi. "Noted. Magbibilang ako. Is it your first day?.." bumalik muli sya sa pagkakahiga. Na ngayon ay ginamit nang unan ang dalawa nyang braso. Lumitaw tuloy ang malaki nya muscles.
"Hmm.. fifth.."
"So two days nalang pwede na?.." sabay pa ng kagat labi. Damn!.
Tinignan ko sya ng may pagbabanta. "Oh boy! But please.. don't make me pregnant yet.." umasim ang mukha ko sa kanya. Humalakhak ito. Mahina lang. Tama lang para saming dalawa.
"What if di ko makontrol?."
"You have to.. di kita pagbibigyan kapag wala kang gamit." lalo syang tumawa. "Don't laugh at me. Suskopo!. Buti ikaw, bumabayo ka lang ng ilang minuto tas ako magdadala ng ilang buwan.. ayoko na. Tama na muna sila.."
"Hahahahahaha... how cute you are.." pinaulan nya ng halik ang buo kong mukha.
Saka lamang sya huminto sa pangungulit nang dumating bigla si Kuya Lance para magpaalam. Babalik ito ng ospital dahil may emergency raw. "I have to go back at work bro.." buti si Kuya ang unang kumausap sa kanya. Alam din kasi nitong di pa rin matanggal sa kanya ang pagiging mahiyain nya. Nagkamayan ang dalawa. "Ingat ka bro.."
"Thanks. Lil Bamblebiee.. Call me if you need anything.. Bye.."
"Thanks Kuya. Take care.." kaway ko din sa kanya. Jaden back again on hugging me.
"Si Daddy na muna ang pinaupo ko as CEO sa company.."
"Huh?." nabigla talaga ako sapagkat wala akong ideya dito.
"I'll take a break from work for atleast a month to spend it with you.."
"Paano ang trabaho mo?. Jaden, no!.." pinalo ko ang braso nya. Hindi sya umilag. Hinayaan nya lang akong saktan sya. "Si Daddy pa?. Seryoso ka?."
"Hmmm.. pwede naman ako magtrabaho through laptop.. mag-aasist pa rin ako kay Daddy kaya wag kang mag-alala.."
"Kahit na. Paano kung magkamali sya?."
"Wala ka bang tiwala sa Daddy mo?."
"Meron naman.. Kaso alam mo na. Masyado na syang matanda.."
"I know.. andito naman ako sa likod nya..and he's doing it for us.. ayaw nya nga rin sana gawin kaso napilitan lang kasi gusto nyang magbonding daw tayo bilang pamilya naman.."
"Pwede mo naman gawin iyon while working.."
"Pwede naman kaso hustle mahal ko.. kukulangin pa rin ako sa oras sa inyo.. gusto kong bumawi sa mga kambal.. kay Knoa.. lalo na sa'yo.. kaya nga nagbibilang na ako.."
Pinalo ko ang dibdib nya. Malakas iyon kaya napaaray sya ng bahagya. "Napakapilyo mo.. marinig ka ng anak mo eh.. bahala ka dyan.."
"Atleast mana sakin.."
"Jaden?."
"Yes mahal?. Ready ako anytime..hahaha.." humaba lang ang nguso ko sa kapilyuhan nya ngayon. Sa labi ko'y hayun sya't pinapaulan iyon ng halik. Ginawang kanya.