Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 31 - Chapter 31: His Presence

Chapter 31 - Chapter 31: His Presence

Gabi na nang unang dumating si Kuya Lance. Hindi ito nagsalita na sya nyang dating gawain bago ang lahat. Imbes. Inuna nya aking niyakap. Pinaulan ng halik ang noo at buhok ko without saying any words.

"Nakatulog na ang dalawa." hinaplos nito ang maliit na kamay ni Khloe na mahimbing na natutulog saking braso. Habang si Knoa naman ay saking mga binti. "Uwi na muna tayo?." anya sabay ayos sa buhok ni Knoa na hindi naman magulo.

"Si Kayden?." parang bata kong saad rito.

"Wala pa ba si Kuya rito?." he's pertaining to Kuya Mark.

"Nasa loob na."

Tumango sya

"Nakausap mo na ba ang doktor?. Anong sabi?." dagdag nya.

"Anemic daw sya.." maikli kong sambit sapagkat parang hindi ko kayang hindi umiyak sa kanyang kalagayan.

"And?."

Suminghap muna ako bago nagpatuloy. "Magagamot pa raw through medicine.."

Yan din ang explain ni Kuya sakin kanina. Wala raw ako dapat ipag-alala sapagkat may solusyon naman dito. Tsaka hindi naman as in na malala ang kanyang kundisyon. At least pa daw. Nalaman agad na anemic sya kaya maaagapan pa. Ang masama ay kung late na nalaman tapos severe na.

"That's a relief then.." ani kuya Lance. Hiningi nito si Khloe sakin. Binigay ko naman.

Nabunutan talaga ako ng tinik sa lalamunan at dibdib nang sabihin ito mismo ng aking kapatid. Atleast. May gamot pa. Gagaling pa sya. Hindi yung, saka ko lang malalaman kapag malala. Iyon ata ang hindi ko na kaya.

"Sina Mommy, dumaan na ba rito?." he ask matapos ang ilang segundo. Umiling lang din ako. "Tsk. Si Mommy talaga. Alam mo bang galit na galit iyon kanina?. At mismong asawa mo pa ang bukambibig nya."

"Why?." matamlay kong tanong.

"E kasi, hindi ka man lang daw maasikaso. Kambal na nga lang anak nyo. Ang uwian kayo ay bihira pa. Even Dad is mad too."

Takot ang tumubo sa dibdib ko. Alam ko kung bakit ganun ang nararamdaman nila sa kanya. Ako din naman. I don't have to question their feelings. Kasi nga, hindi sila bulag at nakikita nila ang hirap ko. My longing for my husband. But, he is still my husband. Gusto kong intindihin din nila ito at huwag basta husgahan. "Si Kuya Mark din.." saad ko. "Natatakot ako ngayon. Kuya, help me.." kulang nalang magmakaawa ako dito. Nagsalubong ang mga mata namin na para bang binabasa nito ang kailaliman ng utak ko.

"Wala akong ibang maitutulong sa inyo Bamby kundi ang alalayan lang kayo.. it's you two who can only solve this. Sabihan mo sya kung anong kulang nya. Huwag mong hayaan na mapuno ang salup nila Mommy at si Daddy pa ang magsalita."

"Sa totoo lang. Hindi ko alam kung saan at kung alin ang sasabihin ko sakanya."

"Let your heart out. Hindi isip ang pairalin mo kundi yang puso mo. Yan ang magsasabi ng totoo.."

After an hour. Umuwi rin kami dahil kailangan ng dalawang bata. Inayos ko lang din ang sarili ko bago naghanda para bumalik ng ospital. Si Kuya Lance na muna ang maiiwan sa kanila.

Si Jaden?.

Wala pa sya.

Hindi ko alam kung anong oras o araw sya darating. Basta ang sabi lang ni Kuya Mark sakin ay uuwi sya. "Dito ka nalang muna Bamby. Nandun naman si Kuya.." pilit nito akong huwag na munang bumalik duon sapagkat andito pa si Khloe. Kailangan nya ng breastfeeding.

"Kai needs me Kuya.."

"But they also need you Bamblebiee.." nguso nya sa dalawa na walang kamalay malay sa lahat. Di ko na talaga alam ang gagawin. Mabuti nalang at dumating din sina Mommy at Daddy. Just like him. Niyakap nila agad ako ng mahigpit. "Sorry my Bamby.. Kinailangan pa naming ayusin muna ang resto bar bago umalis.." paliwanag nya. May resto bar kasi silang negosyo ni Tita Martha. Silang dalawa mismo ang nagmamanage rito. "We already heard it from your big Kuya.. he'll be alright hija.." si Daddy naman ang yumakap sakin. Sa balikat ni Daddy ako matagal na nagpahinga. Alam nitong sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. "Ang asawa mo?. Wala bang balak na umuwi?." si Mommy ito.

"Mom.. he'll be here later.."

"Stop lying Bamblebiee.. tignan mo. Sa kapabayaan nya. Nagkasakit ang anak nyo.."

"Mom?.." pigil ko sa mga sinasabi nya.

"Oh girl. Don't ever stop me. Mommy mo ako. At ayokong nakikita kang nahihirapan."

"Nahihirapan din nama sya Mom. We don't know.." pagtatanggol ko pa.

"Psh.. as if.. trabaho nga lang inaatupag tapos ikaw rito?. My goodness!. Ewan ko na. Pati ikaw Lance ha?. Hanggang kailan mo tatakbuhan ang buhay asawa mo ha?. Naku! Kayong mga bata!.. Ang titigas ng mga ulo nyo.." frustrated nitong saad. Nilapitan sya ngayon ni Daddy at binulungan. Di na namin narinig iyon.

"Mom, you should be thankful na matitigas mga ulo namin dahil kung hindi, malamang, abnormal kami ngayon.." pilosopo pang saad ni Kuya. Yung kumalmang awra ni Mommy ay mas lalong sumiklab nang dahil sa bunganga ng taong to.

"Lance Eugenio!.." naku!. Whole name na yan! Matakot ka na! Loko kasi!

"Bakit kasi nasali pangalan ko eh. Nananahimik ako rito.." humaba ang nguso ni Kuya. Gusto kong matawa subalit wag nalang. Baka kasi ako naman ang pagtripan nya. Sa isip ko nalang sya pinagtawanan.

"Good evening.." ilang sandali lang ay natahimik ang lahat sa kanyang pagdating. Si Mommy na kulang nalang sumabog kanina ay biglang napipi at hindi bumati ng pabalik. Si Daddy naman ay tumalikod sa kanya at piniling ayusin ang posisyon ni Knoa sa paghiga. Kahit si Kuya ay hindi sya sinagot. Sa kaba ko ay nilapitan ko sya't niyakap agad. Imbes na hindi iyon ang nasa isip kong plano kanina. Naunahan ako sa ipinakita ng aking pamilya. "Ang akala ko. Hindi ka na darating.." sa kanyang dibdib ko ito sinambit. Naramdaman ko ang pagyakap din nito sakin ngunit ang hininga nya ay hindi tumatama sakin. Tanda na nasa pamilya ko ang paningin nya.

"I'm sorry.." iyon lang ang sinabi nya na parang hindi lang para sakin kundi din sa kanila. "I'm so sorry.." Para sakin sapat na iyon para kumalma ang lahat sakin. Presensya nya lang ay sapat na.