Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 30 - Chapter 30: Panic

Chapter 30 - Chapter 30: Panic

"Mommy!. Mommy!.." hindi pa man ako nakakabanlaw ay agad ko nang hinablot ang roba na nakasabit sa dingding para ipulupot saking katawan. Kahit ang basa kong buhok ay binalewala ko na't aligagang pinuntahan ang nagpapanik na boses ni Knoa.

"What is it?." hindi ito nagsalita. Basta nalang itinuro ang crib ni Kayden. Awtomatikong umawang ang aking labi sa nakita. Maputla ng sobra si Kai. Without knowing what to do or say to Little Knoa. Agad kong kinarga ito at bumaba. Huli ko lang naisip na, hindi lang pala sila ang kasama ko kundi meron pa si Khloe. Oh my goodness!!. Paano ako ngayon pupunta ng hospital ngayon?.

Sa loob ng sasakyan. Di ko alam kung anong uunahin ko. Ang magmaneho ba o ang tawagan sina Mommy. Kami lang ang nasa bahay ngayon. Umalis saglit yung kasama namin sa bahay. Si Kuya Lance naman ay hindi ko alam kung nasaan. My hand is shaking nang dinial ko ang numero ni Kuya Lance. Mabuti nalang. Mabuti nalang talaga at sinagot nya ito agad. "Hmmm?.." anya na pawang naistorbo pa sa masarap na pagtulog.

"Kuya, Help me!.." halos humagulgol na ako habang hindi ko napapaandar ang sasakyan. Kai is on my lap. I don't want to put him on the seat next to me. I don't wanna lose him either. Ayoko!.

"Oholyshit!. Hey Bamby!. Calm down. Calm down.." na imagine kong napatalon ito galing sa kanyang pagkakahiga. "Breathe in.. breathe out.. anong nangyayari?."

Tumulo na ang luha saking mga mata nang nakikita kong nahihirapan nang huminga si Kai. "Kuya!. Si Kai.. huhuhu.. help me Kuya!.. Si Kayden!.." Nanginginig ang labi ko ng sambitin ang mga ito sa kanya. I am lost. Lahat ng alam ko at maliit na kaalaman pagdating sa first aid ay hindi ko magawa. Masyadong blanko ang utak ko't ang tanging alam lang ay ang kaligtasan ng anak ko.

"Wait..natataranta ako.. whoa!. Cool down Lance..Cool down.." pinakalma nito ang sarili bago nagpatuloy. "Look Bamblebiee. I'm on the sea side right now.." mas lalo akong kinabahan sa kanyang sinabi. Mabuti pa sya. Pacool down, cool down lang. Tapos heto ako. Tsk!. Sarap mo talagang batukan Kuya!.. "Who's with you?."

"No one.. shit Kuya!. Anong gagawin ko?." I cried. Niyakap ko na si Kayden dahil pati labi na nya ay maputla.

"Fuck Bamby!. I don't know either.. ganito.. can you drive to the nearest hospital?."

"I don't know.. I don't know.." iling ko sa kabilang linya.

"You have to.. kayanin mo Bamby.. it's for Kai's sake.." duon ako nagising sa Kai's sake na word nya. Pinakinggan ko ang payo nyang ilagay ko si Kai sa kabilang upuan ng maayos at magmaneho ng malinis at mabilis. He said. He's way off to us. Maybe after an, two or three more hours bago nya kami mapuntahan. Kailangan ko ngang sundin ang payo nya before it's too late.

I drove swiftly and smoothly as fast as I can. Humingi ako agad ng tulong subalit walang pumasin sakin. Kinausap ko ang guard at ipinakita sa kanya na may kasama akong tatlong bata at nasa malala ang isa. He talked to me like he's my Dad. He even call the nurses that almost hesitant to go near us. Kung di pa sya nagtaas ng boses sa mga ito. Wala na. Magwawala na talaga ako. "Help her." utos nya sa kanila. He even nodded at me. Pinasa sakin si Khloe na umiiyak na rin. "He'll be alright.." tapik nito sa likod ko. Tinignan nila agad si Kai. Pinaupo nila ako sa gilid ng makita ang mga bitbit ko. Tahimik akong umiyak habang yakap sina Knoa at Khloe. Jaden!. I even called his name. Hoping that he'll be here. Sana. Andito sya para may masandalan naman ako. Nahihirapan na ako. Paano kung may mangyaring masama kay Kai?. Wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko lang.

Minutes later. Anemia. Yan ang diagnos nila kay Kayden. Knoa is watching me silently crying. Ang bigat sa dibdib na marinig ang bagay na ganito. Hinihiling na, sana'y ako nalang ang may sakit at hindi sya. Ako nalang, wag na sila. Sinabi din nilang hindi naman ito malala at maaari pang mawala kapag nagamot ito kaagad. Duon ako parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. "Please do everything.. Save my baby.." kulang pa ang mga salitang sinabi ko. Marami pa akong gustong sabihin subalit naglaho iyon at napalitan ng takot at kaba.

"No worries Miss.. just relax first.." saad ng Nurse na dumalo sakin. Inginuso pa nito ang dalawang bata sa tabi ko. Intindihin mo sila at kami na muna ang bahala sa anak mo sa loob. Anya ng malumanay. Isang tango lang ang naisagot ko dito. Nang may dumaan pang isang nurse. Binigyan nya ako ng coat . Isuot ko raw para di ako malamigan. Sa sobrang hiya. Dahl sa roba lang ang suot ko ay agad ko iyong ipinulupot sa katawan ko bago muling kinarga si Khloe.

"Bamby?!." Thanks to You!. Kuya Mark is here. "Narinig ko sa Kuya Lance mo ang lahat.. Bakit di mo ako tinawagan?."

"I'm sorry Kuya.. I was lost.." nanlabo ang mata ko dahil sa mainit na luha na awtomatikong namuo. Tumulo agad iyon at nakita nya. Humakbang ito palapit at niyakap ako ng bahagya.

"Ayos lang.. wag ka ng umiyak.. Kuya is here.. nasaan si Kai?. Is he okay?." umiling ako dito. Hindi ko malaman kung anong itsura ng mukha kong tiningala sya. "Don't worry.. he'll be fine.." muli nito akong niyakap. Humalik pa nga sa noo ko. "Kumalma ka.. Knoa is watching.. magpakatatag ka okay?. I know you're strong Bamby.. this is the right for you to be more stronger.. kailangan ka ng mga anak mo.." bulong nya. Saka kumalas ng yakap at tumayo. Binigyan nya muna ng halik sina Knoa at Khloe bago sinabing pupuntahan nya si Kai.

"Ah.. I almost forgot.. Jaden is coming here.. Tinawagan ko sya kanina.." papasok na sya sa kabilang hall nang sabihin nya ito. "Nataranta sya at tinanong ka. I didn't answer his question dahil si Lance naman ang nakausap ko. Sinabi ko lang sa kanya na pumunta nalang dito sa hospital at tignan ang kalagayan nyo.." tahimik lang akong pinasadahan sya ng tingin. Nakadamit pantulog ito. Mukhang kakalabas nya lang rin ng ospital na duty nya tapos naalimpungatan rin gaya ni Kuya Lance. "Tsk! Tsk!. Puro kasi trabaho.. wala nang oras sa pamilya.." I heard him whispering this before heading out. Kung si Kuya Lance ay naiintindihan ang ginagawa ni Jaden. Sya namang kabaligtaran ni Kuya Mark. Paulit ulit nyang sinasabi sakin na baka may iba nang ginagawa ang aking asawa. Wala na kasi itong halos na oras para samin. Puro trabaho. Laging trabaho ang kanyang inaatupag. I insisted him too na hindi ganun ang asawa ko. He has the point na puro ito trabaho but my husband has a point too. His job is not just for himself. It's for our family. It's for us. Naniniwala ako sa bawat mga salitang binibitawan nya. At ayokong gumawa ng bagay na walang kasiguraduhan. Pareho lang kaming mahihirapan kapag inuna ko ang sarili ko.