Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Be My Daddy

SakuraYushi
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1 : It's A Mistake

ANRIE

I woke up in a fine day. Tulad nang dati, pagkatapos gumising ay naligo agad ako. Nag-ayos din naman agad ako pagkalabas ng banyo para hindi ako ma-late sa school.

Mabilis kong inayos ang gamit ko for school at nagdirediretso na sa kusina. Naabutan ko si mommy at manang na hinahanda ang breakfast at nililigpit naman ang mga nagamit nang kubyertos, maybe ito ang mga ginamit nina daddy at kuya nang mag-agahan sila.

Pareho ko silang binati ni manang at saka ako naupo sa hapagkainan. Naglagay na ako ng kanin, bacon, egg and hotdog sa plato ko and I started eating. Naupo din naman si mommy sa harapan ko at ininom niya ang kape sa mug niya. Tahimik akong kumain pero tiningnan ko rin si mommy after a while.

"Mom, okay lang po bang sumama ako sa overnight kina Judy. Gagawa po kami ng book report," pagpapaalam ko habang kumakain pa rin ako ng breakfast.

"Sinong kasama mo?" tanong ni mommy at tiningnan ako. Nag-isip ako at isa-isa kong inalala ang mga kagroupmates ko.

"Sina Judy, Tyca, Sydney, Jay and Tuff po," sabi ko. Kailangan kasing specific ako sa mga ganitong tanong niya kaya kahit hindi naman niya kilala ang ilan sa nabanggit ko ay dapat na sabihin ko pa rin. Gusto niya kasi talagang malaman kung sino-sino ang mga nakakasama ko.

Tumango-tango lang naman si mommy sa sinabi ko.

"Ok, pero magpaalam ka muna sa daddy mo." Tumayo na si mommy at niligpit na niya ang mga pinagkainan namin. Agad din namang lumapit si manang kay mommy at tinulungan siyang magligpit. Napabuntong hininga ako. Sa mga ganitong bagay ay pahirapan talaga ang pagpapaalam lalo na't overnight pa kami.

"Opo mom," sagot ko nalang. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko for school. Nakaalis na sina daddy at kuya kaya mamayang gabi na ako magpapaalam.

"Mom, aalis na po ako," pagpapaalam ko sa kanya. Tiningnan ako ni mommy at sabay na tinanguan.

"O sige anak. Huwag kang magpapagabi ha." Tumango ako.

"Opo." Hinalikan ko si mommy sa pisngi niya bago ako lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa may garahe kung saan naghihintay sa akin si kuya John na driver namin at nagpahatid na ako sa kanya sa school.

Unlike the previous days na medyo naging busy kami sa school, ngayon ay konte lang ang ginawa naming class activities kaya mabilis na lumipas ang klase. Absent pa ang isa naming professor sa last subject kaya agad akong nakauwi. Naisipan ko na ring umuwi nang maaga para sa bahay ko nalang hintayin sina daddy.

Bandang 5:30 ng hapon nang umuwi si kuya at ala-sais naman ng gabi umuwi si daddy. Naisipan kong magpaalam sa kanya noong magdinner kami. Nagpaalam muna ako kay kuya bago ako lumapit kay daddy para matulungan niya ako, and as what I expected ay tinulungan niya nga akong magpaalam kay daddy.

"O sige, pero alam mo ang mga bawal," paalala ni daddy matapos naming magpaalam ni kuya. Nasa hapagkainan kami at napatigil lang dahil sa paghingi ko ng permission na pupunta ako kina Judy.

"Opo dad," nakangiti kong sabi sa kanya. Napatingin pa ako kay kuya na katabi ko lang at nginitian ko rin siya. Muli akong napalingon kay daddy nang magsalita siya.

"Matanda ka na Anrie, alam mo na ang tama at mali," dagdag niya pa. Tumango naman ako.

"Opo naman," nakangiti kong sabi sa kanya. I'm already nineteen at alam ko na ang mga bagay na gagawin at iiwasan. I'm already an adult kaya maingat na talaga ako sa mga bagay-bagay. I also don't want to disappoint my parents.

"Tsaka, magtext ka lagi, para hindi naman kami mag-alala."

"Opo."

Mabait ang mga magulang ko, kaso minsan ang strict na talaga. Dalawa lang kasi kami ni kuya, and dahil sa babae ako kaya overprotective sila sa akin. Kahit na ngayong college na ako ay pinagbabawalan pa rin nila ako sa maraming bagay. Pero kahit na ganito kami lagi ay ok lang naman sa akin, alam ko naman kung ba't nila ako pinagbabawalan lagi and it's for my own good.

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay at pumunta kina Judy. Saturday and Sunday kami doon kasi wala ang mga magulang niya buong weekend. Solo daw namin ang buong bahay nila sabi pa ni Judy sa amin.

Doon kami gumawa ng book report sa study room nila, para kung may kailangan kami ay hindi na kami mahihirapan, lalo na kung may mahirap na part sa book na hindi namin maintindihan.

Agad akong nag-inat nang matapos kong maencode ang last paragraph para sa chapter 8. Napabuntong hininga ako. Grabe, nakakapagod! Anim na nga kami pero nahihirapan pa rin kaming tapusin ang project namin. Natapos na namin ang walo at may halos sampung chapters pa kaming babasahin. I hope matapos namin ito.

"Snacks muna tayo," sabi ni Jay na kanina pa ata nagugutom. Nagtanguan naman kaming lahat.

"Oo ba. Teka!" Napatayo si Judy at agad na lumabas ng study room, pupunta atang kusina. Tumayo din ako.

"CR muna ako," pagpapaalam ko kay Tyca. Napatango naman siya kaya pumunta na ako sa comfort room na malapit lang sa kwarto ni Judy, it's the last door in the right side of the second floor.

Pagbalik ko ay andoon na si Judy at kumakain na sila. Naupo ako agad. Kumuha ako ng juice na nakapatong sa table at ininom ito.

"Teka An—" pagpigil ni Judy sa akin.

"HA?" Tiningnan ko siya at ibinaba ko ang walang laman kong baso sa table. Dahil sa uhaw ay naubos ko ito sa isang lagukan lang.

"O-oh!" she said habang iniiling ang ulo niya kaya nagtaka ako. Naikunot ko ang aking noo  dahil doon. Bakit ganyan ang reaksyon niya? May nagawa ba ako?

"Bakit?" I asked her. May nagawa ba akong masama?

"Eh kasi An—" Nagkatinginan pa sila nina Sydney at kinakabahang tiningnan ako. "Uhm... An, may alcohol kasi iyong ininom mong juice." Natigilan ako sa sinabi niya. Alcohol? Anong alcohol?

"HA?" naguguluhan kong tanong. Alcohol? Does she mean na may alak iyong ininom ko?

Nang magsink-in sa utak ko ang ibig nilang sabihan ay agad kong naibilog ang aking mga mata. Naku po!

"S-Sorry!" Judy said apologetically, napangiwi pa siya. "Para sa amin sana iyon. Kayo lang kasi ni Sydney ang hindi umiinom." May inabot siya sa aking iced tea at napangiti awkwardly. "Juice?" alok niya. Napangiti nalang ako kahit na kinakabahan ako sa nangyari. Hindi pa ako nakatikim ng alak and I don't know kung ano ang magiging epekto nito sa akin. Napabuntong hininga ako at ininom ko nalang iyong iced tea na ibinigay sa akin ni Judy.

I calmed down when nothing happened. Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa but I stop nang mayamaya'y nagsimula nang umikot ang paningin ko. Nahihilo ako.

"Aahh!" angal ko sabay na napahawak pa ako sa ulo ko.

Napahiga ako sa sofa dahil hilong-hilo na talaga ako. Mukhang hindi ako bagay uminom. Umiikot na ang paningin ko at ang sama pa ng nararamdaman ko. Konteng alak lang ay ito na agad ang epekto sa akin.

"An... Ok ka lang?" Tiningnan ko si Sydney na ibinaba ang tingin sa akin.

"Nahihilo ako eh." Ipinikit ko ang mga mata ko. Nahihilo talaga ako, and looking at them would not help my dizziness.

"An! An!" tawag sa akin ni Sydney. I tried to look at her, pero hindi ko na mai-focus ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko na marinig ang pagtawag ni Sydney at tuluyan na nga akong nakatulog.

•••

Hmm...anong oras na ba?

Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang madilim na kwarto. Napaupo ako at sinubukang tingnan ang kinaroroonan ko. Medyo nahihilo pa ako kaya agad kong hinilot ang noo ko.

Natigilan ako nang may mapansin ako sa tabi ko. Tiningnan ko ito nang mabuti at agad akong napatakip sa aking bibig nang marealize ko kung ano ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa tabi ko.

Anong nangyari? Tanging naitanong ko sa aking sarili.

I want to scream nang makita ko ang kalagayan naming dalawa. We're both lying in the floor and completely naked. I opened my mouth but nothing came out of it. I really don't know why I just can't. Hindi ko magawang magsalita dahil na rin siguro sa kaba at pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Pinalo ko si Tuff na katabi ko after a moment of shock.

What happened? I tried to ask myself again. Hindi ko matandaan ang mga nangyari and it's really making me go crazy.

"T-Tuff! T-Tuff!" gising ko sa kanya. Niyugyog ko siya pero hindi ganoon kalakas, natatakot kasi akong hawakan siya. Minulat niya ang mga mata niya at tiningnan ako.

"An?" gulat niyang sabi at napaupo din siya.

Mabilis kong hinablot ang kumot na tumatakip sa katawan ko nang muntikan itong mahila paalis sa akin. Gusto ko na talagang umiyak but I forced myself not to.

"What happened? What did you do to me?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. Tiningnan niya lang ako at hindi sinagot. Halata sa mukha niya ang gulat, pag-aalangan at takot. Looking at him made me burst in tears. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko.

Ano ba kasi ang nangyari? Bakit kami magkatabi at walang—walang—? No! Hindi pwede!

"Wala—" he said at napatayo agad siya. Pinulot niya ang mga damit niya at nagsimulang magbihis. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"TUFF! What did you do?" I asked angrily. Hindi ko matatanggap ang sagot niyang iyon. Wala? Wala lang? Iyan lang ang isasagot niya sa akin? How dare him!

"Nothing happened—okay!" Pagkabihis niya ay hinarap niya ako pero hindi niya ako matingnan nang diretso sa mata. Iwas ang mga mata niya sa akin at sa gilid ko lang napatingin. "Walang nangyari, kalimutan mo na ito," he continued. Mas naikunot ko ang aking noo.

Kalimutan? W-What?!

"Pero—" I tried to demand but he cut me off.

"Magbihis ka na, malapit nang mag-umaga. Aalis na ako." Binuksan niya ang pinto ng study room at agad na lumabas. Naiwan akong tulala, naguguluhan at natatakot. I burst into tears again.

Bakit niya sinabi iyon? Kung may nangyari nga sa amin— gusto niyang kalimutan ko nalang ang lahat. Iiwan niya ako sa ere? I HATE HIM!

Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Ang bigat na rin ng nararamdaman ko na para bang pinukpok ng martilyo ang puso ko. Kinuha ko ang mga damit ko at nagbihis na ako. Lumabas ako ng study room at pumunta sa kwarto ni Judy, kung saan kami dapat matutulog.

I slowly opened the door. Ayaw ko silang magising and I don't want them to see me like this.

Mahimbing na natutulog sina Judy nang pumasok ako. Hindi nga nila ata napansing wala ako sa tabi nila.

Muling bumigat ang loob ko at ramdam ko na naman na naiiyak ako. Bakit ba kasi nila ako iniwan sa study room na kasama si Tuff? Bakit hindi nila ako dinala dito sa kwarto? Bakit nila ako pinabayaan?

I started to feel hatred but when I saw their faces ay nawala nalang bigla ang galit ko sa kanila. It is not their fault. Hindi naman nila ginustong mangyari iyon sa akin. Kung may nagawa man sila, I know it is not their intention. Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, I am still hurting. May parte pa rin sa akin ang nagsasabing 'Kung hindi nila ako iniwan ay wala sanang mangyayari.' I can't take away the fact that I'm partly blaming them. They should have taken me here lalo na't nalasing ako. Hindi dapat nila ako pinabayaan at iniwan sa study room kasama si Tuff.

Tumabi ako kay Sydney at niyakap siya. I really need someone to comfort me. I'm tired and I'm in pain. I'm sure na may nangyari nga sa amin, I can feel it in me. Gusto ko nalang magpahinga.

"Hmm... An?" biglang sabi ni Sydney kaya natuon ang atensyon ko sa kanya. Nagising ko ata siya.

"Sydney," I called.

"Okay ka lang?" she asked kahit na hindi niya ako hinaharap. I am not okay! I really want to tell her.

"Uhm..." I started. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang nangyari. Sasabihin ko ba?

"An?" she asked nang hindi agad ako nakasagot.

"O-Okay lang ako. Tulog na ulit tayo," pagsisinungaling ko. Napangiti siya at ipinikit niya na ulit ang mga mata niya. I really want to tell her pero natatakot ako. I'm really confused. Ano ba ang gagawin ko? Ano ba kasi ang nangyari?

I closed my eyes but tears fell from it. I just made a mistake without knowing it.

~❇️~