ANRIE
Akala ko ay hindi na talaga ako kakausapin ni Tuff that day. Umiwas kasi siya nang magkasalubong kami sa may cashier pero nagulat ako nang lumapit siya sa amin habang kinakausap ko si Judy and Sydney nang pauwi na kami ni Harry.
"Dalhin mo naman si Grame. Namimiss na namin siya eh," nakangiting sabi ni Judy sa akin. Simpleng napangiti lang ako.
"Hindi ko pa madadala si Grame eh." Napapout sina Sydney nang sinabi ko iyon.
"Sayang naman," Sydney said sadly.
"Don't worry. Pwede naman niyong bisitahin si Grame sa bahay." Napangiti agad ang dalawa nang sinabi ko iyon.
"Really?" Sydney excitedly grab my hands at nagsimulang magtatatalon.
"Oo naman," I said at pinahinto ko siya sa pagtalon niya. I grab her hand and Judy's too. "Kung hindi naman dahil sa inyo ay hindi ko maipapanganak nang maayos si Grame. Thank you girls."
"An..." They both pouted at agad akong niyakap.
"An." Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at nilingon ko ang tumawag sa akin.
"Yes?" Natigilan ako nang si Tuff ang nakita ko. Ang akala ko talaga ay si Patrick ang tumawag sa akin—hindi pala.
"Pwede ba kitang makausap?" Diretso ko lang siyang tiningnan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya lalo na't ngayon lang ulit kami nagkita after nang panganganak ko kay Grame.
Hindi ko alam kung galit pa rin ba ako sa kanya. Sa loob ng ilang buwang nawala kami ay pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang isipin, nagfocus ako nang mabuti sa pag-aalaga sa anak ko at sa tingin ko'y nagawa ko rin naman iyon.
"An, pwede ko bang makita si Grame?" He asked nang hindi ako nagsalita. Hindi ulit ako nakasagot. Napahinga ako nang malalim nang hindi ko na nakayanan ang pagsikip ng dibdib ko.
Dapat ko bang ipakilala si Grame sa kanya? Hahayaan ko ba siyang tumayong daddy ni Grame? Kailangan ko na ba siyang patawarin ngayon? Ano ba ang dapat kong gawin?
"Please An," he plead. Napatingin ako kay Harry to asked for help but he simply shrug. Sinimangutan ko nalang siya at hinarap ko ulit si Tuff.
Well, ok lang naman sa akin na makita niya si Grame, after all he's Grame's father. Pero ang problema ngayon ay nasa pamilya ko, siguradong ayaw nina dad at kuya na makita ni Tuff ang anak ko.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha mula dito ang wallet ko. Binuksan ko ito at kinuha sa loob ang picture ni Grame. Tiningnan ko muna ito at saka ko ito inabot kay Tuff.
Nagtataka siyang napatingin sa akin but I never said anything. Tinalikuran ko na siya at naglakad na pabalik sa kotse ni Harry.
"ANRIE!" Napalingon ulit ako kay Tuff nang tawagin niya ako. Nakangiti siya sa akin habang kinakaway ang kamay niya. "Hindi pa rin ako susuko. Hintayin niyo lang ako ni Grame."
Natigilan ako. Diretso akong napatingin sa kanya na nakatingin lang din sa akin habang nakangiti.
"An, let's go." Hinawakan ni Harry ang braso ko and he lead me back to his car. Napilitan tuloy akong tumalikod kay Tuff at sumakay sa kotse ni Harry.
Harry started the engine as soon as he entered the car. Napatingin pa ulit ako sa mga kaibigan ko na kumakaway sa akin, nginitian ko lang sila. Pinaharurot na ni Harry ang sasakyan at tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
"An, are you okay?" Harry asked kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha?" Kinunutan niya ako ng noo kaya napahinga ako nang malalim.
"You're not ok. Kanina ka pa tulala," aniya. Napabuntong hininga ulit ako.
"Harry, pwede bang huwag mo nalang itong banggitin kina daddy."
"Bakit naman?" He glanced at me pero ibinalik din niya ang tingin sa daan.
"Baka magalit kasi sila lalo."
"Hindi ba dapat sabihin mo nalang, para naman makita nila yung kagustuhan nung Tuff na panagutan kayo ni Grame." Napatingin ako sa labas ng bintana.
"Bibigyan pa ba nila ng chance si Tuff?"
"Oo naman." Napalingon ako kay Harry. Seryoso siyang nagmamaneho habang nagsasalita. "Kahit na anong gawin ni tito, si Tuff pa rin ang daddy ni Grame. Siyempre, hahanaphanapin ni Grame ang daddy niya... hindi man ngayon pero darating din ang time na mangyayari yun."
Napabuntong hininga ulit ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na itong ginawa. Napatingin ulit sa labas at tiningnan nalang ang mga nadadaanan naming buildings.
I know he's right, pero I still have doubts. Hahayaan ko na bang pumasok sa buhay ni Grame si Tuff? Baka masaktan lang ako ulit. At hindi ko kakayanin kung pati ang anak ko at masasaktan rin.
•••
"Grame, good morning!" bati ko sa anak ko nang gumising ako. He's already awake and he's playing with his fingers. Kinuha ko siya mula sa crib niya at kinarga siya. "Kumusta ang tulog ni baby? Mahimbing ba?" Agad siyang napangiti kaya napangiti rin ako.
Dahan-dahan ko siyang pinasandal sa dibdib ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at inilabas siya.
"They said sunlight is good for babies. Kaya baby Grame, magpapaaraw muna tayo ah," sabi ko sa anak ko nang bumababa kami papuntang sala.
Binati ko pa sina mama nang makita ko sila sa kusina at saka na ako nagdirediretso sa garden kung saan medyo maaraw. Maaga pa naman kaya hindi pa gaanong mainit.
Isinayaw-sayaw ko si Grame nang marating namin ang garden. Hindi ko alam na nakatulog pala siya ulit dahil mayamaya'y nagising ito at nagsimulang umiyak. Agad kaming pinuntahan ni yaya Remy nang marinig niyang umiyak si Grame.
"Hija, anong nangyari?" usisa niya at hinagod niya nang dahan-dahan ang likod ni Grame.
"Ewan ko ya," sabi ko sabay iling. "Umiyak nalang siya bigla." Hinimas ko na rin ang likod ni Grame at dahan-dahan ko siyang isinayaw ulit.
"Baka gutom na siya, ipagtitimpla ko nalang siya ng gatas," aniya. Agad naman akong napailing bago pa man siya makapasok ng bahay.
"Huwag na ya, ako nalang po."
"Pero..."
"Ya, ako na po...alam niyo naman po diba?" Napangiti pa ako kaya tumango nalang siya.
"O sige. Akin na si Grame." Tumango ako at lumapit naman din si yaya sa amin. Dahan-dahan kong inilipat si Grame sa braso ni yaya para hindi ito masaktan.
"Grame, ititimpla ka lang ni mommy ng milk ah. Sandali lang ako." Umiiyak pa rin si Grame pero napatigil siya sandali nang magpaalam ako. Seryoso niya akong tiningnan kaya napangiti ako.
Nang masigurado kong komportable na ang anak ko ay agad din akong pumasok sa loob ng bahay. Nagpunta ako sa kusina at nagsimula nang magtimpla.
Ako mismo ang nagtitimpla ng gatas ni Grame dahil gusto ko kasing maramdaman niya na mahal ko siya kahit sa ganitong kasimpleng bagay. Hindi nga nakakatimpla si mommy ng gatas para kay Grame dahil ayaw ko kasi talaga. Ang gusto ko ay ako lang ang gumagawa nito para kay Grame.
Lumabas na ako ng kusina nang matapos ako at binalikan ko na sina yaya sa garden. Hindi ko na rinig ang iyak ni Grame nang papalapit na ako, siguro ay napatahan na siya ni yaya.
"Grame, nan—" Nabitawan ko ang milk bottle na hawak ko nang makita ko ang lalakeng kasama nina yaya. Napatingin agad sila ni yaya sa akin nang mangyari iyon.
"Hija, pasensya na. Nagpilit kasi siya kaya wala na akong nagawa," pagpapaliwanag ni yaya habang nakatingin sa akin.
Napatingin naman ako sa lalake habang karga-karga niya si Grame. Ngumingiti si Grame sa kanya ngayon at halatang masaya ang anak ko habang inaaliw siya ng lalake.
"Bakit nandito ka?" tanong ko nang matauhan ako. Diretso akong nakatingin sa kanya at nang tingnan niya ako ay nagtama agad ang mga mata namin.
"Gusto ko lang siyang makita," sabi niya sabay ngiti. Ibinalik niya ang tingin kay Grame at nilaro-laro niya ito ulit. Masaya namang tumatawa si Grame na nagpipilit pang hawakan ang mukha ng lalake.
Nilapitan ko naman sila agad at kinuha ko si Grame sa kanya. Ibinigay din naman niya si Grame sa akin nang hindi na ako pinapahirapan.
"Umuwi ka na," sabi ko nang nasa akin na si Grame. "Baka makita ka pa ni dad."
"An!" he called pero agad ko siyang inilingan.
"Please Tuff," pagmamakaawa ko. Kapag nakita siya ni daddy ay tiyak na magagalit ito, baka ano pa ang gawin nito sa kanya.
"Gusto ko lang makita ang anak ko." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at dahil na rin sa pag-iyak ni Grame. Nakatingin siya kay Tuff ngayon habang umiiyak.
"Kahit si Grame ay gusto rin akong makita," he said at napangiti pa siya.
"ANRIE!" Agad akong napatingin sa may pinto nang marinig ko ang boses ni daddy.
Naku po!
Tiningnan ko agad si Tuff at mabilis siyang inutusan. "Umalis ka na. Magagalit si daddy kapag nakita ka niya," I commanded. Umiling pa siya.
"Hindi naman ako—"
"TUFF!" pagputol ko sa kanya. Bakit ba ang kulit niya?
"Hindi na ulit ako magtatago—" he tried to say pero pinigilan ko ulit siya.
"Mabubugbog ka ni daddy. Paano nalang kami ni Grame kapag may masamang nangyari sayo—" Natigilan ako nang marealize ko ang sinasabi ko. Napangiti si Tuff at tumango din siya.
"O sige. Pero babalik ako." Ngumiti siya at saka kami nilapitan. Bigla niya akong hinalikan sa noo at pati na rin si Grame.
"I love you and Grame. Babalik ako." Ngumiti siya nang huling beses at mabilis siyang naglakad paalis. Napahinto pa siya sandali at muli kaming nilingon. Tinanguan ko nalang siya at nginitian.
Muli siyang naglakad kaya sinundan ko nalang siya ng tingin habang naglalakad siya papunta sa main gate. Napailing ako nang maalala ko ang sinabi ko kanina sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi ko iyon, at mas hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang mga katagang iyon mula kay Tuff.
"I love you and Grame. Babalik ako."
Mahal niya ako?
"Anrie! Ano oto?" Nagulat ako sa boses ni daddy kaya napalingon agad ako sa kanya. Nakita niya ba kami kasama si Tuff?
"Dad?" natataranta kong tanong.
"Anong nangyari dito?" Napatingin ako sa tinuro niya. I breathe in relief nang makitang ang baby bottle ni Grame ang tinuturro niya. Akala ko na kung ano. Akala ko ay nakita na niya si Tuff.
"Sorry po dad, nabitawan ko kasi...madulas kasi yung bote," agad kong palusot. Tumango naman siya.
"Remy, pakilinisan mo na ito, baka makadisgrasya pa." Tumango naman si yaya Remy matapos akong lingunin sandali. Sinenyasan ko siya na huwag nalang maingay.
"Opo sir," aniya at inasikaso na agad niya ang basag na milk bottle na nagkalat sa may pintuan. Pati iyong gatas na kumalat sa sahig ay nilinis na rin niya.
"An, ipasok mo na si Grame," utos ni daddy at tumango din naman agad ako.
"Opo dad."
Bago ako pumasok ay lumingon muna ulit ako sa direksyon na pinuntahan ni Tuff kanina. Hindi ko napansing napangiti na pala ako.
Naglakad na ako pabalik sa loob at umakyat na ako sa kwarto. Ibinaba ko si Grame sa kama at tinabihan siya.
"Grame, masaya ka ba ngayon dahil nakita mo si daddy?" Tiningnan ako ni Grame at hinawakan niya ang mga daliri kong nakapatong sa tiyan niya. Napangiti ako. Hinalikan ko siya sa pisngi niya at napatawa naman siya.
"Mukhang masaya ang baby namin ah," sabi ko. Binuhat ko siya at niyakap. "Masaya din si mommy baby Grame," bulong ko sa kanya and my baby chuckled for the second time.
Napangiti nalang ako lalo. Kinarga ko si Grame at niyakap ko siya nang mahigpit.
Hindi ko inaasahang matutuwa ako sa pagpunta ni Tuff ngayon. Iyong galit na namamayani sa puso ko sa tuwing nakikita ko siya ay bigla nalang natunaw nang makita ko siyang karga-karga ang anak namin. Seeing him and Grame cuddling together is really a good sight lalo na't nakita ko ang anak ko na sobrang saya. That's the first time I saw him smile like that.
Harry's right. Grame really needs Tuff. Dapat ko na ba siyang bigyan ng chance? Dapat ko na ba siyang patawarin?
Napailing ako. I don't know. I'm still confused. Hindi ko alam kung magiging tama ba ang gagawin ko. I don't want to make a decision na pagsisisihan ko lang sa huli.
—❇️—