ANRIE
Nagising ako dahil sa pagkatok ni mommy sa pinto ng kwarto ko. Naimulat ko ang aking mga mata at saka ko itinuon ang paningin ko sa pinto.
"Anak! Gising na! Malelate ka na," paulit-ulit na sabi ni mommy habang kumakatok siya. I tried to get up pero wala akong lakas para kumilos. Ang bigat ng katawan ko at ang sama-sama pa ng pakiramdam ko.
Nagsimulang umiyak si Grame na nasa crib niya kaya sinubukan ko ulit na tumayo, pero tulad ng kanina ay wala talaga akong lakas na gumalaw. My whole body is tired and lazy.
Bumukas ang pinto at pumasok si mommy. "Anak?" tawag niya sa akin at saka niya ako nilapitan. "Ok ka lang ba?" tanong niya. Dinampi niya sa noo ko ang palad niya to check my temperature. "Ang init-init mo," komento niya pagkatapos.
Napahinga ako ng malalim. Ang init nga ng hininga ko at pati ang mata ko ay sumasakit na rin dahil sa init, gusto ko tuloy na pumikit nalang ulit.
"Mom!" pilit kong tawag sa kanya. Kahit na ang magsalita ay nahihirapan na rin akong gawin. My throat hurts so bad. "Pa-pakigawan nalang po ng milk si Grame," buong lakas kong pakiusap sa kanya. Umayos ako ng higa at saka tinakpan ang sarili ko ng kumot. Ang sakit-sakit talaga ng ulo ko!
"O sige, magpahinga ka na muna. Dadalhin ko na muna si Grame sa kwarto namin ng daddy mo, ok? Baka mahawa ang bata eh." I slowly nod my head at nilingon ko ulit siya.
"Opo mom. Kayo na po muna ang mag-alaga kay Grame. Masama po talaga ang pakiramdam ko." Ngumiti si mommy. Hinila niya ang comforter na nasa paanan ko at kinumutan ako. Lumapit naman siya sa crib ni Grame pagkatapos at kinuha ito.
"O sige. Babalik ako agad, dadalhan kita ng gamot at sopas."
"Opo mom." Lumabas na si mommy at baby Grame kaya ipinikit ko na ulit mata ko. Matutulog na muna ako ulit.
Nagkasakit ako dahil nagpaulan kami ni Tuff kahapon. Siya kasi eh, hinila-hila pa ako sa ulan kaya ito tuloy—may sakit ako ngayon. Sana maging okay na agad ako para maalagaan ko na ulit si baby Grame.
Naimulat ko ulit ang aking mata nang muling bumukas ang pinto.
"An, kumain ka muna," sabi ni mommy. Nilapitan niya ako at saka inalalayang makaupo.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko kaya kahit konteng galaw lang ay nahihilo na ako. Ang lamig lamig pa pero kapag nagdikit naman ang mga balat ko ay nakakaramdam naman ako ng sobrang init, napapaso ako.
"Mom, wala po akong ganang kumain," nanghihina kong sabi. Hindi ko na nga magawang tingnan siya.
"Sige na, kumain ka na kahit konte." Sinubuan pa ako ni mommy ng soup kaya wala na akong nagawa kung 'di ang kumain. Pero nang masubo ko ito ay agad akong napangiwi. Bakit ganito ang lasa ng soup ni mommy? Ang pait!
"Mom, ang pait," reklamo ko.
"Hindi ito mapait anak," ani mommy na ibinaba muna ang sopas para bigyan ako ng tubig. "Dahil sa may sakit ka kaya iba ang panlasa mo. Tiisin mo nalang para magkalaman lang ang tiyan mo." Kinuha ulit ni mommy ang soup at sinubuan ulit ako. Kinain ko nalang iyon kahit na ayaw ko talaga. Nang maubos ko ang sopas ay binigyan naman ako ni mommy ng gamot. Hindi katagalan ay nakatulog din ako.
Nagising ako kinabukasan. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero mas okay na ako ngayon kesa kahapon. Napatayo agad ako sa kama at lumabas ako ng kwarto. Buong araw kong hindi nakita si Grame kaya namiss ko siya nang sobra, gusto ko siyang makita ngayon. Agad kong tinungo ang kwarto nina mommy. Kumatok pa ako bago ako pumasok pero natigilan ako nang wala akong makitang tao sa loob.
"Mom!" tawag ko kay mommy pero walang sumagot sa akin. Pumunta naman ako sa kwarto ni kuya pero gaya sa kwarto ng parents ko ay wala ring tao roon. Pati ang guest room ay ni-check ko na pero wala talaga sila.
Bumaba ako at pumunta sa kusina pero gaya sa taas ay tahimik rin dito. Nang pumunta ako sa sala ay doon ko nakita si mommy. May kausap siya nang pumasok ako at nang tuluyan akong makalapit ay napag-alaman kong si tita pala ang kausap niya.
"Mom!" tawag ko at napatingin naman sila sa akin ni tita.
"An, bakit bumaba ka na?" tanong ni mommy. Agad siyang tumayo at nilapitan ako. "Hindi ka pa magaling ah!" dagdag niya na sinapo pa ang aking noo para icheck ang temperatura ko.
"Mom, si Grame?" agad kong tanong. I didn't even bothered greeting my aunt na nakatayo na sa harapan ko. Natigilan ako nang makita ang reaksyon nilang dalawa, pareho silang nabigla sa sa sinabi ko at nagkatinginan pa silang dalawa. Bakit? Anong meron?
"Mom?" nag-aalalang tanong ko. Anong nangyayari? Nasaan ang anak ko?
"An, umakyat na tayo. Magpahinga ka muna," aniya at inalalayan niya akong maglakad pero hindi ako gumalaw.
"Mommy... si Grame?" Pag-uulit ko. Something is wrong.
Anong tinatago nila? Nasaan ang anak ko?
"He's not here." Sabi ni mommy na nagpabilis nang tibok ng puso ko.
NOT HERE? W-WHAT?
"Anong wala?" Naguguluhan kong tanong. Anong ibig nilang sabihin sa wala?
"Hindi ko kayang alagaan kayo ng sabay." Sinabi ni mommy na wala man lang pakialam.
"What?"
"I can't take good care of you and Grame at the same time."
Napapikit ako, dinadigest ko pa ang mga sinabi ni mommy sa akin. Parang nablanko bigla ang utak ko. Ano ba yung sinabi niya?
Hindi niya daw kami kayang alagaan ni Grame ng sabay? Ibig sabihin ba nun... she did let go of Grame?
"Nasaan si Grame!?" Tumataas na ang boses ko, at sabay nito ang pagsakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo at minasahe ito, my head is hurting so bad. And my heart is breaking in parts.
Hindi sumagot si mommy, at nag-iwas sila ng tingin ni tita.
"MOM! SI GRAME?" naisigaw ko na ang frustrations ko. Bakit hindi nila ako magawang sagutin? Nasaan ba talaga ang anak ko?
I tried to look strong, pero unti- unti nang umiikot ang paningin ko. Mas lalong sumasakit ang ulo ko at nahihilo na naman ako.
Where's my child? Grame, where are you?
"S-Si Grame?" Then everything turns black. Nawalan na ako ng malay.
• • •
TUFF
Absent si Anrie kahapon pati na rin ngayon. Ang sabi nila ay may sakit daw siya kaya hindi siya nakapasok. Nagkasakit siguro siya dahil sa pagpapaulan namin ni Anrie noong isang araw.
I heave a deep sigh. Dahil 'to sa akin eh. It's my fault why she's sick. Kung hindi ko siya hinila sa ulan ay hindi siya magkakasakit.
"Oh my God!" Narinig kong sabi ni Sydney kaya napatingin ako sa kanya, parang lahat ata kami sa classroom ay napatingin sa kanya.
"Syd? Bakit?" tanong sa kanya ng boyfriend niyang si Patrick at nilapitan agad siya.
"Si An—si Anrie, isinugod sa ospital." Napatayo ako nang marinig ko iyon.
"WHAT?" Napatingin sila sa akin dahil sa tanong ko.
"Tuff, nagcolapsed daw si An kanina. Itinext ako ng kuya niya... dinala daw nila sa ospital si An ngayon-ngayon lang." Agad akong napatalikod sa kanila. I grab my bag and walk towards the door. Pupuntahan ko si Anrie, kahit saang ospital man siya naka-confine.
"Where are you going?" tanong sa akin ni Sydney at hinawakan ako sa braso.
"Pupuntahan ko siya," I said.
"Don't go." Napatingin ako sa kanya at naikunot ko ang aking noo.
What? Why?
"Huwag daw tayong pupunta. May problema daw kasi...and no one is allowed to see An."
Ha?
"Ano pa ang purpose ng pagtitext nila kung hindi rin nila gustong bisitahin natin si Anrie." Nagkibit-balikat si Sydney but she looks so worried. Napaupo nalang ako.
DAMN! Ano ba ang problema nila? Dati ay ako lang ang pinagbabawalan nila, pero ngayon pati na ang mga kaibigan ni Anrie ay bawal siyang makita? What is wrong with them?
• • •
ANRIE
Paggising ko at nasa ospital na ako. Masakit ang ulo ko at nilalamig pa rin ako.
Ano ba ang nangyari kanina?
Naupo ako at tiningnan ang buong kwarto. I breathe in relief nang makitang wala akong kasama dito. Mabuti naman! I don't think I can stand any minute na kasama si mommy. Because of what she did, she made me lost a part of the trust I gave her. For me, she's one of my strength... pero dahil sa ginawa niya I feel weak.
Dahan-dahan kong tinanggal ang nakakabit sa akin na dextrose. Masakit ito pero tiniis ko. Kailangan kong hanapin ang anak ko ngayon and I don't want to waste any time resting in this damn hospital.
Tumayo na ako sa hinihigaan ko. Lalabas na sana ako but when I saw my reflection in the glass door ay napahinto ako. Nakasuot pala ako ng hospital gown. Tsk! Tiyak na hindi ako makakalabas nito if someone will see me.
Naghanap muna ako ng damit na pwede kong magamit para hindi ako mapansin ng sinuman. Mabuti nalang at may dinala pala silang pwedeng kong masuot. Hindi ko na hinubad iyong hospital gown na suot ko, pinatungan ko nalang ito ng jacket at nagsuot lang ako ng jogging pants. Tapos kinuha ko na yung phone ko at wallet, at lumabas na ako ng kwarto.
Walang tao sa labas. Good. Mas madali ito para sa akin, I can sneak out without anyone seeing me. Nagsimula na akong maglakad sa hallway. Busy ang mga tao kaya hindi nila ako napapansin. Tahimik lang ako na naglakad palabas.
Nakakainis si mommy, nakakainis silang lahat. I gave them all my trust, but they betrayed me. Sa mga panahong wala akong lakas, sa mga panahong lugmok ako... nandiyan sila, pero bakit ngayon? Bakit yung pinakahahalagahang yaman ko ay inilayo nila sa akin? Ang sakit!
Lumabas ako ng ospital nang walang nakakapansin sa akin. Naglakad ako papalayo sa lugar na iyon pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko naman kasi alam kung saan ko hahanapin si Grame. Wala akong idea kung nasaan ang anak ko at wala din akong lakas para mag-isip. I'm too tired and weak.
Napahinto ako sa paglalakad nang nahilo na naman ako. Tsk! Pati ba naman itong pagkahilo ay aasarin ako?
Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Nasaan ka ba Grame? Mommy is looking for you. Mommy is worried about you. Where are you?
Tuloy-tuloy na tumulo ang luha sa mga mata ko. I'm too devastated right now and I'm too tired. Gustong-gusto ko nang makita ang anak ko but things are keeping it all hard for me.
"Miss... okay ka lang ba?" Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang nagtanong sa akin. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil sa luhang nagpapatakan sa aking mga mata ko, but I'm sure he's a man. "Do you need any help?" he continued at nag-squat pa siya sa harapan ko para mapantayan ako.
"C-can you fetch a taxi for me?" tanging nasabi ko.
"O-okay!" Tinulungan niya akong makatayo at pinaupo muna sa gilid saka siya naghanap ng taxi na masasakyan ko. "Take good care. And good luck sa kung ano man ang gagawin mo," sabi niya nang tinulungan niya akong makapasok sa loob ng taxi.
Tumango naman ako at nginitian siya. "Thank you," I said. I saw him smile.
"Your welcome," aniya at saka niya isinara ang pinto. Nginitian ko nalang siya habang umaandar na ang taxi.
"Manong, sa...po tayo," I gave the address to the driver at agad naman niya akong hinatid doon.
Kung nandoon si tita sa bahay kanina ay baka nasa kanya nga si Grame. I need to find out if Grame is with them. Pupunta ako sa bahay nila to find out.
The ride to tita's subdivision took almost an hour. Pero nang papasok na kami sa subdivision ay agad kaming hinarang ng gwardiyang nakabantay sa main gate. The driver lowered the car's window at kinausap ang guard.
"Pasensya na po pero hindi po kami nagpapapasok ng taxi sa loob ng subdivision," pagharang sa amin nito. Tiningnan ako ng driver at tanging pagbuntong hininga lang ang nasagot ko.
"O sige po manong, dito nalang ako." Nagbayad nalang ako sa kanya at lumabas na ako ng taxi. Kung hindi makakapasok ang taxi ay lalakarin ko nalang ang pagpunta sa bahay nina tita.
• • •
TUFF
"Class dismissed."
Pangatlong dismissed na namin 'to ngayong araw, pero hindi pa rin ako makapagfocus sa klase. Nag-aalala ako para kay Anrie at Grame. Kumusta na kaya si An? At sino kaya ang nag-aalaga ngayon kay Grame?
"Tuff, tawag ka!" Napatingin ako kay Patrick dahil sa pagtawag niya.
"Huh?" I'm too focused sa mga naiisip ko kaya hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya.
"May naghahanap sayo," sabi niya at tinuro ang tao sa labas. Napatayo agad ako nang makita ang tinutukoy niya.
"Harry?" Nilapitan ko agad siya, nginitian naman niya. "Harry, why are you here?"
"Kailangan ka ni Anrie ngayon," aniya pero napabuntong hininga lang ako.
"Kumusta na ba siya?" tanong ko nalang. Kahit na gusto ko mang puntahan siya, tiyak na hindi ako papayagan ng parents niya na makita siya.
"Umalis siya ng hospital." Natigilan ako sa sinabi niya at sabay akong napatingin sa kanya.
"W-What?" Anong umalis?
"Tumakas si An sa hospital. Nag-aalala kaming lahat sa kanya dahil hindi pa siya magaling. Baka may mangyaring masama sa kanya."
"Paano siya nakaalis? Akala ko ba may nagbabantay sa kanya?"
"Iniwan siya sandali nina tita sa kwarto nito at pagbalik nila ay wala na siya."
"Sabihin mo nga sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit umalis si Anrie sa hospital?"
"Hindi ko talaga alam ang nangyayari, but An texted me...hahanapin niya daw si Grame."
"Hahanapin? Nawawala ba si Grame?" Nagkibit balikat lang si Harry. Muli akong napabuntong hininga.
"Sorry pre. Hindi ko talaga alam, wala namang sinasabi sina tita. Basta ang alam ko lang ay umalis si Anrie sa hospital para hanapin si Grame."
Ugh! Ano na naman ba ang ginawa nila? Pati ba si Grame ay ilalayo na nila kay Anrie? This is too much!
"Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Oo, pupunta siya kina tita Casie. Kaya nga kita pinuntahan, alam kong ikaw ang makakatulong kay Anrie ngayon...and I know she needs you"
"Samahan mo ako."
"O sige. Eh, magcucutting ka?" Napangiti ako.
"Diba pumunta ka dito para sabihing puntahan ko si Anrie? Ba't magtatanong ka kung magcucutting class ako?"
"Sorry naman." Bumalik ako sa loob at kinuha ko na ang bag ko.
"Tuff! Aalis ka?" Napatingin ako kay Patrick at tinanguan siya.
"Pupuntahan ko si Anrie."
"H-Ha?"
"Sasabihin ko sayo mamaya. Tayo na Harry."
"Okay," ani Harry kaya naglakad na kami palabas ng building.
An, Grame—wait for me. I'm coming!
~❇️~