ANRIE
Nine months passed. Parang ganoon din katagal noong pinagbubuntis ko pa si Grame, but this time ay mas mabilis nang lumipas ang 9 months na ito. Parang kahapon lang nang mangyari sa akin ang hindi ko inaasahang pangyayari sa buhay ko at noong dumating sa buhay ko si Grame. Ngayon, Grame is one year old. Nakakapagsalita na, at tumatakbo na. Ang hirap na nga niyang alagaan dahil nagsisimula nang maging makulit. Pero kahit mahirap, okay lang dahil nandiyan na rin naman si Tuff para tulungan akong alagaan ang anak namin.
Napahiga ako ng dahan-dahan sa kama para hindi ko magising si Grame. Ang hirap kasi nitong patulugin, baka kapag nagising hindi na ulit matulog. I was about to close my eyes when suddenly, my phone rang. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tumatawag. Baka magising pa ang anak ko.
"Hello?" pabulong kong sabi. Hindi ko nga alam kung sino itong tumatawag dahil sa pagkataranta ko. I don't want to wake up my son.
("An, tulog ka na?")
"Tuff?" Tiningnan ko pa ang caller's ID para masiguradong si Tuff nga ito. "Ba't ka napatawag?" Napatingin pa ako sa alarm clock sa side table ng kama ko to check the time. Late na pala pero bakit hindi pa siya natutulog?
("Gusto ko lang sanang mag-good night kay Grame.") Napatingin ako kay Grame pagkarinig ko noon.
"Tulog na si Grame eh," sabi ko.
("Ah, ganoon ba?")
"Puntahan mo nalang siya bukas, tiyak na matutuwa siya kapag nakita ka niya ulit."
("Okay.")
Natahimik kami sandali kaya napahikab ako. "Tuff, late na. Tulog na tayo. May pasok pa tayo bukas." Ibababa ko na sana ang telepono nang bigla na naman siyang nagsalita.
("An, sandali.")
"Bakit?" inaantok ko na talagang sabi.
("Magpakasal tayo bukas.") Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya.
"Ha?" Did I heard it right? He just said na magpapakasal kami, diba?
("Pakasal tayo bukas,")ย aniya. Napabangon tuloy ako nang marinig ko na ito nang mas maayos ngayon.
"Pa-Pakasal?" Nagbibiro ba siya?
("Yeah, tomorrow. Magsuot ka ng puti at magpapakasal tayo.")
"Teka Tuff. Ano ba yang pinagsasabi mo? Huwag ka ngang magbiro."
("Basta, bukas. Good night An. Sweet dreams. I love you.")
"Tuff!" I called pero hindi na siya nagsalita ulit. Narinig ko nalang na ibinaba na niya ang phone niya.
Inilapag ko sa side table ko ang phone ko at tiningnan si Grame sa tabi ko na natutulog.
"Ano ba ang nakain ng daddy mo at nagjojoke siya ng ganoon?" I whispered to my sleeping Grame.
Paano na ako makakatulog ngayon? Magpapakasal? Kami? Anong klaseng biro iyon?
---
Kahit na hindi ako naniniwala sa sinabi ni Tuff kagabi ay may isang parte pa rin sa akin ang nagsasabing 'He wants to marry me, and that is true.' Nagtatalo tuloy ang utak at puso ko dahil dito.
Sa loob ng siyam na buwan na nagkasama kami ni Tuff after the incident sa hospital, we did talk about our wedding but it is not how sweet couples talked about.
After noong incident sa hospital, lagi ko nang nakikita si Tuff. Palagi siya sa bahay para makasama si Grame, at pati na din ang parents niya ay nagpupunta sa amin. Nasa bahay sila every thurdays and friday, and nahihiram nila sa amin si Grame every saturday. Dahil sa set up na ito, pinag-usapan ng parents namin ang tungkol sa pagpapakasal sa amin ni Tuff. Wala din naman kaming tutol sa desisyon ng parents namin dahil kahit na ako ay gusto kong magpakasal para bigyan ng buong pamilya ang anak ko. I don't know what Tuff thinks, but he never did argue with our parents' decision.
Sina mommy at tita ang nagpaplano sa dream wedding para sa amin ni Tuff. From the reception, sa mismong wedding at sa mga simple mang kakailanganin sa wedding. But, it was just a plan. Hindi pa kasi kami ready na magpakasal ngayon dahil nag-aaral pa kasi kami ni Tuff.
Ang sabi nina daddy at tito, mag-aral muna kami bago magpakasal. Kaya ang studies muna ang aalahanin muna namin ngayon. But...ano ba kasi yung sinabi ni Tuff kagabi? Is it a joke? Naman o.
Dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman, naidial ko tuloy ang number ni Harry, gusto ko talagang magtanong. Kahit na sino nalang basta ba't masasagot nila ang mga tanong ko.
("Hello?") Harry asked when he answered the phone.
"Harry, pumunta ka dito," agad kong sabi. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy.
("Ha? Ngayon? Eh may lakad ako,") aniya kaya nakabusangot ako.
"Sige na. Kailangan ko ng tulong mo," pagpipilit ko. Hindi ako mapapalagay kung walang tutulong sa akin ngayon.
("Aalis kami ni Pres ngayon eh.")
"Dalhin mo siya dito. Sige na Harry," I plead kaya napabuntong hininga siya.
("Eh bakit kasi?")
"Si Tuff kasi..." I frowned. This is stressing me out.
("Oh, ano na naman ang ginawa niya?")
"Wala naman siyang ginawang masama. May sinabi lang kasi siya..."
("Ano bang sinabi niya?")
"Uhm..." Napahawak ako sa dibdib ko. "Magpakasal daw kami ngayon."
("Ha? Totoo?") tanong niya, halatang hindi naniniwala.
"Kaya nga kita pinapapunta dito. I need your help. And dalhin mo na rin si Pres, baka makatulong din siya."
("O-Okay. Hintayin mo ako diyan.")
"Okay."
Pagkapaalam namin sa isa't-isa ay ibinaba ko na ang phone ko. Napatingin naman ako kay Grame na kasalukuyang natutulog pa. I heave a very deep sigh.
"Nababaliw na ata si mommy anak," sabi ko sa kanya kahit na tulog pa siya.
Dahan-dahan kong hinaplos ang ulo niya at dahil dito ay napakalma nito nang konte ang nagwawala kong puso. Napahinto ako sa ginagawa ko at agad na napatingin sa pinto nang may kumatok.
"Come in," sabi ko. Nagbukas naman ang pinto at pumasok si mommy sa kwarto ko.
"Anak. Aalis kami ng tita mo, pwede ko bang isama si Grame?"
"Uhm... oo naman po." Napangiti si mommy at naupo siya sa tabi ko. "Uhm... mom."
"Hmm?" tanong niya habang hinihimas ang tiyan ni Grame.
"Wala po bang sinabi sina Tuff sa inyo ni daddy?" kinakabahan kong tanong. Ayaw ko talagang itanong sa kanya iyong sinabi ni Tuff kagabi dahil baka joke lang pala talaga iyon.
"Wala naman anak. Bakit pala?" Napailing ako.
"Wala naman my," sagot ko nalang. Napabuntong hininga ako at saka ako napayuko. Mukhang joke nga lang iyon.
"Kukunin ko na si Grame. Baka malate kasi kami," sabi niya at binuhat niya na si Grame.
"Saan po ba kayo pupunta my?"
Napangiti lang naman si mommy at tiningnan ako. "Ewan ko sa tita mo." Tumayo na siya at naglakad papuntang pinto. "Hindi ka ba papasok?"
"Uhm... mamaya pa po."
"O sige. Aalis na din kami mayamaya."
"Opo." Nginitian pa ulit ako ni mommy at lumabas na siya ng kwarto.
Naligo na rin ako at hinintay ko nalang na dumating si Harry at ang girlfriend niyang si Pres Celine.
---
"Wedding? Diba foundation day niyo ngayon sa school?" tanong ni Harry sa akin nang naikwento ko sa kanila ang napag-usapan namin ni Tuff sa phone kagabi.
Kanina pa namin pinag-uusapan yung tungkol sa sinabi ni Tuff sa akin kagabi. And like me, may doubt din sila tungkol dun.
"Oo. Foundation day namin sa school ngayon."
"Eh baka yung wedding na tinutukoy niya ay isang wedding booth sa school niyo."
"Wedding booth? Parang wala namang wedding booth ngayon doon eh." Bakit naman magkakaroon ng wedding booth sa school? Hindi naman love month ngayon.
"Hay naku. Ewan...hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy niya doon sa sinabi niya sayo kagabi," naiinis na sabi ni Harry. Nafru-frustate na din siya tulad ko.
"Eh ba't hindi mo subukang paniwalaan?" biglang sabi ni Pres kaya napatingin kami sa kanya. "Try mo lang, wala namang mawawala kung maniniwala ka."
"Do you think so?" nag-aalinlangan kong tanong.
"Eh ba't hindi mo nalang siya tanungin? Call him and ask him about what he said," sabi naman ni Harry. Napayuko ako.
"Ayoko. Nahihiya ako eh."
"Ngayon ka pa talaga nahiya sa kanya. May Grame na nga kayo eh."
"Harry," pagsaway ni Pres sa kanya, pero si Harry ay napangiwi lang.
"An, just take my advice. Makipagkita ka sa kanya ngayon. Wear something white, gaya nga ng sinabi niya...and we'll see."
"Eh paano kung joke lang pala ito? Pagtatawanan lang niya talaga ako panigurado." Napasimangot ako lalo na kapag naiisip kong isang malaking joke lang pala ang lahat.
"He said those words to you, tiyak na may gagawin siya. A date perhaps." Nginitian niya ako kaya napahinga ako nang malalim.
Hindi talaga ako sure about dito. Ayaw kong mag-assume dahil baka hindi naman iyon mangyayari, masasaktan lang ako 'pag nagkataon.
"An, I have a good feeling about this, I trust that man," nakangiti niya pa ring sabi. Naitaas ko tuloy ang kilay ko. Mukha talagang kilala niya si Tuff ah, hindi naman.
"O-Okay," pagsuko ko. "But if napahiya lang talaga ako, ha-hunting-in talaga kita." Napangiti lang naman siya sa pananakot ko. Kahit na si Pres ay malaki ang ngiti sa akin.
"Tara. Tutulungan kitang mag-ayos." Tumayo na kami pareho at naglakad kami papuntang kwarto.
Matapos kong makapag-ayos ayos ay dumiretso na ako sa school. Wala kaming klase pero may event doon kaya kailangan kong pumunta, ayaw ko namang magka-sanction dahil sa pag-absent.
Bumaba ako sa sasakyan namin nang duating ako sa school. Nagpasalamat lang ako kay manong at agad din naman siyang umalis.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong campus.
Bawat sulok ng school namin ay may grupo ng estudyante na nakatipon. May nagkekwentuhan, may nagpapractice at yung iba naman ay kumakain. Malalaman mo na magkaklase ang mga estudyanteng iyon dahil sa suot nilang t-shirt. Uniform sila kaya for sure na galing sila sa iisang course.
Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng white dress, white flat shoes, naka bun pa ang hair ko at yung bag ko at white din. Para tuloy akong white lady. May 'Magsuot ka ng puti at magpapakasal tayo.' pa kasing nalalaman itong si Tuff eh, nagmumukha na tuloy akong ewan sa harap ng mga tao dito.
Nagsimula na akong maglakad. Bawat madaanan kong estudyante ay napapatingin sa akin at agad ding nagbubulungan.
Sabi ko na eh. Magmumukha akong katawa-tawa nito. Tuff kasi eh!
"An?" Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang babaeng nasa harapan ko.
"Ice? Ice-Syl, ikaw nga," nakangiti kong sabi at niyakap siya.
"Anrie, long time no see," nakangiti niya ring sabi.
"Why are you here?" Sa pagkakaalam ko ay nag-migrate itong si Ice after naming gumraduate ng high school. Eh ba't nandito siya?
"I'm on vacation. 2 weeks ako dito sa Pilipinas. And a friend of mine invited me here, foundation day niyo daw."
"Ay oo."
"Hey! Hindi niyo ibinalita sa akin ni Tuff na may baby na kayo. Noong nakaraang buwan ko lang nalaman."
"Uhm... oo eh. It was unexpected kasi."
Si Ice-Syl Martinez ay naging classmate ko noong high school, and she's a close friend of Tuff. Pareho kasi kaming nag-aaral sa iisang school noong high school kaya magkakilala kami.
"Yeah, I heard," malungkot niyang sabi, pero napangiti din siya nang makita ang suot ko. "What's with the outfit? May event ka?"
"Ha? Uhm..." Napatingin ako sa paligid, hoping na walang makarinig sa sasabihin ko. "Si Tuff kasi, nagjoke sa akin kagabi at ito naman ako... nagpauto."
"Ha?" naguguluhan niyang sabi. Napabuntong hininga ako, bago ko sinabi sa kanya ang buong kwento.
"Really? Sinabi niya iyon?"
"Oo."
"Eh nagkita na ba kayo?"
"Wala pa, and I don't want him to see me like this. Baka pagtawanan niya ako."
"Tuff talaga. Eh ano bang gagawin mo ngayon?"
"Ewan."
"Hay naku..." Napatingin ako kay Ice nang bigla siyang huminto sa pagsasalita? "S-si Tuff," sabi niya at itinuon niya ang paningin sa likuran ko.
"Ha? Nasaan? Papalapit sa atin?" tanong ko. Hindi talaga ako lumingin dahil ayaw kong makita niya ako.
"Papalapit siya sa atin, but I think hindi niya tayo nakita."
"Really?"
"May kausap kasi siya, hindi niya ata tayo napansin."
Hindi na ako nagdalawang isip pa, hinawakan ko ang kamay ni Ice at hinila siya papunta sa student's lounge ng college namin.
"An, wait! Hindi mo ba siya kakausapin?" tanong niya habang naglalakad kami.
"No. Eh parang joke lang talaga naman iyon eh. Sabihin mo nga sa akin, mukha bang ready siyang magpakasal nang makita mo siya kanina."
"Uhm...no. Eh naka t-shirt lang kasi siya at mukhang ineenjoy niya pa ang foundation day niyo."
"Tingnan mo. Nakakainis talaga siya."
Patuloy ko pa ring hinila si Ice papunta sa Student's Lounge. Binuksan ko agad ang pinto at nakita ko agad ang mga classmate ko na nagbibihis.
"Anrie? Ba't ganyan ang suot mo?" tanong agad sa akin ni Judy habang inaayos ang buhok niya.
"Huwag mo ng alamin," sabi ko nalang. Naiinis ako kaya ayaw kong magkwento. "Uhm...o nga pala guys, si Ice...friend namin ni Tuff." Hinarap nila si Ice at nginitian ito. Binati din naman agad siya ng bawat isa at nakipagkilala sila isa-isa.
Lumapit ako kay Judy at tinulungan siya sa buhok niya nang nagsimula nang makipagkwentuhan si Ice kina Tyca.
"Para saan itong pag-aayos niyo?" tanong ko. May sasalihan ba silang contest? Bakit pareho silang naka-pink dress? Yung boys naman naka barong.
"May sinalihan ang section natin sa musical and dance. Ba't hindi mo alam? Diba isa ka sa committee?"
"Ha? Uhm...hindi ko memorize ang events eh," nakangiwi ko pang sagot. Sa dami ng event ay hindi ko na maalala ang iba.
"Hay naku! Sige na, ayusin mong mabuti iyang hair clip sa buhok ko para hindi matanggal," pag-uutos niya kaya napasimangot ako. Napabuntong hininga pa ako at ginawa nalang ang sinabi niya.
"Yes ma'am," sabi ko at inayos ko na nga ang hair clip niya. Napatingin naman ako kay Ice na nakatayo lang sa gilid. "Uhm... Ice, sabay na tayong lumabas. Sasamahan kitang lumibot sa school."
"Okay." Nginitian ko siya at napangiti din naman siya.
After makapag-ayos ng mga classmates ko ay sabay-sabay na kaming lumabas. Manonood na lang muna kami ni Ice ng Musical and Dance Competition bago kami maglibot.
Sa may open field na kami dumaan dahil mas malapit lang ang venue dito at konte lang ang lalakarin namin. Nahihiya din daw kasi silang lumibot at doon dumaan sa hallway dahil sa mga suot nila.
Naglalakad na kami sa may open field nang bigla nalang natumba yung lalake sa harapan ko.
"Kuya?" tanong ko nang lapitan namin siya.
"Nahimatay ata," sabi pa ni Ice.
Agad din namang nagkumpalan ang mga tao at may iilang nagtawag ng tulong.
"Kuya! Kuya! Gising." Pilit ko siyang niyugyog para magising siya pero hindi siya umimik. Tatayo na sana ako para ako na mismo ang hihingi ng tulong dahil natatagalan talaga ang rescue, pero bigla nalang nangisay iyong lalake kaya natigilan ako.
"Oh my God," sabi ng iilan. May napasigaw at bigla nalang nagkagulo sa field. Napa-squat ako ulit at tiningnan ko iyong lalake.
"Kuya! Anong nangyayari sayo?" natataranta kong tanong. Pati din ang mga kasama ko ay nataranta na rin.
๐ถ~It's a beautiful day,
We're looking for something dumb to do.
Hey baby,
I think I wanna marry you.~๐ถ
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pagplay ng kanta.
Sino ba ang walang pusong nagpatugtog noon when someone'sโ?
Napahinto ako sa pag-iisip nang iyong lalakeng nangingisay sa harapan ko ay bigla nalang sumayaw. Natahimik kaming lahat kaya mas rinig ko na ang tugtog. Napatayo agad ako at tiningnan ang lalake na sumayaw pa rin ngayon.
๐ถ~Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.~๐ถ
Mula sa isang taong sumasayaw ay unti-unti silang dumadami. Iyong kanina'y nanonood lang kay kuya ay sumasayaw na rin ngayon, choreograph pa talaga ang steppings. Napangiti tuloy ako.
So, iyong kaninang pagkahimatay ni kuya... isang act lang pala. That was a part of the mob's performance.
๐ถ~Well I know this little chapel on the boulevard
we can go oh oh oh,
No one will know oh oh oh,
Oh, come on, girl.~๐ถ
Unti-unti nang dumadami ang sumasayaw, hanggang sa pati sina Judy at ang iba kong kaklase ay nakisayaw na rin.
So, kasali din sila sa trip na ito? Haha! Kailan nila ito pinractice? And para saan naman to? Ba't hindi ako napasali? Gusto kong sumali sa mob.
"Like it?" Napatingin ako sa taong bumulong sa akin. Nakatayo sa tabi ko si Tuff at nakatingin siya sa mob habang nakangiti.
๐ถ~Who cares if we're trashed
got a pocket full of cash
we can blow oh oh oh,
Shots of patron,
And it's on, girl.~๐ถ
"Oo, ang ganda. Para saan ba itong mob? Para sa foundation?" tanong ko habang pinapanuod sina Judy.
"No. It's for you."
"Ha?" Natigilan ako at napalingon ako sa kanya. But it's too late, dahil paglingon ko ay siya namang paglapit niya sa crowd at nakisabay na rin siya sa sayaw. Doon pa siya pumwesto sa gitna.
For me? Sabi ni Tuff ay para sa akin itong mob? Bakit?
๐ถ~Don't say no, no, no, no-no;
Just say yeah, yeah, yeah, yeah-yeah;
And we'll go, go, go, go-go.
If you're ready, like I'm ready.
Cause it's a beautiful day,
We're looking for something dumb to do.
Hey baby,
I think I wanna marry you.~๐ถ
Napatawa ako dahil everytime na naririnig ko ang 'I think I wanna marry you' ay tinuturo nila ako, lalo na si Tuff.
๐ถ~Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.
I'll go get a ring
let the choir bells sing like
oooh,
So what you wanna do?
Let's just run girl.
If we wake up and you wanna break up that's cool.
No, I won't blame you;
It was fun, girl.
Don't say no, no, no, no-no;
Just say yeah, yeah, yeah, yeah-yeah;
And we'll go, go, go, go-go.
If you're ready, like I'm ready.
Cause it's a beautiful day,
We're looking for something dumb to do.
Hey baby,
I think I wanna marry you.~๐ถ
Napatingin ako sa buong field. Halos lahat ay nakikisayaw na, pati na nga rin si Ice na kanina ay katabi ko lang ay nasa mob na rin.
๐ถ~Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.
Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.
Just say I doooooo-ooo uhu,
Tell me right now baby,
Tell me right now baby, baby.
Oh, it's a beautiful day,
We're looking for something dumb to do.
Hey baby,
I think I wanna marry you.
Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.~๐ถ
Huminto na ang kanta at si Tuff ay napalapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng suit.
"Tuff? Para saan ba iyon?" kinakabaan kong tanong. Mas naalala ko tuloy ang mga sinabi niya sa akin kagabi.
"Magpakasal tayo bukas." Totoo kaya talaga iyon?
"Anrie, matagal na tayong magkakilala. High school pa lang tayo ay nagkikita na tayo sa school. Pero ngayon ko lang napagtanto na you are someone special to me." He breathe deeply. "Anrie, wala akong binigay sayo kung 'di ang pasakit. Nang sinabi ng parents mo na buntis ka ay naisipan ko talagang umiwas at hindi paniwalaan ang mga narinig ko. Nang sinasabi iyon nina tita sa mga kaklase natin, hinihiling ko talaga na hindi nila sabihin na ako yung nakabuntis sayo. Natakot talaga ako, gusto ko na ngang lumabas ng classroom noon, but I heard you said that you're happy kahit nabuntis ka kaya hindi ako lumabas. Naisip ko pa nga kung bakit masaya ka kahit nangyari iyon sayo? Kung bakit hindi ka nagalit? At kung bakit hindi mo sinabing ako iyon? Then that's when I started hating myself."
"Tuff." Nakatingin sa mga mata ko si Tuff habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko. I want to say something pero nagsalita ulit siya.
"Noong mga panahong kailangan mo ako, I am not there. Naduwag ako. I really want to be there with you at samahan ka sa mga pagpapacheck up mo, pero nananaig sa akin yung takot at pangamba. Natakot akong husgahan nila, na kamuhian. Takot na takot ako that time. Pero noong manganak kaโpara na akong mababaliw. Gustong-gusto talaga kitang puntahan, kaya pinilit ko si Jay na ihatid ako sa hospital." Napangiti ako sa sinabi ni Tuff.
"Noong malaman ng parents mo, pati nina Judy ang totoo ay hindi na ako natakot. Hindi ko na inintindi iyong panghuhusga nila, dahil that timeโ gusto ko lang makasama kayo ni Grame." Napangiti nang malawak si Tuff at hinalikan niya ang mga kamay ko.
"Noong pinagbubuntis mo pa si Grame ay wala ako sa tabi mo. Kaya ngayon, all I wish for is to be with you and Grame. I want to spend my todays and tomorrows with you. Ang gusto ko ay makita kang masaya. I want you to smile and laugh every single day. I want you and Grame to be happy." Napangiti ako sa mga sinabi ni Tuff. Hindi ako makapaniwala na sinasabi niya sa akin ito.
"Tuffโ"
"Pinag-usapan na natin ang about sa wedding natin, but I never did asked you formally. Anrie Shane Lee, the most beautiful woman my eyes had seen. The wonderful woman who gave birth to my Grame. And the special woman who made me feel this way." He chuckled kaya napatawa iyong mga nakapaligid sa amin.
Napaluhod si Tuff, kaya nabigla ako. "Tuff?" Ngumiti lang siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Mamma." Napalingon ako nang marinig ko ang cute voice ni Grame. Naglalakad siya palapit sa amin ni Tuff habang nakasunod naman sina mommy sa kanya.
"You're Grame's mom, but I also what you to be my mom," sabi ni Tuff at sinalubong si Grame.
Nakaluhod si Tuff sa harapan ko habang si Grame ay nakatayo naman sa harapan niya. May binigay si Grame kay Tuff, a small red box.
"Anrie, I'm not asking any other answer. A YES is more than enough to make me happy." Napatakip ako sa bibig ko nang magsink in sa utak ko ang mga nangyayari. Agad akong napaluha.
"Anrie Shane Lee, can you be my mommy?" Napatawa ako sa sinabi ni Tuff, pati din iyong iba.
"Mommy talaga?" natatawa kong sabi.
"Ayaw mo ng mommy? Eh Mrs. Anrie Shane Ricks?" hopeful niyang sabi.
Binuksan niya ang box at nasa loob ang isang silver diamond ring. Tuluyan na akong naiyak. I never imagined this to happen.
"So?" tanong niya.
Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin, pati na rin kina mommy. I smiled, at tiningnan ko si Tuff.
"A yes is not enough to make you happy. I want to tell you this." Napabutong hininga ako, saka ulit ako nagsalita. "Since high school, crush na kita but I never really thought of conffessing kasi may Sofia ka na. Noong nabuntis ako, hindi ako naging masaya beucause my plan was ruined. I became a single mom, pero hindi ako nagalit. Oo nagsisi akong nakilala kita, but I'm still happy because you brought Grame to me. Nasira ang mga plinano ko for my future, but I hope I can create new ones with you." Napangiti ako. "Tuff Ken Ricks, you are not the perfect person I wish to be with. But you are my dream. I dream about having a happy family with you. Yes? Of course it's a YES. Tuff, I want you to Be My Daddy." Napahiyaw ang lahat dahil sa sagot ko, at kasabay nito ang palakpakan nila.
Tumayo si Tuff at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. "Thank you An. Thank you." Niyakap niya ako ng napakahigpit. "I love you Anrie," sabi niya pa at isinuot niya sa daliri ko ang singsing.
"I love you too Tuff," sabi ko rin and I hugged him back.
"Mamma, Pappa," nakangiting sabi ni Grame at napangiti kami pareho ni Tuff sa kanya. Binuhat ni Tuff si Grame at niyakap namin siya.
Napatingin ako sa mga tao na patuloy pa rin sa pagchecheer. Napangiti ako sa kanila at ipinakita ko ang daliri ko na may suot ng singsing.
"Congratulations," sabi nila kaya mas napangiti ako.
"An."
"Hmmm?" Nilingon ko si Tuff.
"Hindi joke iyong sinabi ko kagabi."
"Ha?" Napangiti si Tuff at pinitik niya pa ang kamay niya. Naguluhan tuloy ako kung ba't niya iyon ginawa. "Magpapakasal tayo ngayon," nakangiti niyang sabi.
Napalayo si Grame at Tuff sa akin, at may tumugtog na namang kanta.
๐ถ~Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time...~๐ถ
Nahawi ang kumpulan ng mga tao at nagform sila ng aisle sa gitna. Sa hulihan ng field, ay may isang stage na napapalibutan ng mga puting bulaklak at may mga chairs na nakaset sa baba ng stage. Para nga itong wedding set up. So, he's serious about the wedding. Napaiyak na naman ako dahil sa nangyayari.
๐ถ~See in this box is a ring for your oldest
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we
were on the same side
Very soon I'm hoping that I...~๐ถ
Lumapit sina Judy sa akin, tinanggal nila ang suot kong shoulder bag. Binigyan nila ako ng bulaklak at dinala sa gitna.
"Huwag kang umiyak An Smile. It's your wedding day," Nakangiting sabi ni Sydney.
"Am I dreaming?" hindi ko makapaniwalang sabi.
"No, this is true. We are happy for you." Hinalikan nila ako sa pisngi at pumila na sila.
๐ถ~Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for
the rest of my life
And give her the best of me 'till the day that
I die, yeah~๐ถ
Lumapit si daddy at mommy sa akin, and they both hugged me. "We're happy for you baby," nakangiting sabi ni mommy.
"Mom, dad," mangiyak-ngiyak kong sabi. Pinunasan ni daddy ang luha ko and he kissed me in the cheeks.
Nagsimula nang maglakad sina Judy papuntang altar kasama ang mga partners nila.
๐ถ~I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've
ever seen
Can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter~๐ถ
Pumwesto sina Judy sa gilid. Kaya pala sila nakapink dress at iyong mga boys ay nakabarong, they are the bridesmaids and the groomsmen. Sina Sydney at Harry naman ang maid of honor and best man.
Sunod namang naglakad ang mga malilit na batang babae na may dalang basket, at iyong maliit kong pinsan na si Jake na may dalang cushion. Nandoon ang dalawang singsing na magiging wedding ring namin ni Tuff.
I smiled widely, and kami naman nina mommy at daddy ang naglakad.
๐ถ~She's been hear every step
Since the day that we met
(I'm scared to death to think of what would happen if she ever left)
So don't you ever worry about me ever
treating her bad
I've got most of my vows done so far
(So bring on the better or worse)
And till death do us part
There's no doubt in my mind
It's time
I'm ready to start
I swear to you with all of my heart...~๐ถ
Kita ko si Tuff sa harapan. Nakangiti siya sa akin pati na rin si Harry na katabi niya.
Grabe talaga itong si Harry, kanina lang ay nagtatalo pa kami sa bahay pero heto siya ngayon at best man pa ni Tuff. Alam niya naman pala na ito ang plano ni Tuff.
๐ถ~I'm gonna marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for
the rest of my life
And give her the best of me 'till the day that
I die, yeah~๐ถ
Napahinto kami nina mommy at daddy sa harap ni Tuff. Inabot ni daddy kay Tuff ang kamay ko at nginitian ito.
"Take good care of my daughter Tuff. Alagaan mo sila ni Grame," ani daddy.
"Opo," nakangiti ding sagot ni Tuff.
Niyakap pa ako ulit nina daddy, pati na rin ng parents ni Tuff at pati si kuya. Then humarap na kami sa altar.
๐ถ~I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've
ever seen
I can't wait to smile
As she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter~๐ถ
Tuff looked at me and smiled to me. Napangiti rin naman ako at napatingin na ulit kami sa harap. Then a fairytale came true.
~โ๏ธ~
Featured Song:
โMarry You by Bruno Mars
โMarry Your Daughter by Brian McKnight