Chereads / Be My Daddy / Chapter 16 - Epilogue

Chapter 16 - Epilogue

ANRIE

Pinagmasdan ko ang mga picture namin ni Tuff noong kasal namin. Nakadisplay ito sa cabinet pati na sa mga table sa sala. Pero mas napangiti ako nang makita ko ang malaking picture namin na kasama si Grame. Nakadisplay ito sa dingding na katapat lang ng main door ng bahay. Sa oras na pumasok ka ay iyon agad ang iyong makikita.

I smiled. Remembering that day really made me happy. It was the best day of my life.

"Mommy." Napalingon ako kay Grame at napangiti ako. Gising na pala ang baby ko. Lumapit ako sa kanya at sinalubong ko agad siya ng mahigpit na yakap.

"Baby," nakangiti kong sambit, niyakap din ako ni Grame at ngumiti din siya sa akin. Ang cute talaga ng baby Grame ko, parang kami lang ng daddy niya.

Binuhat ko siya at naupo kami sa sofa. Kinuha ko ang story books ni Grame at sinimulan siyang bahasan ng kwento.

Hindi ko inaakalang tatlong taon na si Grame. Parang kailan lang nung ipinanganak ko siya. Ngayon, mas makulit na siya at mas interisado na sa mga bagay-bagay.

"Mommy, what is this?" tanong niya habang tinuturo ang aso sa story book. Ngumiti ako sa kanya.

"That's a dog baby." Tumango naman siya at nilipat na naman ang pahina ng libro.

"An," biglang tawag ng kung sino kaya agad ko siyang nilingon. Nakita ko si mommy na nakatayo sa may pinto at nakangiti sa akin.

"Mom?"

Binitawan ko muna si Grame at lumapit ako sa kanya para batiin siya.

Bakit siya nandito?

Hinalikan ko si mommy sa pisngi niya at ginantihan niya rin ako ng isang halik. "Day off mo ba ngayon?" Nilapitan niya si Grame at kinandong ito.

"Yes mom," nakangiti kong sagot. Tumabi ako sa kanya at pinatawag ko na rin si manang para ipaghanda kami ng meryenda.

"Si Tuff?" Nilaro-laro niya si Grame kaya wala itong tigil sa pagtawa. Ang cute nilang tingnan ni mommy.

"Kakaalis niya lang po. Bakit po pala kayo napabisita?"

"Namiss ko lang ang apo ko." Hinalikan niya si Grame at niyakap. "Since balik trabaho ka na bukas, baka pwede sa amin muna si Grame." Napaisip ako.

Okay lang naman sa akin na kina mommy muna si Grame, pero ewan ko kay Tuff. Ayaw niya kasing nalalayo si Grame sa kanya.

"Uhm... tatanungin ko po muna si Tuff mom." Napangiti pa ako. Sana hindi magtampo si mommy.

"Naku naman. Ayaw niyo talagang nawawala sa tabi niyo si Grame." Napangiti ulit ako.

Sang-ayon ako sa sinabi ni mommy. Nagwala nga ako noon nang hiniwalay nila sa akin si Grame. Hindi ko siguro kakayanin kung maghihiwalay kami ulit ng anak ko.

Nagtagal si mommy sa bahay. Nakipaglaro siya kay Grame buong araw at tinulungan kami ni manang na maghanda ng lunch at pati na ng dinner.

"Anong oras ba uuwi si Tuff?" tanong ni mommy. Nilingon ko siya pero ibinalik ko rin ang tingin ko sa niluluto ko.

"Mamayang 6 PM po," nakangiti kong sabi habang nilalagyan ng seasoning ang niluluto ko. "Mom, dito na po kayo kumain. Papuntahin niyo na rin po si dad at kuya."

"O sige. Tatawagan ko sila." Tumango si mommy.

"Papupuntahin ko na rin sina mama at papa." Tiningnan ako ni mommy na may pagtataka.

"Ano bang meron?" naguguluhan niyang tanong.

I smiled. Nakalimutan ata ni mommy na may icecelebrate kami ngayon. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagluluto. Dumating na sina daddy at kuya pati na sina mama at papa. Maya-maya ay dadating na rin si Tuff kaya naghintay na muna kami sa sala. Nakikipaglaro pa si kuya kay Grame habang sina dad ay kausap naman ang mga biyanan ko.

Napatingin ako sa wall clock. Lampas 6 PM na pero hindi pa umuuwi si Tuff. Tiningnan ko ang phone ko para icheck kung may text ba siya, pero wala.

"Anong oras ba uuwi si Tuff?" Tiningnan ko ang papa ni Tuff nang magtanong siya nito.

"5 PM po ang out niya sa work pa," sagot ko. Kumunot naman agad ang noo ni papa.

"6:30 na, nasaan na ba ang batang yun?" sabi pa ni papa. Napayuko na lang ako.

"Call him." Nag-angat ako ng tingin kay mama. Tumango ako at dinial agad ang number ni Tuff. Nakakailing ring na ako ay hindi niya pa sinasagot ang tawag ko. Hindi ako tumigil sa pagdial until he picked up the phone.

"Tuff?" tanong ko agad. Pero nabigla ako dahil sa narinig kong boses.

("Hello? Who's this?") Kumunot agad ang noo ko.

"Sino 'to?" natanong ko. Bakit babae ang sumagot sa tawag ko?

Kinabahan ako bigla. Napako din ang atensyon nina mommy sa akin at seryoso nila akong tiningnan.

("Hey. I asked you first, huwag mo ngang ibalik sa akin ang tanong ko,") maldita niyang sabi kaya biglang uminit ang ulo ko. Who is she para magsalita sa akin ng ganoon?!

"This is Tuff's wife. Sino ba ito?" naiinis kong sabi. Napatayo na si kuya at napalapit sa akin.

"Sino yan?" tanong ni kuya sa akin. Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya.

("Wife? Sa pagkakaalam ko ay single si Tuff. Huwag ka ngang assuming ate,") maarte niya pa ring sabi. Halatang malandi talaga ang babaeng ito base lang sa boses niya. Nagpigil ako ng galit. Bumuntong hininga ako at kalmadong kinausap siya.

"Pwede ko bang kausapin si Tuff?" I tried to speak clearly. Ayaw kong pumiyok at baka maiyak lang ako.

("He's not here. Bumaba siya para ikuha ako ng dinner.") Naitaas ko ang aking kilay. Talaga lang ha?! Kinuha pa talaga siya ng dinner ni Tuff. Eh ako nga dito sa bahay, hapon pa lang ay pinaghahanda na siya ng dinner. Ang kapal talaga ng mukha

"Nasaan kayo?" I asked. Medyo halata na sa boses ko ang galit. Hindi ko na talaga ito mapigilan, kumukulo na talaga ang dugo ko dahil sa galit.

("And why would I tell you?") Muli kong naitaas ang aking kilay. Ang kapal ng mukha nito!

"Kung hindi mo sasabihin ay ipapahanap talaga kita sa kuya ko. Siya na ang bahalang gumulpi sayo."

I can't help but say those words. Galit na galit na talaga ako. How dare him! Ngayon pa talaga niya ito, ngayong anniversary pa talaga namin. Hindi na sila nahiya sa amin.

Hindi na ako sinagot ng malanding babaeng iyon at pinatayan ako ng telepono. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tuluyan na akong naiyak. Ibinaba ni kuya si Grame at niyakap ako. Pati si mommy at daddy ay lumapit na sa akin and they comforted me.

"Anong ginawa ni Tuff?" tanong ni daddy sa akin. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanila. Gusto kong magsumbong sa parents ko, pero nandito ang parents ni Tuff at ayaw kong sabihin sa kanila ang ginawa ni Tuff na kalokohan.

"Rico, kasama mo ba si Tuff?" Nag-angat ako ng tingin sa papa ni Tuff nang marinig ko itong magsalita. Seryoso ang mukha niya at may kausap siya sa phone. Kausap niya ata si mang Rico na driver namin ni Tuff.

"Nasaan kayo? — Hotel? Saang hotel? —O sige. Pupunta kami diyan. And huwag mong sasabihin ito kay Tuff. Magtutuos kami ng batang iyon." Ibinaba na ni papa ang phone niya at tiningnan kami. "Puntahan natin siya," sabi niya habang nakakunot ang noo.

Tumayo agad ako at tumango. Gusto kong puntahan si Tuff at siguraduhing totoo ba ang mga narinig ko sa telepono. I can't believe that he did this to me. Nangako siya sa akin two years ago, and ngayon papakuin niya lang ang lahat? How dare him!

Lumabas na sina mama at papa.

"Mom, sasama ako," sabi pa ni kuya. Napailing naman si mommy at tiningnan si Grame.

"Maiwan ka dito. Samahan mo si Grame," sagot naman ni mama sa kanya. Napasimangot naman agad si kuya.

"No! Sasama ako. Magtutuos kami ng lalakeng yun." Napaharap sa akin si kuya at seryoso akong tiningnan. "Nangako pa siya sa akin na hindi ka niya sasaktan, and now...walang hiya!" Nakakuyom na ang mga kamao niya at halatang galit na nga siya.

Tumingin ako kay mommy. "Isama na po natin si Grame. Gusto kong ipakita kay Tuff kung ano ang sinayang niya." Hindi lang ako ang niloko ni Tuff, pati na ang anak namin. Nagpabuntong hininga sina mommy pero tumango pa rin naman sila. Binuhat na ni kuya si Grame at naglakad na kami palabas.

Sa magkaibang kotse kami sumakay. Sina papa ang nagga-guide sa amin papunta sa hotel. Habang nasa biyahe kami at hindi ko talaga napigilan ang kabahan. Iniisip ko na sana ay hindi na lang totoo ang lahat ng narinig ko. Sana ay napulot lang ng isang malanding babae ang phone ni Tuff at jino-joke lang ako. Sana ay nasa isang business meeting lang si Tuff kaya hindi siya nakauwi nang maaga.

SANA AY HINDI NIYA AKO NILOLOKO!

Huminto ang kotse sa harap ng isang hotel. Hindi na nag-abalang magpark sina papa at daddy at lumabas agad ng kotse. Hindi ako agad lumabas. Niyakap ko nang mahigpit si Grame at napatingin ako sa entrance ng hotel.

Tuff, please don't hurt me.

Binuksan ni kuya ang pinto ng kotse at dinungaw ako.

"Anrie?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at lumabas na ako ng kotse habang buhat-buhat si Grame.

Tiningnan nila ako and I gave them a weak smile. Pumasok na kami sa loob at tinanong ang receptionist kung may nagcheck in bang Tuff Ken Ricks sa hotel. Hindi songs naman kami pinahirapan ng receptionist at sinabi sa amin na nasa isang restaurant daw siya ngayon. Hindi na kami nagtagal pa doon at pinuntahan namin ang sinabing restaurant ng receptionist.

Tahimik ang restaurant nang pumasok kami dito. Dim ang light at kokonte lang ang costumer. Hinanap ko agad si Tuff, and there I saw him sitting in the center table. Nanlumo agad ako nang makita ko siya na may kasamang babae at tumatawa pa.

Napatalikod agad ako. Hindi ko maatim na makita siyang masaya kasama ang ibang babae. Nasasaktan ako.

"GAG*!"

Napaharap ako when I heard kuya's voice. Nakalapit na siya kay Tuff at sinusuntok na niya ito. Lumapit agad ako kay kuya at pinigilan siya sa ginagawa niya.

"Kuya, tama na," umiiyak kong sabi. Dapat nga ay hindi ko siya pinipigilan pero ayaw ko ring masaktan si Tuff.

Tinigil na ni kuya ang pagsuntok kay Tuff, pero hindi ko siya binitawan. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at ibinaon ko sa dibdib niya ang aking mukha. I'm crying and I don't want Tuff to see me like this. Ayaw kong magmukhang talunan sa harapan niya. I feel really defeated.

"Daddy!" tawag ni Grame kay Tuff. Natigilan ako at doon na ako napatingin kay Tuff.

Nang ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Duguan pa ang labi niya at ngayon ay nakaupo siya sa sahig.

"Mommy, si daddy may wound," umiiyak na sumbong ng anak ko sa akin. Niyakap niya pa si Tuff at hinahaplos ang mukha ng daddy niya.

Bumitaw ako kay kuya. Pinunasan ko ang luhaan kong mukha and there I saw how pain formed from his face. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Ayaw kong isipin na nasasaktan siya because of seeing me hurting. Tama na ang sakit na ibinigay niya sa akin, ayaw ko nang umusa.

"Grame," tawag ko sa anak ko. Tumingin si Grame sa akin at agad akong niyakap.

"Mommy, daddy is hurt," umiiyak na sabi ulit no Grame. Ngumiti ako sa anak ko. Tiningnan ko si kuya na nakakunot pa rin ang noo.

"Kuya, pahiram ng panyo mo," sabi ko and I extended my hand.

"Ha?" naguguluhan niyang tanong. I gave him a weak smile at ibinigay niya rin naman ang panyo niya. Kinuha ko ito at binasa nang konte at saka ako lumapit kay Tuff at pinunasan ang dumudugo niyang labi.

"An," tawag niya ulit pero hindi ako sumagot. Tumabi si Grame kay Tuff at hinipan ang sugat niya.

Nang matanggal na ang dugo sa labi ni Tuff ay tinigil ko na ang pagpunas dito. Tumayo ako at kinuha si Grame. Agad din namang lumapit sa akin si kuya at kinarga ang anak ko at naglakad papunta kina mommy.

Tiningnan ko sina mommy at pati na ang parents ni Tuff. I gave them an apologetic look at hinarap ko ulit si Tuff. Hindi ko alam kung paano ihandle ang ganitong mga sitwasyon dahil magmula nang ikasal kami ni Tuff ay ipinagkatiwala ko na sa kanya ang lahat. But I guess I'm wrong. He did hurt me once, and he can hurt me once more.

I don't know what to say, pero ang alam ko ay gusto ko lang talaga siyang saktan pero hindi ko lang talaga magawa.

Pinunasan ko ulit ang mukha ko. Hindi ko talaga mapigil ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. I feel really weak dahil sa nakakainis na luhang ito.

Lumapit si Tuff sa akin at sinubukan akong yakapin pero tinulak ko siya at agad na sinampal. Nabigla siya pero hindi yun pumigil sa kanya para lapitan ako ulit. Pero hindi ko siya hinayaan.

"Please don't..." sabi ko habang nakayuko. Hindi ko na nga napigilan na umiyak. Hindi ko na kaya yung sakit kaya gusto ko na lang itong ilabas.

Tinanggal ko ang suot kong wedding ring at tiningnan ko siya.

"Thanks for the two years na pinasaya mo ako." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang singsing. Gusto ko pa sanang magsalita pero baka magbago lang ang isip ko at bawiin ulit yung singsing.

Tiningnan ko yung babaeng kalandian ni Tuff kanina. Kinuha ko ang kamay niya at nakipakamay ako.

"I'm Anrie Lee. Nice to meet you. I-enjoy mo si Tuff ha. He's all yours." Napalunok siya dahil sa sinabi ko. Mukhang natakot pa.

Tumalikod na ako at naglakad na papunta kina mommy pero napahinto ako nang magsalita ulit si Tuff.

"An, can you please hear me out?" habol niya sa akin. Hinarap ko siya kaya huminto siya sa paglalakad at tumayo sa harap ko.

Nagbuga ako ng hangin at nagsalita ulit.

"Tama na muna Tuff. Papaghingahin mo muna ako," I plead. Tatalikod na sana ulit ako pero may naalala akong dapat ibigay sa kanya.

Kinuha ko ito sa bulsa ko. Nag-angat ako ng tingin kay Tuff.

Kinuha ko ulit ang kamay niya at inilagay ito sa palad niya.

"Happy anniversary Tuff." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nakalimutan niya nga atang anniversary namin ngayon. Nagawa niya nga pang mambabae sa mismong araw na ito.

Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na palabas. Pero bago ako tuluyang makalabas sa restaurant ay nakasalubong ko si Sydney. Napahinto ako at napatingin sa kanya.

Bakit nandito siya?

Lumapit agad siya sa akin at niyakap ako.

"Sorry nalate ako. So, kumusta yung surprise ni Tuff?" nakangiti niyang sabi at sinilip pa ang restaurant.

Kumunot ang noo ko.

"Su-Surprise?" Namilog ang mata ni Sydney and she smiled apologetically.

"Sorry! Did I spoil the surprise?" Hindi na ako nagdalawang isip at ibinalik ko kay Tuff ang tingin ko.

Nakayuko lang si Tuff at nakatingin sa picture na ibinigay ko. Nag-angat din siya ng tingin sa akin at dali-dali siyang lumapit at niyakap ako.

Hindi ako nakapagsalita nang biglang lumiwanag ang buong restaurant. Lahat ng taong nandito ay kakilala namin ni Tuff. Schoolmates namin dati, may kasamahan namin sa work at iba ay relatives namin.

Itinulak ko nang bahagya si Tuff.

"What is this?" naguguluhan kong tanong.

Ngumiti si Tuff. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ulit dito ang singsing na hinubad ko kanina.

"Sorry kung may ginawa kaming eksena." Napakamot siya sa batok niya. "Happy anniversary An," sabi niya nang nakangiti. Muli kong naikunot ang aking noo.

Lumapit si kuya sa amin at tinapik si Tuff sa balikat.

"Ang galing kong umarte no? Napaniwala ka ba namin?" nakangiti pang sabi ni kuya sa akin.

"Pero ang sakit ng suntok mo kuya Dan, dumugo tuloy ang labi ko."

"Umiyak si Anrie eh, kaya dapat lang sayo yung suntok. Anong klaseng plano ba kasi ito?"

"Teka! Teka!" Napatingin silang dalawa sa akin. "Lahat ng ito...is a prank?" Nagkatinginan sina kuya at Tuff.

"Uhm... parang ganoon na nga. Pero ginawa namin ito para isurprise ka sana, kaso epic fail eh. Muntik na ngang umabot sa hiwalayan," wala sa sariling sabi ni kuya.

Bigla namang nag-init ang ulo ko.

"Walang hiya!" Lumapit ako kay Tuff at pinagsusuntok siya sa dibdib niya.

"Teka An. Ah! Ah! Tama na," reklamo niya pero hindi ko tinigil.

"Umiyak pa ako dahil akala ko niloko mo na ako. Walang hiya ka. Ano bang naisip mo at nagbiro ka ng ganun?"

Tumigil na ako sa pagsuntok sa kanya dahil naiyak na naman ako. Ibinaon ko sa dibdib niya ang mukha ko.

Niyakap ako ni Tuff nang napakahigpit at binulong ang mga katagang ito.

"Thanks for the gift An." Binitawan niya ako at napaluhod. Itinapat niya sa puson ko ang tenga niya.

"Hindi mo pa iyan maririnig. Two months pa lang siya." Napapangiti na lang tuloy ako.

"Wait! You're pregnant?"

Napatingin kami kay kuya na ngayon ay katabi sina mommy at mama. I smiled at tumango ako.

Lumapit si kuya kay Tuff at kinwelyuhan siya.

"Walang hiya ka Tuff. Pinaiyak mo ang kapatid ko, buntis pa naman siya. Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo," sabi ni kuya.

"Teka kuya. Hindi ko naman alam eh." Natatawa pa si Tuff. Lumapit naman ako sa kanila at agad kong piningot ang tenga ni kuya.

"Hindi ko talaga maisip na ginawa mo yun sa akin kuya. Ang bad mo."

"Teka An. Sina mommy ang nagplano nito." Nanlaki ang mata ko at hinarap ko ng tingin sina mommy.

"Anong kami? Huwag niyo nga kaming idamay diyan." Napailing pa sina mommy at dinala na si Grame papunta sa center table.

Tiningnan ko ng masama si kuya at Tuff. Napangiwi lang ang dalawa. Iniwan kami ni kuya at sinundan sina mommy. Si Tuff naman ay nanatili lang sa tabi ko.

"Hi!" Napatingin ako sa nagsalita. Siya yung babaeng kasama kanina ni Tuff. "Sorry ha. Napag-utusan lang." Ngumiti siya kaya ngumiti na lang din ako.

Kahit na joke lang nila yun ay hindi ko pa rin kayang matuwa. Nasaktan kaya ako.

•••

"Galit ka pa rin ba?" Biglang tanong ni Tuff. Nakaupo na kami ngayon at pinapanood ang presentation na hinanda nila.

"Sinong hindi magagalit." Kunot noong sabi ko. "Gawin ko rin kaya yung ginawa mo, para malaman natin kung hindi ka ba magagalit?" Naiinis kong sabi.

"Wag naman." Natatakot niya pang sabi.

Napangiti ako nang bahagya. Natutuwa ako dahil ayaw niya pala na ipagpalit ko siya sa iba. Mahal niya nga talaga ako.

"An, sorry talaga hon. Si Sydney kasi eh, may paplano plano pang ganito..."

Natigilan ako.

"Ha?"

Si Sydney ang may pakana nito?

Napatayo agad ako at hinarap ko si Sydney na nasa likuran lang namin.

Hawak niya ang kutsara niya at mukhang susubo pa ata. Gulat at takot siyang napatingin sa amin ni Tuff.

"Ikaw?" Nakataas kilay kong sabi. Ibinaba niya ang kutsarang hawak niya at dahan -dahang yumuko.

"S-sorry An." Guilty niyang sabi. Pinanliitan ko siya ng mata kaya nahihiya siyang napangiti.

"Ano ba ang naisip mo at plinano mo ito?" Diretso kong tanong sa kanya. Napapout siya at sumagot sa tanong ko.

"Eh ang tagal mo kasing sabihin sa asawa mo na buntis ka kaya ginawa ko ito para masabi mo na sa kanya."

Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"What?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Dahil doon kaya ginawa mo ito? Sydney naman."

Noong nakaraang linggo ko lang nalaman na buntis pala ako at tanging kay Sydney ko lang sinabi dahil gusto kong isurprise sila Tuff.

Bakit ba ang atat ni Sydney na ipaalam sa pamilya ko ang pagbubuntis ko?

Napabuntong hininga ako at tiningnan ko siya nang mabuti.

"Sydney. For your information, balak kong sabihin sa kanilang lahat na buntis ako sa dapat na family dinner namin kanina." Seryoso kong sabi pero halata pa rin ang inis sa boses ko.

Nabigla si Sydney sa sinabi ko.

"Hindi nga? Talaga? Uhm... sorry. Eh kasi naman..." Napakamot pa siya sa batok niya.

I let out a sigh.

"Patawarin mo na siya An..." Hinarap ko si Tuff nang nakakunot ang noo.

"At ikaw naman mister, bakit ka naman pumayag sa plano ni Sydney?" Muntikan na akong magluksa dahil sa nawasak kong puso kanina dahil sa mga kalokohan nila. Hindi kaya nakakatuwa ang ginawa nila.

"Sorry hon, ang lakas mangumbinsi ni Sydney eh."

Napapikit na lang ako at naupo na lang ulit. Naiinis pa rin kasi ako.

"Sorry na hon, hindi ko na iyon uulitin. Promise." Tiningnan ko siya.

"Subukan mo lang ulitin, hindi mo na talaga ako makikita ulit." Pagbabanta ko.

Ngumiti siya at niyakap ako bigla.

"I will never do that again." Pag-uulit niya. Napangiti na lang din ako.

Hindi ko talaga kayang magalit sa kanya ng matagal.

"Mommy, daddy." Napabitaw kami sa pagkakayakap namin at tiningnan si Grame na masayang tumatakbo palapit sa amin.

Kinandong siya ni Tuff at walang tigil sa pagngiti habang pinapakita sa amin ang ultrasound picture ng baby ko.

"Mommy, I will have a baby sister. Lala said that mommy will give me a baby sister." Masayang sabi niya.

I can't help but smile. Biglang hinawakan ni Tuff ang tiyan ko at hinaplos ito. Nag-angat ako ng tingin kay Tuff at nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Thanks for the wonderful gift hon." He said while smiling.

Hinawakan din ni Grame ang tiyan ko at gaya ng ginawa ni Tuff ay hinaplos niya rin ito.

"Thank you mommy." Sabi din ni Grame.

Napangiti na lang din ako sa kanila. I am happy that I have them as my husband and son.

Napatingin ako sa kamay nina Tuff na nasa tiyan ko.

Baby, bilisan mo nang lumaki diyan para makita mo na si kuya at daddy.

Napangiti ako at ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nina Tuff at Grame.

—THE END—