Chereads / Be My Daddy / Chapter 14 - Kabanata 14: Reunited

Chapter 14 - Kabanata 14: Reunited

TUFF

Ginamit namin ni Harry ang sasakyan niya, yung motor ko kasi ang dala ko ngayon, and if we find Anrie... hindi kami magkakasya doon.

"Sinabi mo ba sa kanila na hahanapin mo si Anrie?" I asked Harry while he's driving.

"Nope." Napatingin siya saglit sa akin pero agad din'g nag-iwas ng tingin. "I just don't trust them right now."

Huh?

"You don't trust them?"

"Umalis si Anrie sa hospital dahil sa kanila, I know it. Kung sila ang lalapitan ko, I don't know what will happen to Anrie. Kaya hindi ko maaasahan sila ngayon."

"Ano ba talagang sinabi ni An sayo?"

"She didn't give any details. She just texted me that she will look for Grame. I think, tinatago nila si Grame from Anrie." Napapikit ako.

Kung tinago nga nila si Grame, bakit? What is the reason why they did that?

Napatingin ako sa labas ng bintana.

Nasaan kaya ngayon si Grame at Anrie? I really hope they both are okay. I really do hope.

Dumating agad kami sa subdivision na sinasabi ni Harry, ang subdivision kung saan nakatira ang tita nila. Pinapasok naman kami agad dahil kilala naman si Harry ng guard.

"Saan ba dito ang bahay nila?" I asked. Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.

"A few blocks away," seryoso namang sabi niya. Napatingin nalang ako sa kalyeng dinadaanan namin.

"WAIT!" Inihinto ni Harry ang sasakyan niya nang sumigaw ako.

"What!?" medyo naiinis niyang sabi at tiningnan ako.

"Look." Tinuro ko ang babae sa may kalsada na naglalakad. "It's Anrie."

I'm sure it's Anrie.

Napatingin agad si Harry sa tinuro ko. Lumabas agad kami ng sasakyan nang makumpirma naming si Anrie nga iyon. She looks too weak at pinipilit lang na maglakad. Nilapitan ko agad siya at hinawakan siya sa magkabilang braso. 

"Anrie," I called her name as I came near her. Tiningnan niya ako. Mukhang pagod na pagod siya at hinang-hina.

"T-Tuff?" Tiningnan niya ako at mukhang nagulat siya na makita ako ngayon sa harapan niya. "T-Tuff, s-si Grame..." malungkot niyang sabi at mukhang maiiyak na.

"It's okay, I'm here." Inalalayan ko siyang makatayo at dinala siya sa kotse ni Harry. Pinaupo ko siya sa back seat at tinabihan. Pumasok na rin si Harry at inasikaso agad namin si An.

"Tuff." Tiningnan ako ni An and she held my hands tightly. "Hanapin natin si Grame. Hanapin natin si Grame," she begged. Nagsimula na rin siyang umiyak habang paulit- ulit na sinasabing hanapin namin si Grame.

"An, calm down. Oo, hahanapin natin si Grame so don't cry." Niyakap ko siya at pinatahan. Napahigpit ang pagyakap niya sa akin at kasabay nito ang pag-iyak niya.

What am I suppose to do to calm her? Anrie, please don't cry. Ayaw kong makita kang umiiyak.

Lumipat si Harry sa driver seat at nagsimula ulit na magmaneho.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko. Yakap-yakap ko pa rin si Anrie. Kumalma na siya kumpara kanina.

"We're nearly there," sabi niya habang nagmamaneho.

Not too long, we came into a halt. Napatingin ako sa labas at pinagmasdan ang hinintuan naming bahay.

Nasa tapat kami ng isang malaking bahay. It's a three story house, painted in white and had this huge gate. Looking at it, mukhang mayaman nga ang nakatira sa bahay na ito.

Bumaba si  Harry ng kotse at binuksan ang pinto sa passenger seat.

"An..." tawag ko sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin. "We're here," sabi ko.

Tiningnan naman ni Anrie ang bahay na hinintuan namin and without any word, agad na lumabas si Anrie at tinungo ang bahay. Napalapit siya sa malaking gate ng bahay at pinaghahampas ito.

"Anrie." Lumabas ako ng kotse at nilapitan siya.

"An, tama na yan," pagpipigil ni Harry sa kanya pero hindi siya nakinig sa pinsan niya.

"Ibigay niyo sa akin si Grame. Ibigay niyo siya." Patuloy niyang pinaghahampas ang pinto habang umiiyak.

"An, calm down." Hinila ko si Anrie palayo sa gate para hindi niya masaktan ang sarili niya. Pinindot na rin naman ni Harry ang door bell para hindi na magpilit si An na paghahampasin ang gate. Mayamaya lang ay lumabas mula sa loob ang isang babae.

"Sino po sila?" tanong ng babae sa amin kahit na hindi binubuksan ang gate ng bahay. Mukhang katulong siya dito.

"It's me ate," sabi ni Harry. Mukhang nakilala naman siya nito kaya pinagbuksan niya agad kami ng gate.

Pagkabukas ng gate ay bumitaw sa pagkakayakap ko si Anrie at dali-dali siyang pumasok sa loob. Naitulak na nga niya si ate kaya napaupo ito sa damuhan.

"Anrie!" tawag namin ni Harry sa kanya pero hindi na siya lumingon at nagtuloy-tuloy na siya papasok.

"Ate, pasensya na po," sabi ni Harry kay ate at tinulungan namin siyang makatayo.

"Sorry po," sabi ko naman.

"Tuff, puntahan mo na si Anrie."

"Ha? Ah...o sige." Nilingon ko pa si ate na mukhang ayaw kaming papasukin sa loob. Hindi ko nalang pinasin ang mga tingin niya at pumasok na ako sa loob.

Napahinto ako pagkapasok ko nang makita kong wala na si Anrie. Bumungad sa akin ang tahimik na kabuuan ng bahay. Sa intrada palang ay kita muna ang malaking hagdanan nito na patungo sa ikalawa at ikatlong palapag ng bahay.

"Nasaan na si Anrie?" naitanong ko sa sarili ko. Napalinga-linga ako sa paligid but I can't see her.

Pumasok si Harry at iyong maid kaya napalingon ako sa kanila.

"Wala sina tita dito Tuff," biglang sabi ni Harry. "And I'm sure, Grame's not here too." Napatango ako sa sinabi ni Harry. Mukhang wala nga si Grame dito.

"Hanapin na natin si Anrie," sabi niya. Napalingon ako sa kanya at napatingin din agad ako sa bawat sulok ng bahay. Ang laki ng bahay na ito, saan kami magsisimula?

I never asked Harry, but I think he reads it through my expression that's why he answered. "Maghiwalay tayo. Dito ako sa baba at doon ka sa taas."

"O-Okay."

"O sige," aniya at nagsimula na siyang maghanap kaya umakyat na rin ako sa taas para hanapin si Anrie.

Napahinto ako sa unang pintong nahagilap ng aking mga mata. Kumatok muna ako bago sumilip. Alam kong mali itong ginagawa namin ngayon. Hindi kami dapat pumasok sa bahay na ito nang basta-basta, lalo na at wala naman ang may-ari. But I need to find Anrie, lalo na at may sakit siya ngayon.

Nang wala naman akong nakita sa loob ay lumabas na ako at sinara iyon. Lumapit naman ako sa kasunod na pinto at bubuksan na sana ito pero nakita ko si Anrie sa hulihang pinto kaya napahinto ako. Lumapit ako kay Anrie. Nakatayo siya sa harap ng pinto, nakahawak siya sa ulo niya at mukhang masama na talaga ang pakiramdam.

Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siyang makatayo. "Anrie, are you okay?"

Napatingin siya sa akin. Putlang-putla na ang labi niya at mas uminit pa ang temperatura niya. Tumataas ata ang lagnat niya.

"S-Si...Gr-Grame? Ha-hanapin natin...s-si Grame," nanghihina niyang sabi. Malalim ang kanyang hininga at hinihingal pa siya.

"Oo, hahanapin natin siya." Binuhat ko na si Anrie at dinala siya sa baba. Nakasalubong ko naman si Harry nang pababa kami.

"You found her," nakangiting sabi ni Harry.

"Yes! But she's not doing well. Kailangan na natin siyang ibalik sa hospital."

"Oh...right." Naglakad na ako ulit at sumunod naman si Gabby sa amin. "Salamat ate. Sorry sa abala," sabi ni Harry sa maid ng tita niya at lumabas na kami ng bahay.

Binuksan ni Harry ang passenger seat kaya pumasok na ako sa loob habang buhat-buhat si Anrie. Nagdrive din agad si Harry papuntang hospital.

Pagdating namin sa hospital ay inasikaso agad si Anrie ng mga doktor. Dahil daw sa stress kaya mas lalong lumala ang lagnat niya.

"She will be fine after taking a rest," sabi nito sa amin. Napahinga ako nang malalim nang malamang okay na siya. Mabuti nalang talaga at walang masamang nangyari sa kanya.

Nginitian ko ang Doktor ni An at pinasalamatan siya. "Salamat po." Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto ni Anrie. Napatingin nalang ako kay Anrie na mahimbing na ang tulog ngayon.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya after waking up? Magwawala ba siya kapag hindi niya nakita si Grame? Sana naman ay hindi.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Harry sa loob nang may dala-dalang supot. May lama itong mga bottles ng mineral water at iilang packs ng biscuits.

"Kumusta siya?" tanong niya pagkalapit sa akin. Napatingin kaming dalawa kay Anrie, saka ako sumagot.

"Magiging okay din daw siya. Kailangan niya lang magpahinga."

"Ganoon ba? Mabuti naman." Kinuha niya ang isang mineral water at biscuit saka siya napalingon sa akin at inabot ito. "Kumain ka muna."

"Salamat." Kinuha ko iyon at inilapag sa tabi ko. Napatingin ulit ako kay Harry na ngayon ay kumakain na.

"Harry."

"Hmm?" Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ako.

"Tinawagan mo ba ang mommy at daddy ni An?" Natigilan siya at saka napayuko.

"Uhm...I need to. Sorry." Inilapag niya sa table ang biscuits at saka ako nilingon. "Kahit na may ginawa sila dahilan para magalit si An, kailangan pa rin nilang malaman ang nangyari sa kanya."

"Don't worry Harry, you did the right thing. They need to know that An's here. Tiyak na nag-aalala na din sila."

"Salamat pre." Tinapik ni Harry ang balikat ko at napangiti siya. Kinuha niya na ulit iyong biscuit niya at kumain na ulit. Binuksan ko na rin ang mineral water na binigay niya at ininom ito.

Lumipas ang kalahating oras bago dumating ang mga magulang ni Anrie. Pagdating nila ay lumabas naman agad ako ng kwarto ni An. I do think that staying there with them is not the right thing to do that time. Baka magalit lang ang parents niya kapag nakita ako doon.

Naghintay nalang muna ako sa upuan sa labas ng kwarto ni An hanggang sa lumabas sila.

"Tuff." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang kuya ni Anrie sa harapan ko. Napatayo agad ako at hinarap siya.

"Po?"

"Salamat pala at dinala mo dito si An."

"You don't have to thank me, I just did what I had to do." Napabuntong hininga siya. Naupo siya sa kabilang upuan at isinandal niya ang ulo niya sa dingding.

"Salamat talaga," malungkot niyang sabi. He did not even mind what I just said. Hindi na rin naman ako nagsalita because arguing with him is not what I want right now. Gusto ko ngang makipag-ayos sa kanila ngayon.

Naupo ako sa tabi niya. Ipinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko at napayuko. I tried to talk pero hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kuya ni Anrie. Idagdag pa na galit ako dahil sa ginawa nilang paglayo sa anak namin, but I still feel ashamed of myself kaya hindi na rin ako nagsalita. Nahihiya akong humarap sa lalakeng nanuntok sa akin noon dahil sa pananakit ko sa damdamin ng kapatid niya. Nahihiya talaga ako sa kuya ni Ann.

"Hihintayin mo bang magising si An?" Napatingin ako sa kanya. Nakasandal pa rin ang ulo niya at nakapikit ang mga mata.

"Opo, hindi ako aalis," kalmado kong sagot pero halatang may inis pa rin sa boses ko.

I'm eager to ask him about Grame. Nasaan ba talaga ang anak ko? But, I decided not too ask. Baka mas lalo silang magalit sa akin kapag nagtanong pa ako. Baka isipin pa nilang pinagbibintangan ko sila na sila ang nagtatago kay Grame. Hihintayin ko na lang na gumising si Anrie, siya na lang ang hahayaan kong magtanong sa pamilya niya.

Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ni An kaya sabay kaming napatayo ng kuya niya.

"She's awake," nakangiting sabi ni Harry.

Pumasok agad si kuya Daniel pero nagpaiwan ako sa labas. Papasok na din sana ulit si Harry pero napahinto siya.

"Tuff? Hindi ka ba papasok?"

Napailing ako. "Baka magalit ang parents ni Anrie kapag pumasok ako."

"Ha? Magalit?" gulat na tanong ni Harry pero agad din siyang napangiti. "Hindi sila magagalit. Sila nga ang nagsabing papasukin kayo ni kuya Dan. Tara na." Pumasok na si Harry kaya pumasok na rin ako.

Nakatayo sa harapan ni Anrie ang kuya niya. Nakaupo naman sa gilid niya sina tito at tita pero mukhang hindi pinapansin ni Anrie ang mga magulang niya pati na si kuya Dan.

"Tuff." Natigilan ako nang tinawag niya ako. Napatingin ako sa kanya pati na sa mga magulang niya. Mukhang nagulat sila sa ginawa ni Anrie.

"An?" sabi ko at lumapit ako sa kanya.

"Did you find him?" nag-aalala niyang tanong. Napatingin ako ulit sa pamilya niya pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko kay Anrie.

"Hindi namin siya nakita. Wala siya sa bahay ng tita mo." Napatingin sa akin si Anrie at nagsimula na naman siyang umiyak.

"Hahanapin natin siya diba? Hindi ka susuko diba? You promised," umiiyak niyang sabi. Mas lumapit ako kay Anrie at hinawakan ko ang mga kamay niya. Pati din sina tita ay nataranta na sa pag-iyak ni Anrie.

"An, oo...hahanapin natin si Grame. Promise ko iyon. Hindi ako susuko, hindi tayo susuko." Umiiyak pa rin si Anrie pero napatango siya.

"Anak." Napatingin kami kay tita nang tawagin niya si Anrie. "Anak..." pag-uulit niya.

"Don't call me that!" Nabigla kami sa pagsigaw ni Anrie. Tiningnan niya si tita nang masama but she's still crying.

"Anrie," saway ni tito sa kanya pero hindi siya pinansin ni An.

"Akala ko ba mahal niyo ako..." sabi ni An at mas lalo siyang umiyak. "Pero bakit niyo ginawa ito?" Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kamay niya at humagolgol siya.

"Anrie," magkasabay naming tawag ni Harry sa kanya. Hindi siya tumigil sa pag-iyak at mas lalo pang ibinuhos ang sama ng loob niya.

"Bakit niyo inilayo si Grame? Bakit ma?"

"Anrie, please listen to me..." pagsusumamo ni tita pero umiwas si Anrie. Tumalikod si Anrie sa mama niya at hinarap ako.

"Ilipat mo ako ng room," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa mga magulang niya dahil doon. Halatang nasaktan sila tita sa ikinilos ni Anrie.

"An—" tawag ko pero naputol ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto. Hindi pa man nakakasagot ang sinuman ay pumasok na ang mga nasa labas. "Mom? Dad?" nasabi ko nang makita ko ang mga magulang ko.

Why are they here?

"Pumunta agad kami dito when you called," sabi ni mommy.

"Po?" naitanong ko. Hindi ko naman sila tinawagan ah. Anong sinasabi ni mommy?

"Salamat." Napalingon kami nina Harry kay tita nang sabihin niya iyon. Nanlaki pa ang aking mga mata dahil sa nangyari.

W-Wait! Si tita ang nagpapunta kina mommy dito?

Napatingin sa akin si mommy at daddy kaya binigyan ko sila ng confused look.

"Anrie," tawag ng mommy ni An sa kanya. Hindi na umiwas si An ngayon. Tiningnan niya ang mga magulang niya pati na sina mommy at daddy. Pareho kaming naguguluhan sa nangyayari ngayon.

"Huwag kang magalit sa amin anak," panimula ni tita. Napahawak si tito sa balikat ni tita at nginitian kami ni Anrie. "We did let go of Grame, pero hindi sa paraang iniisip mo." Ngayon, kina mommy naman siya napatingin. "Noong nagkasakit ka, nahirapan akong alagaan kayong dalawa ni Grame. Alam mo namang walang alam ang daddy at kuya mo sa pag-aalaga ng maysakit lalo na sa baby, kaya wala akong maasahan sa bahay. Ayaw kong namang ipaalaga si Grame sa mga katulong, so I decided to ask help from someone who will take good care of my grandson." Tiningnan ako ni tita at nginitian.

"Help?" Tiningnan ako ni Anrie at agad niyang tiningnan sina tita pati na sina mommy. "What help?" curious niyang tanong.

Napabuntong hininga si tita. Then she said those words that made my heart leap. "I called Tuff's parents and asked for their help. Iniwan ko muna si Grame sa kanila."

"Po?" nasabi ko sa gulat at napatingin ako kina mommy. Ang ibig sabihin ba noon ay nasa bahay ngayon ang anak ko?

Napatingin ako kay Anrie at gulat na gulat din siyang nakatingin sa akin dahil sa narinig niya.

"Hindi na namin sinama si Grame dito dahil baka makasagap siya ng sakit. But don't worry, binabantayan siya ni manang Mona ngayon. She's like a family to us so you don't have to worry about her taking care of Grame," nakangiting sabi ni mommy.

"S-Si Grame, nasa bahay?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Ibig sabihin ba nito—" Napatingin ako kay Anrie at agad kong hinawakan ang kamay niya. Napatingin naman ako sa mommy, daddy, at kuya ni An. "Okay na po ako sa inyo?" I asked hoping to hear a 'YES' from them.

~❇️~