Chereads / Be My Daddy / Chapter 11 - Kabanata 11: Family Bonding

Chapter 11 - Kabanata 11: Family Bonding

ANRIE

Bumaba ako sa sala nang matapos kaming magbihis ni Grame. Nilapitan ko si mommy na inaayos ang baby bottle ni Grame sa bag na dadalhin ko at tinabihan ko siya. Naihanda ko na ang milk ni Grame kanina bago ko pa siya pinaligoan at inayusan kaya inaayos nalang ito ni mommy.

"Mom, check up ni Grame ngayon. Hindi ka ba sasama?" tanong ko sa kanya habang pinapadede niya si Grame. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at seryoso akong tiningnan.

"Hindi na muna anak. Ikaw nalang ang magdala kay Grame sa doktor niya. Tumawag kasi ang tita mo-nagpapasama."

Oo nga pala, ngayon pala ang alis ni tita.

"Babalik ka ba agad?" Naikunot ni mommy ang noo niya. Sandali pa siyang nag-isip bago niya ako nilingon.

"Hindi ko alam. Baka kasi matagalan ako dahil dadaan pa ako sa restaurant." Tumango ako.

"Ah! Okay po."

"Kunin mo nalang sa drawer ko ang card ni Grame. Alam mo naman ang dapat gawin diba?"

"Opo ma." Ipinasok ko na ang ilang gamit na dadalhin ko sa bag na nakapatong sa sofa.

"Umuwi kayo agad ni Grame. Nag-aalala ako sa inyo. Kung hindi lang talaga nagpasama ang tita mo-"

"Eh ma..." pagputol ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Pwede po bang ipasyal ko muna si Grame after ng check up?" Naikunot ni mama ang noo niya. Napanguso ako para magpacute sa kanya. "Sige na ma."

Mom smiled. "O sige, pero hwag kayong magpapagabi." Tumango ako.

"Opo ma."

Nang maubos ni Grame ang milk niya ay pinakarga na siya ni mama sa akin. Kinuha na rin niya ang mga gamit niya at nagpaalam na sa akin.

"Anrie, aalis na ako." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nginitian siya.

"Ok ma. Mag-ingat po kayo." Tinanguan din naman ako ni mama at nagdirediretso na siya sa labas ng bahay.

Ilang minuto ang lumipas nang umalis si mama ay naghanda na rin ako. Nabihisan ko na si Grame kaya ako naman ang nag-ayos. Bago pa mag-10 ng umaga ay umalis na din kami ni baby. Nagpahanda nalang kami ng taxi kay manang at nagpahatid sa hospital.

I have a 10 AM appointment with Grame's doctor. Si mommy ang madalas na pumupunta doon but since I'm free now kaya ako na ang magdadala sa anak ko doon.

"Good morning Dra.," bati ko sa doctor ni Grame. Nginitian niya ako at sinenyasang pumasok.

"O mommy An. Please have a seat." Nginitian ko siya at naupo na rin ako sa harap ng table ni Dra. Santos habang karga-karga si Grame. Agad din naman niyang sinimulan ang check up.

"Kumusta ang baby?" agad niyang tanong. Napatingin pa ako sa anak ko na masayang nilalaro ang mga daliri niya.

"Ok naman po."

"Walang rashes?"

"Wala naman po Dra."

"Mabuti naman. Pero always mo lang icheck si baby to insure na okay lang sa kanya ang mga binibigay natin?"

"Opo Dra."

Matapos na macheck si baby Grame ay nagpaalam na ako kay Dra. Santos. Dinala ko nalang si Grame sa mall pagkatapos para mabilhan siya ng mga gamit and bonding na rin naming dalawa.

"Baby Grame, papuntahin natin si tita Sydney, pasama tayo. Ang dami kasing dala ni mommy."

Ang hirap mamasyal habang dala-dala si Grame at may bag pa akong dala. Magpapasama na lang kami kay Sydney o 'di kaya kay Judy para may tagabitbit kami.

I settled before ko dinial ang number ni Sydney. Isang ring palang ay sinagot na niya agad ang tawag ko.

("Hello?") bungad niya sa akin.

"Syd! Si An ito."

("An? Oh hi!")

"May lakad ka ba ngayon? Pasyal tayo. Nasa mall ako ngayon, kasama ko si Grame."

("Really? Oo ba.") Rinig ko ang excitement sa boses niya.

"Talaga? Hintayin kita!"

("Ok! I'll be there in exactly 20 minutes.")

"Bilisan mo!"

("Oo na. Maliligo na ako.") Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ngayon ka pa maliligo?" Halos tanghali na. Anong oras ba siya gumising?

("Sorry naman. Sabado eh! Walang pasok.")

"Yucks! Kadiri ka."

("Ang OA mo ah! Parang hindi lang naligo. Hindi kaya ako mabaho.")

"Sige na, maligo ka na. Huwag mo kaming paghintayin ni baby Grame."

("Oo na! Babye.") Ibinaba din ni Sydney ang tawag pagkatapos sabihin iyon. Pumasok nalang muna kami ni Grame sa isang cafe habang naghihintay. I ordered a chocolate cake and milk shape para kumain muna.

To: Seed-Ny Ü

Syd, san ka na? Nasa cafe ako malapit sa entrance. Hintay kita dito.

Inilapag ko sa table ang phone ko pagkatapos masend ang text para makakain muna ako. Tinitingnan lang naman ako ni Grame habang kumakain ako. Nakakatuwa nga dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. Parang matanda na siya kung tumingin sa akin.

"Gusto mo ba nito baby Grame? Hindi pa ito pwede sayo eh. Si mommy nalang ang kakain for you." Hinalikan ko si Grame sa pisngi niya kaya napatawa siya. Napangiti naman ako. Ang cute talaga ng baby ko.

Nahinto ako sa paglalambing kay Grame nang biglang tumunog ang phone ko. Inabot ko ito at saka tiningnan ang natanggap ko. It's a message from Sydney kaya mabilis ko itong binuksan.

From: Seed-Ny Ü

An, sorry. Hindi ako makakapunta diyan, dumating si Pat eh. May lakad pala kami. Sorry. Pero may pinapunta ako diyan. Gawin mo yang yaya mo. Siya na ang bahala sa inyo ni Grame. Don't worry hindi yan nangangain. Enjoy the day. Balitaan mo ko. 😁

Naikunot ko ang noo ko dahil sa text niya. May ipapadala siya dito? S-Sino?

"Hi!" Nag-angat ako ng ulo nang may magsalita sa harap ko. Agad kong naikunot ang noo ko nang makita ko kung sino siya.

He smiled kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa phone ko. I started to type another message for Sydney.

Anong naisip niya at ipinadala niya ang taong ito dito? Gusto niya atang magkagulo ulit kami.

"Sorry," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

What's with that sorry? Para ba iyon sa pagpunta niya rito instead of Sydney? O para iyon sa lahat ng kasalanan niya sa akin?

"For what?" emotionless kong tanong. Ayaw kong magpakita sa kanya ng kahit anong emosyon dahil ayaw kong mag-isip sina ng kahit ano. Ayaw ko nang umasa sa kanya dahil sa huli-huli ay ako lang pa rin ang nasasaktan. I'm sure na naobliga lang din siyang pumunta dito-na puntahan kami ni Grame dahil iyon naman ang responsibilidad niya.

"Yung sorry ko ngayon ay para muna sa pagpunta ko dito. Sorry kung ako ang pumunta at hindi si Sydney." He smiled at saka siya naupo sa katapat kong upuan. Napahigpit ang hawak ko kay Grame. "Okay lang ba na ako ang kasama niyo ngayon ni Grame? Pwede akong tagabitbit, bodyguard, utusan-kahit ano." I looked at him. Seryoso siya habang sinasabi iyon.

Napatingin ako kay Grame na nakatingin din kay Tuff. Nagulat ako nang makitang nakangiti ang aking anak sa kanyang ama. Halatang masaya siyang makita si Tuff. The smile he have is the same smile na ipinakita niya noong pumunta si Tuff sa bahay at kinarga siya.

Binuhat ko si Grame at pinaupo siya sa table. Nakatingin pa rin siya kay Tuff, at si Tuff ay nakatingin din naman sa kanya.

Napabuntong hininga ako. No matter how I try to change the truth, hindi ko talaga iyon magagawa. Grame needs him. Kailangan si Tuff ng kanyang anak.

"I don't want any of what you said. Ito lang ang kaya kung ioffer sayo." I paused at saka ko tiningnan ang anak ko. Muli akong nag-angat ng tingin kay Tuff at seryoso siyang tiningnan. "Pwede bang i-hire kita bilang daddy ng anak ko?"

Nagulat si Tuff sa sinabi ko pero agad naman siyang napangiti. Ang lawak ng kanyang ngiti na halos umabot na sa kanyang tenga.

"And I'm applying to be one," aniya na bahagyang ikinalundag ng aking puso.

"Kapag tinanggap mo ang trabahong ito ay wala kang sweldo, walang day off, and walang retirement. Dahil sa oras na kailanganin ka ni Grame ay dapat andiyan ka lagi. You need to invest everything you have, your money, your time, especially your love. This is an eternal contract, so no backing out."

"Kahit na walang break time, okay lang. Kahit na may sakit ako ay papasok pa rin ako basta lang ay mapasaya ko si Grame," sabi niya at nginitian kami pareho ng anak ko. Muli ko siyang tiningnan at inusisa ang kanyang mukha.

"Are you willing to sacrifice all of these things para kay Grame?" paninigurado ko. Ayaw kong dumating iyong time na bigla siyang mawawala at iiwan kami ni Grame sa ere.

"Not just for Grame, but also for you," aniya kaya natigilan ako. Iniwas ko agad ang aking tingin at tiningnan ko nalang si Grame na nilalaro ngayon ang mga daliri ko.

"I'll wait," he said while looking at me.

Hindi ako siguradong gusto ko iyong sinabi niya. Wala naman kasi sa plano namin ang nagyari sa akin, na mabuntis ako. Hindi ko na rin naman iniexpect na pati ako ay kailangan niya ring panagutan. It's a mistake sabi pa nila. Biglaang dumating sa aming dalawa si Grame nang hindi namin hinahangad. We didn't wish for him but he came. Ok na sa akin kahit na panagutan lang niya si Grame at hindi na ako. I just want a father for my son, iyon lang naman eh.

Nginitian ko nalang siya bilang sagot sa sinabi niya pero ang ngiting iyon ay isang ngiting mapait.

"Gusto mong kumain?" I ask para alisin ang katahimikan between the two of us. Inalok ko rin ang pagkaing kinakain ko na tiningnan niya pa.

"Okay lang ako. Saan mo ba gustong pumunta?"

I sighed lalo na't nakaramdam ako bigla ng kaba. Dapat bang kasama ko si Tuff ngayon? I'm sure na magagalit si daddy kapag nalaman niya ang tungkol dito. Sinabi kong gusto ko siyang maging daddy ni Grame, pero noong sinabi na niya ang mga salitang 'for me' ay agad akong nawalan ng gana. Maybe this a bad idea, uuwi nalang kami ni Grame.

Tumayo ako. Kinarga ko si Grame at kinuha ang bag na dala namin.

"Please don't leave." Napahinto ako at tiningnan ko si Tuff. Malungkot siyang nakatingin sa akin kaya bigla akong naawa sa kanya. But I'm still afraid kaya nagdadalawang-isip talaga ako. Dapat bang bigyan ko siya ng chance?

Napangiti ako sa kanya. Everyone deserves a second chance kaya bakit hindi ko siya pagbibigyan? Nasaktan man niya ako, bumabawi naman siya ngayon. I know he is trying his best, so why not?

"Tumayo ka na. Akala ko ba sasamahan mo kami ni Grame." Napangiti siya nang marinig niya ang sinabi ko. Napatayo siya agad at kinuha niya ang bag na dala ko.

"Saan tayo pupunta?" excited niyang tanong.

"Anywhere, ikaw ang bahala," I said at napangiti ako sa kanya. Nakita ko rin ang pagngiti ni Grame sa kanya. Napangiti nalang ulit ako.

Bahala na kung walang kasiguraduhan ang lahat ng ito, basta at least ngayon ay para kaming pamilya.

Nagsimula na kaming maglakad sa mall. Napapatingin lang ako sa nadadaanan naming shop dahil naiilang akong kasama si Tuff. Hindi pa rin ako comfortable na kasama namin siya ngayon, paano kung may makakita sa amin at isumbong kami kay daddy? Magagalit iyon for sure.

Habang naglalakad kami ay napahinto ako sandali at saka ako napahinga nang malalim.

"Are you okay?" tanong ni Tuff na inusisa pa ako. Tumango lang naman ako. Napagod lang ako sa paglalakad namin lalo na't dala-dala ko pa si Grame. "Halika, umupo muna tayo," alok niya kaya tumango ako.

"Okay-"

Natigilan ako nang maramdaman ko ang kamay ni Tuff na inilagay niya sa may bewang ko. Inaalalayan niya ako sa paglalakad papunta sa isang bench sa 'di kalayuan. Nang makaupo ako ay binitawan din naman niya ako.

"Bibili muna ako ng tubig. Dito lang muna kayo."

Aalis na sana siya pero mabilis ko siyang nahawakan sa kamay kaya napahinto siya. Napatingin siya sa akin at saka niya ibinaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Mabilis ko siyang nabitawan nang maproseso ko sa utak ko ang nangyayari.

"Huwag ka nang bumili, may tubig naman ako. Magpahinga ka na rin muna, kanina pa tayo naglalakad eh," nakayuko kong sabi.

Hindi na rin naman siya nagsalita at naupo nalang sa tabi ko. Binuksan ko ang bag ko at ibinigay ko sa kanya ang dala kong tubig.

"Salamat," aniya kaya tinanguan ko siya.

Nilaro-laro ko muna si Grame habang nagpapahinga kami. Ginawa ko ito para na rin maaliw ang sarili ko at nang hindi naman ako mailang. Ang tahimik kasi namin ni Tuff and it's really making the situation really awkward.

"An..." tawag niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

•••

TUFF

Tiningnan ko ang tubig na binigay ni Anrie sa akin. Hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako.

Tiningnan ko naman siya. Nilalaro niya si Grame ngayon and they look so happy. How I wish na pwede ko ring gawin iyan, na makipagbonding sa kanila nang ganyan.

"An..."

Hindi ko alam kung bakit ko ba siya tinawag, basta nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya. Napatingin naman siya sa akin kaya bigla akong kinabahan. Ano ba ang sasabihin ko?

"Gusto mong kumain?" tanong ko. Tiningnan niya ulit si Grame kaya naitaas ko ang aking kilay.

Ano ba iyong sinabi ko? Siguradong hihindian niya ako dahil kakakain niya lang. Kumain na siya sa coffee shop noong nagkita kami.

"O sige, gutom na rin ako."

Nagulat ako sa sinabi niya, pero napangiti naman ako agad.

"Saan mo gustong kumain?"

"Ikaw ang bahala," aniya. Tumango naman ako agad.

"Okay, tara!" pag-aaya ko. Kinuha ko ang bag na may lamang mga gamit ni Grame pero hinawakan iyon bigla ni Anrie. Napahinto ako at nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Ako nalang ang magdadala nito," aniya na naging rason para maikunot ko ang aking noo.

"Ha? No, ako na ang magdadala nito. Karga-karga mo pa si Grame kaya mahihirapan ka na." Kinuha ko na nang tuluyan ang bag at binitbit iyon.

"Ikaw muna ang magkarga kay Grame." Napahinto ako at agad akong napatingin kay Anrie nang marinig ko iyong sinabi niya.

"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko na nga mapigilan ang pamumuo ng mga ngiti sa aking labi.

Isang beses ko lang nahawakan si Grame at iyon ay noong pumunta ako sa bahay nila. Akala ko nga ay hanggang tinggin lang ako kay Grame ngayon pero mahahawakan ko pala ang anak ko.

Napatango lang si Anrie bilang sagot sa akin. Dahan-dahan niyang inilipat si Grame sa braso ko at maingat ko naman siyang ginabayan.

I can see a sweet smile from Anrie's face, pati si Grame ay napapangiti rin. Para ngang isang happy family kami ngayon dahil sa nangyayari.

"Tara?" Napatingin ako kay Anrie na ngayon ay dala-dala na ang mga bag.

"O sige, tayo na Grame," nakangiti kong sabi at hinalik-halikan ko pa si Grame sa pisngi niya. Napapatawa naman siya sa ginagawa ko, mga maliliit na tawa na nakakakiliti sa aking puso.

Napangiti ako ulit bago kami naglakad para maghanap ng makakainan.

•••

ANRIE

Dinala kami ni Tuff sa isang Italian restaurant. Actually, hindi naman talaga ako gutom pero ayaw ko lang hindian iyong offer niya, ngayon lang kasi siya nagyaya.

"Ano ba gusto mo?" he asked.

"Kahit ano," sagot ko lang.

"Eh kay Grame. Ano ba ang pwede nating ipakain sa kanya?" Napatingin pa siya sa anak namin na karga-karga niya pa rin.

"Milk, milk pa lang ang pwedeng i-feed sa kanya," sabi ko at kinuha ko ang baby bottle ni Grame sa bag na dala ko.

"Formula?" he asked with curious eyes.

"No, breast milk...p-pump..." Natigilan ako bigla at mabilis akong napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti kaya agad din naman akong nag-iwas ng tingin. NAKAKAHIYA!

"Alaga pala talaga ni mommy si baby Grame." He's smiling while talking to Grame at ang anak naman namin ay ngumingiti rin. Napayuko ako ulit dahil sa kahihiyan. "Pwede ba?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha?" Anong pwede?

Nginuso niya iyong milk bottle na hawak ko kaya namula ulit ako. ANO BA TUFF!?

"Ipainom na natin iyan kay Grame," aniya. Agad akong napayuko at nahihiya kong inabot kay Tuff ang milk bottle ni Grame. Ipinainom niya naman ito kay Grame agad. Nang dumating na ang waiter ay umorder na si Tuff, siya na rin ang umorder ng pagkain ko dahil sinabi ko naman sa kanya na siya na ang bahala.

Dahil sa hindi naman talaga ako gutom ay hindi ko naubos ang pagkain ko. Nakakahiya nga sa kanya kasi gumastos pa talaga siya.

"Saan tayo?" tanong niya pagkatapos naming kumain.

"Uhm..." Nag-isip pa ako sandali ng isasagot ko sa kanya.

TAMA! Nandito pala ako para ibili si Grame ng mga gamit niya since nagsisimula na rin siyang lumaki.

"Bibili dapat ako ng mga damit for Grame," I said.

"Oh!" aniya at napangiti siya. "Tara!" sabi niya kaya tumango ako sa kanya. Nginitian ko rin siya.

Lumapit siya sa akin at inalalayan niya ako sa pagtayo. Kinuha niya ang bag ko at tinulungan akong buhatin si Grame. He lead us out of the restaurant at nagsimula na naman kaming maglibot.

-❇️-