Chereads / Be My Daddy / Chapter 12 - Kabanata 12: Rain

Chapter 12 - Kabanata 12: Rain

ANRIE

"Dito nalang kami," sabi ko bago pa kami umabot sa tapat ng bahay namin. Mahigit apat na bahay nalang ang layo namin mula sa amin and I can already see the black gate of our house from here.

"Ihahatid ko na kayo hanggang sa tapat ng bahay niyo," Tuff suggested na agad kong inilingan.

"Huwag na, nasa bahay na sina dad." Kapag nakita kami ni daddy na magkasama ay tiyak na malalagot kami. Ayaw kong magkagulo pa at sirain ang araw na ito.

"An, hindi na ako takot sa kanila. Haharapin ko ang parents mo." He sounded so sincere and I know he's serious about it.

Tiningnan ko siya. "Please," I begged. Ayaw kong mauwi sa gulo itong masayang araw namin. I enjoyed the day and it will surely be a waste kung papagalitan lang kami ni dad pag-uwi.

Napabuntong hininga si Tuff bago niya hininto ang sasakyan. "You said you'll wait. Then wait!" I said calmly. I know it sounded like a command but I am requesting him. Hindi pa kasi ok sina daddy, they are still mad. Kung ipipilit namin sa kanila ang lahat ay baka mas hindian nila kami. I just want everything to go smoothly. We will take it step by step, one at a time.

Tumango siya kaya napangiti ako. Kinuha ko na ang bag ko at pati na ang mga pinamili namin. Dahil sa medyo marami din ito ay nahirapan ako lalo na at karga-karga ko pa si Grame.

"Kahit ilakad ko nalang kayo hanggang doon sa tapat ng bahay niyo. Hindi naman siguro mahahalata na may kasama ka." Napatingin ako sa kanya and I heave a deep sigh.

"Okay," I surrendered. Hindi ko din naman kayang dalhin ang lahat ng ito eh. I need his help para bitbitin ang mga ito.

Lumabas si Tuff mula sa driver seat at kinuha niya ang mga pinamili namin. Bumaba na rin ako na karga-karga ang anak ko. Nang makuha na niya ang lahat ng paper bag ay naglakad na kami papuntang bahay.

Tahimik lang kaming naglakad. Gabi na and since likas na tahimik dito sa subdivision namin ay tahimik talaga ang buong paligid. You can't even hear a single noise from crickets na laging nag-iingay tuwing gabi.

Napahinto kami sa tapat ng gate namin kung saan ibinaba ni Tuff ang pinamili namin kanina. Madilim naman kaya hindi kami kita mula sa loob.

"Pa'no, uuwi na ako," pagpapaalam niya. Ngumiti pa siya pero pansin kong pilit lamang ito. I nod.

"Ingat ka," tanging nasabi ko lang.

"Pumasok na kayo." Tiningnan niya pa ang gate na nakasara pa rin. Hindi ko na muna binuksan ang gate, hihintayin ko na munang makaalis si Tuff bago ko iyon gawin. "Hihintayin ko na muna kayong pumasok, bago ako umalis."

Tumango ako. "Okay." Binuksan ko na ang gate. Pero bago pumasok ay nilingon ko pa siya. "Bye Tuff. Thank you dahil sinamahan mo kami." He smiled to me and sabay pa siyang tumango.

"Thank you din," aniya na napakamot pa sa kanyang batok.

Ipinasok ko na muna sa loob ng compound namin ang mga gamit bago kami tuluyang pumasok. Tinulungan pa ako ni Tuff na gawin ito. Bago ko isara ang gate ay nilingon ko pa si Tuff nang isa pang beses. Pero bago pa iyon mangyari ay siya namang paglabas ni kuya galing sa loob ng bahay.

"An!" he called. Mabilis akong napaharap kay kuya as my heart started to pound so fast.

"K-Kuya?" nauutal kong tawag sa kanya. Nakita niya kaya si Tuff?

"Ba't ginabi ka na?" tanong niya pa. I really tried my best not to look guilty, baka mapansin niya kasing kasama namin si Tuff pag-uwi.

"Uhm..." Napalingon ako sa may labas to check if nandoon pa ba si Tuff. Luckily, wala na siya doon.

"Halika na, pasok na tayo. Gabi na oh!"

"Uhm... opo." Kinuha  ni kuya ang mga pinamili namin ni Tuff at dinala na ito sa loob. Sumunod naman kami ni Grame sa kanya.

"Paano mo ba ito dinala lahat?" nakakunot noong tanong niya. Diretso naman akong napatingin sa mga paper bags na pinaglalagyan ng mga binili namin.

"Uhm... kasama ko po si— si Sydney kuya," natataranta kong sagot. Ayaw kong magsinungaling pero ayaw ko rin namang mahuli kami. Sorry kuya, and sorry Syd!

"Si Sydney? Hinatid ka niya hanggang dito? Ba't hindi mo pinapasok?"

"Ah eh—nagmamadaling umuwi eh. Hinahanap na daw siya ni Tita," pagpapalusot ko na naman. Matext nga iyong si Sydney mamaya, baka ibuko pa kami kay kuya, palagi pa naman iyon dito sa bahay.

"O sige na, magbihis ka na. Kakain na tayo."

"O sige po," tumatango ko pang sagot at mabilis kong dinala si Grame sa kwarto para makapagbihis na.

Kababa ko lang kay Grame sa kama nang may matanggap akong message. Kinuha ko agad ang phone ko sa dala kong bag kanina at tiningnan ito.

From: 094973*****

Tingin ka sa labas ng bintana.

Naikunot ko ang noo ko dahil sa nabasa. Sino naman ito?

Kahit na nagtataka ay naglakad pa rin ako papunta sa may bintana at napatingin ako sa labas. Natigilan ako nang makita ko si Tuff na kumakaway sa akin. Nakatayo siya sa tabi ng kotse niya na nakaparada sa tapat ng kapitbahay namin. He's smiling to me na abot tenga niya pa.

Mabilis kong kinuha si Grame sa kama at bumalik doon sa may bintana na dala siya. Binuhat ko si Grame para makita siya ni Tuff. Agad namang napangiti si Tuff nang makita niya kami ni Grame.

Muling tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito ulit.

From: 094973*****

Bye. Aalis na ako, kita nalang tayo sa school. Ikiss mo ako kay Grame. I enjoyed the day kasama kayo.

Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Ilang minuto din kaming nagtitigan doon hanggang sa umalis na siya.

•••

TUFF

"Good morning sir," bati sa akin ng waiter na nakatayo sa may intrada ng restaurant pagkapasok ko.

"Nandito na si sir?" tanong ko sa kanya. Nginitian at tinanguan niya ako.

"Nasa loob na po," sagot niya kaya tinapik ko siya sa braso niya.

"Salamat."

Nagtuloy-tuloy na ako papasok at dumiretso ako sa kitchen. Kilala na ako ng mga tao dito kaya hindi na nila ako sinisita sa tuwing pumapasok ako. Sa loob ba naman ng limang buwan kong pagpapabalik-balik dito, hindi pa sila masasanay?

"Good morning po," bati ko sa taong naabutan kong abala sa counter ng kitchen.

Inilapag ko sa lamesa iyong dala kong gatas at mga gulay at saka ko siya hinarap. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pag-aayos ng mga gamit. Napabuntong hininga nalang ako.

Sa loob ng limang buwan na iyon, dalawang beses lang ata ako kinausap ng daddy ni Anrie. Iyon ay ang mga panahong pinapalayas niya ako at pinapagalitan.

"Fresh po ang mga gulay at ang gatas. Sana po ay magamit niyo iyan sa mga lulutuin niyo ngayon," nakangiti kong sabi sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinansin.

"Salamat Tuff," sabi ni Chef Fabro na siyang kumuha sa mga dala ko. Tinanguan at nginitian ko lang naman si Chef.

Ako na ang nagsusupply ng gatas sa kanila sa loob ng limang buwan. Nagdadala din ako ng kokonteng gulay sa tuwing pumupunta ako dito. May farm kasi kami kaya nakakadala ako ng mga ganito. Libre ko itong binibigay at hindi na humihingi ng bayad. Pero inaamin kong may kapalit ang lahat ng ginagawa ko, ang gusto ko kasing mangyari ay tanggapin ako ng daddy ni Anrie para saber anak niya at bilang ama ng apo niya.

"Sige po, aalis na ako," pagpapaalam ko.

"Teka Tuff. Bakit 'di ka nagpunta kahapon?" tanong ni Chef Frado. Napatingin ako sa daddy ni Anrie at palihim akong napangiti.

Kaya hindi ako nakapunta kahapon ay dahil sa kasama ko sina Anrie at Grame sa mall. Nang i-text kasi ako ni Sydney ay hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa mall, nakalimutan ko na nga ang tungkol sa pagdeliver ng supply sa restaurant.

"May inasikaso po kasi ako," nakangiti kong sabi. "Sige po, aalis na ako." Nagpaalam na ako kay Chef at kay tito at saka ako lumabas ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nina Anrie. Nang makasakay ako ng kotse ay dumiretso na ako sa bahay.

•••

ANRIE

Lunes ngayon kaya maaga akong gumising, may klase kasi ako. Naligo agad ako at nagbihis dahil baka ma-late pa ako sa school.

Matapos kong mag-ayos ay kinuha ko naman si Grame. Nakabihis na din siya at nakaligo na rin, inasikaso ko kasi muna siya bago ako nag-ayos kanina.

"Tayo na Grame, kay lola ka muna. School muna si mommy."

"Mom-a." Napahinto ako sa paglalakad at agad kong tiningnan si Grame.

Did I heared it right? Nagsalita si Grame at tinawag niya akong mama?

"Mom-a," pag-uulit ni Grame. Napangiti ako agad dahil sa aking narinig. Sa sobrang saya ko ay napatakbo ako palabas ng kwarto habang karga-karga si Grame at hinanap ko agad si mommy.

"Mom! Nagsalita si Grame," masaya kong sabi sa kanya nang makita ko siya sa dala.

"Really?" Nakangiti din si Mom at nilapitan niya agad kami.

"Opo," masaya kong sagot at niyakap ko ang anak ko. "Mom, kunan mo kami ng picture ni Grame. Ilalagay ko sa baby album niya."

"O sige anak." Kinuha ni mom ang phone niya at kinunan kami ni Grame ng litrato.

"Mom, paki-print po ng picture ah." Tumango si mommy at nginitian ako.

"Akin na si Grame, baka ma-late ka pa." Tumango ako at obinigay ko na kay mommy si Grame. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi at nagpaalam na ako sa kanila.

"Bye Grame! Bye mom!"

"Bye! Grame, say babye mommy." Napangiti ako habang hinahawakan ni mommy ang kamay ni Grame at iwini-wave sa akin.

Lumabas na ako ng bahay na nakangiti at nagpahatid na ako sa school namin.

Buong araw na nasa school ako ay para akong lumulutang sa ere. Ang saya-saya ko dahil sa mga nangyari kaninang umaga, ang saya palang marinig ang anak mo na tawagin kang mama.

"An, are you okay?" Napatingin ako sa nagsalita at nginitian ko lang naman siya. It was Sydney. "Ang lawak ng ngiti mo ah. Anong nangyari?" dagdag niya. Napangiti ako ulit.

"Si Grame...nagsalita na. He called me mama," masaya kong sabi sa kanya.

"Really? Wow!" Ngumiti din si Sydney at nakisaya sa akin, pero agad din naman siyang nagsalita kaya agad akong natigilan. "Uhm...change topic. Kumusta iyong family bonding niyo?"

Family bonding?

"Anong—?"

"Iyong pagpasyal niyo ni Grame kasama si Tuff." Oh!

"Uhm... okay lang naman."

"Okay lang? Iyon lang?" I gave her a shy smile at simpleng nagkibit-balikat nalang. "Hay naku! Okay, hindi na ako mangungulit sayo," aniya na agad umalis at iniwan ako. Napailing nalang ako dahil sa pagtatampo ni Sydney.

Ayaw ko talaga kasing magkwento kasi nahihiya ako. Amin na lang iyon nina Tuff. I enjoyed that day with him and Grame, iyon naman ang importante at hindi na kailangang ipagkalat ko pa iyon. I smiled again at sinundan ko na si Sydney.

Matapos ang klase namin ay lumabas agad kami ng classroom. Uuwi ako ngayon nang maaga para makita ko na si Grame. Na-miss ko na kasi agad ang anak ko.

"Naku naman! Umuulan pa." Napatingin ako kina Judy na nahinto sa may lobby ng college building namin at nakatuon ang atensyon sa labas kung saan malakas ang buhos ng ulan.

"An, may payong ka? Pa-share naman o."

"Naku Judy, nakalimutan kong magdala eh." Hindi ko nadala iyong payong ko. Sa pagmamadali ko kanina ay nakalimutan ko na itong dalhin. Ang malas naman o, gusto ko pa namang umuwi nang maaga.

"Uhm...sumabay kaya tayo kay Tuff. Baka dala niya ang kotse niya," ani pa ni Judy kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko dala ang kotse ko." mabilis naman kaming napatingin sa nagsalita sa may likuran namin at nakita namin si Tuff.

"Sayang naman," ani pa ni Judy.

"Nagmotor ako papunta dito," dagdag ni Tuff kaya muli kaming napatingin sa kanya.

"Sayang, hindi mo pwedeng isakay si Anrie." Pinalo ko agad si Judy dahil sa sinabi niya.

"Ano ba?" reklamo niya na hinimas- himas pa ang braso niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya napanguso siya. Nakakainis naman kasi ang sinabi niya. Bakit kailangan pa akong mabanggit sa usapan?

"May jacket ako, pwede mong isuot." Napatingin ako kay Tuff nang sinabi niya iyon.

Ha?

Ngayon si Judy naman ang pumapalo sa akin kaya naikunot ko ang aking noo. What was that for? Bakit namamalo nalang siya nang walang dahilan?

"Ihahatid na kita sa inyo. Pwede mo namang gamitin ang jacket ko para hindi ka mabasa ng ulan."

"Ayeeeeh!" kinikilig na sabi ni Judy. Nagtaas tuloy ako ng kilay.

Ano namang nakakakilig doon?

"Huwag na Tuff, baka maabala pa kita."

Ngumiti siya sa akin at saka ako sinagot. "Hindi ka abala sa akin. Tara!" Nabigla nalang ako nang hilain niya ako papunta sa ulan.

"T-Teka Tuff! Nababasa ako." Pilit kong iniharang sa aking ulo ang mga kamay ko para hindi ako mabasa, pero wala itong nagawa dahil malakas ang pag-ulan.

"Hayaan mo na," aniya at patuloy pa rin akong hinila. Napasimangot nalang ako.

Naman o! Kaya nga hindi ako lumabas ay para hindi ako mabasa ng ulan. Naku! Iyong mga gamit ko, baka nabasa na ang mga ito.

Nahinto kami sa pagtakbo nang nasa tapat na kami ng motor niya. "Wear this," aniya. Napatingin ako sa inabot niya sa akin na isang black leather jacket na may hood.

Naikunot ko agad ang aking noo. Tiningnan ko lang iyon at hindi tinanggap. Ano pang purpose ng jacket niya kung basa na ako?

"Sorry kung nabasa ka dahil sa akin, pero... suotin mo na ito." Siya na mismo ang nagpasuot sa akin ng jacket kaya nagulat ako.

"A-Ako na." Kinuha ko ang jacket sa kanya at ako na mismo ang nagsuot nito sa akin kaya napalayo na siya.

Bigla nalang umihip ang malakas na hangin kaya mabilis akong napayakap sa sarili ko. Ang lamig na!

"Sorry," biglang sabi ni Tuff kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at seryoso ang mukha niya.

Tumango lang ako sa kanya. Naa-awkward pa rin kasi ako sa kanya at wala akong masabi.

"Suotin mo ito." Binigay niya sa akin ang extra helmet niya kaya kinuha ko na rin ito. Sinuot niya ang helmet niya at sinuot ko na rin iyong bigay niya. Nang sumampa na siya sa motor niya at agad niya akong binalingan ng tingin.

"Angkas ka na."

"Uhm...oo," sagot ko at umangkas na ako. Nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at ipinulupot niya ito sa bewang niya.

"Higpitan mo ang hawak para hindi ka mahulog."

"H-Ha? Oo," nahihiya kong sabi at tumango nalang ako. This is really awkward for me, bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito?

Pinaandar na niya ang motor niya at pinaharurot ito palabas ng campus. Dahil sa nakasakay kami sa motor ay hindi talaga maiwasang lamigin ako. Nasasalubong namin ang malakas na hangin at ang ulan kaya basang-basa na kami. Mahigpit akong napahawak kay Tuff dahil nagsisimula na akong manginig sa ginaw.

Hindi ko masyadong makita ang paligid dahil sa lakas ng ulan. Pero sa tingin ko'y safe naman kami dahil hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ni Tuff.

Napabitaw ako kay Tuff nang huminto na ang motor. Ipinark ni Tuff ang motor sa isang gilid kung saan hindi ito mababasa.

Napatingin ako sa paligid. Nasaan ba kami?

Pumasok si Tuff sa isang shop kaya sumunod ako. Parang botique iyong pinasukan namin dahil may mga damit akong nakita na nakadisplay. Ano ba ang ginagawa namin dito? Pwede ba kaming pumasok dito nang basa? Baka magalit iyong may-ari.

"Tuff, anong nangyari sayo?" tanong ng isang babae sa kanya nang pumasok kami.

"Ate, pakitulungan mo naman si Anrie o. Bigyan mo siya ng masusuot..." Nanlaki ang mga mata niya nang marinig iyon. Naitaas ko naman ang kilay ko at nagtataka akong napatingin sa kanya. Bakit parang gulat siya?

"Ikaw pala si Anrie? Wow! Nice to meet you. Ako si Claine, call me ate Claine. Pinsan ako ni Tuff."

"Uhm...h-hello po."

"Halika. Bakit ang basa mo?" Hinila niya ako at dinala sa likod ng shop kung saan mahahanap ang isang kwarto, opisina niya ata ito.

Binigyan niya ako ng pamalit. Pati nga underwear ay binigyan niya rin ako. Nakakahiya nga tuloy dahil parang isa ito sa mga tinda niyang damit sa shop.

Lumabas na ako at inilagay nalang sa plastic ang mga basa kong damit. Nakabihis na din si Tuff at nakaupo lang sa couch nang lumabas ako.

Wala silang gaanong costumer kaya tahimik ang buong shop. Dahil siguro sa ulan kaya walang napapadaan dito.

"An, maupo ka muna," pag-aaya ni ate Claine sa akin nang makita niya ako. Simple ko lang naman siyang nginitian.

"Okay lang po." Hindi ko feel ang maupo ngayon lalo na't nakaupo na doon si Tuff.

"Ms. Claine, ito na po iyong coffee na pinabili niyo," sabi ng assistant ni ate Claine nang pumasok siya sa shop, galing ata siya sa labas para bumili ng kape.

"Thank you Ash." Ngumiti lang iyong girl at pumunta agad doon sa gilid. Naupo siya sa table niya at nagsimulang magsusulat doon.

"Inumin niyo muna ito bago kayo umalis. And Tuff, you can use my car instead. Delikado kung iyong motor mo ang gagamitin niyo ulit. Just make sure na ibabalik mo ito dito para makauwi rin Kl." Tumango lang si Tuff bilang sagot kay ate. Inabot ni ate Claine ang kape sa akin kaya tinanggap ko ito at ininom. Dahil nilalamig pa rin ako ay nakatulong talaga ang kape sa akin.

Tahimik lang kami, hindi na rin kami nakausap ni ate Claine dahil may mga costumer na pumasok sa shop. Tiningnan ko ang mga gamit ko sa loob ng bag to check if okay pa ba ang mga ito. Napahinga ako nang malalim nang malaman kong okay lang naman ang mga ito. Mabuti nalang at hindi gaanong nabasa ang mga papel sa loob at iyong notebook ko. Kung nabasa ang mga ito, tiyak na wala akong notes for our upcoming exams.

Kinuha ko naman ang phone ko at ni-check ito. Mabilis ko itong kinalikot nang makitang may tumawag pala sa akin. Tumawag pala si kuya kanina at hindi ko ito nasagot.

"Alis na tayo?" Napatingin ako kay Tuff nang tinanong niya itong at tinanguan ko agad siya.

Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. Sinenyasan lang ni Tuff si ate Claine na aalis na kami dahil may kausap pa rin ito. Lumapit naman iyong assistant ni ate Claine at may binigay kay Tuff, susi ata iyon ng kotse.

Umuulan pa rin ng lumabas kami kaya dumiretso na agad kami sa kotse no ate Claine na nakaparada lang sa gilid ng shop. Tahimik lang kami ni Tuff buong byahe, walang gustong magsalita nino man sa amin.

"Dito nalang ako," sabi ko nang mapansin kong malapit na kami sa amin.

"Ihahatid na kita sa inyo," aniya. Agad akong napatingin sa kanya at naikunot ko ang aking noo.

"Huwag na, dito nalang." Hininto din naman niya ang kotse kaya mabilis kong hinawakan ang pinto ng kotse. Lalabas na sana ako pero agad siyang nagsalita kaya napahinto ako.

"Teka!" aniya at may kinuha siya sa backseat ng kotse. "Gamitin mo na ito." Inabot niya sa akin ang payong na hawak niya pero hindi ko iyon tinanggap.

"Ha? Naku huwag na. Baka gamitin iyan ni ate Claine."

"Don't worry, may payong pa naman siyasa shop. Gamitin mo na ito." Nginitian pa niya ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Kinuha ko nalang iyon para hindi na humaba ang usapan. Binuksan ko na ang pinto ng kotse, pero bago lumabas ay binuklat ko muna ang payong para hindi ako mabasa.

"Thank you," sabi ko bago ko isara ang pinto. Napangiti naman si Tuff.

"You're welcome," aniya.

Sinara ko na ang pinto ng kotse at naglakad na papunta sa bahay namin. Hindi na ako muling lumingon kay Tuff dahil wala na rin naman akong sasabihin. Nang mabuksan ko ang gate ng bahay ay agad kong rin naman itong isinara at tinungo ang main door ng bahay.

"Anrie!" salubong sa akin ni kuya pagkapasok ko. "Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?"

"Sorry kuya, hindi ko napansin." Napangiti pa ako at tuluyan na akong pumasok sa loob. Isasara ko na sana ang pinto nang matigilan ako. Muntik na akong mapatalon sa kaba nang makita ko ang kotse ni ate Claine sa harap mismo ng bahay namin. Naaninag ko pa si Tuff na nakatingin sa akin. Hindi din naman ito nagtagal at umalis rin.

"An?" Napatingin ako kay kuya nang tawagin niya ako at mabilis kong isinara ang pinto.

"Halika, mag-snack tayo." Naglakad na si kuya papuntang kusina at sumunod naman ako.

Napahawak pa ako sa aking dibdib saka ako napahinga nang malalim. Kinabahan ako dun ah. Mabuti nalang talaga at hindi siya nakita ni kuya.

—❇️—