ANRIE
Hindi ko inaasahang lilipas ang panahon nang ganito kabilis. Parang kahapon lang nang nalaman kong nagdadalang-tao ako at magiging mommy na. Ngayon, 9 months have passed and anytime now ay makikita ko na rin si baby Grame.
Matagal, oo...pero kung may kasama ka ay ang bilis-bilis nalang lumipas ng panahon lalo na't nai-enjoy mo ito kasama sila. Mahirap man noong una pero tiniis at nakayanan ko rin naman because I love him. I love my baby Grame.
"Kuya, promise me. Sa oras na manganganak ako ay sasamahan mo ako ah?" pakiusap ko sa kapatid ko nang minsang magbonding kami. Nanunood kami ng isang foreign film at kasabay na kumakain ng popcorn na nabubudburan ng cheese. Nag-crave kasi ako bigla nito kaya napagawa si mommy nang biglaan.
"Ha?" Napalingon sa akin si kuya at pansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Sasama talaga ako?" kinakabahan niyang pang tanong, napanguso tuloy ako.
"Sige na kuya. Natatakot kasi ako eh," pagpapa-cute ko pa na ikinangiti naman niya.
It may sound unreasonable pero gusto ko talagang samahan niya ako sa delivery room kapag ipapanganak ko na si Grame. I want someone to hold on to sa panahong iyon para makayanan ko. I know that child birth will be painful and I really need to work hard para ligtas kong maipanganak ang baby ko. Kaya nga gusto kong may makasama sa time na iyon, someone who will give me strength para hindi ako manghina agad.
"Paano kung wala ako sa tabi mo sa oras na manganganak ka na?" Natigilan ako at agad na napaisip dahil sa tanong niyang iyon. Hindi ko iyon naisip ah. Paano kung nasa school ako nang time na iyon? Tiyak na wala doon si kuya dahil hindi naman niya ako sinasamahan sa school.
"But at least promise me. Doon ko nalang iisipin iyon kapag nangyari na," sabi ko nalang dahil hindi ko rin alam ang isasagot. Ayaw kong isipin na sa oras na manganganak ako ay nag-iisa ako. Gusto kong may kasama ako, gusto kong andiyan siya.
"Hay Naku! Halika nga." Hinala niya ako palapit sa kanya at sabay na inakbayan. "Kung wala man ako sa oras nang panganganak mo, habang buhay naman akong nasa tabi mo."
"Eeeh!" Ang cheesy ni kuya!
Tinulak ko pa siya palayo sa akin kaya umarte pa siyang nasaktan. Nagtawanan nalang kami at patuloy na pinanood ang palabas.
Malapit na akong manganak. Kabuwanan ko na ngayon pero kailangan ko pa ring pumasok sa school lalo na't finals na namin. Mahigit isang buwan nalang bago matapos ang semester kaya hindi ako pwedeng lumiban. I need to finish my school, hindi lang naman ito para sa kinabukasan ko dahil may kasama na ako ngayon. I need to have a better future not just for me but also for Grame.
---
Napangiwi ako at saka ko mabilis na sinapo ang tiyan ko.
"Baby Grame, kanina ka pa sumisipa ah! Nasasaktan na si mommy," reklamo ko nang simulan kong himasin ang tiyan ko. Bahagya namang nawala ang sakit kaya napahinga ako nang malalim.
Nasa school ako ngayon at kasama ko sina Judy. Break namin at kasalukuyan naming hinihintay ang next subject namin.
"An, masakit pa ba?" tanong ni Judy sa akin at hinagod niya pa ang likod ko. Ngayong kabuwanan ko na ay mas lagi ko na siyang nakakasama. Hindi niya ako iniiwanan dahil nag-aalala siyang baka anumang oras ngayon ay puputok na ang water bag ko at manganganak na ako. Kahit nga ako ay kinakabahan din dahil doon.
"Medyo, pero okay lang ako?" Napangiti pa ako sa kanya pero hindi nito napigilan ang pagbuntong hininga niya.
"Sure ka?" nag-aalala niya pa ring tanong.
"Oo," sagot ko sabay tango pa. Napatayo ako at saka ako nagpaalam sa kanya. "Judy, CR muna ako ah." Medyo naiihi kasi ako. Ngayong buntis ako ay lagi nalang akong naiihi. Sa isang araw ay hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong nagpupunta sa CR para umihi.
"Gusto mong magpasama?" Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya. Malapit lang naman ang comfort room eh, hindi na niya ako kailangang samahan pa.
"Huwag na. Mabilis lang naman ako eh." Seryoso niya akong tiningnan at saka niya naikunot ang kanyang noo. Mukhang hindi talaga siya kumbinsido sa sinabi ko. I smiled to her kaya wala siyang nagawa kung 'di ang pumayag at tumango nalang.
"O-Ok!" pagpayag nito kaya mabilis akong naglakad palabas ng student's lounge at tinungo ang comfort room na ilang metro lang naman ang layo mula doon.
•••
JUDY
Sinilip ko ulit ang phone ko at tiningnan ang oras na nakadisplay sa lock screen nito. Hindi ko mapigilang maikunot ang aking noo nang mapagtanto kong ilang minuto na rin ang lumipas nang magpunta si Anrie sa CR. Medyo nagtatagal siya ngayon doon kumpara kanina. Halos 15 minutes na rin ang lumipas nang umalis siya. Ano ba ang ginagawa niya doon?
Dahil medyo kinakabahan na ako ay napagdesisyonan ko nang sundan siya. Tumayo ako at nagdirediretsong lumabas ng student's lounge. Agad kong tinungo ang pinakamalapit na CR kung saan nagpunta si Anrie.
"Anrie," tawag ko sa kanya pagkapasok ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay narinig ko na ang boses niya.
"Ju-Judy." Natigilan ako sa narinig ko pero agad din naman akong natauhan at nagdirediretso na papasok.
"Anrie?" tawag ko sa kanya nang makita ko siya. Nakaupo siya sa sahig ng banyo at namimilipit sa sakit. "Anrie!" I called again at agad ko siyang nilapitan. "W-What happened?" kinakabahan kong tanong at tinulungan ko pa siyang makatayo.
"Ma-Manganganak na a-ako," umiimpit niyang sabi habang hawak ang tiyan niya. Mabilis ko siyang inusisa at napansin kong basa ang suot niyang leggings, mukhang pumutok na nga ang water bag niya.
"A-Ah teka." Pinaupo ko muna siya sa isa sa mga cubicle at agad akong lumabas ng CR. Pinuntahan ko agad ang mga kasama ko na nasa student's lounge pa para humingi ng tulong sa kanila.
Abala ang mga kaklase ko nang abutan ko sila pero hindi na ako nagdalawang isip na idisturb sila sa ginagawa nila. Nilapitan ko agad si Patrick na kasalukuyang nagbabasa ng notes niya. Hindi na ako nagpaliwanag at hinila ko na siya papuntang girl's comfort room.
Nabigla pa siya nang dinala ko siya roon pero nang makita niya si Anrie ay agad din naman niya itong nilapitan. Walang sabi-sabing binuhat ni Patrick si Anrie at agad na inilabas ng comfort room. Bumalik kami saglit sa lounge para puntahan ang mga kaklase namin. We need to ask for help para maisugod na namin si Anrie sa ospital. Kailangan din naming kunin ang mga gamit namin na naiwan namin doon para makaalis na kami.
When I opened the door ay bumulaga agad sa amin ang hindi maipintang mga mukha ng mga kaklase namin. Nagulat ang lahat nang makita nila si Patrick na buhat-buhat si Anrie. Kasalukuyang namimilipit sa sakit si Anrie at rinig na rinig ang mga impit niyang pagdaing.
Nilingon ko ulit ang mga kaklase ko and their faces are only asking one thing. "Manganganak na siya," tanging nasabi namin. Agad din namang kumilos ang lahat at tinulungan kami.
Kinuha nina Sydney ang mga gamit ni An pati na rin ang kanya at kay Patrick. Iyong iba naman ay tinulungan kaming dalhin si Anrie papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Patrick na siyang gagamitin namin papuntang hospital.
Hindi na kami nagtagal doon at agad na kaming umalis. Sumama na rin si Sydney sa amin habang nagpaiwan naman si Tyca sa school para i-inform ang mga professors namin tungkol sa nangyari.
• • •
TYCA
Napaupo ako at agad na napahinga nang malalim nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Patrick. Kakaalis lang nila para isugod si An sa ospital.
Muli akong napahinga nang malalim habang sapo-sapo ko ang aking dibdib. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Kinabahan talaga ako nang sobra sa nangyari kanina. That is the first time na naka-encounter ako ng ganoong sitwasyon. Mabuti nalang talaga at mabilis na kumilos ang mga kaklase ko at mabilis naming naisugod si An sa ospital.
"Tyca, ano ba ang nangyari?" Nilingon ko si Jay nang bigla siyang magtanong sa akin. "Nakita ko ang kotse ni Patrick na umalis. Saan ba iyon pupunta?" dagdag niya at saka siya naupo sa tabi ko. Kasama niya pa si Tuff at mukhang kakarating lang nila. Hindi siguro nila naabutan ang nangyari kanina kaya nagtatanong siya nang ganito.
Napabuntong hininga ako at saka ko siya nilingon. "Isinugod nila si Anrie sa hospital," sagot ko sa tanong niya.
"Ha? Isinugod?" Napatingin ako bigla kay Tuff dahil sa paraan nang pagkakasabi niya no'n. Nanginginig ang kanyang boses at halatang-halata ang pag-aalala sa tinig niya.
"Uhm...manganganak na si Anrie," naguguluhan ko pang tugon sa kanya. Tiningnan ko pa siya nang seryoso lalo na at may kakaiba talaga akong nakikita at nahihimigan sa mga reaksyon niya.
Is he worried for An?
Agad ko namang iwinaksi ang mga doubts ko nang mapagtanto ko ang nangyayari. Isinugod si Anrie sa ospital, kahit na ako ay nag-aalala rin naman sa kanya. Siguro ay nag-iisip lang ako nang sobra. Normal lang naman siguro ang ipinapakita ni Tuff ngayon. Tiyak naman na mag-aalala ang lahat kapag nabalitaan nila ito.
Babawiin ko na sana ang tingin ko sa kanya nang bigla nalang niyang utusan si Jay. Gulat na napatingin sa kanya si Jay na bahagyang naiawang pa ang kanyang bibig. Kahit na ako ay nagulat rin sa ginawa niya.
"Jay! Ihatid mo ako sa hospital," nagmamadali nitong sabi. Nagkatinginan pa kami ni Jay dahil sa sinabi niyang iyon.
Susunod ba siya sa ospital?
"H-Ha?" Jay reacted na hindi alam kung susunod ba siya o hindi. Panay pa ang tingin niya sa akin—asking me for help. Nagkibit balikat lang ako sa kanya dahil honestly...hindi ko alam ang irereact ko sa nangyayari.
"JAY!" Tuff yelled nang hindi siya agad sinagot ni Jay. Halos matumba na nga si Jay sa kinauupuan nito dahil sa gulat. Naikunot ko lalo ang aking noo sa tinuran niya.
Ano ba kasi ang nangyayari kay Tuff? Galit ba siya? Bakit naman siya magagalit?
"Tuff, what's wrong?" hindi ko na napigilang itanong. Hindi ako mapalagay dahil sa ikinikilos niya. May iba akong nararamdaman sa mga ikinikilos niya, hindi naman siya usually na ganito.
Ganoon na lang ba ang pag-aalala niya para kay Anrie kaya siya nagiging ganito? Eh bakit sobra ang pag-aalala niya kay An?
"Ihatid mo na ako Jay," pagmamakaawa niya at hindi na talaga pinansin ang tanong ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala akong makukuhang sagot sa kanya. Right now, isa lang naman ang gusto niya at hindi kasali dito ang pagsagot sa tanong ko.
"O-Ok," Jay surrendered. Napalingon siya sa akin as he frowned secretly...iyong ako lang ang makakakita. "Sige Tyca." Kumaway pa siya sa akin at sinundan na niya si Tuff na nauna na sa paglalakad.
Lumabas na din ako at sinundan sila. I stopped when I reached the exit at tiningnan ko nalang sila na tuluyang tunguhin ang parking lot. Nang marating nila ang motor ni Jay ay agad silang sumampa dito. Pinaharurot naman agad ni Jay ang motor niya kaya mabilis din silang nawala sa paningin ko.
Agad akong napatalikod at muling naglakad pabalik sa lounge. Napahinto ako nang marating ko na ang hagdanan na papunta sa third floor ng building kung saan matatagpuan ang students' lounge ng department namin. Mabilis akong nahulog sa malalim na pag-iisip lalo na't pumasok ulit sa isipan ko ang mga ipinakita ni Tuff kani-kanina lang.
Iyong ipinakitang pag-uugali ni Tuff ngayon-ngayon lang, parang hindi siya iyon eh. I never saw him act like that. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ganoon nalang siya kung mag-alala para kay Anrie? Nakakapanibago talaga. He's different from the Tuff that I used to see and I know that there's more behind this.
Ano ba kasi ang nangyayari? What's behind the worry he's showing?
~❇️~