Chereads / Be My Daddy / Chapter 6 - Kabanata 6: Here Comes The Baby

Chapter 6 - Kabanata 6: Here Comes The Baby

ANRIE

Aah! Ang sakit!

Mariin kong hinawakan ang sumasakit kong tiyan. Ilang beses ko ring binubulong sa sarili ko na magiging okay lang ang lahat, na walang mangyayari sa amin ni Grame. Si Judy naman na nakaagapay sa akin ay panay naman sa pangungulit kay Patrick na bilisan ang pagmamaneho.

"Pat, bilisan mo," sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya nang mas sumakit pa ang paghilab ng tiyan ko. Gustong-gusto na talagang lumabas ng anak ko.

"Grame! Huwag naman masyadong masakit," namimilipit sa sakit na sabi ko. Dahan-dahan ko pang hinaplos ang tiyan ko para alisin konte ang sakit.

"Anrie," tanging nasambit ni Sydney na nasa passenger seat at nakadungaw sa akin. Napatanaw ako sa labas at base sa mga gusaling natatanaw ko ay malapit na kami sa hospital.

"Judy, si kuya— please call kuya!" impit kong sabi. Ayaw kong magdeliver nang wala si kuya. I want him beside me. Agad naman itong tinalima ng huli.

"Okay," aniya at kinuha niya agad ang phone ko at tinawagan si kuya.

Pagdating namin sa hospital ay inasikaso agad ako ng mga doktor. Mabilis nila akong dinala papunta sa delivery room pero pinigilan ko sila bago kami pumasok.

"Wala pa si kuya! Ayaw kong manganak nang wala siya." Nagkunot pa ng noo ang nurse pero binalewala ko iyon, wala akong pakealam kung magalit man siya sa akin.

"Pero An—" nag-aalalang sabi ni Judy sa akin pero napailing lang ako. Lahat sila ay nag-aalalang nakatingin sa akin. I'm also worried pero hindi ko talaga gustong manganak nang walang kasama.

"Kung papatagalin pa natin ang delivery ay baka may mangyaring masama sayo at sa baby," sabi ng nurse na nagdala sa amin dito. Tiningnan ko ang hallway na dinaanan namin papunta dito. Patuloy na humihilab ang tiyan ko at pilit ko naman itong tinitiis.

Ang sabi ni kuya nang tumawag kami ay nasa work pa siya. Base sa layo ng hospital at ng opisina niya ay tiyak na matatagalan pa talaga siya.

Mas sumakit pa lalo ang tiyan kesa kanina. Hindi na talaga makakapaghintay pa si Grame, kailangan ko nang manganak. Nilingon ko si Patrick na katabi lang ni Judy. "Patrick, pwede bang ikaw ang sumama sa akin. Please!" I begged. Namilog naman ang mga mata niya dahil dito.

"HA!? Uhm... An—" hindi mapakaling sabi niya, halatang kinakabahan siya. I know he's afraid pero ayaw ko talagang mag-isa ngayon, I need someone beside me habang nagle-labor ako.

"Please Patrick!" pagmamakaawa ko. Napatingin si Patrick kina Judy at saka siya ulit napatingin sa akin. "Please!" patuloy kong pagmamakaawa at sabay ko pang hinawakan ang kamay niya. Napapikit ito at tatango na sana kaso may nagsalita kaya hindi ito natuloy.

"Ako na ang sasama sayo." Natigilan kaming lahat nang at saka napatingin sa nagsalita. Naikunot ko agad ang aking noo when I see him. Iyong sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas dumoble pa dahil sa kanya.

"Tuff?" nagtatakang tawag nina Judy at Sydney sa kanya. Diretsong nakatingin sa akin si Tuff. His gaze makes me hate him more. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tiningnan si Patrick.

"Patrick—samahan mo na ako. Please!" pagmamakaawa ko ulit sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya para pumayag na siya. I really don't want to see Tuff now, ayaw kong mag-isa ngayon pero ayaw kong si Tuff ang sasama sa akin sa loob. Magmamakaawa ako kay Patrick hanggang sa samahan niya ako.

Nabigla ako and even Patrick nang hinila ni Tuff ang kamay niya at hawakan ang kamay ko. Tiningnan ko siya nang masama at pilit na hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. The pain I'm in now is really killing me, dadagdagan niya pa?

"Can you atleast give me a chance," agad niyang sabi. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sakit nalang ang nararamdaman ko ngayon. Napaaray ako ulit, kaya itinulak na ng nurse ang hinihigaan ko.

"Patrick!" tawag ko ulit sa lalake. Lumapit siya sa akin with this worried look all over his face.

"Anrie—" mahinang tawag niya sa akin. Sorry Patrick! Alam kong ayaw niyang akong samahan sa loob and I'm really sorry for forcing him but I really can't give birth without anyone beside me. Ayaw ko ring si Tuff ang makasama sa loob. I hate him and I don't want him to see me give birth to my baby.

"That's it Patrick! Samahan mo nalang sina Judy dito, ako ang sasama kay Anrie sa loob," pagpigil ulit ni Tuff. Hinila niya pa si Patrick kaya napahinto ito sa pagsunod sa amin.

He's really making me angry. Ano bang hindi niya maintindihan sa sinabi ko? Ayaw ko siyang makita, lalo nang ayaw ko siyang makasama.

"I DON'T WANT YOU!" sigaw ko. Sinamaan ko pa siya ng tingin pero diretso lang ang tingin niya sa akin. Napatigil tuloy kami.

"Anrie? Tuff?" nagtatakang tanong nina Judy. Palipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Tuff.

I flinched when I felt the pain again. This really can't wait. Kailangan ko nang umalis. "Aah! Baby Grame—" reklamo ko. Napahimas ulit ako sa tiyan ko dahil sa sobrang sakit. "Grame, huwag mong saktan masyado si mommy," bulong ko. Tiningnan ko pa ang nurse na kunot na kunot na ang noo. I breathe deeply. Tatanguan ko na sana siya kaso bigla nalang nagsalita si Tuff.

"Anrie, I'm sorry. Natakot lang ako, pero hindi na ngayon. I'm ready to be Grame's dad." Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa harap ng mga kaibigan namin. I want to argue with him pero hindi ko na talaga matiis. I really need to go.

"Tayo na po," umiimpit na sabi ko sa nurse. Tumango naman siya at tinulak na ang hinihigaan ko.

"An!" I heard my friends called at sumunod sila sa amin. Pati si Tuff ay sumunod na rin. Hindi ko na siya napigilan dahil wala na akong time. Kailangan ko nang ipanganak si Grame kaya hindi na muna ako makikipagtalo sa kanya.

Nang marating namin ang delivery room ay dirediretso na kaming pumasok sa loob kasama si Tuff. Si Judy naman kasama sina Sydney, Jay at Patrick ay naiwan na sa labas dahil pinagbawalan na silang pumasok ng doctor.

Nang malipat nila ako nang hihigaan ay inihanda na din nila agad ang mga kakailanganin sa panganganak ko. I can hear the noise of the clicking metals and apparatus kaya mas tumindi ang nararamdaman kong takot ngayon. Idagdag pa ang mas tumitinding sakit na nararamdaman ko. This is really driving me crazy. Pero for Grame, lahat ng ito ay kakayanin ko.

"Ok, umiri ka na mommy," the doctor instructed and I do so. My heart is beating fast and sweats are forming in my skin. The pain is unbearable and I'm starting to get tired.

"Anrie," Tuff called. Napatingin ako sa kanya na nasa tabi ko lang. "Nandito lang ako," aniya at sabay na hinawakan niya ang kamay ko. Hawak na sobrang higpit na aakalain mong hindi na niya bibitawan. Tiningnan ko lang siya. I can't deny the fact that seeing him beside me brings an unexpected courage in me.

"Iri!" muling utos ng doktor kaya umiri ulit ako.

"Aah!" daing ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ko na nga namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko sa kamay ni Tuff.

"Baby Grame, mommy and daddy are here," sabi ni Tuff habang nakatingin sa akin. Umiri ulit ako. Naririnig ko ang pag-cheer ni Tuff, I hear his voice calling my name and giving me strength.

A couple of minutes passed when I heard the cry of baby Grame. Iniangat ng doctor ang baby na hawak niya at ipinakita ito sa amin. I smiled nang makita ko ang anak kong hindi magkamayaw sa pag-iyak.

•••

PATRICK

Umupo ako sa tabi ni Judy nang pumasok na sina Tuff at Anrie. Ano ba iyong narinig namin? Hindi pa nga ako humihinahon dahil sa pagmamakaawa ni Anrie sa akin na samahan ko siya sa delivery room ay nalaman pa namin ito.

"Si Tuff ang nakabuntis kay Anrie?" Judy asked. Nakatingin lamang siya sa sahig while asking the question to no one. "All this time, siya lang pala." You can sense anger in her voice. We don't have the right to get mad with Tuff dahil hindi namin alam ang side niya pero hindi niya kami masisisi kung mainis kami sa kanya. Sa loob ba naman ng siyam na buwan na nagbuntis si Anrie, hindi man lang siya nagparamdam.

"Bakit hindi siya nagsalita? Parang wala lang sa kanya yung nangyari kay Anrie ah. Nakakainis siya!" asik naman ni Sydney na nakatayo naman sa tabi ni Judy. Nakakuyom ang kanyang mga kamao habang diretso ang tingin sa harap niya. Napalunok ako. I'm mad at him pero kaibigan ko siya, I want to hear his side first before deciding anything.

"Let's not judge Tuff without knowing anything. Malay naman natin ay may rason siya kaya hindi—" Jay commented pero pinutol siya ni Judy.

"Huwag mo ngang ipagtanggol yang kaibigan mo!" bulyaw nito na nag-angat pa ng tingin kay Jay. Sinamaan niya ng tingin ang kaklase namin kaya napayuko ito. Kami naman ni Sydney na nakikinig lang sa kanila ay natahimik nalang. Kaso, naalala ko yung isang beses na nagkasama kaming tatlo nina Tuff at Anrie sa student's lounge.

"Kaya pala..." I blurted without thinking. Napatigil ako sa pagsasalita nang dumating ang kuya ni Anrie kasunod sina Tito at Tita.

"Si Anrie?" kuya Dan asked us nang tuluyan silang makalapit sa amin.

Napabuntong hininga si Judy bago siya sumagot. "Nasa delivery room na po siya."

"HA?" Kuya Dan frowned. Naisuklay niya pa ang mga daliri niya sa kanyang buhok at saka nagpalakad-lakad sa harapan namin. Halatang nag-aalala siya.

"Dan, just calm down. Huwag kang mag-alala kay Anrie, I'm sure she's going to be ok," ani tita na lumapit pa kay kuya Dan at niyakap ito.

"Pero mom, walang kasama si Anrie ngayon. Nangako pa naman ako sa kanya na sasamahan ko siya sa oras na manganganak siya." Nagkatinginan kami nina Judy nang marinig namin iyon. Nagpapakiramdaman kung sino sa amin ang magsasalita at magpapaalam sa mga magulang ni Anrie na kasama ng kanilang anak ngayon si Tuff sa delivery room.

"Uhm... kuya." Judy broke the silence. Napatayo siya at saka nilapitan ang pamilya ni An. Dahil wala sa amin ang gustong magsalita, she decided to tell them herself.

"Bakit?" kuya Dan asked. Diretso ang tingin niya sa kaklase namin.

"Huwag po kayong mag-alala. May kasama po si Anrie—"

"Ha!? Sino!?" pagputol ni kuya sa kanya. Napabuntong hininga si Judy at saka siya napalingon sa amin, pero sandali lamang dahil ibinalik din niya ang kanyang tingin sa kapatid ni Anrie.

"Uhm..." she started. Nilingon niya ang mga magulang ni Anrie at muling nagsalita. "Kaklase po namin ang kasama niya ngayon, si—si Tuff po."

Kuya Dan breathe in relief. "Mabuti naman," aniya at agad na kumalma. Napaupo siya sa kabilang upuan at saka isinandal ang kanyang ulo.

•••

JUDY

Kuya Dan breathe in relief. "Mabuti naman," aniya at agad na kumalma. Napaupo siya sa kabilang upuan na katapat namin. Isinandal niya ang kanyang ulo sa pader at saka ipinikit ang kanyang mga mata.

Napabuntong hininga naman ako. Itong nalaman namin tungkol kay Tuff ay ginugulo talaga ang isip ko ngayon. What will I do? Dapat ba naming ipaalam sa pamilya ni An na siya ang tatay ni Grame? He was just there pero hindi niya man lang sinabi. Kapag nalaman ito ng pamilya ni An ay tiyak na magkakagulo talaga.

Tumayo ako nang maayos at tiningnan ko sila. Tita sat beside kuya Dan habang si tito naman ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. They really are worried about Anrie. Maybe they should know about the truth.

Napalunok ako nang laway at saka ko ibinuka ang aking bibig. "Pero—" I was cut off by Patrick's call.

"Judy!" Pagpigil niya sa akin. Napatingin tuloy sina tito sa akin at nagtatakang napatitig sa akin.

"Bakit?" tito asked.

"Judy!" Ngayon si Sydney naman ang pumigil sa akin. Tiningnan ko ang mga kaklase ko na pilit na sumisenyas na huwag na akong makialam. I breathe deeply bago ako humarap kina tito.

"Sa tingin ko po ay may—may sasabihin sa inyo si Tuff. Pakinggan niyo lang po siya," sabi ko. I want to tell them everything now pero hindi ko na tinuloy.

"Anong ibig mong sabihin?" Napatayo na ang kuya ni Anrie at diretso akong tiningnan sa mata. Kahit ganoon lang ang sinabi ko ay alam kong may hint na sila kung ano ang gusto kong sabihin. Anrie suffered enough, ayaw ko nang madagdagan iyon. Dapat nang panagutan ni Tuff ang dapat na pinanagutan niya noon pa lang.

Kuya wanted to asked me again pero natigilan siya nang may lumabas mula sa delivery room. Ipinukol namin ang tingin namin sa pinto kung saan lumabas si Tuff kasama ang doctor. Napalapit agad kami sa kanila.

"Kumusta po si An?" sabay-sabay naming sabi. Napangiti ang doktor at saka siya nagsalita.

"Pwede niyo na siyang ilipat sa isang private room." Napangiti kami dahil sa reaksyon ng doctor. I guess everything is fine.

"Ok po," sagot naman ni tito na halatang masaya rin. Tumango ang doktor at naglakad na ito palayo sa amin. Ibinaling naman ng lahat ang kanilang tingin sa lalakeng nakatayo sa aming harapan. Napatingin kami kay Tuff.

"Ang anak ko?" Kahit na alam na nina tito na safe naman si An ay nagtanong pa rin ito. Napatingin si Tuff kay tito. Napalunok pa ito bago sumagot.

"Nasa loob pa po siya. Inaasikaso pa po ng mga doktor," kinakabahan nitong sagot.

"Ang apo namin?" tanong naman ni tita.

"Kasama po siya ni An. Ililipat na po sila mayamaya lang." Napangiti sina tita at saka tumango.

"Anong pangalan mo?" kuya Dan asked. Napatingin si Tuff sa amin bago niya ibinalik ang kanyang tingin sa kuya ni Anrie.

"Tuff Ken Ricks po," sagot nito. Tiningnan pa siya sandali ni kuya Dan bago ito tumalikod.

"Pumunta ka sa kwarto ni Anrie mamaya," sabi nito bago naglakad paalis.

"Opo," Tuff answered. Sinundan namin ng tingin ang pamilya ni Annie na tuluyan nang umalis para asikasuhin ang kwarto lilipatan ni Anrie. Naiwan naman kami sa labas ng delivery room na nakapalibot at nakatingin sa kasalukuyang nakayukong si Tuff.

~❇~