Chereads / Be My Daddy / Chapter 8 - Kabanata 8: Ako si Daddy

Chapter 8 - Kabanata 8: Ako si Daddy

TUFF

Takot ako!

Takot ako sa mga magulang ni Anrie. Takot ako na ipamukha nila sa akin na nagkulang ako at nang-iwan ako—na pinabayaan ko ang anak nila. Takot ako sa lahat, sa responsibilidad na hindi ko pa napaghahandaan.

"Tuff," mahinang tawag ni mama sa akin at sabay siyang napahawak sa braso ko.

"Tsk!" Napatingin naman ako kay papa dahil sa ginawa niyang iyon. Nakakunot ang noo niya and he really look so mad. Napayuko tuloy ako. Nahihiya ako sa kanila.

Nag-angat ako ng tingin nang pisilin ni mama ang mga kamay ko. Kahit na malungkot ang mukha niya ay pinilit niya pa ring mapangiti.

I heave a deep breathe. Mukhang hindi na dapat ako maging duwag ngayon.

"Dapat hindi ako matakot. Dapat hindi ako panghinaan. Dapat manindigan na ako ngayon." Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko.

I'm a father now at kailangan kong maging matapang para sa anak ko at para na rin kay Anrie. They need me right now.

Napabuntong hininga ulit ako saka ko hinawakan ang door knob at pinihit ito nang dahan-dahan.

"Hello baby Grame." Pagpasok namin nina mama at papa ay rinig ko agad ang boses ng kuya ni Anrie. Nilalaro nila ngayon si Grame.

Napatingin sila sa amin at agad silang natahimik. Bigla akong kinabahan lalo. Hindi ko alam kung kilala na ba nila ako, baka nasabi na nina Judy sa family ni An na ako ang daddy ni Grame. Bigla na naman akong nakaramdam ng takot, yung lakas ng loob na sinubukan kong ipunin kanina ay bigla nalang nawala, parang bang battery na unti-unting nadi-drain.

"Uhm...good afternoon po," bati ko sa kanila. Agad na napatingin si Anrie sa akin at sabay na kinunutan ako ng noo.

Ibinigay ng kuya ni Anrie si Grame sa mommy nila at tiningnan kami.

"Kuya!" Narinig kong tawag ni Anrie sa kanya.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa oras na ito. Siguradong alam na nila ang tungkol sa akin at natatakot ako sa maaaring gawin nila.

"Diba ikaw ang sumama kay Anrie kanina? Salamat hijo." Nagulat ako sa sinabi ng daddy ni Anrie. Nagpapasalamat siya? Ibig sabihin ba nito ay hindi pa nila alam?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nagpapasalamat sila sa akin. Hindi pa rin mawala sa akin yung pangamba na baka kamuhian nila ako kapag nalaman na nila ang totoo.

Nagsimulang maglakad ang kuya ni Anrie papalapit sa amin. Nakakunot ang noo niya at pansin mo ang galit sa mga mata niya. Napansin ko rin ang paghawak ni mama kay papa, pati na din ang pagkuyom ng kamay ng kuya ni Anrie. He looked really mad.

"WALANG HIYA!" sigaw niya. Naramdaman ko nalang ang pagtama ng kamao niya sa mukha ko at kasabay nito ang pagtilapon ko sa sahig.

"Daniel!" sigaw ng mommy ni Anrie sa gulat. Napalapit na rin si tito sa kuya ni Anrie at pinipigilan itong suntukin pa ako ulit. Kahit na si Anrie ay napaupo na sa hinihigan niya dahil sa gulat.

"Kuya—" Anrie cried.

"Daniel, ano ito?" tanong naman ng daddy ni Anrie sa kuya niya. Galit akong tiningnan ng kuya niya.

"Yan! Iyan ang walang hiyang bumuntis kay Anrie. Hindi man lang nahiya at nagpakita pa talaga dito!" nagngingitngit niyang sabi.

Napatayo ako at diretso ko silang tiningnan. Takot ako pero handa akong tumanggap ng isa pang suntok, kahit na ilan pa ngang suntok ay kaya kong tanggapin para sa mag-ina ko—para kay Anrie at Grame.

Napatingin sila sa akin. Kita mo sa mga mukha nila ang gulat na agad na napalitan ng galit. I'm afraid but the courage is much stronger than the fear. I'm ready for everything.

"Patawarin niyo po ako," nakayuko kong sabi.

Sina mama at papa naman ay tahimik lang. Iyong tigas ni papa na ipinakita niya sa akin kanina ay biglang nawala, pero—

"Tuff," sambit ni mama at hinawakan niya ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya dahil akala ko'y hahayaan lang nila ako, pero mas nagulat ako nang magsalita si papa. Lumapit siya sa akin at hinarap niya ang daddy ni Anrie.

"Hindi ko alam kung gaano kalaki ang galit niyo sa anak ko. Inaamin naming napakalaki nang nagawa niyang pagkakasala sa anak niyo, sa buong pamilya niyo. Hindi namin ito inaasahang mangyari dahil ang laki ng expectation namin sa anak namin. Hindi namin inakalang magagawa niya ito. Oo, tinakasan niya ito sa simula pero sana ay maintindihan niyo na ngayon ay handa na siyang manindigan." Bawat salitang binibitawan ni papa ay siyang ring pagkunot ng noo ng kuya ni Anrie. "Hindi lang ang anak niyo ang kailangang gumawa ng lahat, narito kami at ang anak namin para tumulong. Parehong magbabago ang mga buhay nila pero hindi naman ito masisira, tulungan natin silang ayusin ang lahat at—"

"Sa tingin niyo ay kailangan namin ang tulong niyo?" pagputol ni tito sa sinasabi ni papa. "Ngayon pa talaga? 9 months, siyam na buwan naming sinolo ang responsibilidad. Ngayon, sabihan niyo...kakailanganin pa ba namin ang tulong niyo? Kakailanganin pa ba namin iyang anak niyo?" Natigilan kami sa sinabi niya. "Mismong anak ko ay ayaw siya. Umalis na kayo, pasalamat pa kayo't may respeto ako sa inyo. Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis at ipadakip iyang anak niyo." Napatalikod ang daddy ni Anrie at agad na nilapitan ang asawa niya at si Grame.

Tiningnan ko si papa na tahimik lang. Tiningnan niya ako at senenyasang aalis na kami. Agad akong napailing.

No! Hindi ako susuko!

"Tito, please! Huwag niyo pong ilayo si Anrie at Grame sa akin," pagmamakaawa ko. Napatingin pa si Anrie at ang daddy niya sa akin. I can see the shock in their faces, especially from Anrie.

"What!?"

Seryoso ko silang tiningnan. "Tito, I've been a coward. Natakot ako na gampanan ang responsibilidad ko kay Anrie, natakot ako na maging ama nang maaga, pero hindi ko po siya iniwan." I started to tear at diretso kong tiningnan si Anrie sa mga mata niya. "Hindi man niya ako nakikita, but I'm there— I'm always there," sabi ko at inalala ko ang mga nangyari sa lumipas na mga buwan.

---

After noong overnight namin kina Judy ay lagi nalang akong kinakabahan, lalo na sa fact na maaaring magbunga ang nangyari sa amin ni Anrie nang gabing iyon.

Natatakot ako na malamang magkakaanak kami lalo na't pareho pa kaming nag-aaral. We're both 19 at pareho pa kaming umaasa sa mga magulang namin. Paano nalang ang sasabihin ng mga tao? Paano na ang plano ni papa para sa akin? Ayaw kong biguin ang mga magulang ko.

Isang buwan ko ring pinilit ang sarili ko na kalimutan ang lahat nang nangyari, pero kahit anong gawin ko ay iyon talaga ang naiisip ko. It keeps on popping up in my head kahit na pilitin kong i-distract ang sarili ko.

Gumuho ang buong mundo ko nang dumating isang araw si Anrie sa school kasama ang mga magulang niya. Sinabi ng mga magulang niya sa aming lahat na kaklase ni An ang tungkol sa pagbubuntis niya. Buong panahong sinasabi nila ito sa amin ay tahimik lang ako, nasa bandang likuran ng classroom na nanginginig sa takot.

Paano kung sabihin ni Anrie sa lahat na ako—na ako ang daddy ng ipinagbubuntis niya?

I'm really afraid! Baka magbago na ang tingin ng lahat sa akin at kamuhian nila ako. Sina mama at papa, baka itakwil nila ako. Ayaw ko iyong mangyari!

Abala ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang maakit ang atensyon ko sa isang bagay na hindi ginawa ni Anrie.

'Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya sinabing buntis siya?'

Nag-angat ako ng tingin sa mga magulang ni Anrie nang magsalita sila ulit, hindi ko mapigilan ang kabahan lalo na't baka isa sa sasabihin nila ay ang mga katagang kinakatakutan ko.

"Pwede ba kaming humingi ng pabor sa inyo?" panimula ng mommy ni Anrie. "Sana kapag nasa school si Anrie ay kahit na isa—eh may kasama siya. Huwag niyo sana siyang iiwang mag-isa," pakiusap nito sa lahat.

"Opo!" sabay-sabay namang sagot ng mga kaklase ko sa kanila.

"Thank you," nakangiti nilang sabi sa amin.

Medyo napahinga ako in relief nang magpaalam na ang mga magulang niya sa aming lahat without mentioning my name.

Tumayo ako para lumabas na ng classroom lalo na't nandito pa rin si Anrie, hindi ko siya kayang makita at harapin ngayon. Nahihiya at nagiguilty ako.

Ilang beses ko pang sinabi sa sarili ko na wala naman akong ginawang masama, na hindi ko naman yun sinasadya. Pero inaamin ko, oo nagi-guilty ako sa nangyari kay Anrie dahil sa pag-iwan ko sa kanya sa kabila ng nangyari sa amin nang gabing iyon. Hindi ko man sinadya, pagbalibaliktarin man natin ang mundo, nangyayari ito ngayon dahil sa pagkakamaling iyon. Hindi lang si Anrie ang dahilan noon kundi pati na ako. Ani pa nila, "it takes two to tango". Hindi naman mabubuo ang bata kung si Anrie lang mag-isa ang gumawa noon.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong magtanong si Rochelle kay Anrie. Her questions is intriguing kaya napatigil ako para marinig ang sagot ni Anrie.

"An, okay lang ba kung magtanong ako sayo?" Napalingon si Anrie kay Rochelle. Napahinto naman ako sa likuran nilang dalawa. Tumango si Anrie bilang sagot sa tanong ni Rochelle kaya nagtanong na ito.

"Anong feeling nang may baby sa tummy mo?" Nabigla ako sa tanong niya.

Feeling?

Napatingin ako kay Anrie para tingnan ang reaksyon niya at para hintayin ang sagot niya. What will she answer?

An smiled bago siya sumagot. "Weird siya, pero masaya." Namilog ang mga mata ko sa sagot ni Anrie sa kanya. "Yung fact na may buhay sa loob mo. Parang ang hiwaga." Hinimas niya ang tiyan niya kaya napatingin ako dito. "Basta ang alam ko, masaya na ako ngayon kahit nung una ay ayaw ko talaga sa kanya."

Natigilan ako. I literally froze in my spot. Ayaw niya rin sa bata tulad ko? Pero masaya na daw siya ngayon? Bakit?

"Talaga?" Napangiti si Rochelle, she looked so amused and happy. Tiningnan ko rin si Anrie and gaya ni Rochelle ay nakangiti din siya.

Napatalikod ako sa kanila at napabalik ako sa inuupuan ko. Hindi ko na tinuloy ang paglabas ko, tahimik ko nalang na tiningnan si Anrie na hinihimas ang tiyan niya.

Buong araw ay hinintay kong marinig mula sa bibig ni Anrie ang mga katagang 'Tuff is the father!' pero hindi ko iyon narinig sa kanya. Labis akong nagtaka dahil sa pananahimik ni Anrie. Hindi niya ba ipapaalam sa lahat na ako ang ama ng ipinagbubuntis niya?

Inaamin ko, kumalma nang konte ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang iyon. Mas nananaig pa rin sa akin ang takot ng isang bata kesa sa tapang na panindigan ko ang pagiging ama ko sa pinagbubuntis ni Anrie.

Napagdesisyonan ko nang araw na iyon na tutulong ako, hindi man harap-harapan basta't may magawa ako para kay Anrie at sa magiging anak namin.

Simula noon at lagi ko na siyang binabantayan. Hindi man ako nakikita ni Anrie pero andyan lang ako lagi, nakatingin sa malayo at laging patago.

Sa tuwing nagpapacheck-up si Anrie ay nandoon din ako. Hindi na ako pumapasok sa loob ng hospital, naghihintay lang ako  sa labas at kapag natanaw ko na silang palabas ay agad din akong aalis para hindi kami magkita.

Ganoon lagi ang set-up ko. Nag-aalala ako sa kanya, pero takot ako na gampanan ang responsibilidad ko sa kanya.

Lumipas ang mga buwan at unti-unti nang lumalaki ang tiyan ni Anrie. Nagsisimula na ring mag-crave si Anrie sa iba't-ibang pagkain lalo na sa maaasim.

"Patrick!" tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa may lobby ng building namin isang araw.

"O, Tuff!" bati niya rin at tinapik niya pa ang balikat ko.

"Pupuntahan mo si Anrie?" agad kong tanong. Tumango naman ito.

"Oo, tinawagan ako ni Judy eh. May pinuntahan kasi siya at walang kasama si Anrie ngayon, kaya ako muna ang sasama sa kanya," sabi niya pa habang tinitingnan ang cellphone niya. Sandali siyang nag type doon at nang matapos ay tiningnan ako.

"Ah! Uhm... pakibigay mo na lang ito kay Anrie," dirediretso kong sabi at inabot ko sa kanya ang dala kong supot ng mangga. Nang may madaanan akong nagbibinta ng hilaw na mangga ay napabili ako. Alam kong gusto ni Anrie ng mangga kaya gusto ko itong ibigay sa kanya.

"Woah! Magugustuhan niya ito. Sasabihin kong sayo galing," sabi niya sabay ngiti, agad naman akong napailing.

"Naku! Huwag mo nang sabihin." Napailing pa ako. Nagkunot naman siya ng noo at nagtataka akong tiningnan.

"Bakit naman?"

"Uhm... huwag mo nalang sabihan," simpleng sagot ko. Kapag sinabi niyang sa akin iyon galing ay baka hindi pa iyon tanggapin ni Anrie.

Nagtaas siya ng kilay pero napatango rin naman siya. "Ah ok. Sige!" Pumasok na si Patrick sa student's lounge at sumunod naman ako.

"You're welcome!" narinig kong sabi ni Patrick kay Anrie nang pumasok ako.

"Patrick, pwede ko na ba itong kainin?" sabi naman ni Anrie na mukhang sabik na sabik nang kainin ang mga mangga. Napangiti ako sa reaksyon niya. Mabuti't nagustuhan niya.

"Oo naman. Akin na, babalatan ko." Napangiti pa si Anrie at mabilis na binigay kay Patrick ang mga mangga na nasa supot.

Napangiti ulit ako. It is good to know na nagustuhan niya ang binigay ko kahit na simpleng bagay lang iyon at kahit na hindi niya alam na sa akin iyon galing. Natutuwa akong may nagagawa ako para sa kanya at para sa baby namin kahit ganito lang.

"Thank you," nakangiting sabi ni Anrie sa kanya.

Tiningnan ko ang mga mangga hawak ni Patrick, saka ako nagsalita.

"Ako na Patrick," sabi ko at kinuha ko sa kanya ang manggang binabalatan niya. Ewan ko ba kung ba't ko iyon ginawa. Pwede ko namang hayaan nalang si Patrick na balatan iyon para kay Anrie.

Sinilip ko pa si Anrie pero natigilan ako nang tingnan niya ako nang masama. Galit na galit talaga siya sa akin.

"Ah, ok. Salamat," sabi naman ni Patrick kaya naupo na ako at sinimulang balatan ang manggang kinuha ko sa kanya.

"Ako nalang." Nagulat ako nang bigla nalang bawiin ni Anrie sa akin ang manggang hawak ko. Pati si Patrick na maayos na nakaupo sa isang monobloc chair ay nagulat rin sa ginawa niya.

I sighed in relief nang mabilis kong naiwas ang kutsilyong hawak ko mula sa kamay ni Anrie. Kung hindi ko agad iyon naiwas ay baka nasugatan na siya.

Tiningnan ko si Anrie na ngayon ay kunot na kunot na ang noo.

"Ako na!" bawi ko ulit sa kanya ng mangga. Alam kong galit siya, but what she did is really childish.

"Ako na sabi," agaw niya ulit sa mangga. "Baka malason pa ako kapag ikaw ang nagbalat," dagdag niya na siyang dahilan para matigilan ako. Naikunot ko ang aking noo at diretso ko siyang tiningnan.

Malason? Ganoon na ba ako kasama sa paningin niya? I know I did a mistake at sinaktan ko siya. Pero hindi ko naman ginusto iyon eh, I'm just torn between my responsibility with her and our baby, and to the responsibility I have with my parents. Hindi ko kayang saktan ang mga magulang ko kaya ko siya nagawang talikuran. If only I'm brave enough, talagang pipiliin ko siya. God knows how I care for her, ayaw ko siyang masaktan at pati na ang baby. I love—

Napailing ako. Ano ba itong naiisip ko?

"Uhm... An, hindi naman ata iyon totoo," singit naman ni Patrick.

Hindi ko na pinatulan si Anrie at napayuko nalang ako. Kung alam siguro ni Patrick ang totoo ay baka magalit din siya sa akin gaya nalang ni Anrie. Kung alam niya ang totoo ay baka iwasan na niya ako Nahihiya talaga ako sa sarili ko, wala akong kwentang tao.

"Parang si Tuff tuloy iyong asawa mo, An. Kasi sa mga movies, ayaw na ayaw makita nung buntis ang asawa nila. Sabi pa nila ay pinaglilihian daw ni misis si mister kaya ganoon," ani Patrick at napatawa pa siya. Nagulat ako sa sinabi niya.

Totoo ba iyon? Pinaglilihian ba ako ni Anrie?

Napatingin ako kay Anrie na mas sumimangot ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Pinaglilihian ako ni Anrie?

"Ganoon ba iyon? Hindi naman siguro," sabi ni Anrie at agad naman siyang tumahimik. Ayaw niya ata ng ganoong usapan.

Napabuntong hininga ako at pasimple ko nalang siyang tiningnan. Nanahimik nalang rin ako at ipinagpatuloy ko na ang ang pagbabalat sa mangga para kay Anrie.

"Aaah!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig kong dumaing si Anrie.

"Anrie?" Napahawak ako sa braso niya at agad kong tinanong kung anong masakit sa kanya.

"Ok ka lang An?" Napalapit din si Patrick kay Anrie at tinanong din ito.

Tiningnan ako nang masama ni Anrie kaya napabitaw ako sa kanya. Tiningnan naman niya si Patrick at nginitian siya.

"Ok lang ako. Sumipa lang si baby," sabi niya sabay himas sa tiyan niya. Napahinga tuloy ako nang malalim. I hope she's ok. Naku baby! Dahan-dahan naman sa pagsipa, nasasaktan si mommy eh.

Napatingin ako kay Anrie na ngayon ay nakatingin kay Patrick na nag-aalala pa rin sa kanya. Masakit pa rin kaya ito ngayon?

"Akala ko naman ay manganganak ka na," sabi ni Patrick na ngayon ay nakahawak na sa kanyang dibdib. He smiled awkwardly at saka nagkamot ng ulo.

"Isang buwan pa iyon," nakangiting sabi naman ni Anrie. Tumango-tango naman si Patrick habang ako at seryoso lang siyang tiningnan.

Oo nga pala, malapit na ang kabuwanan ni Anrie. Isang buwan na lang ang hihintayin namin.

Napahinga nang malalim si Patrick at saka umayos na ng upo. "Kinabahan tuloy ako. Wala pa naman ang mga girls."

"Anong wala kami?" Bigla nalang pumasok sina Sydney, Judy, Rochelle and Tyca at tiningnan kaming tatlo nina An. Napabuntong hininga naman si Patrick.

"Eh kasi...akala ko manganganak na si Anrie tapos wala kayo."

"Hay naku! Takot si tito Patrick baby Grame." Lumapit si Sydney kay Anrie at hinimas ang tiyan nito. Seryoso ko silang tiningnan.

Tinawag niya bang Grame ang baby? Binigyan na pala ni Anrie ng pangalan ang baby namin. Pero, bakit Grame?

"Grame?" tanong ko kaya nilingon nila ako.

"Grame. Iyan ang planong ipangalan ni Anrie kay baby," sagot ni Judy sa tanong ko.

"That's a—? "

"A boy's name," aniya.

Boy? A baby boy?

"Paano niyo nalamang boy ang gender ng baby?"

Napangiwi si Sydney sa tanong ko. "Nagpapacheck-up si Anrie every Wednesday kaya namin nalaman."

"Every Wednesday—" Lagi naman akong nandoon pero hindi ko alam.

"Yeah. Kung wala sila tito, kami ni Patrick and Judy ang sumasama sa kanya." Napayuko ako.

Kung naging matapang lang ako ay ako dapat ang kasama ni Anrie sa mga check up niya. But I'm a coward. Ito na ang kabayaran ng kaduwagan ko, I don't have the right to know anything about my child.

"Halikana An, kakain na tayo." Nag-angat ako ng ulo nang mag-aya nang kumain sina Judy kay Anrie.

"Ok!" sagot naman ni Anrie sabay tango. Tumayo na sila. Kinuha ni Patrick ang bag ni Anrie at siya ang nagdala nito palabas.

Looking at them, parang si Patrick pa ang daddy ni baby—ni baby Grame.

Kung hindi ko lang alam na magsyota sina Patrick at Sydney ay naisip ko nang may gusto siya kay Anrie. He's really close to Anrie kaya sure akong may ibang tao diyan na nag-iisip na baka siya nga ang ama ng ipinagbubuntis ni Anrie. Minsan, hindi ko maiwasang mainggit dahil andiyan si Patrick para kay Anrie. Nagagawa niya iyong mga bagay na hindi ko kayang gawin para sa kanya. I'm Grame's daddy at ako dapat ang gumagawa ng ginagawa niya. Pero dahil duwag ako, heto at nagtatago nalang sa likod ni Patrick. I feel really ashamed of myself.

—❇️—