TUFF
Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat. Hindi ko alam kung tanggap nila ang side ko, all I know is I need to prove myself infront of them. Gusto kong ipakitang kaya ko na, na kaya ko nang maging daddy sa anak namin ni Anrie.
Pero sa kabila ng mga paliwanag ko, ay hindi pa rin ako binigyan ng chance ng parents ni Anrie. They are really mad at me. Kaya wala kaming nagawa ng mga magulang ko kung hindi ang umalis nalang at palipasin muna ang galit nila sa akin.
Ang akala kong maikling panahon nang pagpapatawad nila ay umaabot pa ng ilang buwan.
Summer Vacation passed. Hindi ko na ulit nakita si Anrie at pati na si baby Grame. Pumupunta ako sa kanila lagi pero wala sila, on vacation daw sabi pa ng katulong nila.
"Babalik pa kaya sila?" tanong naman ni Jay sa akin nang magkita kami sa school para magpaenrol. Napabuntong hininga ako at saka nagkibit balikat.
"Ewan ko," malungkot kong sabi.
Hindi ko alam kung babalik pa sila, pero sana bumalik sila dahil ayaw kong mag-end ang lahat sa ganitong paraan. Ayaw kong lumayo sila sa akin dahil wala pa akong nagagawa para sa kanila.
"Tuff!" hingal na tawag ni Sydney sa akin nang pumasok siya sa student's lounge. Pareho kaming napatingin ni Jay sa kanya.
"Bakit?" nakakunot noong tanong ko.
"She's here!" aniya.
"Ha?" naguguluhan kong tanong. Napaisip ako sandali para iprocess sa utak ko ang sinabi niya. When a thought came into my mind ay agad akong napatayo at mabilis na tumakbo palabas ng lounge.
"Si Anrie—!" sigaw pa ni Sydney trying to tell me na ito ang babaeng nandito ngayon sa school. Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin at tinakbo ko na ang pagbaba ng building namin para makita siya.
Wala akong pakialam kung may mabangga man ako o kailangan ko mang dumaan sa hagdanan, all I want is to get to her as soon as possible. Kaso nang makita ko siya ay agad akong napahinto. Naikunot ko ang aking noo at diretsong tiningnan ang lalakeng nasa tabi niya. Sino iyang kasama niya?
"An, mas gumanda ka ngayon ah! Dalawang buwan ka lang nawala pero naging artista ka na agad," dinig kong sabi sa kanya ni Judy.
"Artista? Artista agad? Pumuti lang naman ako ah!" She smiled and seeing her smile makes me smile too. I guess she's fine.
"Para ka na kasing artista eh. Eh si Grame ba?" Natigilan ako dahil sa tanong ni Judy.
Oo nga, kumusta si Grame? Nasaan ba siya ngayon?
"Uhm..." Anrie smiled again pero napahinto siya nang makita niya ako. Agad siyang nag-iwas ng tingin na ikinalungkot ko.
Galit pa rin ba siya sa akin?
She smiled to Judy weakly, halata mo sa kanya na nagpipilit siyang mag-iwas ng tingin. Napabuntong hininga ako dahil dito.
"Nasa bahay, kasama si mommy," simpleng sagot niya. Bigla akong nabuhayan ng loob. Knowing na nasa malapit lang pala sila ay napapalakas nito ang loob ko. This gives me hope na any time now ay maari ko ulit na makita ang anak ko.
"Ah! Uhm..." Napatingin si Judy sa kasama ni Anrie, pati ako ay napatingin din dito. Sino ba iyang kasama niya? "Ipakilala mo naman kami sa kasama mo," pagpapatuloy ni Judy. Nagtaas ng kilay si Anrie at nilingon ang kasama niya.
"Oh! Sorry. By the way, Judy this is Harry. Harry, ito naman si Judy," pagpapakilala niya sa dalawa sa isa't-isa. Napalapit naman iyong Harry kay Judy para makipagkamay pero napahinto din agad ito dahil sa tanong ni Judy.
"Kaano-ano mo? Boyfriend?" tanong ni Judy dahilan para magkatinginan si Anrie at iyong Harry. Naikunot ko naman ang noo ko. Boyfriend?
"Uhm..." Anrie started.
"Hoping!" sagot nung Harry habang ngingiti-ngiti. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil doon. Hindi na ako nakinig pa sa mga sasabihin nila at nagdesisyon na akong pumasok nalang ulit.
Manliligaw niya? So, may time pa talaga siyang tumanggap ng manliligaw ngayon? Eh ako nga ay ayaw niyang tanggapin kahit na ilang beses akong makiusap. I did my best pero parang wala lang sa kanya. Sino ba ang iniisip niya ngayon? Si Grame ba o ang sarili niya? Nakakainis!
•••
ANRIE
"Malapit na ba ang school niyo?" tanong sa akin ni Harry na diretso ang tingin sa kalsada. Umayos ako ng upo at saka ko tiningnan nang mabuti ang dinadaan namin.
"Oo, lumiko ka nalang sa may kanto. Pa-right," sagot ko na tinuro pa talaga ang lilikuan namin. I saw Harry smiled na sabay pang tumango.
"Okay," aniya.
Nang marating namin ang kantong tinutukoy ko ay agad ding lumiko si Harry. Ilang blocks nalang ang dadaanan namin bago namin marating ang school. It would only take less than 5 minutes.
When the main gate of our university is in sight ay nagsimula nang bumagal ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Harry. Pumasok kami ng school at ipinark ni Harry ang kotse sa tapat ng college namin. I did not waste any time at nagdirediretso na kami papasok sa college ko. Isang pamilyar na mukha agad ang sumalubong sa akin. She's looking at the poster in the bulletin board nang maabutan ko siya sa may Dean's office.
"Judy?" I called. Napalingon din naman agad siya sa akin.
"Woah! An!" masaya niyang sabi. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Saan ka ba nagpunta? Hindi ka na namin ulit nakita," malungkot nitong sabi na dahilan para malungkot din ako. I smiled shyly.
"Nagbakasyon kami sa states para—alam mo na." Napangiti si Judy sa sagot ko. Hindi na siya nagsalita pero alam ko na alam niya ang ibig kong sabihan.
"An, mas gumanda ka ngayon ah! Dalawang buwan ka lang nawala pero naging artista ka na agad," napangiti ako sa biro niya.
"Artista? Artista agad? Pumuti lang naman ako ah!"
"Para ka na kasing artista eh. Eh si Grame ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. Si Grame? I smiled habang iniisip ko pa lang ang tungkol sa anak ko.
"Uhm..." Napahinto ako sa sasabihin ko sana nang makita ko si Tuff sa 'di kalayuan. Diretso ang tingin nito sa akin kaya hindi ko mapigilang kabahan.
I heard from yaya Tanya na pumupunta siya lagi sa bahay para makita kami.
Hindi pa rin ba siya sumusuko?
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tiningnan ko ulit si Judy. Nginitian ko siya.
"Nasa bahay, kasama si mommy," simpleng sagot ko. Napangiti si Judy at tumango-tango pa.
"Ah! Uhm..." aniya na napatingin pa kay Harry na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko. "Ipakilala mo naman kami sa kasama mo." Nagtaas ako ng kilay at nilingon ko si Harry.
"Oh! Sorry." Nakalimutan kong i-introduce si Harry na kanya. "By the way, Judy this is Harry. Harry, ito naman si Judy," pagpapakilala ko sa kanila sa isa't-isa. Napalapit naman si Harry kay Judy para makipagkamay pero napahinto din agad siya dahil sa hirit ulit ni Judy.
"Kaano-ano mo? Boyfriend?" Nagkatinginan kami ni Harry dahil sa tanong ni Judy. Napangiwi ako dahil dito.
"Uhm..." Bago sumagot ay sinilip ko muna si Tuff. Naikunot ko ang aking noo nang makitang nakakunot ang kanyang noo.
Ano namang problema ng isang 'to? Galit ba siya? Tungkol naman saan!?
"Hoping!" biglang sagot ni Harry kaya napatingin ako sa kanya.
Hoping? Anong pinagsasabi ng isang ito?
Agad kong ibinalik ang tingin ko kay Tuff para tingnan ang reaksyon niya. Alam kong naririnig niya kami kaya curious ako sa reaksyon niya after marinig ang sinabi ni Harry. Pero hindi ko na nakita ang mukha niya dahil naglalakad na siya paalis.
Tinotoo niya kaya iyon?
Napaharap ako ulit kay Harry at pinalo siya. "Loko mo! Ano ba iyang pinagsasabi mo, nakakakilabot!" nakakunot noong sabi ko. Hindi kasi maganda ang biro niya, nakakadiri pa.
"Aray ko naman," reklamo niya naman at sabay na hinimas ang braso niyang pinalo ko. Napanguso pa ang loko.
Napaharap ako kay Judy at saka inilingan siya, baka maniwala din ito eh.
"No Judy, he's my cousin. Loko-loko no?" Nakangiwi kong sabi sa kanya. Agad namang napatawa si Judy.
"Akala ko naman totoo na, kawawa naman si Tuff kung nagkataon." Natigilan ako sa sinabi niya. Mahina ang pagkakasabi niya sa huli but I heard it.
"Ha?" seryoso akong napatingin sa kanya.
Did I heard it right? Si Tuff?
"Uhm...wala!" Agad na napailing si Judy at nginitian ako awkwardly. Kita mo sa mukha niya ang gulat at kaba. Napahinga ako nang malalim at tinitigan siya.
No! I definitely heard it right! Sinabi niyang kawawa si Tuff. Bakit naman ito kawawa? Dahil ba sa hindi namin siya tinaggap!?
Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa aking dibdib. Hindi ko ito maipaliwanag. Naawa na din ba ako sa kanya? Pero dapat galit lang ako!
"Judy!" I called. Napabuntong hininga si Judy and I saw her frown. I want her to tell me what's going on. Hindi ako mapapakali kung hindi niya sasabihin sa akin ang totoo.
"Kasi naman—uhm, I know malaki ang nagawang kasalanan ni Tuff sayo, pero nakita ko ang pagsisikap niya para panagutan ka. Alam mo, Tuff is already engaged but he cancelled the engagement because of you and Grame. Hindi niya tinuloy ang pagpapakasal para lang makasama kayo." Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"May pumunta sa school two days after mong manganak, and she's looking for Tuff. She introduced herself as Tuff's fiancee." Napahinga nang malalim si Judy bago muling nagsalita. "Nanggulo at nag-eskandalo siya, and she's blaiming you dahil nadungisan daw ang pangalan ni Tuff. Pero alam mo ba ang ginawa ni Tuff?" Napatingin siya sa akin nang seryoso. "Ipinagtanggol ka niya An. Inako niya ang lahat ng kasalanan, and he said that he will do anything for you. Kahit na abutin man nang panghabang-buhay ay maghihintay siya."
Sinabi niya iyon?
"I hope you can give him a chance." Napatingin ako doon sa taas kung saan pumasok si Tuff kanina. Nginitian ko nalang si Judy at si Sydney na kabababa lang.
"Ok na ako ngayon Judy. Nandiyan naman sina mommy para tulungan ako," simpleng sagot ko. Pilit kong inalis sa utak ko ang mga sinabi niya. Ayaw ko munang guluhin ang utak ko sa ngayon.
"Pero hindi naman habang buhay andiyan sila eh. Lalaki din si Grame and he needs his dad. Nandiyan si Tuff para gawin iyon."
"I don't know! Tama na iyong sakit, ayaw ko nang dagdagan pa." Nag-iwas ako nang tingin dahil pakiramdam ko ay maiiyak na ako. "Uhm... o paano, aalis na kami. Magpapaenrol pa kasi ako," sabi ko nalang para hindi na humaba ang usapan namin.
"Uhm... ok," sagot naman ni Judy na naging malungkot dahil sa sinabi ko. Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula na kaming maglakad ni Harry paalis.
I don't know if I'm being selfish pero hindi ko talaga kasi kayang tanggapin siya agad-agad. I'm still hurting and I'm afraid na baka kapag tinanggap ko siya ay muli niya akong sasaktan. I already have Grame and siya muna ang iisipin ko sa ngayon. Ayaw kong pati ang anak ko ay masaktan because it will surely kill me.
"Iyon ba yong Tuff?" biglang tanong ni Harry nang makalayo na kami sa kanila.
"Ha?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya.
"Iyong lalake kanina. That's Tuff right?" Napabuntong hininga ako at saka tumango.
"Oo, that's him," nakayuko kong sagot.
"Kaya pala gwapo si Grame. Ang pogi ng tatay eh. Magkamukha sila." Napatingin ako kay Harry na nakangiti nang malawak pero agad din naman akong napayuko.
Oo nga! Magkamukha sina Grame at Tuff. Nagmana nga kay Tuff si Grame. Kahit na anong iwas ko, kapag nakikita ko si Grame ay nakikita ko rin si Tuff sa kanya. Kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga siya magawang kalimutan.
Kahit na anong gawin kong pag-iwas at paglimot sa kanya, hindi nito mababago na parte na siya ng buhay ni Grame. Grame is my life and that means that Tuff is now a part of my life too.
—❇️—