ANRIE
Hindi ko alam ang gagawin ko after kong makita ang result sa pregnancy test na ginawa ko. Saglit akong nagkulong sa banyo and I'm glad na hindi naman agad ako pinalabas nina doktora. Nang mahimasmasan ako nang konte ay buong loob kong binuksan ang pinto ng banyo at hinarap si doktora.
Kinausap niya lang ako sandali at sinabihang magpahinga nalang muna. Pwede daw akong magstay dito sa clinic until mamayang 5 PM but I decided to go to class nalang.
"You need to have a proper check up Ms. Lee," sabi niya nang kinausap niya ako after kong ipinakita ang resulta sa kanya. Hindi ako nagsalita at tumango nalang. I really don't want to talk about it right now. The shock is still lingering in me at kapag pinag-usapan pa namin ito ay baka tuluyan na akong magbreakdown.
"You also need to tell your parents and pati na rin ang ama ng baby." Napatingin ako sa kanya nang sabihan niyo iyon. Naikunot ko ang aking noo at agad kong naikuyom ang aking mga kamay. Si Tuff! This is all his fault!
Napayuko ako nang maramdaman ko ang pagtitig ni doktora sa akin. I don't want her to see me looking like this. Thinking all of these is making me more weak. Gusto ko na talagang magpahinga.
"Just rest for now," sabi nalang niya. Napansin niya siguro na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa kondisyon ko. "Pwede ka ditong magstay until 5 pm. If you need anything just ask nurse Jessica."
"Uhm...babalik na lang po ako sa klase namin," sabi ko. Hindi na talaga ako mapakali. Gusto ko na talagang umalis dito. Hindi ko na nga matingnan nang diretso si doktora dahil nahihiya ako sa kanya.
"Okay!" simple niya lang sagot. Nakita ko pa siyang tingnan si nurse Jessica and they both look worried about me. Hindi na nila ako pinilit na mag-stay pa sa clinic kaya nagpaalam na ako sa kanila at nagdirediretso na ako sa classroom namin.
Ayaw ko sanang bumalik sa klase dahil makikita ko na naman si Tuff pero wala naman akong ibang mapuntahan. Ayaw ko namang magstay sa clinic dahil nahihiya ako kina doktora and ayaw ko rin munang umuwi sa bahay dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga magulang ko kapag nagtanong sila kung ba't ang aga kong umuwi.
"An!" agad na bungad ni Sydney sa akin nang pumasok ako sa classroom. Halatang nag-aalala ito sa akin at agad pa akong nilapitan at inalalayang makaupo. Hindi ako sumagot, I just smiled to her. Kakalabas lang siguro ni ma'am kaya magulo na ulit sila. Hindi ko napansin na medyo nagtagal pala ako sa clinic.
Naupo agad ako at agad kong ipinatong ang ulo ko sa arm chair. Naupo naman sa tabi ko si Sydney. I really want to cry but I'm really too weak to do it.
Dahan-dahan kong hinaplos ang tiyan ko at pinakiramdaman ang loob ko. May buhay na ba talaga dito? Hindi ako makapaniwalang magiging nanay na ako nang ganitong kaaga. I have lots of things to do and becoming a mom is not one of those.
"An, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Sydney na hinimas pa ang likuran. I kinda like how she rubs my back, kumakalma ako sa ginagawa niya. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan ko siya.
"I'm okay Syd. I'm just tired," I lied. Yes I'm tired but I'm not okay. Sino ba ang magiging okay kapag biglaan mo nalang malaman na buntis ka at an early age at hindi pa kasal? Baliw lang ang mag-iisip na magandang bagay ang pangyayaring tulad nito.
"Are you sure?" paniniguro niya. Napabuntong hininga pa ako bago ako tumango sa kanya. Napangiti naman siya pagkatapos. Muli kong isinubsob ang ulo ko sa mesa para makapagpahinga ako kahit konte.
Buong araw ay tahimik lang talaga ako. Iwas na iwas din ako kay Tuff dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naiiyak na naman ako. Nagpapasalamat naman ako at hindi na gaanong nagtanong ang mga kaibigan ko sa totoong nangyari sa akin. Kapag inungkat pa talaga nila ang totoong kondisyon ko ay hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagdirediretso din agad ako sa kwarto ko. Nagkulong ako doon at bumaba lang ako nang magdinner na kami. Sa dinner din ay hindi ako gaanong nagsalita. Tinanong pa ako ni mommy kung ok lang ba ako, and again I lied at sinabing pagod lang ako. Pinalipas ko ang isang araw nang walang sinasabi sa mga magulang ko. Natatakot talaga kasi ako sa magiging reaksyon nila kapag sinabi ko na ang totoo. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila, I don't know how to start my confession.
The next day, Saturday. Maaga akong gumising at nagpaalam kina mommy na lalabas ako. Gumala at naglibang ako buong maghapon para hindi ako maistress. Nakapagdecide na kasi ako na sasabihin ko na sa pamilya ko ang totoo, hindi ko na kasi ma-take na maglihim pa sa kanila. Ayaw kong patagalin pa ito.
Umuwi ako bandang 5:30 kung saan sure akong nakauwi na sina daddy. Nagbihis ako agad at saka ako bumaba sa sala. Mahigpit na hinawakan ko ang laylayan ng suot kong t-shirt at dahan-dahan akong lumapit kina mama na masayang nanonood ng TV.
"Mom! Dad! Kuya!" mahinang tawag ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at seryoso akong tiningnan. "Sorry po." Sabi ko.
"Anrie?" Kita ko ang naguguluhang mukha ni daddy. Pati rin sina mommy at kuya ay nagtataka din sa ginagawa ko.
Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako ngayon and at the same time ay kinakabahan. Paano ko sasabihin sa kanila ang totoo?
Tumayo si mommy at nilapitan ako. "Anak?" nag-aalang tawag niya. Hinawakan ni mommy ang mga kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman nila kapag nalaman nila ang totoo at natatakot ako sa maaring mangyari.
Tumayo na rin sina daddy at kuya at lumapit sila sa akin. "Anrie, anong nangyari sayo?" maawtoridad na tanong ni daddy. Kilalang-kilala niya nga talaga ako. Alam niyang may nangyari sa akin kaya ako ganito. Mas nadadagdagan tuloy ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit pa kasi nangyari ito? I don't want them to lose trust in me, but it happened at wala na akong magagawa pa.
"An?" tawag ni kuya. Napatingin ako sa kanilang tatlo. Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha sa mata ko. I want to back out but I really need to tell them dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko ito matatago. When time comes at mahahalata na talaga nila na...
"Buntis po ako," kinakabahan kong pag-amin. Napahagolgol na rin ako ng pag-iyak. Sandali silang natigilan until I heard a rough sound mula sa gilid. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si kuya na nakaharap sa may dingding, nasuntok na pala niya ang pader. Napaharap siya sa akin at galit akong tiningnan, napayuko naman ako to avoid his eyes. Si mommy naman ay nagsimula nang mapaiyak at si daddy naman ay—
"ANRIE!" Nasigawan niya ako. Nanginig ako sa takot lalo na sa mga maaaring gawin ni daddy sa akin. Ito ang unang beses na nasigawan niya ako. He's strict but he never laid a hand on me. Akala ko ay sasaktan niya ako lalo na't galit siya pero nagulat ako sa ginagawa niya, dahil sa halip na pagalitan at saktan ako ay niyakap niya ako. "Anak," sabi niya habang umiiyak siya. Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin dahilan para mapaiyak ako sa dibdib niya.
"Daddy...I'm so sorry. I didn't mean it to happen," I said between my sobs. Binitawan niya ako at tiningnan ang luhaan kong mata.
"Sino ang walang hiyang may gawa nito sayo?" Napayuko ako. Madali lang namang sagutin ang tanong ni daddy pero hindi ko kayang sagutin iyan. Ayaw ko na siyang alalahanin lalo na't sinabi niyang kalimutan ko na ang nangyari sa amin ng gabing iyon. Now give me a reason para lapitan pa siya?
Ayaw ko na siyang gawing parte ng buhay ko at ng buhay ng magiging baby ko. I don't need him. Me and my baby can live without him. Tiningnan ko si daddy at saka ako umiling sa kanya. Agad namang nagkunot ng noo si daddy.
"Anrie, hindi ito maaayos kung hindi mo sasabihin kung sino siya." Kalmadong niya iyong sinabi but I can still sense his authority through every word. I understand why he wants to know who got me pregnant but I still don't want to tell them. Ayoko talaga!
"Dad, ayoko sa kanya. Ayaw ko siya para sa buhay ko at ayaw ko siya para sa baby ko," pagmamakaawa ko sa kanya.
"Then what? Gusto mo bang maging disgrasyada? Ha Anrie?" naiinis na tanong ni kuya kaya napalingon ako sa kanya. Agad kong naibaba ang aking tingin sa kamay niyang dumudugo na ngayon. I know it hurts but he's maintaining his angry face. Galit talaga siya sa akin.
Muli akong napayuko. I don't want them to get angry with me pero ayaw ko talaga, ayokong ibigay ang identity ni Tuff sa kanila. Hindi ko naman siya kailangan eh. Wala siyang kwenta.
"Tayo ang magpapalaki sa kanya. Kakayanin natin ito kahit na walang tatay ang baby mo." Natigilan ako sa sinabi ni mommy. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha.
"Ma!" / "Mom!" magkasabay na reklamo nina kuya at daddy pero hindi sila pinansin ng una, sa halip ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa dalawang lalake sa harap ko. Parehong kunot ang kanilang noo, halatang ayaw nila ang sinabi ni mommy. Napayuko ulit ako. Kahit na ako ay ayaw kong mag-isa sa pagbubuntis ko but I don't need Tuff. Kakayanin ko ito nang mag-isa.
Pinunasan ni mommy ang mga luha sa mata niya at tiningnan niya nang seryoso sina daddy. Napabuntong hininga si daddy bago siya napatingin sa akin.
"I'm not really fine with what your mom said but if Anrie really don't like to be with the guy at hindi na natin siya pipilitin." He paused at hinarap si kuya. "Dan, tayo ang tatayong daddy sa baby ni Anrie," aniya at inakbayan ako. Nagulat pa si kuya sa sinabi ni daddy pero kumalma din naman siya. Wala na siyang nagawa kung 'di ang ngumiti nalang sa amin at tanggapin ang katotohanan.
"Lolo ka na dad, ako nalang ang daddy," he joked with his serious look. Lumapit pa siya sa akin at niyakap din ako. "I'm sorry for what I said earlier. Don't forget na kahit ano man ang mangyari ay nandito ako para sayo." Napangiti ako sa tinuran ni kuya. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya at ibinaon ko ang aking mukha sa dibdib niya.
"Salamat po. Salamat dahil hindi kayo galit," maluha-luha pero nakangiti kong sabi sa kanila. Bumitaw si kuya mula sa pagyakap sa akin kaya napalapit sa amin sina mommy at daddy.
"Galit kami Anrie lalo na't masisira ang mga plinano namin para sayo. But we will never let this affect your future. Yes you got pregnant but this doesn't mean na masisira na nang tuluyan ang buhay mo. Wala na kaming magagawa sa pagbubuntis mo but we will definitely help you in facing the challenges you may encounter. Anak mo iyan at anak ka namin. Sino ba ang maasahan mo ngayon? Kami lang, kaming pamilya mo."
"Dad..."
"Magbabago na ang lahat, iyong sayo at pati na rin ang sa amin. Kukutyain tayo ng mga tao at mamaliitin. Pero anak ka namin, hindi naman ata tamang kami mismo ang manghusga sayo. Kung ano ang nangyayari sayo ngayon ay kasama mo kami," dagdag ni daddy na sinang-ayunan naman nina mommy at kuya.
"Oo nga. Lee kaya tayo," cheer pa ni kuya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.
Alam kong mali ang mga nangyayari at hindi ko talaga iyon ginusto. Pero hindi pa rin nila ako pababayaan kaya ang saya ko ngayon. Kahit na masakit pa rin sa pakiramdam na simula ngayon ay may dala-dala na akong malaking responsibilidad ay pagsisikapan kong maging matatag. Hindi nalang ako mabubuhay para sa sarili ko dahil may isang buhay nang aasa sa akin.
Akala ko ay mag-isa ko itong haharapin but I'm wrong dahil kasama ko naman pala ang pamilya ko. Hindi nila ako pababayaan.
Hinaplos ko ang tiyan ko and I smiled genuinely. You came to me unexpectedly but I promise na hindi kita pababayaan. You're not just a responsibility because you are my angel now. I will protect you no matter what.
Napatingin ako kina mommy na kasalukuyang nag-uusap. They're talking about the days ahead at tungkol sa pagbubuntis ko. I smiled habang hinahaplos ko ang aking tiyan.
Salamat po sa pamilyang meroon ako na hindi ako pababayaan sa problemang kinakaharap ko. And thank you for this wonderful blessing you have given me. I will definitely treasure him.
—❇️—