Chereads / Be My Daddy / Chapter 4 - Kabanata 4 : Embracing The Fact

Chapter 4 - Kabanata 4 : Embracing The Fact

ANRIE

Sinamahan ako ng mga magulang ko sa school. Sinabi nila sa mga professors ko ang nangyari sa akin. Hindi ako suspended or expelled sa school. Hinayaan nila akong ipagpatuloy ang pag-aaral ko dahil sayang naman daw kung hihinto ako lalo na't third year college na ako.

Nagulat ang mga kaklase ko nang malaman nilang buntis ako. Hindi daw nila inakalang mabubuntis ako lalo na at NBSB daw ako. Hindi nga rin sumagi sa isip ko na mabubuntis ako nang maaga, dahil simula pa lang ay plinano ko na ang magtapos on time na walang anumang problema. Pero heto, magiging single mom pa ako.

"Pwede ba kaming humingi ng pabor sa inyo?" Panimula ni mommy at saka niya tiningnan ang mga kaklase ko. Seryoso namang nakinig sa kanya ang lahat. "Sana kapag nasa school si Anrie ay kahit na isa— eh may kasama siya. Huwag niyo sana siyang iiwang mag-isa." Pakiusap ni mommy sa lahat.

"Opo!" Sabay-sabay nilang sabi kaya napangiti ako. I'm happy na kahit ang mga kaklase ko ay tanggap ang nangyari sa akin. I do hope na hindi sana magbago ang tingin nila sa akin.

Umalis na sina mommy at iniwan na ako sa school. Ipapasundo nalang daw nila ako kay kuya mamaya.

"An, okay lang ba kung magtanong ako sayo?" Napalingon ako kay Rochelle. Napangiti ako sa kanya at sabay na napatango. Ngumiti din siya at napalapit sa akin.

"Anong feeling nang may baby sa tummy mo?" Nabigla ako sa tanong niya pero napangiti pa rin ako. Oo nga no? Ano ba ang feeling?

Napaisip ako sandali at tiningnan ko ulit si Rochelle. "Weird siya, pero masaya." Tiningnan ko ang tiyan ko na hindi pa naman halata. "Iyong fact na may buhay sa loob mo—parang ang hiwaga." Hinimas ko ang tiyan ko habang sinasabi iyon. "Basta ang alam ko, masaya na ako ngayon kahit noong una ay ayaw ko talaga sa kanya."

"Talaga?" Napangiti si Rochelle sa akin. She looked amazed and happy for me. Hindi ko tuloy maialis ang mga ngiti sa mga labi ko. I'm happy na kahit pala ang mga kaklase ko ay handa akong suportahan sa pinagdadaanan ko. Now I feel much stronger than before.

•••

Lumipas nga ang ilang buwan. Unti-unti nang lumalaki ang tiyan ko at mas mabilis na akong mapagod ngayon. Sa araw-araw na pagpasok ko ay sinisigurado ng mga kaklase ko na hindi ako naiiwang mag-isa. Kahit na sinong pwede ay sinasamahan ako kahit saan ako magpunta.

Nakakatuwa na may taong nandiyan para suportahan ako pero hindi rin maiiwasang may mga tao ring pag-uusapan ka. Pero kahit na pag-usapan pa nila ako ay wala akong pakealam. Ang importante lang sa akin ay tanggap ako nina mom, dad, kuya, at pati na ng mga kaklase't kaibigan ko. Sila lang naman ang kailangan ko ngayon eh, nothing more.

Nasa canteen kami ngayon para kumain ng lunch. Tiningnan ko ang mga pagkain na tinda nila at agad akong napangiwi.

"May problema ba An?" Tanong ni Judy sa akin nang mapansin niya ang reaction ko. I simply nod.

"May gusto kasi akong kainin eh." Nahihiya kong sabi sa kanila. I don't feel like eating the dishes they have, may gusto akong iba.

"Ano naman? Baka meron sila dito!" Tumango ako pero nahihiya akong tiningnan sila.

"Uhm... may pizza po kayo? And do you have mayonnaise?" Nahihiya kong tanong kay ate na nasa may counter. Nagkunot siya ng noo pero napailing naman siya.

"Uhm... we have mayonnaise pero naubasan na kami ng pizza. May nakaorder na ng huling slice." Aniya kaya napasimangot ako. "Naorder na ito nung lalakeng sinundan niyo." Dagdag niya pa. Malungkot akong napatalikod sa kanya at hinarap ang mga kaibigan ko. I'm really craving for pizza.

"Pwede naman tayong umorder outside kung gusto mo." Ani Sydney na agad na nagpangiti sa akin. Walang hiya-hiya akong tumango. Napangiti ang mga kasama ko at agad silang nagtanguan.

Naghanap na kami ng mauupuan sa canteen. Habang naghihintay ako sa pizza ko ay sasamahan ko na muna silang kumain. Nagpadeliver na sina Sydney at hihintayin nalang namin iyon dito.

"Tuff!" Biglang sabi ni Patrick kaya napahinto ako sa paglalakad. Lumapit si Patrick kay Tuff na ngayon ay nakaupo at kumakain. Pati ang mga kasama kong babae ay napalapit na rin sa kanya kaya wala akong nagawa kung 'di ang sumunod nalang.

"The pizza!" Napatingin kami kay Judy nang bigla niya iyong sabihin. Naikunot ko pa ang noo ko dahil sa ginawa niyang iyon. What's with her?

Naglakad siya palapit kay Tuff at tumayo sa tabi nito. Medyo yumuko siya at saka niya itinuro ang pagkain na nasa harapan ni Tuff. May isang can ng softdrink sa harap niya, a half eaten burger, and a slice of—

Napalunok ako nang makita ang kinakatakaman ko ngayon—PIZZA!

"Oh! Ikaw pala ang nakabili ng last piece of pizza." Sabi pa ni Patrick. Nagtatakang napatingin sa amin ang may-ari ng pagkain. I know he's curious kung bakit namin pinagkainteresan ang pizza niya.

"Gustong kumain ni Anrie ng pizza. She's craving for it pero ang sabi ng tindira ay nabili na ang last piece." Sagot ni Judy kahit na hindi naman nagtanong ang mokong sa kanya. Inilapag na rin nito ang dalang tray sa tabi ni Tuff at saka naupo. Pati sina Sydney ay naupo na rin sa table na kinauupuan niya.

"Maupo ka na An." Ani Patrick na tinulungan pa akong iurong ang silya sa tabi ni Syd. I really don't want to eat my lunch with this jerk pero wala na akong magagawa lalo na't nakaupo na ang mga kasama ko.

"You can have this." Bigla sabi nito na ikinagulat ko. Inilapit niya pa sa akin ang plate na pinaglalagyan ng slice ng pizza. Naikunot ko ang aking noo at saka ko ito iniurong pabalik sa kanya.

"No need! Nagpadeliver na kami." Sabi ko. I don't need anything from him!

Inabot ko ang mineral water na nasa harapan ko at uminom mula rito. Nakakainis. Gusto ko na talagang kumain, natatakam na talaga ako. Napatigil ako nang muli niyang ilapit sa akin ang pizza.

"Kainin mo na iyan habang hinihintay mo ang pinadeliver niyo. You can have more kapag dumating iyon." Nagtaaas ako ng kilay sa kanya. Anong tingin niya sa akin? Matakaw?

"You should never delay your meal." Dagdag niya kaya tuluyan na akong napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin na nginitian pa ako. Agad din naman siyang nagbaba ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain. Naikunot ko lalo ang noo ko. Ano ba itong ipinapakita niya? Nakokonsenya ba siya kaya nag-aastang caring siya ngayon? Kung sa tingin niya ay ikinatutuwa ko itong ginagawa niya, pwes—HINDI!

"Here An!" Biglaan akong napalingon kay Sydney nang magsalita siya. Inabot niya sa akin ang pizza na bigay ni Tuff at ngayon ay may mayonnaise na ito. Tuluyan na akong naglaway. Sige na nga! Kakainin ko na ito. Gutom na rin talaga si baby eh.

Sinilip ko pa si Tuff bago ko kinuha ang pizza. Hindi na muna ako mag-iinarte ngayon. Gutom na kasi talaga ako at kapag hindi ako nakakain agad nito ay tiyak na mababaliw talaga ako. Ngayon lang talaga—tatanggapin ko ang bigay niya para sa baby ko.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sumubo na ako ng pizza na may mayonnaise.

•••

Nakatambay ako ngayon sa students' lounge nang mag-isa. Lumabas lang sandali si Patrick na ngayon ay bantay ko, may lakad kasi sina Judy at Sydney kaya siya ang kasama ko. Babalik din naman ang dalawa mamaya.

"An, mangga?" Sabi ni Patrick nang pumasok siya. Itinaas niya pa ang dala niyang supot at ipinakita sa akin. Napangiti ako.

"Wow! Salamat Pat."

"You're welcome." Naupo siya sa tabi ko at ibinigay sa akin ang mangga. Nag-angat ako ng tingin sa may pinto nang may biglang pumasok. Naikunot ko naman agad ang aking noo nang makitang si Tuff pala iyon. Napairap ako sa kanya nang nagkasalubong ang mga tingin namin. Nandito na naman siya? NAKAKAINIS!

Hindi ko naman talaga siya laging nakikita dahil halata namang umiiwas siya. Pero these past few days ay madalas ko siyang nakikita. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba o sadya talagang nagkikita kami, pero kahit ano man ang rason ay hindi pa rin ako natutuwa. Ayaw ko siyang makita kaya naiinis talaga ako kapag nandiyan siya.

"Patrick, pwede ko na ba itong kainin?" Tanong ko. I want to focus my attention on my yummy mangoes dahil gusto kong alisin sa isip ko ang tungkol kay Tuff. Stress lang kasi ang dala niya sa akin and it's not good for my baby.

"Oo naman. Akin na, babalatan ko." Nakangiti kong inabot kay Patrick ang supot ng mangga na kinuha niya din agad. Kumuha siya ng kutsilyo at sinimulan na itong balatan.

"Thank you." Sabi ko. Kahit na hindi naman talaga nila ako kailangang samahan ay nandiyan pa rin sila. I know mom asked them a favor but they're doing more of what they are ask to do. They are not just simply accompanying me, inaalalayan din nila ako.

"Ako na Patrick." Napahinto sa pagbabalat si Pat nang sabihin iyon ni Tuff. Kunot noo akong napatingin sa kanya. Ano namang ginagawa niya? Nagpapabida na naman siya?

"Ah, okay. Salamat Tuff." Medyo nagtataka pa nitong sabi at saka niya ibinigay kay Tuff ang binabalatan niyang mangga.

He was about to start peeling the mango nang pigilan ko siya. "Ako nalang." Sabi ko at binawi ko sa kanya ang manggang hawak niya. Nagulat pa nga si Patrick sa ginawa ko pero hindi na ito nagreact. Tahimik lang siyang napatingin sa amin ni Tuff.

"Ako na!" Sabi naman ni Tuff at binawi ulit sa akin ang mangga. Mas nainis tuloy ako lalo. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ako na sabi. Baka malason pa ako kapag ikaw ang nagbalat." Naiinis kong sabi sa kanya at kinuha ko ulit ang manggang binabalatan niya. Natigilan siya sa sinabi ko.

"Uhm... An. Hindi naman ata iyon totoo." Patrick said kaya natigilan ako. Ibinaba ko ang manggang hawak ko at saka sumimangot. Hindi ko talaga kasi maalis ang inis ko kay Tuff kaya ganito lagi ang reaction ko tuwing nandiyan siya. Makita ko lang ang mukha niya ay agad nang kumukulo ang dugo ko.

Tiningnan ko si Patrick na nakangiti sa akin. Napahinga ako nang malalim. Kung alam mo lang Patrick, kung alam mo lang sana. Napayuko ako at ipinagpatuloy ang pagbabalat sa mangga. Wala na akong balak na ibalik ito sa kanya.

"Para tuloy si Tuff ang asawa mo." Nag-angat ako ng tingin kay Patrick nang marinig ko iyon. What did he said? Napansin din naman niya ang pagtataka sa mukha ko kaya nagpaliwanag ito. "Kasi sa mga movie ayaw na ayaw makita ng buntis ang asawa nila. Sabi pa nila, pinaglilihian lang daw ni misis si mister." Sabi nito sabay na mapatawa. Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. What is he talking about?

Nag-iwas ako ng tingin at agad na napayuko. "Ganoon ba iyon? Hindi naman siguro." I tried to reason. Isang malaking kasinungalingan lang yan. Tumahimik nalang ako. Naibaba ko ang hawak ko nang makaramdam ako ng sakit.

"Aaah!" Daing ko sabay na napahawak ako sa tiyan ko when I felt the pain.

"Anrie?" Nag-aalalang tawag ni Tuff at napahawak pa siya sa braso ko.

"Okay ka lang An?" Tanong naman ni Patrick. Gaya ni Tuff ay lumapit din agad siya sa akin. Tiningnan ko nang masama si Tuff kaya napabitaw din siya sa akin. When the pain disappeared ay napahinga ako nang malalim at saka naupo na ako nang maayos. That lasted longer than before. Tiningnan ko si Patrick na nag-aalala pa rin.

"Okay lang ako. Sumipa lang ang baby." Nginitian ko si Patrick kaya napanatag din naman siya. Napangiti siya after.

Hinimas ko ang tiyan ko nang dahan-dahan para pakalmahin ang kokonteng sakit na naiwan. Ang baby ko talaga o! Hindi pa nga nakakalabas, ang hyper na.

"Woah! Akala ko na talaga ay manganganak ka na." Napangiti ako dahil sa reaksyon ni Patrick. Ang O.A. nito.

"Hindi pa ako manganganak Pat. Sa susunod na buwan pa yon." Natatawa kong sabi. Napabuntong hininga siya.

"Kinabahan talaga ako. Wala pa naman ang girls."

"Anong wala kami?" Pare-pareho kaming napatingin sa may pinto nang marinig namin iyon. Sabay-sabay na pumasok sina Sydney, Judy, Rochelle and Tyca.

"Eh kasi... akala ko manganganak na si Anrie, tapos wala kayo." Agad nitong sumbong sa bagong dating.

"Ah, takot pala si tito Patrick baby Grame." Natatawang sabi ni Sydney. Lumapit siya sa akin at hinimas ang tiyan ko. Natawa na rin tuloy ako.

"Grame?" Napatingin kaming lahat kay Tuff dahil sa tanong niya.

"Grame. Iyan ang planong ipangalan ni Anrie kay baby." Nakangiting sagot ni Sydney sa kanya. Hindi ko mapigilang magkunot ng noo.

"That's a...?" He continued asking but did not able to finish his question dahil sinagot na ito agad ni Syd.

"A boy's name." Ani nito.

"Paano niyo nalamang lalake ang bata?" Pagpapatuloy ni Tuff. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa patuloy niyang pagtatanong. Napangiwi si Sydney sa tanong niya habang ako ay napasimangot naman. Bakit interesadong-interesado siya tungkol sa baby ko?

"Nagpapacheck-up si Anrie every Wednesday kaya namin nalaman." Sagot ulit ni Sydney sa kanya.

"Every wednesday?"

"Yeah. Kung wala sila Tito, kami ni Patrick and Judy ang sumasama sa kanya." Tuluyan na akong napatingin kay Tuff. Hindi ko pa rin inaalis ang matatalim kong tingin. I'm like a knife peeling his skin to see what's inside—inspecting the reason why his giving those unexpected questions.

Ngayon curious na siya? Kinalimutan niya atang may sinabi siya akin that night ah. Nakakainis talaga siya! Ang sarap niyang upakan.

"Halika na An. Kakain na tayo." Tiningnan ko si Judy at tinanguan ko siya.

"Okay." I agreed at tumayo na ako. Kinuha ni Patrick ang bag ko at siya na ang nagdala nito. Inalalayan nila ako palabas at naiwan naman si Tuff na nakaupo doon at mukhang nag-iisip pa. Ano naman ang iniisip niya? Sana hindi ito tungkol sa akin o kay Grame.

Kumunot ang noo ko for the nth time while thinking about what Tuff just did. Ikinuyom ko ang mga kamay ko nang naalala ko ang mga sinabi ni Tuff that night.

Ikt's too late. Kung nagdadalawang isip man siya ay huwag na niyang ituloy pa dahil huling-huli na siya. Hindi ko na siya kailangan. Sana kung sa umpisa pa lang ay hindi na niya ako sinabihang kalimutan nalang ang nangyari. Sana kung sa umpisa pa lang ay pinanindigan na niya ako, kami ni Grame—baka matanggap ko pa siya dahil kahit noon pa man ay gusto ko na naman talaga siya. Siya yung ultimate crush ko dati pa—the perfect man for me. At kahit sa ginawa niya ay umaasa pa rin ako na kaming dalawa pa rin ang magpapalaki kay baby Grame. Kaming dalawa... magkasama.

Pero, mas matindi na ang galit ko ngayon. Mas matindi kesa sa pag-asa ko at pagmamahal ko sa kanya. Takot ako sa kanya dahil sa personalidad na meron siya ngayon. May nakatagong taong kayang manakit at mang-iwan.

Now, I've decided. Walang Tuff ang makakapasok sa buhay namin ng anak ko. Papalakihin ko ang anak ko nang mag-isa. We don't need him, I don't need him!

Humawak ako kay Sydney at lumabas na kami sa students' lounge leaving him behind.

—❇️—