ANRIE
Paggising ko ay wala na si Sydney sa tabi ko. Wala na rin sina Judy at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Bumangon na ako at agad na naligo. Buong oras na nasa banyo ako ay wala akong ibang naisip kung 'di ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilang umiyak habang nililinis ko ang sarili ko.
Paano ito nangyari sa akin? Pilit kong ginagawa ang lahat ng alam kong tama pero ito- I mistakenly got drunk that leads me in doing a much worse mistake.
Binilisan ko nalang ang pagligo at saka ako nagbihis at bumaba na. Nasa dining room na sila. Nakahain na ang agahan at kumakain na silang lahat.
"An... hindi ka na namin ginising. Ang himbing kasi ng tulog mo," nakangiti pang sabi ni Judy. Napangiti nalang din ako. Pagtingin ko sa seat up sa table, iyong upuan sa tabi ni Tuff nalang ang bakante. Ayaw ko sanang tumabi sa kanya kaso ayaw ko rin na magtaka sila kung bakit ako umiiwas sa kanya.
I decided not to tell them.
Sinabi sa akin ni Tuff na kalimutan ko na lang ang nangyari kaya susubukan kong kalimutan nalang ang lahat. And not telling them is the first step to forgetting everything.
Naupo nalang ako sa tabi niya kahit na ayaw ko. "Ok ka lang ba?" Nag-angat ako ng tingin nang tinanong yun ni Tyca sa akin. Tiningnan ko silang lahat. Nakatingin din sila sa akin maliban kay Tuff.
"Ha? Uhm...Oo, ok lang ako." Napangiti naman sila.
"Oo nga pala. Anong oras ka ba nakabalik sa kwarto?" Napalunok ako dahil sa tanong ni Judy. Sinilip ko si Tuff pero tiningnan ko agad ang pagkain ko.
"Uhm..." I started but-
"Pasensya na kung naiwan ka namin sa study room. Nagpaalam ako kina Judy na matutulog na. Isasama na sana kita, but Judy insisted na siya na daw ang bahala sayo," pagputol ni Sydney sa sasabihin ko. Sinusubo niya pa ang pancake niya at hindi man lang nag-abalang uminom ng tubig.
"Ah... Oo nga pala. Sorry Anrie. Ito kasing si Jay eh, nagpahatid sa room nila dahil nalasing nang sobra. Bumalik ako para ihatid kayo ni Tyca, pero pagkahatid ko kay Tyca sa kwarto nakatulog na rin ako," Judy said apologetically.
"Si Tuff ba ang naghatid sayo?" Nagulat ako sa tanong ni Tyca. Napatingin ako kay Tuff at siya rin sa akin.
"Uhm..." he tried to answer pero pinigilan ko siya.
"No. Bumalik akong mag-isa sa room," mabilis kong sabi. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya and I look at Tyca.
"Aah..." she said with full of confusion. Nahahalata na ba kami? I really hope not.
Nagpatuloy na kami sa pagkain, pero pansin ko ang pagsilip ni Tuff sa akin. Naiinis ako sa kanya. Galit na galit ako. What will I do, if-if-Aahh! I really don't want to think about it.
Pagkahapon ay umuwi na rin kami. We finished everything we need to do and ready na ang book report namin for submission tomorrow.
"Anrie." Napalingon ako kay kuya when he called me. I smiled to him, pero ayaw ko talagang ngumiti.
"Kumusta?" he asked at nilapitan niya ako. Nakaupo ako sa study table ko at binabasa ko ang Red Queen ni Victoria Aveyard.
"Natapos naman namin," I said at ibinalik ko ang tingin ko sa libro.
"Good. Halika.. samahan mo akong manuod ng movie." Kinuha niya ang libro na hawak ko at inilapag ito sa tabi. "Tama na muna yang libro. Book report na nga ang inatupag niyo kahapon, pati pa rin ngayon?" pabiro niya pang sabi at hinila ako patayo.
"Pero... O sige na nga." Nagpahila na lang ako sa kanya at lumabas na kami ng kwarto. Nagpunta kami sa sala. Inatupag agad ni kuya ang TV at DVD at ako ay naupo naman. I was enjoying myself with the popcorn when I remembered what happened yesterday. Sasabihin ko ba kay kuya? Sasabihin ko ba sa kanila? Natatakot ako. Ano ba ang dapat kong gawin?
"Ito na." Nilapitan ako ni kuya at nagsimula nang magplay ang movie.
•••
One Month After
Lumipas na ang isang buwan pero hindi ko pa rin nasabi kahit kanino ang mga nangyari. Lagi ko ring nakikita si Tuff sa school pero wala namang nagbago sa kanya. Siya pa rin yung matalinong estudyante sa klase namin. Mukhang kinalimutan na nga niya ang mga nangyari nung araw na yun. He's really a complete jerk.
Ako? Kahit na anong gawin ko ay hindi ko talaga kayang alisin ang nangyaring ng araw na yun sa isip ko. Hindi ko naman talaga naaalala ang nangyari ng gabing yun, but the thought na may nangyari sa amin- I really can't forget about it.
Hindi ko rin alam kung may nagbago ba sa akin o wala. I tried to be the same but I really do think that something has changed with me. Hindi ko talaga alam but I can feel it.
Ako pa rin naman yung friendly girl na kaibigan ng lahat. But, hindi na tulad ng dati na lagi mo akong makikitang may kasamang lalake. Simula nun, I tried to distance myself from guys. Natatakot na ako, not entirely with the guy but to what they can do. Ayaw kong mangyari yun ulit. Ayaw ko na.
"An... kain na tayo." Nilingon ko si Sydney nang mag-aya siya.
"O sige." Kinuha ko ang bag ko at sumunod na ako sa kanila. Nagpunta kami sa canteen nina Judy, Sydney, Racky, and Gill. Madalas kami dito dahil masarap ang pagkain nila.
Naupo kami sa vacant table sa likuran nang makaorder na kami. Pagkaupo ay nagsimula na kaming kumain. Susubo na sana ako nang may maamoy akong mabaho. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at agad na nagtakip ng ilong. Aaahh. Ano ba yun? Ang baho!
"An, ok ka lang?" tanong ni Sydney sa akin. Pati sina Racky ay nakatingin na sa akin, they are giving me this weird look.
"Naaamoy niyo ba yun?" Todo takip ako ng bibig at ilong dahil nasusuka na ako sa baho.
"Ang alin?" they asked. And they started to smell para hanapin yung naamoy ko.
"Mabaho..." I complained. Hindi ko ma-take yung amoy. Sumasakit ang sikmura ko dahil sa naamoy ko.
"Ha? Wala naman ah." They tried to smell again pero napailing lang sila.
"Wala naman An," kunot noong sabi ni Gill.
"Ha? W-wala?" Tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig at ilong ko to check it pero meron pa rin eh. Ang baho talaga.
"Para ka namang buntis An. Ang selan mo." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Racky. Buntis? Ako-buntis? Kumabog nang malakas ang dibdib ko.
"Uhm... baka sinisikmura lang ako." Tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bibig at ilong ko at nagsimula na akong kumain. Tiniis ko nalang ang mabahong naaamoy ko kahit na nasusuka na talaga ako. Buntis nga ba talaga ako? No. Hindi pwede!
Pagkabalik namin sa room, kinuha ko agad ang phone ko at tiningnan ang calendar. Isang buwan na akong hindi dinadatnan. Baka...No!
•••
I'm afraid about the thought na buntis nga ako. Ipinagsawalang bahala ko na muna ang tungkol dito at nagpatuloy lang sa nakasanayan kong ginagawa.
Inobserbahan ko ang sarili ko the next following days. The next day ay muntikan na akong ma-late sa school dahil matagal akong nagising, binaliwala ko lang ang alarm clock ko at bumangon lang ng 7 am. Isang oras lang ang ginugol ko para mag-ayos at pumunta sa school kaya pagod na pagod ako nang dumating ako.
"Are you ok An?" tanong sa akin ni Sydney nang makaupo ako. Tumango naman ako kahit na hinihingal pa ako.
"Himalang late ka ngayon. Ano bang ginawa mo kagabi at tinanghali ka na nang gising?" Nagkibit balikat ako.
"Ewan ko ba. Maaga naman akong natulog kagabi, ang sarap lang talaga ng tulog ko." Hindi na rin naman nagtanong si Sydney kaya natahimik kami.
Bigla akong napatakip sa bibig ko nang bigla akong makaramdam ng pagsusuka. Ang sakit pa ng tiyan ko na para bang pinipiga. Agad akong napatayo habang pilit na tinatakpan ng kamay ko ang bibig ko.
"An, what's wrong? Ok ka lang?"
Nang gusto ko na talagang sumuka ay agad na akong lumabas ng classroom. Napahinto pa ako sa may pinto nang magkasalubong ko si Tuff. Naikunot niya ang noo niya nang makita ang itsura ko.
"Are you ok?" tanong niya. Hindi ko na siya pinansin at nagdirediretso na ako papuntang CR.
"An!" Dinig kong tawag sa akin ni Sydney. Hindi ko na siya nilingon. Mabilis akong pumasok sa isang cubicle at nagsimula na akong sumuka sa toilet. Rinig ko pa ang mga yabag at boses ni Sydney na sinundan ako dito.
"An, ano bang nakain mo at nagsusuka ka?" tanong niya at sabay na hinagod ang likod ko. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang na sumuka. I really don't like this feeling. Ang sama-sama ng sikmura ko and I'm starting to get dizzy.
Nang medyo naging ok na ako ay agad akong lumabas ng CR, kasugod ko naman si Sydney na inaalalayan ako.
"Ok ka na?" Nabigla ako nang makita namin si Patrick sa labas ng CR. "Ito o, tubig." Sabi niya sabay abot sa akin ng isang bottled water. Nginitian ko siya.
"Thanks Pat," sabi ko at inabot ito. Bumalik ako sa loob ng CR at nagmomog. Nang matapos ako ay bumalik na kaming tatlo sa classroom namin. Nasa loob na si ma'am Robles nang pumasok kami.
"Ms. Lee masama raw ang pakiramdam mo?" tanong niya kaya tiningnan ko siya.
"Uhm... ok na po ako ma'am."
"Pumunta ka na muna sa clinic at magpahinga, I'll excuse you for the day." Sabi niya kaya medyo naging uncomfortable ako. Hihindi pa sana ako pero naisip kong sumunod nalang sa gusto ni ma'am at magpahinga na muna. Ayaw ko rin namang idisturb pa ang klase namin lalo na't nagsimula na sila.
"Ok po ma'am," sabi ko at kinuha ko na ang mga gamit ko.
"Mr. Ricks, can you escort Ms. Lee to the clinic?" Agad kong naikunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ma'am.
"Hindi na po kailangan, I can handle myself," agad kong pagtanggi.
"Magpasama ka na kay Mr. Ricks, go!" sabi naman ni ma'am. Napabuntong hininga nalang ako. Arguing with Mrs. Robles will surely not help me at nakakahiya na sa mga kaklase ko dahil mukhang naaabala ko na talaga sila.
Naglakad na ako palabas ng classroom at sumunod naman sa akin si Tuff. Habang naglalakad ay patuloy ang hawak ko sa aking tiyan. Ang sama talaga kasi ng sikmura ko ngayon and also I'm not really in a good mood. Inaantok pa ako kaya gusto ko na talagang magpahinga.
"Are you ok?" Dinig kong tanong ni Tuff pero hindi ko siya sinagot. Galit pa rin ako sa kanya sa ginawa niya a month ago. He's a jerk and I don't want to be with him. Kung hindi dahil kay ma'am Robles ay hindi talaga ako magpapasama sa kanya.
Nang dumating kami sa clinic ay agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto. Inirapan ko lang siya at nagdirediretso na sa loob. Nagpalista lang kami sa may table at sinabihan ako ng school nurse na mahiga na muna sa clinic bed habang hinihintay namin si doktora.
Nagdirediretso na ako sa isa sa mga bed at hindi na ako nagpaalam kay Tuff. Nahiga ako agad and I closed my eyes. Magpapahinga lang ako sandali habang hinihintay ko si Doc.
After a couple of minutes ay nagmulat ako ng mata. Naikunot ko ang aking noo nang makita ko si Tuff na naghihintay sa may pinto ng clinic. Hindi pa pala siya umaalis? Naupo ako at tiningnan ko siya.
"You can go now!" sabi ko. Nagtaas naman siya ng kilay.
"Uhm..." he started but I cut him off.
"I'll call Sydney if uuwi na ako so you can go now!" dirediretso kong sabi. Sandali niya akong tiningnan pero tumango din naman siya.
"O-okay!" he said at naglakad na siya sa may pinto. Binuksan niya ang pinto but he looked at me before he walk outside the clinic. Napahinga lang ako nang malalim nang tuluyan na siyang lumabas.
"Ms. Lee!" Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni doktora. Lumapit siya sa akin at agad niya akong nginitian.
"Good morning po doc," bati ko sa kanya.
"So, what's the problem?" tanong niya. I hesitated before I answered. I'm just feeling nervous for a reason that I really don't know.
"Uhm.. nagsuka po ako kanina," simpleng sagot ko.
"Okay. May nakain ka bang hindi maganda or bawal sayo?" tanong niya pa habang nagsusulat siya sa clipboard na dala niya.
"Uhm... I don't think so."
"Ano pa bang nararamdaman mo?" I hesitated again, bigla ko na naman kasing naalala ang sinabi nina Gill sa akin last day. Bigla akong natakot, paano kapag buntis ako? Tiyak na malalaman ito ni doktora.
"Ms. Lee?" tawag pansin niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.
"Uhm...po?"
"I'm asking you if may nararamdaman ka pa bang iba?"
"Uhm..." Napalunok ako before ko sinagot ang tanong niya. "Nahihilo po ako and I'm really sleepy." Naikunot naman ni doktora ang noo niya habang nagsusulat siya.
"Maselan ka ba sa pagkain these past few days?" tanong niya na rason para mapaisip ako.
"Uhm...I guess so," sagot ko habang iniisip yung time na hindi ko nakain ang niluto ni mommy na caldereta dahil hindi ko ito gusto and I really hate the way it smells.
"Lagi ka bang pagod?"
"Opo! Siguro dahil na rin po sa school," sagot ko and I made sure to add an explanation dahil mukhang iba na ang pinatutunguhan ng pagtatanong ni doc. I'm really nervous right now.
"Okay! Just excuse me for a second." Tumango naman ako kaya naglakad na si doc papalapit sa nurse na nilapitan namin kanina ni Tuff. Nagsimula silang mag-usap at pansin ko ang pagsilip nila sa akin. Naupo ako nang maayos at mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko. Kinakabahan na talaga ako. Bumalik si doktora sa akin and she tried to smile genuinely.
"Ms. Lee, base sa mga symptoms na sinabi mo- I think you're fine but-" She stops at tiningnan niya ang maliit na box na hawak niya. Inabot niya ito sa akin.
"Take this test!" sabi niya pa at ibinigay ito sa akin. Tiningnan ko ito at namilog ang mga mata ko nang mabasa ang nakasulat dito. Pregnancy test?
Agad na nanghina ang buong katawan ko dahil ang kinakatakutan ko ay mukhang unti-unting nagkakatotoo.
"Doc!" I called her with fear.
"Ms. Lee, I know this is hard but we need to know if my suspicion is true." Napayuko ako.
Hindi ko madedeny ang fact na baka buntis nga ako dahil I'm sure na may nangyari sa amin ni Tuff nang gabing yun. Pero hindi ko talaga matatanggap kung nagbunga ang pagkakamaling iyon. I don't want to be a mother at this age, I'm too young.
Napalunok ako bago ko inabot ang pregnancy test kit na binigay ni doc. "There's a comfort room in the end. Make sure to read the instructions before doing anything. We'll talk later after natin makita ang resulta." Tumango ako at walang lakas na naglakad papunta sa CR na tinutukoy nila.
Binuksan ko ang box at binasa ang instructions and I made sure na ginawa ko ang lahat nang nakasulat para masigurong the results are correct. I waited for a few minutes bago ko ito tiningnan.
Nahulog ko agad ang pregnancy test stick nang makita ko ang dalawang linya dito. Napaupo ako sa sahig ng banyo and I started to cry.
No! This is not happening!
-❇️-