Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 4 - CHAPTER 4 : The Kiss ^___^

Chapter 4 - CHAPTER 4 : The Kiss ^___^

Parang sinilaban ang pakiramdam ni Aira nang umagang iyon habang papunta siya sa kanyang pwesto. At exactly five o'clock in the morning, she was already inside the market to arrange her "precious isda".

Dati naman siyang maaga maghanda ng kanyang mga paninda, dati naman siyang maganda tuwing umaga dahil nagsesepilyo at naliligo naman siya, dati naman siyang sexy araw araw, kaya nagtataka siya ng lubos nang mga oras na iyon dahil sa mga kakaibang tingin sa kanya ng mga kapwa niya tindero at tindera sa talipapa.

"Ano'ng meron? Tinubuan ba ako bigla ng pakpak? Nagkaron ba ako ng sungay? O bigla kong naging kamukha si Kokey? Bakit ganyan kayo makatingin?" singhal niya sa mga ito.

Ngunit sa halip na sumagot ay tahimik na nagpatuloy ang bawat isa sa kani-kanilang mga ginagawa. "Weird," naisip niya. Nagkibit balikat siya. Dumiretso siya sa kanyang pwesto.

"Good morning Macke at Jhen!" masiglang bati niya sa kanyang mga katabing tindera bago niya inilapag ang dala niyang bag.

Natigilan siya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng mga ito. Everything felt weirder, she thought. Hindi na siya nagsalita, bagkus ay nagsimula na rin siyang mag-ayos ng kanyang mga panindang isda.

"Good morning everyone!" Yu's animated welcome conquered the silence inside the talipapa ever since she came. Bigla kasing nagkabaterya ang mga tao sa paligid niya.

"Good morning sir Yu!" masayang bati ng lahat dito.

Napasimangot siya. "Bakit yang Yu na 'yan, binati ninyo, samantalang ako na anak na ng talipapang ito ay dinedma ninyo?" reklamo niya. To her astonishment, everybody ignored her again. Napakurap siya.

"Poor amazona. Wala ng kakampi," tuya ni Yu. Galit na binalingan niya ang binatang mas lalo pa yatang lumabas ang kagandahang lalaki sa suot na puting lacoste polo shirt at faded maong jeans. Para itong hinugot mula sa loob ng cosmo magazine. Nakakainis!

"Ano'ng ibig mong sabihin?" she demanded. Pilit niyang ipinaibabaw ang inis sa binata upang matabunan ang sumisibol niyang pagnanasa.

Dammit! Isa siyang kaaway Ai, kaaway na gagawin ang lahat mahadlangan lang ang nais mong kayaman! Kaaway na sobrang hot at ang sarap papakin kahit napakasama ng ugali! Waah! Lord help her.

"Tinalikuran ka na ng lahat, Aira. Lahat sila, kakampi ko na," nakangising sagot ni Yu. Iminuwestra pa nito ang dalawang kamay na tila tumatanggap ng biyaya mula sa langit.

Napalingon siya kina Macke at Jhen. Kasingbilis ng pintig ng puso niya ang ginawang pagyuko ng dalawa. "So, nabayaran mo na lahat ng taga-talipapa?" she said in a sugar coated tone—trying to cover up her bitterness.

Paano siya nagawang ipagkanlulo ng sariling mga kakosa? Kahit naman hindi sila super friends ng mga kasamahan, inakala pa rin niyang matatakbuhan niya ang mga ito sa oras ng kanyang pangangailangan.

"Iiyak ka na ba, amazona?" nakakaloko pang yumukod si Yu upang maging magkapantay ang mga tingin nila.

Sa lapit ng mukha nito sa kanya, kulang na lang ay magdikit ang mga ilong nila. Parang may kung anong bumundol sa dibdib niya dahil sa ginawa nitong iyon. Napalunok siya at muling napakurap.

What's happening to her? Naging eratiko ang pintig ng puso niya. Hindi niya makakayang tanggapin na ganon kalakas ang epekto ng kolokoy na ito sa sistema niya.

Lalong hindi siya papaya na hahamakin na lang siya nito ng ganon na lang! Biglang dumukot ng asin ang kanyang kamay at galit na isinaboy iyon sa gulat na gulat na binata.

"Lumayo ka sa katawang lupa ng sakang na ito, masamang espiritu! Nakikiusap ako, lumayas ka sa katawan niya!" muli pa siyang nagsaboy ng asin.

"Dammit! What are you doing?" sigaw nito habang pinapagpag ang asin na bumalot sa katawan nito. "Are you out of your mind?"

Napamewang siya at tinignan ito ng napakasama. "Alam kong gagawin mo ang lahat para lang makaganti sa akin. Too bad, mas matalino ako sa'yo. Kaya kung ano man ang binabalak mong gawin sa akin ay huwag mo ng ituloy dahil—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang nalunod ang diwa niya dahil sa malamig at mabahong tubig na ibinuhos sa katawan niya. Nae-estatwang napatitig siya sa noo'y tatawa tawa nang si Yu. What the hell?

"Strike two! Two more to go, quits na tayo."

"Talagang gusto mo ng away ha?" tinapunan niya ito ng isang nakakalasong tingin. Pagkunwa'y napalingon siya sa nangbuhos sa kanya ng tubig—as expected, sina Jocarl at Alvin na naman. Makukutusan niya talaga ang mga ito mamaya!

"I can stop," bigla nitong sabi na nagpalingon sa kanya rito. She raised her brow as she waited for him to continue. "Iyon eh, kung luluhod ka sa harap ko at hihingi ng tawad sa ginawa mo sa akin."

"In…." ngumiti siya ng pagkatamis tamis. "…your…." Napahawak siya sa kanyang tiled table na kinalalagyan ng kanyang mga isda. "...dreams!" sigaw niya.

Mabilis siyang nakadampot ng isang napakalaking bangus at ibinato iyon kay Yu. Sapul ito sa mukha! Hindi pa siya nakuntento at kumuha pa uli siya ng isda at galit na pinagbabato ang hindi makailag ilag na binata.

"Hey! Stop it! Darn it! I said stop! Aw, masakit iyon ah! Aray!" sigaw nito habang umiilag sa mga ipinagbabato niya rito ng mga isda.

"Akala mo magpapatalo ako sa'yo? Nungka!" hinihingal na tumigil siya sa pagbato ng mga isda. Mayamaya'y dumako ang tingin niya sa kanyang malaking kutsilyo.

"H-hey… hindi mo gagawin yan," anito nang mapansin ang balak niya. Ngumisi siya. He held up his hands and shook his head. "M-murder is a crime," may pagdiriing wika nito.

"Sa estado ko ngayon, kahit pa ma-lethal injection ako ay makakaya kong tanggapin, mapatay lang kitang hayop ka!" tili niya. Mabilis niyang dinampot ang matalas niyang kutsilyo at tsaka iniamba iyon sa takot na takot na binata.

"Hindi na magandang biro yan!" sigaw nito sabay takbo palayo sa kanya.

"Biro mo mukha mo! Papatayin talaga kita hinayupak ka!" ganting sigaw niya habang pilit na lumalabas sa kanyang pwesto. Hinabol niya talaga ang tumatakas na binata. "Bumalik ka ditong hayop ka!" tili niya habang iwinawagayway ang hawak na kutsilyo.

"In your deams, amazona! Bukas, babalik ako!"

"Huwag ng ipagpabukas ang pwede namang gawin ngayon! Bumalik ka dito ungas ka at nang maputol ko na yang "kaligayahan" mo!"

Nang sabihin niya iyon ay bigla itong napatigil sa pagtakbo. Napatigil din tuloy siya. Lumingon ito sa gawi niya at tsaka napaismid. "Para ano? Pagpantasyahan mo? Huwag na oy! Mas masisiyahan ka rito kapag kasama ang katawan ko," ngisi nito.

Napaawang ang mga labi niya sa kabastusan nito. Bigla ring namula ang buong mukha niya. She gritted her teeth and snarled at him. "Manyak ka! Mas gugustuhin ko pang magparape sa taong grasa kesa mahawakan mo!"

"Babawiin mo iyan bukas," kumpiyansang wika nito na tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. "Babawiin mo iyan bukas sa oras na natikman mo ang halik ko."

Natigilan siya. Halik? Bukas? Napalunok siya. Anak ng teteng! Ano'ng klaseng pagbabanta iyon? Bakit imbes na matakot ay iba ang nararamdaman niya?

"Natulala ka. Takot ka ano?" nakakalokong tawa nito. "Kaya humanda ka! Gagamitin ko na ang special powers ko."

Muling nagsalubong ang mga kilay niya. Nang igalaw niya ang kanyang kamay na may hawak sa matalim na kutsilyo ay bigla ulit itong kumaripas ng takbo.

"Mukha mo! Bumalik ka dito!" at nang matikman ko na yang sinasabi mong nakakabaliw na halik! Syempre pa, hindi na niya isinigaw iyon. Ketek! Magigilitan niya ang sariling leeg dahil sa kilig na nararamdaman niya sa banta ng Yu na iyon.

"Bumalik ka rito! Duwag! Baklang sakang!" habol niya rito.

~ ~ ~

"Bili na kayo mga suki! Dito na kayo, mura at sariwa, maganda pa ang tinderang amazona!" sigaw ni Aira habang ang kamay ay abalang humahakot ng mga mamimili.

Araw ng Linggo noon. Market Day ulit kaya kailangan niyang mag-doble kayod para marami siyang kita. Mabuti na lang at kahit na kibuin dili siya ng mga kasama niyang tindera, biglang sikat naman siya sa mga mamimili dahil sa eksena nila ni Yu noong nakaraang araw.

"Mareng Chris! Dito ka na! May discount sa pwesto ko ang mga kagaya mong maganda," tawag niya sa kanyang paboritong suki.

"Bolera!" natatawang lumapit ito sa kanya.

"Hoy loka, hindi bola iyon," aniya habang naghahanda ng supot para sa mapipili nitong mga isda. For the first time para sa araw na iyon ay napangiti siya.

"Mukhang may eksena na naman ngayon," sabi ni Chris.

Sinundan niya ng tingin ang inginuso nito—si Yu, with his black t-shirt on that emphasized his model-perfect physique—naglalakad palapit sa kanya. Napasimangot siya.

"May paparating na delubyo," ismid niya.

"Hello, Aira," bati ni Yu nang makalapit ito sa pwesto niya.

"Hello your face!" pagtataray niya.

"Napakasungit naman ng amazona, mukhang may pulang tuldok yata."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Lumayas ka nga sa harap ko, tsupi! Shoo!" taboy niya. Muli niyang hinawakan ang malaking kutsilyo niya.

"Dahil sa kutsilyong iyan, may naalala ako," biglang ngisi ni Yu.

"Alam ko kung ano, iyong karuwagan mo. Baklang bakla lang eh!" ismid niya.

"Lumabas ka riyan at ipapaalala ko sa'yo kung ano iyon," hamon nito.

Natigilan siya. Ano ba'ng sinasabi nito? She stared at him wide eyed. When his left eyebrow arched, pakiramdam niya ay biglang nag-rewind ang nangyari sa kanila kahapon.

"Babawiin ang sinabi mong iyan bukas sa oras na natikman mo ang halik ko."

"A-as if papayag akong gawin mo sa akin iyon," nagmamatapang niyang sagot.

Kahit na ang totoo ay laksa laksang kaba ang dumaluhong sa puso niya. Kung sa takot iyon o dahil sa excitement ay hindi niya na alam.

Basta ang alam niya, parang naturukan ng anaesthesia ang utak niya dahil namanhid iyon at ayaw ng gumana.

"I'm not asking for your permission," he grinned.

"Hindi ka makakalapit sa akin dahil sa oras na binalak mong gawin iyon, tiyak kong tumitilamsik na ang dugo dito sa talipapa dahil natagpas ko na iyang ulo mo—sa taas at sa baba," banta niya.

"Try me."

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang umisod ito at akmang lalapit nga sa kanya. Nakita niya ang ngiti ng tagumpay sa mga labi nito nang mapansin nito ang takot sa mukha niya.

Natigilan siya. So, natutuwa itong nakikita siyang natatakot? Iyon ba ang balak nito?Ang ipamukha sa kanyang siya ang duwag at hindi ito?

"Hindi ako papayag!" sigaw niya. Siya na mismo ang lumabas mula sa kanyang pwesto at hinarap ang nakangising binata. "Akala mo natatakot ako sa'yo? Asa ka pa!"

"Bakit, hindi ba? Takot ka naman talaga sa halik ko ah?"

"Wala akong kinatatakutan. Halik lang pala eh." Ngumuso siya at inilapit pa iyon kay Yu. She saw how shocked he was. Bahagya pa itong napaatras dahil sa ginawa niya. "Sino ngayon ang takot?" ngisi niya.

He narrowed his eyes. "Malamang ikaw dahil hindi maaaring ako iyon."

Inilapit din nito ang mukha sa kanya. Tinibayan niya ang kanyang loob. Hindi siya umatras kahit pa gustong gusto na niya itong itulak palayo kasi hindi na siya halos makahinga dahil sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya.

"Kung ayaw mong magpatalo, mas lalong ayoko!"

Umangat ang kamay nito at hinawakan siya sa batok. Iniamba nito ang mukha niya paharap rito. With just one inch and one single move, their lips would surely meet.

Napalunok siya. Hindi siya magpapatalo! Mayabang niyang iniangat ang mukha paharap rito. Kitang kita niya ang inis sa gwapong mukha nito dahil sa katapangang ipinapakita niya.

She could feel the intense commotion their audience has started around them. Mukhang hindi lang siya ang nagpipigil ng hininga sa mga oras na iyon! Tinignan niya ito at binigyan ng "ano-pang-ginagawa-mo" look. His eyes showered her with so much aggravation.

"Ikaw pala itong duwag eh! Kita mo na? ako naman talaga ang—" hindi na niya natapos ang pang-iinis dito dahil sa biglaang pagbaba ng mga labi ni Yu sa mga labi niya.

Kulang nalang ay tumilapon ang kanyang mga mata palabas ng talipapa sa sobrang gulat dahil sa kapangahasan nito. Hinalikan siya ng damuho! Hinalikan siya nito na para bang inaasar ng mga labi nito ang mga labi niyang inis na inis pa rin dito.

But she has to admit that his sweet lips felt like cotton, and it tasted like a cotton candy. Nahigit niya ang hininga nang biglang gumalaw ang mga labi nito—marahan, nanunudyo, tumitikim, nang-aasar. Sa ekspertong paggalaw, nagawa nitong pasunurin ang kanyang inosenteng mga labi. Wah!

Nagpapakawag kawag, nagmamarakulyo at nag-aamok na ang utak niya nang mga sandaling iyon. For pity's sake, he was kissing her passionately, and in front of the maddening crowd!

Halos mabingi ang tenga niya sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao sa paligid nila. Ang "halina kayo mga suki" na dating isinisigaw sa Maliboot Market ay biglang napalitan ng "Go Yu! Astig mo pare! Idol! Kiss! Kiss! Kiss!"

Sinubukan niyang sumigaw subalit nang sandaling ibinuka niya ang kanyang bibig ay sinamantala lamang iyon ni Yu para lalo siyang siilin ng halik. He zealously conquered her mouth. His kiss became more demanding, more passionate and wilder.

Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng lakas at anumang sandali ay mabubuway na siya sa pagkakatayo, kaya kusang umakyat patungo sa batok ni Yu ang mga kamay niya upang kumapit roon.

Sa ginawa niya ay mas lalong nagsigawan ang mga tao. Doon siya natauhan. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha, ang pag-usok ng kanyang katawan dahil sa init na ibinibigay ng katawan at mga labi ni Yu sa kanya.

"Ah! Ketek! Halimaw na ito! Natatangay ang malandi kong kaluluwa. Oh good Lord, tulungan mo po ako. Ayokong bumigay sa isang ito," piping dasal niya.

Pareho silang hinihingal ni Yu nang tuluyan na siyang pakawalan ng binata. Yu's face illuminated triumph. Para itong nanalo ng lotto sa hitsura nito. Napakagat labi siya. Pinigilan niya ang sariling tignan ang nagtatawanang "audience" nila pero hindi rin siya nakapagpigil.

She should have not faced them. Ang nakakaasar na tawa ng mga ito ay mas lalong nagpasama sa pakiramdam niya. Wasak na wasak na ang kanyang pride dahil hindi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili kanina noong hinalikan siya ni Yu.

Dahil tinugon niya ang parusa nito sa kanya ay para na rin siyang umaming talo siya. Wala na siyang mukhang maihaharap rito dahil tama ang sinabi nito, sa halik pa lang nito ay talo na siya. Talong talo. Gusto niyang tadyakan ang kanyang sarili.

Gusto niyang maghamon ng away, gusto niyang batuhin ng granada ang mga siraulong tumatawa sa kamiserablehan niya ng mga sandaling iyon. But of course, she couldn't. She threw Yu a very hateful look.

Hinding hindi niya ito mapapatawad dahil sa dalawang kadahilanan. Unang una, dahil ipinahiya siya nito sa harap ng mga tao—nagawa nitong paaminin siyang hindi niya kayang labanan ang halik nito.

At pangalawa ay dahil ito ang first kiss niya! Sinira nito ang pantasya niya tungkol sa inaasam at inaabangan niyang first kiss!

Mabilis niyang pinunasan ang luhang namalibis mula sa kanyang mga mata. Ayaw niyang kaawaan siya ng ibang tao, lalong ayaw niyang magmukhang napakahina sa harap ni Yu.

Tama na iyong kahihiyan niya. Naging mailap ang kanyang mga mata at napayuko na siya. Kung maaari lang sana ay hihilingin na niyang bumuka ang lupa at lamunin siya.

"A-aira…" gulat na sambit ni Yu nang mapansin ang luha niya.

Sa halip na sumagot ay mas pinili niyang tumalikod at tumakbo palabas ng talipapa.