Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 7 - CHAPTER 7 : The Sweet Kidnap

Chapter 7 - CHAPTER 7 : The Sweet Kidnap

PAKIRAMDAM ni Aira ay nakasakay siya sa isang ferris wheel nang mga sandaling iyon. Nahihilo na siya kina Yu at Bennie na kanina pa parang pusang hindi mapaanak sa harap niya. Both were trying to outwit each other. Both were trying to catch her attention.

"Ai, tikman mo itong niluto kong nilagang baboy, masarap ito. Hindi ba't paborito mo ito noong mga bata pa tayo?" nakangiting anyaya ni Bennie sa kanya.

"Di ba busog ka na? Kasi naubos mo iyong niluto kong porridge kanina. Here, take this. Mag-orange juice ka nalang," biglang singit ni Yu.

"Teka teka, nahihilo na ako sa inyo aba!" sigaw niya.

Kung sa ibang pagkakataon siguro iyon ay tiyak na magkakaroon siya ng hydrocephalus, puputok ang self-confidence bag niya at magiging modern day rapunzel siya dahil pinag-aagawan siya ng dalawang gwapo at kagalang galang na lalake.

Pero takte naman, nakakairita na ang kalokohan ng dalawa. May sakit kaya siya!

"Nahihilo ka? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" natatarantang tanong ni Bennie. Mabilis siya nitong hinawakan sa braso at inalalayan.

"She's fine. Maybe she just needs rest."

Inalis ni Yu ang kamay ni Bennie sa braso niya. He gave Bennie a very sharp look. Uh-oh. Gumagrabe. Malapit na talagang pumutok ang ulo niya.

"Alam ninyo, kayong dalawa eh mabuti pang umalis na muna at iwan ako. Hindi naman sa nagagalit ako ano, pero kasi tama si Yu, kailangan ko ng magpahinga. I'd rather be alone now. So please, you can leave now," nanghihinang wika niya. Nagkatingan ang dalawa.

Matagal siyang tinitigan ni Yu. Mayamaya'y napabuntong hininga ito. "Fine. I'll leave. Just promise me, hindi ka gagawa ng kahit na anong makakasama sa'yo," bilin nito.

"Ai, hindi kita iiwan," determinadong sabi ni Bennie. She rolled her eyes. Hindi na nagbago si Bennie. Lagi na lang nitong ipinipilit ang gusto.

"Thanks for understanding Yu," inignora niya si Bennie. Nakangiting bumaling sa kanya ang binata. Hindi niya akalaing magagawa siyang intindihin ni Yu sa isang simpleng nagmamakaawang tingin lang.

"F-fine! Aalis na rin ako!" deklara ni Bennie na halatang ayaw talagang magpatalo.

"Please be safe," bulong ni Yu na ginawaran siya ng isang mainit na halik sa labi. Pareho silang nabigla ni Bennie sa ginawa nito. "Goodluck kiss lang," nakangising paliwanag nito.

"S-sira!" natatawang sagot niya. Ah, grabe! Bakit ba kinikilig na naman siya?

"Makaalis na nga!" masungit na sabi ni Bennie bago sila iniwan. Mabibigat ang mga paang nagmartsa ito palabas ng apartment niya.

"Ikaw kasi," natatawang paninisi niya kay Yu.

"Mabuti nga iyon e, masosolo na kita."

"Loko!" namumula ang mukhang nag-iwas siya ng tingin.

"Joke lang."

"It's not funny," kunwa'y ingos niya.

"Fine, mukhang nahihiya ka pang aminin na crush mo ako, kaya iiwan na muna kita." Tumayo ito at mabining umalis sa tabi niya.

"Yabang!" natatawang iling niya.

"See you soon, sweetie. Magpagaling ka."

"T-thank you."

"Hindi ako tumatanggap ng thank you."

"Wala akong pera, mahirap lang ako."

"Edi ito na lang ang bayad mo."

Ilang sandali pa at nakalapit na ito agad sa kanya at muli siyang ginawaran ng halik sa mga labi. Kagaya ng dati ay muli niyang naramdaman ang pagwawala ng kanyang puso.

Parang tangang tinitigan na lamang niya ang likuran ng papaalis na si Yu. Kung panaginip ang nangyaring iyon, sana hindi na siya magising pa.

Ala-sisa, napangiti siya ng mag-isa.

"PARA SA nag-iisang amazona ng talipapa!" nakangising inabutan siya ni Yu ng isang bungkos ng rosas. "At para kumpletos rekados, dagdagan natin nito." Inabot nito ang dalang chocolate. "Ahem, at para mas kumpleto na talaga, dapat may—"

Natatawang iniharang niya ang palad sa nguso nitong nakaamba ng halik sa kanya. "Nawiwili ka na Mr. Sakang. Hindi libre ang halik ko," kunwari'y mahinang itinulak niya ito palayo.

"Baka lang kasi makalusot." Napakamot ito sa ulo.

"Asa!" irap niya rito.

"Sakit naman 'nun," eksaheradong napahawak ito sa nasaktang dibdib.

"Wag mo nga akong dramahan!" natatawang taboy niya sa binata.

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong atakehin siya ng grupo nina Yesha. Maayos na ang kalagayan niya. Isang linggo na rin siyang sinusuyo ni Yu.

Sa tuwing naiisip niyang sinusuyo siya ng binata ay kinikilig siya. Kung dati ay kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ito, ngayon ay kinikilig na siya.

Suddenly, their relationship has gotten better. Wala ng away. Hindi na aso't pusa, wala na ring gantihan. How good her life can be?

"Ahem." Napatikhim sina Macke at Jhen na nasa tabi niya lang. Naroon kasi siya sa talipapa, as usual, upang magtinda ng mga isda.

"Akala ko mga instik lang ang nanliligaw sa tanghali, pati pala mga hapon?" tudyo ni Jhen na nanunuksong nakatingin kay Yu.

"Korek! At kinikilig ako ah? Para kasi akong nanunuod ng telenobela."

Naghagikhikan ang dalawang katabi niya dahil sa tinuran ni Macke. Namumula ang mukhang napatingin siya sa nakangisi paring si Yu.

"Don't mind them. They're just happy for you. For us," he winked. "Kumain ka na ba?" masuyong tanong nito kapagkuwan.

"Hindi pa!" mabilis na sigaw ng bagong dating na si Nikka, ang opisyal taga-hatid ng ulam nila tuwing tanghali doon sa talipapa. "Hindi pa 'yan bumibili sa 'kin eh."

"Really? Great! Tara, kumain tayo sa labas. Samahan mo ako." Mabilis na hinawakan ni Yu ang mga kamay niya.

"H-ha?" Napalunok siya nang mapadako ang tingin niya sa mga kamay nilang magkahugpong. Heat crept into her face until it reddened.

"Come on! Kapag hindi mo ako sinamahan, hindi ako kakain. Magugutom ako, tapos mamatay ako, tapos mumultuhin kita, tapos—l"

"Oo na! Oo na!" natatawang sansala niya. She never got tired of his pushy attitude. Bakit ba kailangan pa niyang mahulog sa kakulitan nito?

"Nice! Let's go?"

"P-pero, paano itong mga paninda ko?"

"Don't worry about that, binayaran ko ang isang araw ni Gina," tukoy nito sa isa sa mga tindera rin sa talipapa. "Siya muna ang magtitinda sa mga isda mo."

"H-ha??" mas lalo siyang naguluhan sa itinatakbo ng mga sinasabi nito. "OA ka naman, magla-lunch lang naman tayo ah? Para namang hindi ako babalik agad rito."

"We'll go on a date. At siyempre, dahil first date natin ito, dadalhin kita sa isang napaka-espesyal na lugar," nakangising sagot nito.

"M-meaning?" pigil ang hiningang untag niya.

"Hindi ko gustong mabitin ang date natin. Kaya you'll be on a leave—halfday leave—para sa date nating ito. That's an order!"

"Order ka diyan! Ayoko!" iling niya.

"Bubuhatin kita at ilalagak sa kotse ko kapag hindi ka pumayag. I don't take no for an answer."

"Teka teka. Wala sa usapan nating ang ganito."

Napaatras siya nang bigla itong naglakad palapit sa kanya. Okay, sweet na kung sweet ang binabalak nito. Pero wala sa bokabularyo niya ang salitang "pilit".

Pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinangungunahan siya, at pinipilit sa bagay na nauna na niyang sinabi na ayaw niya.

"I told you, bubuhatin kita," ulit nito.

��I won't allow that to—"

Napasigaw siya nang bigla siyang hinawakan ni Yu sa baywang at binuhat na parang isang sako ng bigas. Isinukbit siya nito sa balikat nito!

"Walanghiya ka!! Ibaba mo ako!!!" nagpakawag kawag siya at mas lalong napasigaw.

"I warned you. Ikaw kasi, napakatigas ng ulo mo," tatawa tawang sabi nito bago naglakad palabas ng talipapa.

Habang siya ay wala nang nagawa kundi ang magtakip ng mukha dahil pinagtitinginan sila ng madaming tao!

"NAKAKAINIS KA! Why did you that? Nakakahiya sa mga nakakita."

Nakahalukipkip na tinalikuran ni Aira ang nagmamanehong si Yu at humarap sa bintana ng sasakyan. Pinagsawa niya ang mga mata sa pagtingin tingin sa mga nadaraanan nila. Naiinis talaga siya dahil nagawa siyang kontrolin ni Yu.

"Ayaw mo nun, sikat ka na?" nakangising sagot ni Yu.

"Sikat mo mukha mo! Sikat sa kahihiyan! Ano ako, isang sako ng bigas para buhatin mo ng ganon?" ingos niya.

"Relax, ang ginawa kong pagbuhat sa'yo ay patunay ng pagmamahal ko sa 'yo."

"W-what?"

"Diba, mahal na ang bigas?"

"Aaaaaaaaah! Nakakadiri ang kakornihan mo!" napapadyak siya ng 'di oras sa loob ng kotse nito. Sinagot lang ni Yu ang pagmamaktol niya ng isang mataginting na tawa.

"Come on. Let's just enjoy this date, please?"

"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa pagdadalhan mo sa akin dahil kapag hindi ako natuwa, mata mo lang ang walang latay."

"You'll like it, promise," he winked.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Grabe, ang tindi naman yata ng tama niya sa kindat nito? She could feel her heart's rapid beating inside her chest.

"You know what, you really look pretty when you blush like that."

"Tigilan mo nga ako!" muli niya itong tinalikuran nang muli itong tumawa sa pagmamaktol niya. "Bakit ba bigla kang bumait sa akin? Nakakapanibago ka at nakakapagduda." Naisip niya ang naging iringan at sitwasyon nila noong una silang magkita.

"I dunno. Ako mismo ay hindi maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin."

Napalingon siya rito. His serious tone made her feel shiver. "Banat na naman iyan. Pinaglololoko mo ata ako eh. Bigla bigla, para kang umaastang…"

"Nanliligaw?" pagpapatuloy nito sa sasabihin niya. Napipilan siya. "Alam mo bang hindi ako marunong manligaw?" nakangiting tanong nito.

"So, nagyayabang ka na sa lagay na iyan, ganon ba?"

"Silly!" natatawang napalingon ito sa kanya. "What I was trying to say is, ngayon ko lang naranasan ang manligaw. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas sanay akong ako ang nililigawan."

"Ah, talagang hindi ka nagyayabang ng lagay na iyan? So, dapat ba akong kiligin sa sinasabi mo?" pilit niyang itinago ang ngiting nagpupumilit sumilay sa mga labi niya.

"Aysus, kinikilig ka na eh. Ayan o, ngumingiti ka na," ngisi nito.

"Tigil! Tumingin ka sa daan! Baka mabangga tayo," nahihiyang irap niya.

"Oh, you're blushing again. Are you trying to seduce me?" dahan dahang itinigil nito ang kotse.

"T-teka. T-talking about seducing. Now where did that come from?" natatarantang tanong niya. "Bat ka ganyan makatingin?!!!"

Napataas na ang dalawang kamay niya na tila naghahanda para mangharang. Tinignan siya ni Yu ng kakaiba—hindi naman malagkit, hindi rin bastusin—pero talagang kakaiba. Kaya naman biglang bumilis ang tahip ng dibdib niya.

"Hmmm…" dahan dahang lumapit sa kanya ang mukha ng binata.

"Kamote! Mumultuhin ka ng nanay Ailyn ko kapag itinuloy mo ang binabalak mo." Napasiksik siya sa kinauupuan dahil sa hindi niya maipaliwanag na takot at excitement.

"Hmmmm…" ipinagpatuloy ng binata ang paglapit. Napalunok na siya. This is it! Ito na ba ang pagbagsak ng kanyang bataan? Ito na ba?????

"Oh my gulay! Walanghiya ka! Pagkatapos mong gawin ito, ipapaputol ko talaga yang ano mo!" Bigla siyang napayakap sa sarili. "Lalapit pa eh!" Napapikit na siya nang tuluyang inilapit ng binata ang mukha sa kanya.

She could feel his fresh breath fanning her face. Kulang ang salitang nagwawala para ilarawan ang tibok ng kanyang puso.

Pakiramdam niya ay hinahabol siya ng sampung demonyo para biglang mawalan ng hangin at mahirapang huminga. Napalunok siya.

Ah! Nais niyang tadyakan ang sarili. Bakit ba parang inaantay pa niya ang halik nito? Bakit ba siya nasasabik na muling matikman ang mga labi nito?

Bakiiiiiiit? At bakit parang ang tagal tagal niyang gawin ang "binabalak" niya sa akin? Ketek! Ang tagal ha! Nangangawit na ang nguso ko! Dagli siyang napamulagat nang marinig ang bulong ni Yu sa tenga niya.

"Relax sweetie, hindi sa ganitong klase ng lugar dapat ginagawa ang bagay na iyon. We can do it some other time and place if you want to," bulong nito.

Pagkatapos ay nakarinig siya ng isang mahinang "click". Napatingin siya sa kamay ni Yu na nakahawak na pala sa hugpungan ng suot niyang seatbelt.

Tinanggal lang nito iyon sa pagkakalock???!!! Napatitig siya sa ngi-ngiti ngiting mukha ni Yu. Ketek! Naisahan siya roon ah!

Tuluyan ng naging tawa ang pinipigil na ngiti ni Yu dahil sa naging reaksyon niya.

"Walanghiya ka!" inis na itinulak niya ito. "Bwisit ka! Nakakainis!" pinagbabayo niya ito sa dibdib at braso.

"Hinintay mo talaga iyong halik ko?" natatawa paring sabi nito.

"Sige! Asarin mo pa ako!"

"Ito naman, sorry na. Nandito na kasi tayo. Ikaw kasi, kung ano ano ang iniisip mo. Your imagination ran wild again," he teased.

"Mang-asar ka pa!!!" she snarled.

"Sorry na." Bigla siyang niyakap ni Yu.

Natigilan siya. Muling bumalik sa pagwawala ang kanyang puso."B-bitiwan mo ako."

"Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako."

"A-ang sabi ko. B-bitiwan mo ako!"

"Basta! Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako."

"F-fine!" nahihiyang anas niya.

"Say it!"

"Kung nakakamatay lang ang ka-artehan, malamang matagal ka ng pinagpi-pyestahan ng mga uod sa ilalim ng lupa," nanggagalaiting angil niya.

"I said say it!" mas lalong humigpit ang pagyakap nito.

"I can't breathe!" she pushed him away.

"Say it! Or I'll kiss you."

"Oo na! Pinapatawad na kita!"

"Takot ka talaga sa kiss ko ano?" lalong lumakas ang tawa nito.

Kapagkunwa'y binitiwan siya nito at sabay na umibis sa kotse. Umikot ito at pinagbuksan din siya ng pinto.

Imbes na ipagpatuloy ang pag-gagalit galitan ay tila naumid ang dila niya dahil sa nakita. Tumambad sa kanya ang isang napakalawak na lupa na may napakaraming tanim na puno. May mga burol sa paligid at talaga namang napakaganda ng tanawin.

"Welcome to my humble home."

Nagtatakang napatingin siya kay Yu.