Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 11 - EPILOGUE

Chapter 11 - EPILOGUE

NANGGAGALAITING ibinagsak ni Aira ang kutsilyo sa mesa. Padarag niyang winisik-wiskan ng tubig ang kanyang mga panindang isda. Nanunulis ang kanyang nguso habang bubulong-bulong.

"Porke one year na kami, hindi na niya ako maalalang tawagan man lang? Siguro nagsasawa na sa akin ang sakang na iyon! Siguro may babae na siya sa Japan! Siguro, naisip rin niyang mas gusto niya ng mga mukhang tilapia at amoy sushi kesa sa akin! Siguro, nagsasawa na siya sa mga pang-aaway ko!" mas lalo siyang nanggigil sa galit dahil sa naisip.

"Hoy Ai, ano'ng meron at parang gusto mong i-double dead iyang mga paninda mong isda?" nagtatakang usisa ni Jhen na katabi lang niya.

"Huwag mo akong intindihin. Iyang mga isda mo ang intindihin mo!" sigaw niya rito.

"Ang sungit ng lola mo! Basag ka Jhen!" kantiyaw ni Macke na tatawa-tawa.

"Isa ka pa! Ikaw ang ido-double dead ko kapag hindi ka rin tumigil diyan!" baling niya rito. Nagkatawanan ang mga kasamahan niya.

"Alam ko na kung bakit parang nanakawan ng isang milyon ang drama ng lola mo," sabi ni Jhen. "Siguro, hindi ka pa binabati ni Sir Yu ano?"

"Tigilan mo ako ah!" namumulang ingos niya.

"Sus, tigilan daw oh, wala! Baka nakalimutan ka na ni Sir Yu. Mantakin mo naman, sa dami ng pwedeng makalimutan, itong first anniversary ninyo pa?!" kantiyaw ni Macke.

"Tigilan ninyo sabi ako," nanunulis ang ngusong saway niya sa mga ito.

"Paano kung isang araw, dumating si Sir Yu na may kasamang isang napakagandang haponesa?" pagpapatuloy ni Jhen.

"Hindi ninyo ba talaga ako titigilan!?!" inis na inambahan niya ng suntok ang mga ito.

Natatawang nagtaas ng kamay ang dalawa. Padabog niyang inalis ang suot na apron.

"Bantayan niyo itong mga paninda ko! Mangangalap lang ako ng hangin! Muntik akong maubusan dahil sa mga pambwi-bwiset ninyo!"

Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo mula sa kanyang pwesto ay napatigil na siya sa paglalakad. Paanong hindi siya mapapatigil, eh nakakita siya ng isang tangkay ng pulang rosas sa daan.

Napalinga siya sa paligid. Akmang pupulutin niya iyon ng mapansin niyang mayroon pang isang tangkay ng pulang rosas di kalayuan sa kinaroroonan ng pupulutin niya.

Nagtatakang pinulot niya iyong dalawa. Sa paglalakad niya, napag-alaman niyang may iba pang rosas ang nagkalat sa daan.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kinutuban siya. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang basta bastang maniwala sa kanyang sapantaha.

Kailangan niyang makasiguro. Kinakabahang ipinagpatuloy niya ang paglalakad at pagpulot sa mga rosas na nakakalat sa daan.

Ano kaya ang nasa dulo niyon?

Hindi naglaon ay narating niya ang dulong kanina pa niya gustong makita. Nakarating siya sa gitna ng malawak nilang talipapa. Napaluha siya nang makita kung ano ang nakalagay roon.

Sa isang napakalaking tarpaulin ay nakalagay ang mga katagang: HAPPY ANNIVERSAY AIRA! YOU ARE THE MOST BEAUTIFUL THING THAT EVER HAPPENED TO ME. I LOVE YOU SO MUCH, ANATA.

Ramdam niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa batok ng makarinig ng isang pamilyar na musika. Kulang na lang ay magtatatalon sa loob ng dibdib niya ang puso niya nang biglang lumabas mula sa kung saan ang lalaking higit isang buwan din niyang hindi nakikita. Without his eyes leaving hers, he suavely walked towards her.

"Adik sa'yo.Awit sa akin.

nilang sawa na sa ting mga kwentong marathontungkol sayo at sa ligayang iyong hatidsa aking buhay tuloy ang hanap ng isipan ko'y ikaw Halos malulon niya ang sariling dila nang biglang lumuhod sa harap niya si Yu at iniabot sa kanya ang isang bouquet ng red roses. Napasinghap siya nang biglang umulan ng confetti sa paligid. Walang masabing umupo siya at niyakap ang nakaluhod na si Yu.sa umaga sa gabi sa bawat minutong lumilipashinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kitasa isip at panaginip bawat pagpihit ng tadhanahinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita"

"Walanghiya ka! Kaya pala hindi ka tumatawag!" umiiyak pa ring aniya.

"Easy, anata," natatawang iling nito. "Makakalimutan ko ba naman ang napakaimportanteng araw na ito?"

"Huwag mo akong ma-anata anata! Don't Japan Japan me! I will English English you!" natawa na rin siya.

Whenever she heard him calling her "anata", lahat ng sama ng loob niya ay nawawala. Anata is the Japanese term for dear. Iyon ang endearment nilang dalawa.

"Nakakainis ka! Alam mo bang halos umatungal na ako kanina kasi hindi mo ako binati?" ingos niya.

"Anata…it was all for the surprise," ngisi nito.

"Huwag mo ng gagawin iyon ha? Ibahin mo ang strategy mo sa susunod. Huwag lang ito'ng ganito na parang mamamatay na ako sa kakaisip kung ano'ng nangyari sa'yo."

"Silly. I still have special surprises for you." Tumayo ito. Mayamayang itinuro nito ang isang napakalaking kahon sa tabi. "Open it," he ordered.

"A-ano ito?" kinakabahang lumapit siya roon.

"Just open it."

Mas lalo siyang napaiyak nang makita kung ano ang laman ng kahon. It was a bear—isang napakalaking bear. Halos kasing laki niya.

"A giant bear," hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Ipinagawa ko pa iyan para sa'yo."

"Talaga?"

"Oo naman."

"Eh ano pa iyong ibang surprise mo?"

"Hug the bear and kiss it's nose."

"Bakit naman nose pa?" naiiling niyang tanong.

"Ayoko sa lips, kaya sa nose lang!" ingos nito.

Natawa siya sa sinabi nito. Forever seloso talaga ang kanyang anata.

"Fine." Niyakap niya ang malaking bear at tsaka hinalikan sa ilong. Napamulagat siya ng biglang magsalita iyon—gamit ang boses ni Yu—at nagsabing: I LOVE YOU, ANATA!

"I recorded that one. Cute, huh? Sa ilong ko rin ipinalagay iyong sensor. Kaya sa tuwing hahalikan mo ang ilong niya, maririnig mo ang boses ko."

Nakalabing nilapitan niya ito at tsaka hinalikan sa labi. "Ikaw na ang cheesy!"

"Ano'ng magiging name ng bear?" niyakap siya nito.

"Baby Yu."

"Bakit naman Baby Yu? Eh halos kasinglaki ko na iyan."

"Eh iyon ang gusto ko eh!"

"Hindi pwede, magseselos ako. Ako lang ang dapat mong tawaging baby."

"Bakit mo pagseselosan ang bear?"

"Basta! Ako lang ang pwede mong tawaging baby."

"Ang arte mo. O sige, Kumako na lang."

"Adik talaga ng anata ko!" nanggigigil na niyakap siya ni Yu at tsaka pinupog ng halik sa mukha.

Pati siya ay natawa sa naisip niyang pangalan ng bear. Hingot iyon sa salitang "kuma" which literally meant bear in Japanese. Kaya naging "kuma" + "ko". Kumako—or bear ko.

"Kaya ka nga nain-love sa akin dahil sa ka-adikan ko eh," ngiiti niya.

"O sige, ipagmayabang mo pa."

"Teka nga, gumawa tayo ng eksena rito, nakakahiya. Tsaka tanghali na, wala pa bang darating na mga mamimili?"

"Wala nang darating. I literally rented out this place for us to celebrate. Dahil malaki ang pasasalamat ko sa lugar na ito. Dito ko kasi nakilala ang babaeng pinakamamahal ko. Nasa baba iyong mga tao, busog na siguro."

"Busog? Bakit, naghanda ka?" tanong niya.

"Oo naman. Nagpa-piyesta ako, kasi umabot tayo ng isang taon."

"Ikaw na talaga ang cheesy!!!" kinurot niya ito sa pisngi. "Halika sa baba, makikain rin tayo," yakag niya.

"Huwag na. Leave it to them. Kaya ko nga sila pinakain sa ibaba para masolo kita rito eh," ngisi nito. "Just kiss me senselessly, will you?"

"Glad to oblige," ngisi niya bago ito buong pusong hinalikan sa labi.

Ano pa ba'ng mahihiling niya? Nasa kanya na ang pinakagwapo at pinaka-sweet na lalaking bubuo sa buhay niya. "I love you," bulong niya rito sa pagitan ng mga halik nila.

"I love you more," he whispered in response.

Sapat na iyon upang yakapin niya ito ng mahigpit. Hinding hindi na niya pakakawalan ang sakang na ito. Yu will be forever hers. Because Ai loves Yu more than anything or anyone else in this world.