Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 8 - CHAPTER 8 : The Date

Chapter 8 - CHAPTER 8 : The Date

"H-HUMBLE home? You call this a humble home? Are you crazy?!" bulalas ni Aira na halos hindi na maalis ang tingin sa tanawing pumukaw sa kanyang atensyon.

"You're exaggerating," iling ni Yu.

Tinabihan siya nito at tinanaw rin ang malawak na lupain ng mga Hanagami. The parcel of land is 4 acre in total size, iyon ay napupuno ng mga puno ng mangga na siyang pangunahing produkto ng Hacienca Estrella—pag-aari ng pamilya ng kanyang ina na isang Pilipina.

"This place is awesome! Grabe! Ang lawak ng lupain ninyo!" bulalas niya.

"Medyo," he shrugged.

"Medyo ka riyan! Look! May mga baka! Dali! Puntahan natin!" parang batang hinila niya ang kamay ni Yu papunta sa kinaroroonan ng mga baka.

Napapalibutan ang mga iyon ng isang napakalaking kahoy na bakod. Napahawak siya sa barandilya ng bakod.

"Grabeeeeeeeee! Ang dami!" naglambitin siya sa mataas na bakod.

"Hey! Watch out. Baka mahulog ka riyan," pigil nito sa ginawa niya.

"Come on! Loosen up. Nakakatuwa kaya umakyat dito. Grabe, hindi ako makaget over sa mga baka," excited pa ring tili niya.

"Baka nga mahulog ka. Para kang bata," Yu said in an amused tone.

"Sus. KJ ka lang kasi." Inirapan niya ang nakangiting binata.

"Waaaaaaaaaah! May mga kalabaw! Ang dami rin nila!" sigaw niya habang masayang itinuturo ang isa pang lugar kung saan nakikita rin niya ang kumpulan ng maraming kalabaw. Katulad ng mga baka ay nasa loob din ng bakod ang mga iyon.

"Silly. Hindi mga kalabaw iyon. They are called bulls," natatawang lumapit sa kanya si Yu at hinawakan siya sa bewang upang ibaba mula sa may kataasang bakod.

"Puntahan natin?" nakangiting sabi niya. Ni hindi na siya pumalag sa ginawang pagbuhat sa kanya ni Yu.

"No. delikado roon. Hindi sila sanay na nakakakita ng gwapo. Baka dumugin ako."

"Edi huwag ka ng sumama! Ako na lang mag-isa ang pupunta," kunwa'y asar na tinabig niya ito at tsaka nilampasang naglakad siya papunta sa direksyon ng mga toro.

"Not so fast young lady. Delikado roon."

Muli siyang hinawakan ni Yu sa bewang upang pigilan. Nagpakawag kawag siya ngunit kagaya ng dati, dahil mas malakas sa kanya ang binata, ay wala rin siyang nagawa.

"Nakakainis ka! I wanna go there!" piksi niya.

"I said no! Come on. Don't act like a brat."

"I am not a brat! Am not! Am not! Am not!" Sa tinuran niya ay sabay na rin silang napatawa. "Ang daya mo. Sabi mo ipapasyal mo ako."

She changed her tactics. Nginitian niya ng pagkatamis-tamis si Yu. Iniangat niya ang mga kamay at isinabit iyon sa batok ng nagulat na binata.

"Change of tactics huh?" nakangising turan nito.

"Diba mabait ka naman?" nagpapa-cute na sabi niya.

"If you'll kiss me right now, I might consider taking you to that place."

Natigilan siya. Great! Kiss daw! Tinignan niya ito ng masama. Binaklas niya rin ang mga kamay na nakapulupot sa batok nito.

Matapang naman siya! Matapang! Talagang matapang! Matapang para labanan niya ang tukso sa kanyang harapan. Wah!

"Akala ko ba matapang ka?" tila nabasa ni Yu ang nasa isip niya.

"Matapang naman talaga ako!" deklara niya.

Hindi nga lang sa pagkakataong ito. Hindi sa paraang gusto mo. Hindi lang dahil nahihiya ako, kundi dahil hindi ako marunong humalik!

Nakangiting tinitigan siya ni Yu. Umangat ang kamay nito at maingat na hinawakan siya sa baba. Eye to eye, his intese stare took her to a place she had never gone before.

Tanging ang malakas na tibok na lamang ng kanyang puso ang naririnig niya. Tanging si Yu na lang ang nakikita niya.

At tanging ang mga labi nito ang nais niyang mahawakan ng mga sandaling iyon. Hindi niya mawari kung bakit siya nagkakaganon.

Ahh…nakalimutan niya. Mahal na nga pala niya ang binata. Mahal na mahal. Kahit pa hari ito ng kayabangan at kasungitan.

Kahit pa ilang beses silang nag-away noong una silang magkita. Napalunok siya nang mapansin ang dahan dahang pagbaba ng mga labi nito sa mga labi niya.

As if a lightning striked her, nanginig ang buong katawan niya.

It wasn't the first time that Yu had kissed her. Pero hindi kagaya ng mga nauna, kakaiba ang halik nito ng mga sandaling iyon.

The kiss was soft, so tender and very mushy. Para bang isang babasaging crystal ang turing nito sa mga labi niya.

His kiss was so delicate. Ang painot inot na pagdampi ng mga labi nito ay parang shabu na nangdadala sa kanya sa isang lugar na hindi niya basta basta maabot.

Like a drug, his kiss was very ecstactic. Grabe! Shabu! Shabu na ang ginamit niyang term. Nakakalula.

Ang marahan nitong halik ay naging uhaw. Naghahanap, nananabik. Wala sa loob na umakyat ang mga kamay niya at muling pumaikot sa batok nito.

Tila sa paraang iyon man lang ay makakuha siya ng lakas para makatayo ng maayos.

Isang mahinang patak ng ulan ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napaatras siya at biglang napalayo kay Yu na tila ba napapaso.

Pareho silang hingal na hingal dahil sa sagupaang kinasangkutan ng kanilang mga uhaw na labi.

"I-it's raining," kandautal utal na anas niya.

"Indeed, it is." He stared directly at her, his eyes still exuded desire. He wanted her!

"L-let's go back?" nahihiyang yakag niya.

"No." Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya sa bewang. "Let's enjoy the rain," ungot nito.

"A-ano ka! Bitiwan mo ako! Mababasa ako!"

"Natural! Magpapaulan tayo eh," ngisi nito.

"T-tigilan mo ako ah!"

"Tigilan pala ha." Nang-aasar na hinarap siya ni Yu at tsaka pinaliguan ng tusok ng hintuturo sa bewang. Nagtititili siya!

"Stop it! Nakikiliti ako." Natatawang tumakbo siya palayo.

"Nandiyan na akooooo!" habol nito sa kanya

"Lumayo ka!" natatawang sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Kapag nahabol kita, hahalikan ulit kita!" banta nito.

"Neknek mo!" natatawang binilisan niya ang pagtakbo.

Sa isang iglap, para na silang mga batang tuwang tuwang naglalaro sa ilalim ng ulam at nagtatakbuhan sa damuhan. Everything seemed so light.

Tipong mas bright pa ang araw niya kahit na wala si Mr. Sun. Hindi na nagtagal at naabutan rin siya ni Yu. Muli siyang niyakap nito sa bewang.

At dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito ay bigla siyang natumba sa damuhan. Nagtatawanang nagpagulong gulong sila.

Until they finally stopped rolling and Yu was laying on top of her. Their frenzied laugh suddenly subsided. Their gazes locked. Their minds intertwined.

For a moment, their hearts made the talking. Their eyes made the kissing and their smiles made the hugging. How heavenly could that be?

Muling napuno ng tawanan ang tahimik na bahaging iyon ng hacienda.

"Let's go? Puntahan natin ang mga torro," pabulong na yakag ni Yu.

"H-ha? Diba sabi mo delikado 'dun?" nagtatakang tanong niya.

"Siyempre, joke lang iyon. Hindi naman tayo papasok sa loob ng kulungan nila eh."

"Eh bat mo pa ako pinigil-pigilan kanina?" asik niya.

"Wala lang. Pa-cute. Umubra naman diba?" nakangising kumindat pa ito.

"Adik!" natawa na naman siya.

"Adik sa'yo," banat nito.

She blushed. "W-weh!"

"Weh ka rin. Halikan kita diyan eh."

"Neknek mo!"

"Ah, sa neck mo gusto? Sure, why not chocnut."

"Che!"

"Check? Astig! Let's do it!"

Natatawang tumayo siya at muling tumakbo palayo sa nang-aasar na si Yu. Muli, parang batang nagtakbuhan ang dalawa sa malawak na lupang naging saksi ng kanilang ka-cheesy-han.

KAHIT NA basang basa ay minabuting dumiretso ni Aira sa talipapa. Hindi siya nagpapigil kay Yu kahit na nais nitong magpalit muna siya ng damit o kaya ay magpahinga muna sa hacienda. Hindi alam ni Aira ngunit tila may mumunting tinig ang nag-uudyok sa kanya upang pumunta sa talipapa.

Iniwan niyang humahabol sa kanyang mabilis na paglalakad ang pagod ngunit ngi-ngiti ngiting si Yu. Napailing siya. Nakaisa kasi sa alindog ko. Napangiti na rin siya.

"Uy! Ai, bakit ngayon ka lang? Tapos na ang talent portion ng pre-pageant competition ah. Umatras ka raw?" nagtatakang tanong ni Jhen na gulat na gulat na sumalubong sa kanya.

"Ha? Ngayon na raw ba iyon? Diba bukas pa?"

"Ay naku, hindi. Napaaga nga raw eh. Forfeited daw iyong mga hindi nakadalo. Automatic na disqualified na," nababaghang sagot nito.

Halos malaglag ang panga niya sa narinig. SIYA, DISQUALIFIED NA? Oh hindeeee!

"A-anong ibig ninyong sabihing hindi na ako pwedeng sumali? Na dis-qualified na ako?" tanong niya sa nangangatal na mga labi.

"A-ano kasi. Namove ang pre-pageant. Utos daw sa itaas. Hindi ka naman namin makontak kasi nga naiwan mo ang cellphone mo rito sa pwesto," singit ni Macke.

"H-hindi. Hindi maaari! Paano ako madi-disqualify? Dahil lang sa hindi ako nakapunta? Hindi! Hindi ako papayag!" histerikal na sigaw niya. She couldn't believe it.

Hindi niya mapaniwalaang ang bagay na umpisa pa man ay ninais na niyang makuha ay parang bulang naglaho lang ngayon sa harap niya.

"Ang isang daang libong piso ko! ang utang ni inay kay Mang Edmundo! Ang aking pride! Ang aking pangarap! Ang aking mga plano! Nawala na lahat!" tila nasisiraan ng bait na sigaw ng kanyang utak.

"A-ai…" nilapitan siya ni Jhen at marahang tinapik sa balikat.

"No. hindi ako papayag! Pupunta ako sa opisina!" determinadong sabi niya.

Hindi pa man siya tuluyang nakakaalis ay nagsalita na si Mang Edmuno, na eksaktong kararating lang. "Bakit pa?" nakakalokong tanong nito.

"Huwag ka munang magdiwang Mang Edmundo. Hindi komo nadisqualify ako ay tiyak nang talo ako sa labanan natin," matalim ang tinging ipinukol niya sa matanda.

"Talong talo ka na Aira," ismid nito.

"Madaming namamatay sa maling akala. Mayamaya din ay hahandusay ka na sa lupa," ganting-ismid niya rito.

"Masasabi mo pa kaya iyan kapag nalaman mo ang totoo?" naghahamon ang tingin iginanti nito sa mga pasaring niya.

Nanalim ang tingin nito sa kanya—tila ba nais nitong pagpira-pirasuhin ang katawan niya—ng pinong pino.

"A-ano'ng ibig ninyong sabihin?" dumagundong ang matinding kaba sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.

As if on cue, her hands clasped each other, preparing herself from something she couldn't name but could definitely feel. Sa hindi malamang dahilan ay natatakot siya sa maaaring isagot ni Mang Edmundo.

"Ayan na pala si Sir Yu eh. Siya na ang bahalang magsabi sa'yo kung ano ang totoo."

Napalingon siya sa binata na biglang namutla nang mapatingin din sa kanya. Hindi niya alam kung dahil sa pagod dahil sa paghabol sa kanya o dahil iyon sa isang bagay na ramdam niyang kinatatakutan niya kaya ito biglang namutla.

But whatever it is...she hoped that it wouldn't hurt her.

"Ai…" tila nahihirapang anas nito.

"Ano bang sinasabi ni Mang Edmundo? Ano daw ang sasabihin mo? What is it that I have to know?" she asked, in an obvious fake courageous tone.

She faced Yu, with a hard-core mask. Inihanda na niya ang sarili sa anumang maaring isiwalat nito.

But Yu fell silent. Ni hindi nito magawang magbuka ng bibig.

"Yu, sumagot ka," usig niya rito.

"Mukhang pagod lang si sir. Ako na ang magsasabi sa'yo."

Nakangising lumapit sa kanya si Mang Edmundo. Eksaktong tumigil pa ito sa sa gitna nila ni Yu. They formed a triangular position.

"Naalala mo ba noong araw na mabuhusan mo si Sir Yu ng isda at maduming tubig?" panimula ni Mang Edmundo.

"Stop it," nanggagalaiting pigil ni Yu.

"Huwag mo siyang pigilan!" asik niya.

"Lumapit sa akin si Sir Yu noon, tinanong niya kung sino ka raw. Kung taga-saan ka at kung ano ang ginagawa mo rito sa talipapa. Naturalmente, sinabi ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa'yo. Lalo pa't binayaran lahat ni sir ang bawat impormasyong sinabi ko."

Napatingin siya kay Yu. Naghahanap ng kumpirmasyon, nagtatanong, umaasang itatanggi nito ang mga paratang ni Mang Edmundo.

Ngunit hindi nito iyon ginawa. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang pakiramdam niya. Bigla siyang nangatal.

"Tapos, sabi ni sir, paghihigantihan ka raw niya. Noong naikwento ko ang tungkol sa balak mong pagsali sa pageant at kung gaano kaimportante sa'yo ang premyo, sabi niya, iyon daw ang gagamitin niya laban sa'yo. Gagawin daw niya ang lahat para lang hindi ka manalo."

"P-pero pinasali niya ako," naguguluhang iling niya.

"Mas masakit daw kasi sa pakiramdam ang kaalamang nakarating ka na roon, malapit na, maaari mo nang makuha ang pinakaaasam mo, pero bigla bigla ay mawawala iyon sa'yo. Iyong ginawa nina Yesha sa'yo, kagagawan rin ni Yu iyon. Binayaran niya sina Yesha para guluhin ka."

"Shut up! That's not true!" asik ni Yu kay Mang Edmundo.

"Nakita ng dalawang mata ko sir, binayaran mo sila bago nila ginulo si Aira."

Muling napipilan ang binata. Bumuka ang mga labi nito ngunit muli ring nagsara. Tila ba nagdalawang isip itong sabihin ang nais nito. Napalunok siya.

Kulang ang isang milyong karayom laban sa tila punyal na paulit ulit na tumutusok sa puso niya ng mga sandaling iyon. Ang sakit na nararamdaman niya ay hindi matatawaran.

"Tapos, pati iyong biglaang pagkawala sa eksena ni Sir Bennie, kagagawan niya rin. Tinakot niya si Bennie na ipapatanggalan ng project gamit ang koneksyon niya kung hindi ka niya lalayuan. Sa hitsura ni Sir Yu, masasabi kong determinado talaga siyang maghiganti sa'yo."

"Dahil lang sa naging pagkikita natin?" inis na binalingan niya si Yu.

"Ikaw daw kasi ang kauna-unahang babaeng nakapagpahiya sa kanya nang ganon. Ikaw daw ang tanging—"

"SHUT UP!" halos magkapanabay na sigaw nila ni Yu sa daldalerong si Mang Edmundo.

"You shouldn't just shut up! Bakit hindi ka sumasagot? Bakit hindi mo idine-deny ang mga sinasabi ni Mang Edmundo?" galit na binalingan niya si Yu.

"Ai…let me explain."

"Explain my foot!" marahas na pinunasan ng likod ng palad niya ang luhang namalibis mula sa kanyang mga mata.

"Aira… inaamin ko, nagawa ko talaga ang mga iyon. I planned it. Pero nagba—"

Isang malakas na sampal ang mabilis na dumako sa mukha ni Yu na biglang nagpatigil rito sa pagsasalita.

"Siraulo ka! Paano mo nagawa sa akin ito?" nasasaktang tanong niya.

"Hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito."

"Simulat sapul, kaya ka biglang nagbago ng pakikitungo sa akin ay dahil sa maitim mong plano? How childish could you get? Nang dahil lang sa nabuhusan kita ng isda, nagawa mo ng paglaruan ang puso ko?"

"Aira…please, let me explain myself," nagsusumamong lumapit ito at hinawakan siya sa kamay. Nagngangalit na pinalis niya ang mga kamay nito.

"Kahit na kailan, hindi ko inakalang kaya ka nagbago at naging mabait sa akin ay dahil lang sa pinaghihigantihan mo ang isang pangyayaring bunga lamang ng hindi angkop nating kapalaran."

"Oo! Inaamin ko, noong una, talagang isinumpa ko ang araw na nakilala kita. I hated you like I wanted to kill you that moment you shouted at me. Sa tuwing binabara mo ako, sa tuwing natatalo mo ako! Mas lalo akong naiinis sa'yo! Ang I thought, revenge was the only thing that could make me fell better."

"Ano, masaya ka na ngayon? Masaya ka nang pinagtatawanan ako ng lahat ng tao rito na for God knows who, maaring kinasabwat mo rin para lang paghigantihan ako? Sinu-sino pa ang mga binayaran mo para sa plano mong ipahiya ako? Good job! Pahiyang pahiya na ako. Talong talo!"

"I was wrong. I knew I was wrong. Especially the day that I finally realized how much I loved you," pagsusumamo nito sa kanya.

Lalong bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Paanong ang salitang "I love you" ay nagawa siyang saktan ng triple sa sakit na naranasan niya ng mamatay ang mga magulang niya?

Paanong ang mga salitang iyon ay tila bombing nagawang pasabugin ang kanyang puso? Ayaw na niyang lumingon sa likod, sa gilid at sa harap niya.

Pakiramdam niya ay pinagtatawanan na siya ng lahat. Pakiramdam niya ay napakatanga ng tingin nila sa kanya.

Nagpaloko nga naman kasi siya. And worse, she even fell in love with him!

"Narinig mo ba? I said I love you! Mahal kita! Ai shi teru!" ulit nito. "So please, Aira, listen to me. Listen to what my heart says. Please," he begged.

"Hindi kita mapapatawad. Kahit na kailan ay hinding hindi kita mapapatawad! At kahit kailan ay hinding hindi na rin ako maniniwala sa'yo. SA INYONG LAHAT!" umiiyak na sigaw niya tsaka nagmamadaling nilisan ang Maliboot Talipapa.

Ni hindi na niya pinansin ang natatarantang pagtawag sa kanya ni Yu.