"I love you! Mahal kita! Ai shi teru, Aira," masuyong sabi ni Yu sa kanya.
Kasalukuyang pinapanood nila ng magkatabi ang palubog ng araw. Ang kulay kahel na sinag ng papalubog na haring araw ay tila confetting nagsabog sa buong paligid ni Aira.
The scenery caught her heart.
"I love you too, Yu. Mahal na mahal kita."
She dramatically said and slowly, hugged him cozily. Naramdaman niya ang masuyong pag-inot ng mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya. She smiled sweetly.
"Please, don't ever leave me. Mahal na mahal kita," madamdaming aniya.
"You're really pathetic. Hindi mo ba alam na nagjo-joke lang ako? Na niloloko lang kita? You are so funny! You're a looser who deserved a red card."
Pinuno ng mataginting na tawa ni Yu ang buong paligid.
Pagkuwan'y biglang nagbago ang paligid. Ang maaliwas na tanawin sa tabing dagat ay biglang naging isang madilim na bahagi sa talipapa.
Nakakahilo ang biglaang pag-ikot ng paligid niya. Umihip ang isang napakalamig na hangin na dagling nagpabilis ng tibok ng puso niya.
Parang napapasong napaatras siya at napalayo sa binata. Nanginginig na napatitig siya sa nakakaasar na mukha nito habang pinagtatawanan siya.
Naramdaman niya ang mainit na likidong bumalong mula sa kanyang mga mata. Mabilis niyang pinalis iyon ngunit wala ring silbi dahil muling tumulo ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
"T-tigil. T-tumigil ka," nanghihinang saway niya rito.
"You're a looser!" patuloy pa rin ito sa pagtawa.
Hindi pa ito nakuntento at dinuro pa siya habang halos hindi ito magkamayaw sa pagtawa sa kanya. Mayamaya'y dumating ang lahat ng mga taga-talipapa.
Si Mang Edmundo, Macke, Jhen, sina Yesha at Dess. Lahat ng mga tindera, suki at mamimili sa talipapa, sumabay sa pagtawa ni Yu.
Nabibingi na siya. Mabilis niyang iniangat ang mga kamay upang takpan ang kanyang tenga. Ayaw niyang marinig ang mga tawa nila. Ayaw niyang marinig! Ayaw niya!
"Tumigil na kayo!"
Patuloy pa rin ang lahat sa pagtawa sa kanya. Pumaikot sila at pinalibutan siya. Habang tumatawa ay kitang kita niya kung paanong dinuduro, kinukutya at kinakaawaan siya ng lahat.
Mas lalong napadiin ang hawak niya sa mga tenga. Napapikit na siya at napayukyok sa sahig.
"Tama na. Nagmamakaawa ako, tama na," tumatangis na sumamo niya.
Habang ang lahat ay patuloy na pinagtatawanan siya ay patuloy rin ang pagbalong ng masaganang luha niya sa mga mata.
HINIHINGAL na napabalikwas ng bangon si Aira. Panaginip, panaginip lang pala ulit. Tila pagod na pagod na napasandal siya sa headboard ng kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang noong punung-puno ng butyl butyl na pawis.
It's been almost two weeks. Hell yeah, dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita sa talipapa upang takasan ang kakahiyang sinapit niya mula sa pagkukunwari ni Yu—nilang lahat. Pakiramdam niya ay nasa isang telenobela siya.
Lahat ng nangyayari, scripted. Lahat ng kasama niya, kasabwat. Siya lang ang walang alam. Siya lang! At hindi niya masikmura ang kaalamang iyon. Hindiiiii!
Naisubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Dalawang linggo na rin siyang hindi pinatatahimik ng alaala ni Yu.
Ang mga panaginip niya sa binata ay nagsisimula sa magandang eksena, napakasaya, tapos laging nauuwi sa pagtangis niya. Funny, but she still cared for him after everything he's done to her.
Ipinanganak kaya siya para mabigyang buhay ang salitang martyr? O mas tamang sabihing TANGA? Mas lalo siyang napaiyak.
Isang gabi na naman niya ang masasayang, dahil alam niyang hindi na siya makakatulog pa sa gabing iyon. Bagkus ay buong magdamag na naman siyang magluluksa sa pagkamatay ng kanyang puso dahil sa ginawa ni Yu sa kanya.
BAGO LUMABAS ng apartment ay sumilip muna si Aira sa bintana. Since what happened, she lived by an extreme paranoia. She exhaled.
Masakit mang tanggapin, na mabubuhay na siyang mag-isa habang buhay ay wala na siyang magagawa. Hindi na niya kayang magtiwala pa sa iba.
Suot ang isang kulay berdeng sarong na itinalukbong niya sa kanyang ulo ay lumabas na siya ng apartment. Bitbit niya ang isang malaking maleta. Aalis na siya ng Adikterya.
Iiwan niya ang kanyang tinubuang lupa kasi naduduwag na siya. Napalingon siya sa kanyang bahay. Bahay na iniwan ng inay niya sa kanya. Mapait siyang napangiti.
Hindi na niya iyon matutubos mula kay Mang Edmundo tutal ay wala naman siyang perang ipambabayad dito. Hindi nga ba't hindi na siya kasali sa pageant?
"Mamimiss kita, kasama ng mga alaalang naiwan ni Inay at Itay," bulong niya.
"Aira…"
Napako siya mula sa kinatatayuan nang marinig ang basag na boses na iyon. Hindi niya maaaring maipagkamali ang boses na iyon.
"Ai, please talk to me," he begged.
"Ayaw na kitang makita." ang tanging nasambit niya.
She ran away fast. Mabilis niyang tinungo ang pinto pabalik ng kanyang bahay upang makatakas sa lalaking dahilan ng kanyang paghihirap. Sa lalaking nagpakita lang sa buhay niya upang pagtawanan ang katangahan niya, ang kanyang kahinaan.
"Aira!" sigaw nito habang humahabol sa kanya.
"Layuan mo ako! Please, lumayo ka sa akin!" umiiyak niyang taboy sa lalaking pilit siyang hinahabol.
Nakarating siya sa pinto. Mahilo-hilong hinanap niya ang susi sa dalang maleta at nangangatal na isinubo iyon sa door knob.
"Aira, pleast talk to me," nagsusumamong pakiusap ni Yu sa kanya. He grabbed her arm to stop her from opening the door. Ngunit galit na nagpumiglas siya.
"Don't touch me!" piksi niya.
"Please, kausapin mo ako."
Niyakap siya ng Yu ng mahigpit. Kung hindi pa siya naubo ay malamang na hindi pa nito nalamang napakahigpit ng ginawa nitong pagyakap sa kanya.
Bahagyang lumuwag ang yakap nito, bagamat hindi pa rin siya pinakawalan.
"Yu, hindi pa ba sapat?" nasasaktang anas niya habang hilam ng luha ang kanyang pagod na mga mata.
"Aira..."
"Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin? Hindi pa ba sapat ang mga paghihirap ko? Hindi pa ba sapat ang gabi-gabing bangungot ko?" mas lalo siyang napaiyak.
"How can you be so insensitive? Hindi ko na magawang magalit sa'yo, alam mo ba iyon? Hindi ko na kaya dahil wala na akong nararamdaman kundi awa! Awa para sa sarili ko dahil pinagmukha mo akong tanga! Pakiramdam ko, lahat ng tao ay lolokohin ako. I couldn't even trust myself."
Naramdaman niya ang pagluwag ng yakap ni Yu sa kanya. As if on cue, her trembling body slid down and piled itself on the floor. She bent down and wept.
"I knew I was wrong. Galit na galit ako sa'yo noon. You could have just imagined how I had sleepless nights because of you. Pakiramdam ko ay nabawasan ang pagkalalaki ko dahil sa mga ginawa mo sa akin. I was a jerk then."
Hindi siya nagsalita ngunit natigilan siya.
"Right. I was a jerk—a total jerk. Paano ko nagawang lokohin ang isang tulad mo? Akala ko babalik sa dati ang lahat kapag nakapaghiganti ako sa'yo. Sabi ko sa sarili ko, pagtatawanan kita sa oras na malaman mo ang totoo. Pero nung nakita kitang nasasaktan at umiiyak, parang mamamatay na ang pakiramdam ko. I couldn't even breathe. How stupid can I get?" his voice croaked.
"Sa oras na iyon ko lang nalamang mahal na pala kita. Mahal na mahal," wika nito.
She smiled bitterly. Then she bravely looked up on him.
"Ang buhay, parang bolang crystal lang iyan. Magandang tignan. Madaming laman tungkol sa nakaraan, kasalukuyan at maging sa hinaharap. Sobrang makapangyarihan. Pero oras na hindi iningatan at nahulog, maaring mabasag. At kapag nabasag na, mahirap ng buuin pa. Idikit mo man gamit ang sangkaterbang mightybond, hindi na maibabalik sa dati. Mas malala, hindi na iyan gagana. Ganon ang tingin ko sa'yo, Yu. Sira na. Sirang sira."
"Alam ko naman iyan eh. Ewan ko ba kung bakit huli na ng maisip kong mas mamahalin ka pa sa bolang crystal. Na mas makapangyarihan ang pagmamahal."
Natahimik siya. Napatitig sa maluha-luhang mga mata ni Yu.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. Alam kong matatagalan, o baka hindi mo na ako mapatawad pa kahit na kailan, pero nais kong malaman mong nagsisisi ako sa nagawa ko. Totoong pinlano ko ang tungkol sa mga nangyari sa atin sa talipapa, pero hindi kasali sa plano ko ang mahalin ka."
"Everything we did, none of those were planned. Iyong nangyari sa atin sa hacienda, mas lalong hindi ko pinlano iyon. Maybe I already loved you the moment I saw your angry pretty face while shouting at me that day you showered me with fish."
"I would have backed out. I woudn't have pushed through my plan, if I had not fallen in love with you. Paano nga naman ako mapapalapit sa'yo kung hindi ko gagawin ang mga kabaliwan kong iyon? Funny though, my evil plans about you bounced back to me."
Nanatili siyang tahimik at nakikinig kay Yu. She couldn't even move. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Bakit kailangan niyang maawa rito?
Naramdaman niya ang muling paghapdi ng mga mata. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha roon. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang sariling muling mapaiyak.
"I hate myself for making you cry. Mas lalo kong kinamumuhian ang sarili ko habang nakikita ko ang kalagayan mo ngayon. I wish I didn't come into your life. Mas gugustuhin ko pang maging miserableng mag-isa kesa ang makita kang nagkakaganyan."
"Bakit mo ba nagawa sa akin iyon?" hindi niya napigilang itanong.
Napahikbi siya. Napaluhod si Yu at mabilis siyang niyakap.
"Don't do this to me Aira, please. Para akong pinapatay ng paulit ulit habang nakikita kitang umiiyak," samo nito.
"Iwan mo na ako, Yu. Pabayaan mo na ako. Huwag mo na akong pahirapan pa. Hindi ko na kaya," she begged him too.
"I'm sorry. I'm so sorry. Please forgive me. I'm so sorry."
Narinig niya ang paghagulhol nito. His shaking body made her feel so terrible. Pakiramdam niya ay para siyang nasa bingit ng isang mataas na bangin at anumang sandali ay maaari na siyang mahulog.
"I love you so much, amozona." ginawaran siya nito ng isang marahang halik sa mga labi.
Mayamaya'y tumayo ito at iniwan siyang luhaan sa harap ng bahay niya. Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad at impit na napatangis sa paglisan ng taong pinakamamahal niya. How she can live after that, she didn't know.
Magkakaroon pa kaya sila ng happy ending?
MALUNGKOT na napatitig si Aira sa hawak na baso. May laman iyong iced tea—paborito niyang inumin, pero ni hindi niya iyon mainom. Ilang araw na rin siyang walang gana.
"Ah, nakakainis! Ganito ba talaga ang feeling kapag broken hearted?" naitanong niya sa sarili.
"Anak, ibuhos mo!"
Bigla siyang napatitig sa nakabukas niyang t.v. Nag-apiran ang mag-ina at nagpacute si Nicos sa camera. She rolled her eyes. Imbes kasi na si Nicos ay si Yu ang nakita niya sa t.v.
"Grabe! Hindi na nakuntento sa mga panaginip ko, pati sa t.v. nagpapakita ang impaktong Yu na iyon!" sigaw niya.
Galit na napaahon siya mula sa inuupuang sofa at napatayo malapit sa bintana. Napasilip siya roon kagaya ng araw-araw niyang ginagawa.
Mariin siyang napapikit nang muling magpakita sa kanya ang anyo ng lalaking kinaiinisan. Bakit ba sa tuwing sumisilip siya sa bintana ay nakikita niya ang aparisyon ni Yu?
Gaya ng dati, dumaan lang ang ilang segundo at mabilis ring nawala ang pigura nito. Ganoon na ba niya ka-miss ang binata para sa kahit saan siya mapatingin ay mukha nito ang nakikita niya? Napabuntong-hininga siya.
"Okay! Oras na para harapin ang mga kalaban! Hindi nagpapatalo si Aira!" matapang na saad niya.
Nakapagdesisyon na siya. Susubukan niyang lumabas. Susubukan niyang bumalik sa talipapa.
"Kaya ko ito! Ako pa?" bumalik siya ng kwarto at kinuha ang kanyang belt bag na pula, iyong ipinamana pa sa kanya ng kanyang ina.
Matapos isuot iyon ay mabilis niyang tinungo ang pinto. Bago lumabas ay huminga muna siya ng malalim. Kaya na ba niya? pinakiramdaman niya tibok ng kanyang puso.
"Darna!" sigaw niya bago tuluyang pinihit ang door knob at inihakbang ang mga paa palabas ng kanyang bahay.
PARANG sinisilaban ang pakiramdam ni Aira habang naglalakad siya papasok ng talipapa. Parang nagrarambulang mga kabayo ang nasa loob ng dibdib niya dahil sa sobrang bilis ng tahip niyon. Pinilit niyang gawing pormal ang anyo.
Nakatingin lang ang lahat sa kanya, ni walang naglakas ng loob na lapitan siya. Patay malisyang tinungo niya ang kanyang pwesto. Wala siyang dalang mga isda upang ilako, pero titignan muna niya iyon upang malaman kung maaari na siyang bumalik sa pagtitinda bukas.
Afterall, she should have never given up on that stall. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang ina bago pa man ito pumanaw. At wala siyang balak na sirain iyon ng dahil lang kay Yu.
Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang kinahinatnatan ng kanyang pwesto.
NAPAKALINIS. Dapat ba niyang ikatuwa ang bagay na iyon? Kung iisiping mabuti—oo ang dapat na sagot.
Pero paano siyang matutuwa kung pati ang karatulang nakasabit sa taas niyon na may nakasulat na "Ailyn—Aira Stall" ay malinis na rin? As in wala. WHITE. Wala na! Nada!
Kusang nagbuhol ang mga kilay niya. Galit na nilapitan niya si Macke na hindi malaman ang gagawin nang mapansing papalapit na siya.
"Sino ang may gawa niyan? Sino ang nagtanggal ng karatula ng pwesto ko?" galit niyang tanong dito.
"A-aira. Ano kasi," natatarantang sagot nito.
"Sumagot ka!" galit na binayo niya ang mesa dahilan upang magitla ang kausap niya.
"Si sir Yu ang nag-utos na gawin iyan." To the rescue si Jhen, na siyang sumagot sa katanungang ipinukol niya kay Macke.
"Ang walang hiyang sakang na iyon! Nasaan siya?"
"Nasa opisina yata. Pero—"
Hindi na niya pinatapos si Jhen sa pagsasalita at pabarabarang sinugod niya ang kinaroroonan ni Yu.
"Humanda kang sakang ka! Strike two ka na sakin! Magsisisi ka!" nanggigil na bulong niya.
Kulang ang 100 degrees celcius kumpara sa inabot ng boiling point ng dugo niya. Pakiramdam niya ay magagawa niyang patayin si Yu sa oras na makita niya ang pagmumukha nitong napakagwapo at nakakatakam—teka teka, mali, erase erase! Ang mukha nitong nakakainis at nakakakulo ng dugo!
Ah! Hindi siya nasasabik na muling makita ang binata. HINDI! HINDI! HINDI!
Naningkit ang mga mata niya nang makita ang opisinang kinaroroonan ni Yu. Napalinga siya sa paligid.
"Kailangan kong maging darna ulit. Kailangan ko ng bato!" anang isip niya.
Napangisi siya nang makakita ng ��bato". Ngunit napalis ring bigla ang ngisi niya nang biglang bumulaga sa kanya ang mukha ng lalaking humigit kumulang sa isang buwang ginambala ang mga gabi niya.
Pakiramdam niya ay sinipa siya ng kabayo sa dibdib. Napalunok siya. Kulang nalang ay sipain niya ang sarili dahil bigla, parang naumid ang dila niya at humupa agad ang galit niya.
"Ai…" gulat na gulat na napatitig sa kanya si Yu.
"Ai mo mukha mo!" nilakipan niya ng galit ang boses sa layong intimidahin ang binata.
She covered her true feelings with hatred, not letting him get a hint on what really is making her heart stagger like hell.
Nakita niya ang pag-ngisi ni Yu sa isinagot niya. His twisted lips suddenly became epic. Para bang sa kaunting kibot ng mga labi nito ay unti-unting natutunaw ang lahat ng pagkamuhi niya sa binata.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat ganoon mag-isip. She shouldn't think like a looser, or she will end up as a real looser.
"Huwag kang ngumisi, kung ayaw mong yang buong mukha mo ang burahin ko!"
"Dapat ba akong matakot sa sinabi mong iyan?" humalukipkip si Yu at matamang pinagmasdan siya. Hindi pa rin inaalis ang ngisi sa mga labi, na mas lalong ikinainis niya!
"Hinahamon mo ba ako?" humalukipkip rin siya at pinagmasdan ang binata.
Lintek lang ang walang ganti, aba! Napansin niya ang pamamayat ni Yu. Stubbles had formed that almost covered half of his face. Bagamat nagkagayon ay tila mas lalo pang nakadagdag sa karisma nito ang badboy look nito ngayon.
"Did you miss me Aira?"
"D-duh! Bakit naman kita mami-miss aber?"
"Ako kasi, sobrang miss na miss na kita."
"Iniiba mo ang topic!" asik niya.
"Pumayat ka pero maganda ka pa rin," patuloy nito.
"Nandito ako dahil aawayin kita!"
"Alam mo bang gustong gusto kitang yakapin ngayong nakita ulit kita?
"Bakit mo pinatanggal ang karatula ng pwesto ko?"
"I wanna hold. Keep you forever in my arms."
"Ah! Bwisit ka! Bakit ba napaka-cheesy mo? Kinikilabutan ako!"
"Galit ka pa rin ba sa akin?" nagkalambong ang singit nitong mga mata.
"S-sa tingin mo?"
"I was wrong when I hurt you. But did you have to hurt me too. Did you think revenge will make it better? I don't care about the past. I just want our love to lastThere's a way to bring us back together."
"W-what?" bumalik sa pagkakakunot ang noo niya.
"I must forgive you. You must forgive me too. If you wanna try to put things back the way they used to be. Cause there's no sense in going over and over the same things as before. So let's not bring the past back anymore."
"Siraulo ka pala eh! Kanta yan ah!" naiinis na binato niya ng tsinelas si Yu.
Tumatawang umilag lang ang binata. Paano nitong nagagawang tumawa sa harap niya? Paano nitong nagagawang muli siyang paglaruan?
"Ai…" natigilan ito nang mapansin ang luhang namuo mula sa gilid ng kanyang mga mata. Mabilis niyang pinahid iyon at napayuko upang itago ang mukha sa binata.
"Let's go."
Mayamaya'y hinila siya nito sa kamay at niyakag patungo sa isang lugar na hindi niya alam kung saan.
"San tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Sa isang lugar kung saan ko gustong marinig mula sa'yo ang katagang Ai loves Yu."
"Wrong gramming ka na din?" tuya niya.
"We'll see about that." matalinhagang saad nito.