Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 10 - CHAPTER 10 : The Proposal

Chapter 10 - CHAPTER 10 : The Proposal

"SAAN MO ba ako dadalhin?" pilit na hinihila ni Aira ang kamay mula sa pagkakahawak ni Yu. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"

"May pupuntahan nga tayo!"

"Bitiwan mo sabi ako eh!"

"Bakit ba ang—"

"Naiwan iyong isang tsinelas ko!"

Natigilan si Yu sa narinig, pagkunwa'y bilang napahalakhak sa sinabi niya.

"You should have told me earlier," natatawa pa ring sabi nito. Mayamaya'y binitiwan nito ang kamay niya.

"Kanina ko pa sana gustong sabihin, kaso napaka-epal mo!" namumula ang mukhang bumalik siya sa pinanggalingan nila ni Yu at pinulot ang naiwan niyang tsinelas na ibinato niya kanina sa binata.

"Alam mo bang namiss ko pati iyang kasungitan mo?"

Naningingkit ang mga matang binalingan niya ang pa-cute na binata. "Nangingilabot ako sa'yo!"

"Ganon katindi ang kagwapuhan ko? Wow! Pinagnanasaan mo ang aking katawang lupa?" eksaheradong nagulat pa kuno si Yu.

Natigilan siya. Kanina pa niya napapansin ang kaunting pagbabago sa ugali nito. "Bakit bigla bigla, nagiging pakengkoy ka? Bakit andami mong drama ngayon, ha? Ano ito, kasama sa bagong pakulo mo? May Paghihiganti Part 2 ka pa ba?" tuya niya.

"Aira…"

"Don't call my name!"

"Don't call my name!"

"Alejandro?"

Muling napahakhak si Yu sa tinuran niya.

"Palala ka na ng palala. Your being corny is contagious. Nakakahawa ka!"

"Aira…" muli nitong tawag sa pangalan niya.

"Kung iniisip mong napatawad na kita, nagkakamali ka. Dahil kahit na kailan ay hinding hindi na mangyayari iyon."

Mabilis niyang tinalikuran si Yu at tsaka siya nagmartsa palayo.

BAHAGYANG natigil sa paglalakad palabas ng talipapa si Aira nang mapansin niya si Nikka na may hawak na banyera ng isda. Napansin niyang walang halos laman iyon. Tila baliw pang kinakausap nito ang sarili habang naglalakad. Agaw eksena ang suot nitong bulaklaking palda na kaparehong kapareho ng palda niya.

Mayamaya'y napamulagat siya nang bigla bigla ay pumasok sa eksena si Mang Edmundo na nakasuot ng mamahaling puting lacoste na polo shirt at faded maong jeans. Napataas ang kilay niya sa pang-mayamang porma ng matanda.

At halos mahulog ang puso niya sa gulat nang masaksihan niya ang sumunod na nangyari. Si Mang Edmundo at Nikka—nagkabanggaan! Nabuhusan ng mga bangus si Mang Edmundo! Mayamaya'y malakas ang boses na nagtalo ang dalawa.

"De ja vu?"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. It was Yu, who was gourgeously standing behind her. Ang mga mata nitong puno ng lambong ay naghahatid sa kanya ng hindi niya maipaliwanag na init. Nabibingi siya sa biglaang pagbilis ng tahip ng dibdib niya.

Ibinalik niya ang tingin sa kinaroroonan nina Nikka at Mang Edmundo na abala pa rin sa pag-aaway. Kinilabutan siya nang biglang bumalik sa alaala niya ang eksenang iyon nang unang pagkikita nila ni Yu.

"Saturday, March 12, 2011, nakilala ko ang isang babaeng binago ang buhay ko. She brought out the worst in me that even I didn't see it coming."

Naglakad si Yu papunta sa isang bahagi ng talipapa. Naroon naman sina Jocarl at Macke.

Nagtatalo din ang dalawa. Napakagat labi siya nang biglang tuhurin ni Macke si Jocarl, habang napauklo naman ang huli sa sahig.

Nanariwa sa kanya ang nangyari sa kanila sa parking lot. Nagtatakang napatitig sa siya kay Yu. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Nang araw na iyon, nabuo ang desisyon kong guluhin ang buhay ng babaeng gumugulo rin sa buhay ko—lalo na sa isip ko. I hated her, thinking that it was my pride which she has ambushed. I wanted to avenge no matter what! Kahit na pinigilan ako ng kapatid kong si Kenjie, kahit na pinipigilan ako ng aking konsiyensya. Hindi ko alam, but her angry face looked so cute that it always appeared in my dreams."

Napalingon siya sa iminuwestra ni Yu. Naroon ang mga kontra-bida sa buhay niya. Inaapi si Jhen, na biglang ipinagtanggol at binuhat ni Alvin para ilayo.

Tuluyan nang kumawala ang kanina pa niya pinipigilang luha.

"It was the time I finally felt how I treasure the amazona who never smiled at me, yet always made my heart beat so fast even with her just blink of an eye. I should have backed out. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko na itutuloy iyong plano ko. But thinking that I would never be able to get near her again, I knew I couldn't just back out. Hindi ko kaya."

Mayamaya'y biglang umulan ng pulang talulot ng rosas sa kinaroroonan nila. Napatingala siya at nakita sa itaas sina Angelica na nakangiting nagsasaboy ng talulot sa kanila.

"I know it was stupid. Katangahan ang naging desisyon kong paghigantihan siya, and because of my stupidity, I lost her," wika nito sa malungkot na boses.

Hindi pa rin siya halos makapagsalita dahil sa kakaibang "drama" ni Yu nang mga sandaling iyon. Pinilit niyang kalmahin ang sarili sa kabila ng paninikip ng dibdib niya.

"Sabi mo, hinding hindi mo ako mapapatawad kahit na kailan. Pero kahit na magkagayon, handa akong mag-antay ng "kahit na kailan" mapatawad mo lang ako. I deserved everything you did, because I was a jerk."

"Yes, you're a jerk," she said in a croaked voice.

Sa wakas ay nagawa rin niyang magsalita. Kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob ay hindi na niya alam.

"Stop. Hindi ka pa pwedeng magsalita. Wait until I'm finished talking."

"Ano'ng karapatan mong pigilan ako? Hindi ka—"

"Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita! At dahil sobrang miss na miss na kita, baka tumagal iyon ng limang buwan at sampung araw."

"Ang tagal naman?!!!" hindi makapaniwalang reklamo niya.

"Kasi nga miss na kita. Kaya huwag kang tumahimik! Dali! Magsalita ka ulit!"

Bigla siyang napatakip sa bibig niya. Humagalpak ng tawa si Yu sa ginawa niya. Pati siya ay muntik nang matangay sa ka-adikan ni Yu. Pinigilan niya ang tumawa.

"Moving on. Balik tayo sa inihanda kong pampakilig," nakangising sabi nito. Napataas ang kilay niya nang biglang lumapit si Mang Edmundo kay Yu. Napaubo ang matanda. Marahan naman itong siniko ng binata.

"Ano kasi, ganito iyon." Napakamot sa ulo si Mang Edmundo.

"Wala naman talagang utang sakin ang nanay mo. Type na type lang talaga kita, Aira. Binasted kasi ako ni Ailyn noon, eh tutal magkamukha naman kayo, kaya naisip kong ikaw nalang ang magiging asawa ko imbes na ang iyong ina," pagpapatuloy nito.

Iminuwestra niya ang mga kamay na tila sinasabing ipagpatuloy lang nito ang pagkwe-kwento. Napasimangot siya nang makita ang paglawak ng ngisi ni Yu sa ginawa niya.

"Eh, nalaman iyon ni Sir Yu. Nalaman niya mula sa mga tsismosa at pasipsip mong mga kasamahang tindera na bina-black mail kita kaya gusto mong sumali sa pageant. Kaya natural, nagalit sa akin si Sir Yu. Nagalit din ako siyempre, para quits. Kaya sinabihan ko sina Dessery na sobrahan ang pagbugbog sa'yo, ang sabi ko ay utos iyon ni Sir Yu."

Napasinghap siya. Narinig niya ang halos sabay sabay na pag-ungol ng mga tao sa talipapa. Kulang na lang ay sugurin ng mga ito ang nakayukong matanda.

"Eh kasi naman! Bakit mo nagugustuhan si Sir Yu? Ano ang meron siya na wala ako?" pahabol pa ni Mang Edmundo.

"NAGTANONG PA!" magkakapanabay na sigaw ng mga tao.

Mayamaya'y napuno ng tawanan ang talipapa. Napatingin siya kay Yu. Pormal na ang mukha nito. Natigilan siya nang mapansing biglang nawala ang galit niya para sa binata.

If forgiving was this easy, could it be called LOVE?

"Uulit ulitin kong sasabihin sa'yo. Handa akong magpakatanga, handa akong mapahiya, handa akong maranasan ang mga hindi ko pa nararanasan dati mapatawad mo lang ako. And if you'll love me after that, I'll gladly take that as a bonus. At kapag pinakasalan mo ako, I'll take that as a fact—a fact that my gorgeous face is really irresistable. Kapag kumontra ka, hahalikan kita."

Pinandilatan niya ito, pinagtaasan ng kilay at pinaggulungan ng eyeballs. Naiinis siyang wala siyang magawa para makapagsalita. Natatakot kasi siya—hindi sa halik nitong tatagal daw ng limang buwan at sampung araw, kundi dahil alam niyang sa oras na matikman niya ulit ang mga labi nito ay mabubuking nito ang tunay niyang nararamdaman.

Napatitig siya kay Yu. Wala na. Wala na siyang makapang galit. Bakit ganon?

Ramdam niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa batok ng makarinig ng isang pamilyar na musika. Impit na napasigaw ang mga kababaihan nang biglang naglakad si Yu palapit sa kanya.

Hindi humiwalay sa kanya ang mga mata nitong puno ng emosyong hindi niya kayang ariin ng mga sandaling iyon. KINIKILIG SIYA!

"Adik sa'yo.

Awit sa akin.

nilang sawa na sa tingmga kwentong marathontungkol sayoat sa ligayangiyong hatidsa aking buhaytuloy ang hanap ng isipan koy ikaw Parang hihimatayin na siya sa sobrang kaba nang biglang kumanta si Yu habang papalapit sa kanya. Inabot nito ang hawak ni Yesha na isang long stemmed rose.

Titig na titig pa rin sa kanya, ipinagpatuloy nito ang paglakad at pagkanta. Hindi niya tuloy malaman kung sadya bang maganda lang talaga ang boses ni Yu o dahil sa sobrang kilig lang niya kaya pakiramdam niya at mas magaling pa itong kumanta sa idol niyang si Bruno Mars.sa umaga sa gabi sabawat minutong lumilipashinahanap-hanap kitahinahanap-hanap kitasa isip at panaginipbawat pagpihit ng tadhanahinahanap-hanap kitahinahanap-hanap kita"

Eksakto sa kanyang harapan, tumigil si Yu at masuyong lumuhod upang ibigay sa kanya ang hawak na pulang rosas. Napasinghap siya sa ginawa nito.

"Step one, para mapatawad ka ng iyong pinagkakasalaan, magsorry ka sa isang sweet na paraan. I'm sorry," yuko nito.

Nanginginig ang mga kamay na inabot niya ang rosas mula rito.

"Step two. Para sure kang pinatawad ka na, mangako kang hinding hindi ka na uulit at mangako kang mamahalin siya hanggang matapos ang walang hanggan."

Muli itong tumayo at tsaka hinawakan siya sa kamay.

"Step three. Ulit ulitin ang steps one and two hanggang sa sumuko na mismo ang babaeng minamahal mo."

Hindi niya namamalayang tumulo na pala ang mga luha niya, masuyo iyong pinunasan ni Yu. Pagkunwa'y marahang hinawakan ang pisngi niya. He tucked her bangs behind her ears. A very simple gesture, yet it made her heart melt.

"Why are you crying?" masuyo nitong tanong.

"Napaka-cheesy mo kasi!" hindi na niya napigilan ang hampasin ito ng mahina sa braso.

Walang pasidlan ang galak niya ng mga sandaling iyon. Maaaring hindi magiging ganon kabilis ang paghilom ng ginawa nitong sugat sa kanya, ngunit alam niyang darating ang panahong magiging mas maayos pa ang lahat sa pagitan nila.

"You talked. At dahil nagsalita ka, alam mo na siguro ang mangyayari," nakangising hinawakan siya nito sa baba at siniil ng halik sa labi.

Nakangiting hinintay niya ang nakaambang kaparusahan niya. Nagpaubaya siya sa dikta ng kanyang puso.

Alam niyang ang oras na iyon ay magiging simula ng isang mas malinaw at mas makatotohanang ugnayan sa kanilang dalawa.

"Kasalan na!" nagkakaisang sigaw ng mga tao sa talipapa. Naghiyawan, nagpalakpakan at nag-apiran ang lahat dahil sa nasaksihan.

Biglang nagliwanag ang paligid at muling naramdaman ni Aira ang pagdantay ng mga talulot ng ibat ibat kulay ng mga rosas sa balat niya. It was a dream came true, ang makaramdam siya ng ganon kagaan at ganon kasayang pakiramdam.

"Yu loves Ai," nakangiting sabi ni Yu. Mayamaya'y biglang tinaggal ang puting tabing ng karatula ng pwesto niya.

Ang mga katagang "Ai Loves Yu" na ang nakalagay roon.

Natawa siya. "So, sa tingin mo, cute ka na dahil sa ginawa mong iyan?"

"Shhhhh… we still have five months, 9 days, 24 hours and 7 minutes to kiss each other. Yan ang parusa mo hindi ba?"

"Glad to oblige."

Muli, naglapat ang kanilang mga labi at patuloy na nagsigawan ang lahat.

~wakas~