Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 5 - CHAPTER 5 : Ang Haba ng Hair!

Chapter 5 - CHAPTER 5 : Ang Haba ng Hair!

ISANG LINGGONG tahimik ang mundo ni Aira sa Maliboot Market. Isang linggong hindi nagpakita sa kanya si Yu, isang linggong walang pumansin sa kanya maliban sa mga suki niya.

Ngunit isang linggo rin siyang hindi pinatahimik ng alaala ng nakakalokang halik nito. Sa tuwing naaalala niya ang halik nito ay hindi niya napipigilang hindi mamula.

"Qualified ka na Ai, goodluck sa pageant. Sana manalo ka," nakangiting sabi ni Mark, ang head tindero nila sa Talipapa. In fairness naman kay Yu, mukhang nakonsiyensya ang bruho dahil sa pagpapahiya sa kanya noong isang linggo.

He didn't meddle with her application for the said pageant, kagaya ng nauna nitong banta sa kanya noon. Dapat ay magsaya siya kasi kasali na siya sa pageant pero bakit ganon? Bakit hindi niya magawang tumawa o magtatatalon man lang sa tuwa?

"S-salamat," tipid siyang ngumiti kay Mark. Naroon siya sa main office sa Maliboot Market dahil ipinatawag siya at sinabihang qualified na siya para maging contestant.

"Congrats Ai, galingan mo ha?" ani Gerlie, isa ring tindera at kagaya niya ay biniyayaan ng kagandahan kaya kasali rin sa patimpalak.

"Salamat. Galingan nating pareho," ngiti niya rito.

"Pwe! Nakakasuka ang kaplastikan ninyong dalawa," pasaring ng leader ng Team Mahaderang si Dessery. Kagaya niya ay kasali rin ang mga ito sa pageant, pati na ang Maliboot Angels. Napasimangot siya. Heto pa ang isang sakit sa ulo niya.

"Ampalayang ampalaya tayo ngayon ah, Dess," ngiting asong sabi niya.

"Bwisit ka kasi! Hindi ka pa umatras!" galit na sigaw ni Yesha na parang biglang sinapian ng masamang espiritu. Kulang na lang ay manlisik ang mga mata nito.

"Bakit, natatakot kayong baka matalo ko kayo?" tuya niya. Masama ang mood niya nang araw na iyon kaya hindi niya naiwasang mapika sa inaakto ng mga ito.

"Ambisyosa ka! Ikumpara mo ba naman sarili mo sa'min?" itinulak siya ni Sweetdarz.

Mabuti na lang at napahawak siya sa hamba ng upuan kaya hindi siya tuluyang napaupo sa sahig. Hindi umubra ang talim ng tingin niya dahil inismiran lang siya nito.

"Malandi kasi 'yan, akala mo kung sinong bait baitan," angil ni Rose.

"Akala mo kung sinong matimtimang birhen!" sahod ni Gerryjane.

"Iyon pala, masahol pa sa babaeng martilyo!" tuya ni Angelica.

Natahimik siya. This has been the issue since the day Yu kissed her. Lahat ng babae sa lugar nila ay galit na sa kanya. Kahit iyong mga suki niyang single, ayaw na rin sa kanya.

Siya na ang ginawang mortal enemy ng biglang sikat na si Yu—ang astig, cool, gwapo, mayaman, big catch, eligible bachelor ng Talipapa.

Nang maalala ang walanghiyang binata ay lalo lang siyang nainis. Kung hindi dahil dito ay masaya pa sana siya—maraming kaibigan, maraming suki, at higit sa lahat, mapayapang nakakatulog sa gabi dahil walang halik na tuksong sumisingit sa isip niya.

"Tigilan ninyo nga ako! Hindi ko kailangan ang lalaking 'yon! Inyong inyo na siya! Basta tantanan niyo lang ako!" galit na sambulat niya.

Nakakainis! Bakit ba lagi nalang siyang inaaway ng lahat? Para lang kay Yu!? Ay! Pak si Yu, PAKYU!

"What are you doing? Bakit ninyo ginugulo si Aira?" dumagundong ang baritonong boses ni Yu sa loob ng opisina ng Maliboot Market.

Tila iisang taong napalingon silang lahat sa nagsalita. Tumambad sa kanya ang napakagwapong si Yu na naka-kunot ang noo at masama ang tingin sa grupo ng mga babaeng kanina pa nang-aaway sa kanya.

"S-sir Yu… si Ai po kasi…" kanda utal utal na sagot ni Dessery na siyang pasimuno nag lahat. Sunud-sunod na napalunok ang mga kasama nito.

"Walang kasalanan si Aira, mga inggetera kasi kayo kaya bigla ninyo na lang inaway ang kawawang bata," malamig ang naging sagot ni Gerlie.

"Tumahimik ka! Hindi ka kasali rito, usapang magaganda lang ito!" sigaw ni Austria, ang bagong recruit sa Team Mahadera.

"Stop it!" sansala ni Yu sa nagsisimulang away. "From now on," naglakad si Yu palapit sa kanya. "...wala ng pwedeng umaway kay Aira. Lahat kayo, igagalang siya. Lahat kayo, sasagot kapag kinausap niya." utos nito pagkatapos siyang akbayan.

Gulat na napamata siya rito. Parang atomic bomb ang lakas ng pagsinghap ng mga kasama niya sa loob. Nagtatakang napatitig silang lahat kay Yu.

Ngumiti si Yu at marahang napatango. "You heard me right. Simula ngayon ay ayoko nang nakakarinig ng hindi maganda tungkol kay Aira."

"P-pero bakit?" nagtatakang tanong ni Xel.

"Dahil…"

"A-ano?" kinakabahang tanong niya.

"Dahil, premyo mo iyon," nakangising sagot nito.

"H-ha?" napaawang ang mga labi niya.

"Consolation prize mo. Baka sabihin mo, masyado akong madamot. Natalo na nga kita, hindi pa kita babalatuhan."

Sing bilis ng kidlat na umuklo ang kamay niya at sinikmuraan ang mayabang na si Yu. Napaubo pa ito sa ginawa niya. She glared at him.

"Siraulo ka! Ang yabang mo ah! Ano'ng gusto mo? Away o gulo?" she hissed.

"Hindi ka na mabiro," tatawa tawang sabi nito.

"Nakakainis ka! Lumayas ka nga sa harap ko!" tinabig niya ito at tsaka siya nagmartsa palabas ng opisina.

"Sandali lang. Ayaw mo ba iyon? May consolation prize ka." Sinundan siya nito at sinabayan sa paglalakad.

"Alam mo, kumukulo na talaga ang dugo ko kaya kung maaari lang ay tantanan mo na ako," banta niya nang hindi man lang lumilingin dito.

"Ayoko nga," pagmamatigas nito.

"I said leave me alone!" she snarled.

"No!"

"Why not?" galit na hinarap niya ito.

"Dahil natutuwa akong nakikita ang naaasar mong mukha."

"Ay jusmiyo! Ano ba'ng kasalanan ko sa mundo at nakakilala ako ng kagaya ng monggoloid na ito?" napapadyak pa siya bago muling nagmartsa pabalik sa pwesto niya.

"Ang gwapo ko namang monggoloid."

"Shut up!" she roared.

"There's only one way you could shut me up."

"And that is?" muli niya itong hinarap.

"Kiss me."

Napakurap siya at pansumandaling natigilan. Naramdaman niya ang biglaang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya dahil sa tinuran nito. "E-eh kung ibaon na lang kaya kita sa lupa? Bwisit ka!" mabilis siyang tumalikod at halos patakbong lumayo rito.

"Duwag! Takot sa napakasarap kong kiss!" natatawang pahabol nito.

Naitakip niya ang kanyang dalawang palad sa magkabila niyang tenga. "Go to hell!"

"I won't. Aasarin pa kita kaya humanda ka."

"Mamatay ka naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" nanggigigil na sigaw niya.

***

WALANG PUKNAT na paghingi ng paumanhin ang naririnig ni Aira nang mga sandaling iyon. Everybody came to her and asked for her forgiveness.

Parang kailan lang noong tratuhin siya ng lahat na parang isang hangin at isang mortal na kaaway. Tapos ngayon naman ay halos sambahin siya ng lahat mapatawad niya lang ang mga iyon.

"Sorry na kasi," nakayukong ani Macke. Nasa likod nito ang nakayuko ring si Jhen.

"Tinakot kami ni sir Yu eh. Sabi niya bawal ka daw kausapin," singit ni Jhen.

"Oo nga mareng Ai, kahit ako na suki mo lang eh natakot sa kumalat na chismis tungkol sa away ninyo ng anak ng may-ari ng talipapang ito," sang-ayon ni Monica.

"Basta, sorry ulit Ai," ani Chris, hinawakan pa nito ang kamay niya.

Kasama nito ang mga pinsan nitong sina May, Monica, Chel, at Ivy na pare-parehong mga suki rin niya. Sa lahat ng mga bumalewala sa kanya sa talipapa, sa mga ito lamang siya tunay na nasaktan. Itinuring kasi niyang tunay na kaibigan sina Macke.

Sa halip na sumagot ay tipid lang siyang ngumiti. Marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Chris.

"Ai!!!" tili ni Nikka sabay yakap mula sa kanyang likuran. "Grabe! Miss na miss na kita! Sa wakas! Pwede na ulit kitang makausap!"

"Ha?" natitigilang tanong niya.

"Siyempre, kagaya nilang lahat, under din ako kay boss Yu."

"Sorry na kasi," giit ni May. Gumaya na ang lahat sa pagsosorry sa kanya. Hindi na tuloy niya napagilang hindi mapangiti. She suddenly felt lighter.

"Kayo kasi eh! Pasalamat kayo at mabait ako," buntong hininga niya.

"Talagang ginagalit ako ng ulupong na iyon ah!" galit na sambit niya.

So, everything was planned as she's expected. Tinignan niya ang mga kasama, lahat ay mukha namang sinsero sa paghingi ng tawad sa kanya. Iisa lang ang dapat kong sisihin sa gulong ito, ang baklang sakang na manyak na iyon!

"Oo na. Mabait ka na. Kaya patawarin mo na sila," sabi ni Rose sa nanunuyang tono.

Nagtawanan ang mga kasama nitong atribida, joined forces pa sila sa Maliboot Angels. Halos sabay sabay silang napaismid ng mga kasama niya. Manggugulo na naman yata ang mga ito.

"Feelingerang palaka!" nasusukang bulalas ni Rona Joyce.

"Tara na nga girls! Baka mamaya, magsumbong pa iyan kay Sir Yu," pasaring ni Yesha.

Nakaismid na iniwan siya ng mga ito. Sa kauna unahang pagkakataon ay nagawang magkasundo ng dalawang grupo—at dahil iyon sa kanya. How flattering.

"Hayaan mo na sila. Mga inggit lang iyon sa'yo," nakangiting sabi ni May.

"Speaking of inggit, masasabunutan yata kita bruha ka! Tignan mo, padagsa na ulit ang mga suki mo. Uubusin nila agad 'yang mga paninda mo. Sarap mong gilitan ng leeg!" biro ni Jhen na napailing pa.

"Ha?"

"Ayan na ang mga fans mo, siya siya, tatabi na muna ako. Para makabenta ka," wika Macke na bumalik na sa pwesto nito.

"Alis na rin ako, istorbo lang ako rito," natatawang paalam ni Nikka.

Kasabay nitong umalis sina Chris, May, Monica, Chel, at Ivy. Naiwan siyang natataranta at hindi maisip kung paano niyang mahaharap ang mga nagdagsaang mga suki niya.

"Teka teka!" itinaas niya ang dalawang kamay na parang pumapara lang ng bus. "Stop the meaning of this! Isa isa lang, mahina ang kalaban."

"Hay naku Ai, basta ako, dalawang kilo ang bibilhin kong bangus ngayon," tarantang sabi ni Elizabeth, second best suki niya.

"Sa akin, tatlong kilo ng tilapia!" sigaw ni Elen.

"Sa akin limang kilong galunggong!" excited na sigaw ni Les.

"Ay, excited? Excited? Easy lang, bebentahan ko anman kayo," natatawang sansala niya. Parang batang nakikipag-agawan ng kendi ang mga suki niya sa harap ng pwesto niya.

Kahit na sobrang pagod ay talaga namang natutuwa siya. Everything seemed to have been back to normal again. Iyon lang, parang exaggerated na ang balik ng ayos ng buhay niya.

Nakapagtatakang sa isang iglap—isang oras—ay naubos na agad ang paninda niyang dati rati ay umaabot pa ng ala-singko ng hapon bago niya mapaubos.

Kuntentong napangiti siya matapos mapagmasdan ang malinis niyang mesa. Kinuha niya ang kanyang pink na towel na may burda pa ng pangalan niya at ipinamunas iyon sa makinis niyang mukha.

Kumuha siya ng isang bote ng Wilkins mula sa kanyang maliit na ice box at ininom iyon. Pagod na napaupo siya at tinitigan ang wala ng laman na mesa niya.

"Napagod ka ba?" nakangising tanong ng kadarating na si Yu.

"Ay butiking nahulog sa kisame at napadapa ng nakapakeke!" sigaw niya.

Napahawak pa siya sa kanyang dibdib sa sobrang gulat. "Ano ba! Balak mo ba akong patayin sa atake sa puso? Haller! Para kang kabute!" asik niya.

"So, paano yan, tapos ka na sa pagtitinda?" nakangiting lumapit pa ito sa kanya at tumabi sa kinauupuan niya.

Napakislot siya nang maramdaman ang pagsagi ng balbon na braso nito sa braso niya. Ang nakaka-adik nitong pabango ay parang ipinaghehele siya. Grabe! Oh tukso, layuan mo akooooooooo!

"Paano mo naman nalamang tapos na ako aber?" kunwa'y galit na tanong niya.

Trying to cover up her reddening face, she furiously stood up and went back to her table to clean nothing. Mukhang tanga lang, wala siyang maapuhap na pwedeng gawin para sana tantanan na siya nito.

"Simple lang."

Napataas siya ng kilay sa pambibitin nito. Inis na sinipa niya ito sa paa nang makitang ngumisi lang ito sa halip na ituloy ang balak nitong sabihin. Nagpapa-cute sa kanya ang damuho! At ang malandi niyang innerself, nagpapadala sa pagpapacute nito!

"Ako kasi ang nag-utos na sa'yo sila bumili. May raffle draw para sa+ lahat ng bumili sa'yo, may ticket, isang ticket per kilo. At tumataginting na limang libong piso ang premyo."

Kulang nalang ay mabagsakan ang paa niya—ng kanyang panga—dahil sa sobrang gulat. Ideya nito ang kalokohang iyon?? Pero bakeeeeeeeeeeeeeet??

"Sasagutin ko na iyang tanong mo. Para makapagdate tayo."

"D-date?" hindi makapaniwalang anas niya.

"Bingi ka? Bingi?" panggagaya nito sa pang-aasar niya.

Sa ginawa nito ay natawa na siya. He looked so damned cute whenever he pretended to be like an "adik".

"At sino naman ang may sabi sa'yong papayag nga akong makipagdate sa'yo?" nagpapakipot na tanong niya. Kahit na ang totoo ay kinikilig na siya. Ketek! Bakit ba siya kinikilig sa mokong na ito?

"Oo nga naman, paano mo naisip na papayag makipag-date si Ai sa'yo?" singit ng galit na boses na iyon mula sa likuran niya. Gulat na napalinon sila ni Yu sa nagsalita.

Si Bennie! Ang bestfriend turned ex-boyfriend niyang nagawa siyang ipagpalit sa MATH!

Isa na itong engineer ngayon. Pero five years ago, isa lamang itong patpating lalaki na mahilig magbuhat ng limang kilong Math Books at magsuot ng makapal na salamin habang ang buhok nito'y plantsado ng gel at nahati pa sa gitna.

Natigilan siya ng makita ang ayos nito ngayon. He looked totally different—hindi na ito mukhang bangkay, ��in" na ang suot nitong salamin at wala na ring hati sa gitna ang buhok nito dahil uso na rin ang gupit nito.

Pero para sa kanya ay wala paring nagbabago—ito parin ang Jerk na nagawa siyang iwan para matupad ang pangarap nito. He let her face the worst stage of her life—ang pagkamatay ng kanyang ina—dahil sa pangarap nitong maging engineer.

"Sino ka ba?" pailalim ang tinging ibinigay ni Yu sa bagong dating. Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Ramdam niya ang tumitinding tension sa pagitan ng mga ito.

Aawat na lang siya nang biglang sumagot si Bennie.

"Ako si Bennie, ang first love ni Aira," mayabang nitong sagot.

Sa gulat niya ay bigla siyang hinaklit ni Yu, niyakap siya at biglang hinalikan sa mga labi. "First love never dies, but true love buries it alive," ismid nito habang nakangiting inakbayan siya.

Isang nagbabagang tingin ang ipinukol ni Bennie sa kanya. Habang siya ay tila hihimatayin na sa higpit ng yakap ni Yu sa kaniya. Oh em geeeeeeeeeeeeeeee!

Okay. Inhale, exhale. Pilit na kinakalma ni Aira ang kanyang utak habang ang tibok ng kanyang puso ay abalang nagwawala sa loob ng kanyang dibdib. Napalunok siya. Nakapulupot parin ang braso ni Yu sa balikat niya.

"Ikaw, sino ka ba?" maanghang na usig ni Bennie kay Yu, bagamat si Yu ang kinakausap nito ay sa kanya naman ito nakatingin—ng pagkasama-sama.

Napangiwi siya. Kung makaasta ito ay parang ang laki ng kasalanan niya rito. Haller! Boypreng kita? Boypreng kita? Ang sarap isigaw iyon sa harap nito.

"Ako si Yu Hanagami, ang future husband ni Aira," matapang na sabi ng binata.

Ang kamay nitong nasa balikat niya ay biglang lumipat sa bewang niya at hinatak siya palapit—mas malapit. Kulang na lang ay itago siya nito sa likuran nito. Kahit na nasa ganoong sitwasyon siya ay parang may kung anong gustong matuwa sa inaakto ni Yu.

"Aira?" Bennie turned to her.

Napipilan siya. Hindi siya sinungaling na tao, kaya hindi siya nakasagot agad. Sa pagkakataong iyon ay natawa ng pagak si Bennie.

Tinignan nito si Yu na para bang alam nitong nagsisinungaling lang ang binata. Yu's eyes turned hazardous.

"Wow, eksena to the max!" narinig niyang bulong ni Karim, isang mamimili na hindi man lang natinag sa tension sa pagitan nina Yu at Bennie.

"Shhh!" sabay sabay na sabi nina Macke at ng iba pa nilang kasamahan na tindera. Animo'y nanonood ng pelikula sa sinehan ang mga ito.

Napangiwi siya. Hindi sa ganitong paraan niya ginustong sumikat! Buti sana kung may bayad ang eksenang ginagawa niya.

"Let's go Ai, may ipapakita ako sa'yo."

Bigla siyang hinawakan ni Bennie sa kamay at hinila palapit rito. Ni hindi siya nakasagot. Lumuwa ang mga mata niya nang maramdaman ang matigas na kamay ni Yu sa isa pa niyang kamay, hinihila rin siya nito. Pinipigilang lumayo.

For the nth time, she fell silent. Tila biglang nawala ang boses niya dahil hindi siya makaapuhap ng maaring sabihin. What's happening? Nasaan na ang palabang si Ai?

"No. You won't leave me," asik ni Yu.

"Sa akin ka sasama," giit din ni Bennie.

"In your dreams man!" angil ni Yu kay Bennie.

"Bitiwan mo siya!" lalo siyang hinila ni Bennie, pero syempre, hindi nagpatalo si Yu.

"Ikaw ang bumitaw! Get your filthy hands off her!" hinila siya ni Yu.

Sa hitsura nila ngayon, para silang nasa tag of war. Siya, nasa gitna nina Bennie at Yu, ay nagmumukhang manikang pinag-aagawan ng dalawang bata—napaka-gwapo at napakabangong mga bata! Isa pa, pinag-agawan siya ng dalawa. Naalog alog ang natutulog niyang diwa. Kulang na lang ay maputol ang kamay niya.

"Stop the meaning of this!" sigaw niya, sabay hila ng dalawang kamay mula sa pagkakahawak ng dalawa.

Sa sobrang lakas ng paghila niya ay bigla siyang nabitawan ng dalawa at siya'y napasalampak sa sahig. Sapul ang pwetan niya sa malansa at maputik na sahig ng talipapa pero hindi niya ininda ang sakit at kamalasang iyon.

"Mga siraulo kayo! Ano ako, damit sa ukay ukay at pinag-aagawan ninyo? Sakit ng kili-kili ko ah!" nanggagalaiting reklamo niya.

"Ai…"

"Amazona…"

"Shatapakap!" sigaw niya sa dalawa. "Kung gusto ninyo akong pag-agawan, hindi sa ganitong paraan," deklara niya. Susyal! Ang haba ng hair ko! Nagrejoice ba ako?

"Paano ba?" nakangising untag ni Yu. He looked amused. Parang sayang saya pa ito sa nakikitang reaksyon niya. "You know what? You really look cute whenever you get mad."

Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa deretsahang pamumuri nito.

"Huwag kang maniwala diyan Ai, binobola ka lang niya!" singit ni Bennie. Tinignan niya ito ng masama. "S-siyempre maganda ka, pero mas maganda ka kapag nakangiti ka, diba?" biglang kambyo ang eksena ng bruho.

Siraulong ito! Ibig sabihin, hindi talaga siya cute?

"See? Dyan mo ba ako ipagpapalit?" tuya ni Yu.

Tinignan niya ang nakangising si Yu, pagkunwa'y napalingon kay Bennie na kulang na lang ay magbuhol ang dalawang kilay. Sino ang pipiliin niya?