Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 6 - CHAPTER 6 : SELOS : Sa Pula o Sa Puti

Chapter 6 - CHAPTER 6 : SELOS : Sa Pula o Sa Puti

NAPALINGON si Aira kay Yu, tapos kay Bennie, tapos kay Yu ulit, tapos kay Bennie ulit. Ah! Paulit ulit, napalingon siya sa dalawa. Nahihilo na siya!

"Ano, kanino ka sasama?" nakangiting tanong ni Bennie.

Kung makaasta ito, animo'y siguradong ito ang pipiliin niya. Samantalang si Yu ay nakatingin lang sa kanya. With his blank face, hindi niya alam kung ano nga ba ang iniisip nito.

She sighed. Bakit dismayado siyang malaman na hindi umaasa ang mukha nito na ito ang pipiliin niya? Bakit tila wala itong paki-alam kung sino ang sasamahan niya?

At bakit parang hindi siya makahinga kasi naninikip ang dibdib niya? Ipinilig niya ang kanyang ulo.

"Ai my labs!" sigaw ng pamilyar na boses na iyon. Mabilis silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya nang makita kung sino iyon.

"Mang Edmundo!" masayang sigaw niya. Napangisi siya nang makita ang cheap, as usual, na bungkos ng mga bulaklak na hawak nito. Natigilan ang matanda ng makita ang dalawang lalaking kasama niya. Kaya naman siya na ang kusang lumapit rito.

"Para sa akin ba ito?" natutuwang tanong niya. Inabot niya ang dala nitong bulaklak. Nagtatakang napatingin lang sa kanya si MangEdmundo. Narinig niya ang pagsinghap ni Bennie. While Yu's face remained blank. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa huli.

"A-ah. M-may bisita ka yata." alanganing komento ni Mang Edmundo.

"Huwag mo silang alalahanin. Napadaan lang sila," sagot niya. Mabilis niyang isinukbit ang beltbag sa kanyang bewang. Naramdaman niya ang basang pwetan. Badtrip! may putik pa nga pala ang pwet niya. Napangiwi siya.

"Sandali!" gulat na napalingon siya kay Yu, na hinawakan siya sa braso at pinigilang umalis.

Inalis nito ang suot na t-shirt. Napaluwa ang mata niya dahil sa nakitang nagsisiksikang muscles at abs nito. Biglang naghiyawan ang mga tao sa talipapa. Napangisilang si Yu sa naging reaksiyon niya.

"Take this. Pasensya na, wala akong ibang pwedeng ibigay sa'yo," bulong nito sabay balabal ng t-shirt nito sa bewang niya upang matakpan ang pwetan niyang basa. "Ayoko lang na mabastos ka," paliwanag nito.

Naisip niyang manipis nga pala ang suot niyang palda nang mga sandaling iyon. Marahil ay nabakat ang pwetan niya dahil nga sa basa iyon. She blushed.

"Let's talk some other time, okay? Kung kelan tayong dalawa lang," nakangiting sabi nito "...at walang asungot," ismid nito sabay lingon kay Bennie. Pagkunwa'y tumalikod na ito at naglakad palayo. Ay jusmiyo! Isa itong nakakatakam na nilalang na naglalakad sa talipapa.

WOW ULAM!

"Isa kang life saver Mang Edmundo!" siniko niya ito habang papalabas na sila ng talipapa. Iniwan niyang nakatunganga si Bennie. Wala siyang panahong makipaghuntuhan sa isang katulad nitong nang-iiwan sa ere.

"Ibig bang sabihin niyan, tayo na?" nakangising tanong nito. Dagling napawi ang ngiti niya sa tanong nito.

"Ah, Mang Edmundo, may snatcher!" sigaw niya.

"Ha? Nasan? San banda?" natatarantang napalingalinga ito sa paligid nila. Knowing the old man, alam niyang magpapakabayani ito para magpa-impress sa kanya. Kaya naman ginamit niya iyon para makawala sa atensyon nito. Mabilis siyang tumakbo at iniwan ito.

"Hoy Aira! Hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko!" sigaw nito nang mapansing tumakbo siya palayo rito.

"Mang Edmundo, magugunaw muna ang mundo bago ako pumayag na mapasa'yo!"

"Bwisit kang babae ka! Bayaran mo na ngayon din ang utang ng nanay Ailyn mo!"

"Neknek mo! Wala pa iyong isang buwan nating kasunduan," naka-belat pang nilingon niya ito. Pagkunwa'y tatawa tawang tumakbo siya at mabilis na pumara ng tricycle.

PARANG TANGANG nakangiti sa kawalan si Aira nang gabing iyon. Habang yakap yakap niya ang kanyang unan ay kinikilig na inalala niya ang ginawa ni Yu kanina.

"May pagkasweet din pala ang mokong na iyon," kausap niya sa kanyang sarili. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi. In a moment, Yu's kisses flooded her mind. Kinikilig na napatili siya. Ano bang nangyayari sa kanya at kinikilig siya ng ganito?

Biglang naputol ang pangangarap niya nang biglang tumunog ang kanyang mumurahing cellphone. Nagtatakang dinampot niya iyon mula sa tabi ng kanyang unan at tinignan kung sino ang nagtext. Binuksan niya ang mensahe at tumabad sa kaniya ang isang numerong hindi naman nakarehistro sa kanyang phonebook.

"Gising ka pa?" said the text message.

"Secret," was her reply. Napangiti siya. Kapag tama ang hinala niya kung sino ang nagtext na iyon—isinusumpa niya—magwawala talaga siya. Mayamaya'y biglang nagring ang kanyang telepono. Tumatawag na ang unregistered number.

"H-hello?" aniya sa nanginginig na boses.

"Mabuti at gising ka pa," sagot ng swabeng boses ni Yu. Pingilan niya ang mapasigaw. Oh grabeeeeeeeeeee! Ang dami niyang kilig!

"H-hindi pa naman kasi ako inaantok," nahihiyang sabi niya.

Walang boses na nagtatatalon siya sa kanyang kama. Gigil na pinagsusuntok niya ang kanyang mga unan at nagpagulong gulong siya sa sahig. Lahat yata ay nagawa na niya. Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig!

"Great! Magkwentuhan muna tayo, bago ka matulog."

"Ahmm... ano naman pag-uusapan natin?" excited niyang tanong.

"Gaya ng, kung ano ang tungkol sa inyo ni Dennie?"

"Bennie! Hindi Dennie," pagtatama niya rito.

"Whatever."

Napangiti siya at muling nagpagulong gulong sa sahig. Grabe! Nagseselos ba ito?

NAMUMUNGAY pa ang mga mata ni Aira nang dumating siya. Nakailang hikab na siya. Napangiti siya nang maalala ang dahilan kung bakit siya napuyat noong nagdaang gabi.

"Wow. Baliw na baliw tayo ah! Mukhang may amats ka yata ngayon Ai?" natatawang puna ni Gerlie. Nasa Adikterya Civic Center sila nang mga oras na iyon. Praktis kasi nila para sa paparating na patimpalak, ang Search for Maliboot Queen na gaganapin after two weeks.

"Tigilan mo nga ako," kinikilig na sawata niya rito.

Binatukan siya ni Renemir, tindera naman ng mga prutas na kasali rin sa pageant. "Arte! Grabe ha? Nakakadiri ka palang tignan kapag kinikilig," natatawang sabi nito. Kahit na ilang oras pa lang silang nagkakasama noong naunang praktis nila ay naging malapit na siya sa mga ito.

"Aray naman," kinamot kamot niya ang nasaktang ulo.

"Ikaw eh, ayaw mong magkwento," biro ni Sheena.

"Oo nga! Madamot sa kwento," gatong ni Judith.

"Tantanan ninyo ako ah, mga tindera kayo ng prutas! Stop me!" sigaw niya, tila superhero pang iniangat niya ang dalawang kamay na tila may sinasangga. "Shing! Shang! Shing!" Pinagkumpulan na kasi siya ng mga ito, hinihintay na magkwento siya.

"Ay grabe, yan ba ang nagiging epekto ng inlab?" tanong ni V-ghee. Natawa ang kasama nitong si Niña Mae. Ang dalawa ay tindera naman ng mga gulay.

"Bakit ba ako nalang lagi ang pinagdidiskitahan ninyo?" kunwa'y nagtatampong tanong niya.

"Kasi papansin ka," singit ni Yesha.

"Duh! Feelingera kasi," sabat ni Dessery.

"Uh-oh. Naririto na naman ang mga aswang," pasaring ni V-ghee.

"Kung aswang kami, ano ka nalang?" asik ni Angelica.

"Dyosa. Isa akong dyosa," naiiritang sagot niya. "Ako na ang sumagot, napaka-korni kasi ng tanong mo."

"Mayabang ka na ah, porke nilalandi mo si sir Yu?" galit na sabi ni Rose.

"Nakakasuya na kayo ah, anino ko kayo? Bakit ninyo ba ako laging sinusundan? Idol ninyo ako? Idol? Idol?" pang-aasar niya.

"Parot ka? Parot?" sagot ni Gerryjane.

"Mas mukha kang parot kesa sakin," irap niya.

"Yabang mo ah!" sigaw ni Rona Joyce.

"Bahala nga kayo!" mabilis siyang tumalikod. Nagsanib pwersa ang Maliboot Angels at Team Mahadera, dobleng pampakulo ng dugo!

"Hindi ka aalis dahil hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw ni Dessery na biglang hinablot ang mahaba niyang buhok. Napaigik siya sa sobrang sakit at napadausdos siya sa sahig dahil sa ginawa nitong paghila. Pinanlakihan siya ng mga mata.

"Kapag kinakausap ka namin, dito ka lang!" sinipa siya ni Phoebe.

"Naiintindihan mo ba?" muling sinaklot ni Dessery ang buhok niya at hinila iyon.

Si Yesha naman ay kinubabawan siya at pinagkakalmot sa mukha. Mabuti na lang at mabilis niyang naiharang ang dalawang kamay kaya ang braso niya ang tinamaan ng mahahabang mga kuko nito. Hindi niya inasahan ang pag-atake ng mga ito kaya hindi niya alam kung paano dedepensahan ang kanyang sarili.

"Tama na iyan!" sigaw ni Gerlie.

"Tulong! Tulong!" sigaw ng kadarating na si Elizabeth.

Wala ng nagawa si Aira kundi ang tiisin ang sakit sa pananakit ng Team Mahadera at Maliboot Angels. Wala siyang magawa sa lakas ng sabay sabay na pag-atake ng mga ito sa kanya. Puro ungol na lang ang lumalabas sa bibig niya.

Napaluha siya sa sobrang sakit. Nanginig sa sobrang takot. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Namamanhid na ang katawan niya. Ibababa na lang niya ang dalawang braso upang sumuko nang biglang dumagundong ang mapanganib na boses na iyon.

"What are you doing to Aira?"

Ang sigaw ni Yu ang nagpatigil sa pag-atake sa kanya ng mga kalaban niya. Nanghihinang napatingin siya sa mukha ng nag-aalalang binata.

"Dammit! What did you do to her?" asik nito. Galit na itinulak nito si Yesha na nakakubabaw parin sa kanya. "Stay away from her! All of you! Out!" sigaw nito at mabilis siyang pinangko. "Aira, do you hear me? Are you okay?" sunud-sunod na tanong nito.

She couldn't find her voice to speak. Ang tanging nagawa niya ay ang pumikit at tumangis sa mga bisig ni Yu. For the first time in her life, she felt helpless and weak. Ganito ba kagalit sa kanya ang mga kapwa niya tindera? Dahil kay Yu? Dahil sa pageant?

"Damn! Aira, hold on!" walang kahirap hirap na binuhat siya ni Yu. "I'll take you to the hospital. And you, all of you," tinapunan nito ng isang nagbabagang tingin ang mga babaeng namumutla habang nakatitig sa kanila. "You'll pay for this!"

Napatingin siya sa galit na mukha ni Yu. Kitang kita niya ang pagkataranta sa gwapong mukha nito.

Ang pag-aalala, galit, takot at sakit sa mga mata nito ay tila isang mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso. Mula sa kaibuturan niyon ay naramdaman niya ang tila mas lumalalim na paghanga niya sa binata.

She closed her eyes. Ninamnam niya ang kakaibang init na ibinibigay ng mapagpalang mga bisig nito. Maaari niyang ituring na blessing in disguise ang ginawang iyon nina Dessery sa kanya.

For one thing had already been confirmed—she wass falling in love with Yu, kahit pa andami nitong atraso sa kanya. Posible ba 'yun?

"SAY AAHH."

Namumula ang mukhang ibinuka ni Aira ang bunganga kagaya ng sinabi ni Yu. Since yesterday, nang inatake siya ng grupo ng Team Mahadera at Maliboot Angels, ay naging maalaga na sa kanya si Yu. Because of the injuries she got from that incident, she was advised by her doctor to stay at home for at least a week. Medyo masakit ang mga pasa at gasgas niya sa katawan at braso pero napapawi ang lahat ng iyon dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

"How was it? Masarap ba?" nakangiting tanong ni Yu matapos niyang maisubo ang inihain nitong porridge.

"Oo. Salamat," she answered meekly.

"Sa susunod, kapag nakita mo ulit sila, ikaw na ang umiwas. Huwag na huwag mo na silang papatulan ulit," sermon nito.

"Yes father," biro niya.

"Silly," natatawang ginulo nito ang buhok niya.

"Para naman akong bata niyan," namumula ang mukhang ingos niya.

"Ikaw kasi ang baby ko," ngisi nito.

"B-baby ka diyan!" nahihiyang angil niya.

"Ayaw mo?" pinagtaasan siya nito ng kilay.

"T-tumigil ka nga," napaiiwas siya ng tingin.

"Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin?" tudyo nito. Ang kabog ng dibdib niya ay maihahalintulad sa mga yabag ng isang nagngangalit na kabayo. "In love ka na sa akin 'no?" nakangising tanong pa nito.

Napipilan siya. Magagawa ba niyang umamin rito? Ngunit kapag umamin siya, ano na ang mangyayari sa uganayan nila? Will it get better? Or worse?

Seryoso ba ito sa kanya? Sa dami ng katanungan niya sa isip ay mas pinili niyang hindi na lang sumagot. Mayamaya'y biglang may kumatok sa pinto.

"Ako na," presenta ni Yu. Tinungo nito ang pinto at binuksan iyon.

"Ano'ng ginagawa mo rito sa bahay ni Ai?" isang maigting na tanong ang pinambungad ng galit na galit na si Bennie kay Yu.

"Inaalagaan ko siya," prenteng sagot ni Yu.

"Pwes, maaari ka ng umalis. Ako na ang mag-aalaga sa kanya. Tutal, ako naman talaga ang knight in shining armor ni Ai dati pa," mayabang na sabi ni Bennie.

"Dati iyon. Now is different from yesterday," Yu cocked his head.

"Inaasar mo ba ako?" kumuyom ang palad ni Bennie.

"Teka teka. Pwede naman kayong mag-stay rito ng sabay eh. Kahit naman maliit ang apartment ko, kasya naman tayong tatlo," suhestiyon niya.

"Para sa'yo Ai, papayag ako." nakangiting baling ni Bennie sa kanya.

Yu gave her a very icy look. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. A glint of hurt flashed from his eyes, bagamat mabilis ding nawala iyon.

She wondered, may nagawa o nasabi ba siyang masama?