Ipinasok ni Gwendel ang sasakyan sa bakuran ng staff house at itinigil sa mismong tapat ng pintuan. Hinawakan niya sa braso ang binata na lalabas na sana para pagbuksan siya ng pinto. Napatingin ito sa kanya. Marahan siyang umiling. Binawi niya ang kamay at muling pinagsalikop sa kanyang kandungan. Nang aminin niya rito ang totoo ay hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik ito sa buong biyahe. Naintindihan naman niya kung nadismaya ito. Maaring sinabi nito na susuporta sa kanilang dalawa ni Joul kungsakali pero ang malamang totoo pala ang hinala nito ay malamang nakapagbibigay ng lamat sa tiwala nito sa kanya. Hindi niya babaguhin iyon. She won't justify herself para linisin ang kanyang sarili. Gusto lang niyang makita nito na heto pa rin siya. Walang nagbago. Minahal lang niya si Joul pero kung ano siya nang makilala nito ay ganoon pa rin at mananatili iyon.
"Wag kang mag-alala, I won't tell anybody about you and Joul." Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi naman siya nag-isip ng ganoon. "I'll keep it a secret ." His smile is too re-assuring.
Pero dahil din sa ngiting iyon kaya nagpulasan ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Sana lahat ng tao ay katulad ni Gwendel. Open-minded. Hindi nanghuhusga. Hindi sinusukat ang kanyang pagkatao sa dami ng pagkakamaling nagawa niya. Sana kagaya nito ang pamilya niya.
"I love him so much that I don't know what to do anymore." Iyak niya. Gusto niyang magpaliwanag. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung saan magsisimula.
Tumango ang lalaki at umiwas ng tingin. Yumukyok ito sa manibela. "Sigurado akong ganoon din ang nararamdaman niya para sa iyo." Komento nito ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana sa tapat nito.
Pinahid niya ang mga luha at ngumiti ng tipid. "Salamat sa paghatid, Gwen."
Tumango uli ito. Naghintay siya na tumingin ito sa kanya pero hindi nito ginawa. Kaya binuksan na lamang niya ang pinto at lumabas ng sasakyan. Hinatid niya ng tanaw ang Lexus hanggang sa nilamon iyon ng dilim at nawala sa kanyang paningin.
Sumalubong sa kanya si Pepang pagkapasok niya ng sala. Nag-uunat pa ito saka ikinikiskis sa binti niya ang katawan at buntot. Kinarga niya ang alaga matapos ilapag sa mesita ang bag at tumuloy sila sa kusina. Nagbukas siya ng de lata at ibinuhos ang laman sa pinggan ni Pepang na nasa isang sulok. Pinapanood niya ang pusa na ganadong kumain at hinaplos niya ang ulo nito.
"Meaoww..." Tumingala ito sa kanya na para bang nagpapasalamat.
Ngumiti siya at lalo itong hinimas. Hindi na muna niya pupuntahan ang mga kuneho. Marami naman siyang iniwang pagkain doon sa kweba kanina nang dalawin niya ang mga ito. Siguradong kasya pa iyon hanggang bukas ng umaga.
Iniwan niya ang pusa at bumalik sa sala. Kinalkal niya ang kanyang bag. Kinuha ang cellphone sa loob at sinilip. May mga texts siya galing kay Joul.
Him : I'm sorry, I got carried away...
Ang una nitong text. Binasa niya ang pangalawa at pangatlo.
Him : are you home?
Him : I understand why you have to choose Gwendel to bring you home...
Him : Text me please, I love you...
Nagtype siya ng reply.
Her : I'm home, don't worry I'm not upset and I'm sorry too, don't strain yourself at work, I love you...
She then hit the send button.
Umakyat siya sa hagdan para magtungo na sa kanyang kwarto. Kasalukuyan siyang naghuhubad ng kanyang damit nang dumating ang reply ni Yzack.
Him : Can I see you after my work?
Nag-iisip pa siya nang isasagot nang dumating ang isa pa nitong message.
Him : Hindi ako lalapit, hanggang sa bakuran lang ako, magpakita ka lang sa may bintana...
Nangiti na lang siya.
Her : Okay, hihintayin kita...
Nilapag niya sa kama ang cellphone at itinuloy na ang paghuhubad. Pumasok siya ng banyo at naligo. Pagkatapos maligo at makapagbihis ng pantulog ay nagrecite siya ng holy rosary. Twenty minutes after ten, narinig niya ang arangkada ng motorbike ni Joul papalapit sa bahay. Kasabay ng pagtigil ng motorbike sa bakuran ay ang pagtunog ng cellphone niya. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag habang naglakad papalapit sa may bintana kungsaan siya pwedeng makita ni Joul ng malinaw mula sa kinaroroonan nito.
" Babe, I'm here." Medyo namamaos ang boses nito na sinundan ng mahinang pag-ubo.
" Are you okay? Bakit ka inubo?" Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang salamin ng bintana.
" Nilinis namin 'yong lumang library. Masyadong maalikabok. Nalanghap ko yata." Tumingala ito sa gawi niya habang nakasakay pa rin sa motorbike.
Pakiramdam niya isang dipa lang ang distansya nila sa isa't isa. Nararamdaman niya ang titig nito. "Uminom ka ng maraming tubig pagkauwi mo sa dorm. Dapat nagsuot ka ng mask."
Naubo ito muli. "Excuse me," saglit nitong ibinaba ang cellphone.
"Joul, umuwi ka na para makapagpahinga ka. Pagdating mo sa dorm, hubarin mo agad yang shirt mo. Diyan dumikit ang alikabok na nalalanghap mo."
" Um, okay. I'm going now." Tumingala ulit ito sa gawi niya.
"Goodnight, be careful." Hinintay niyang tapusin na nito ang tawag pero muli itong nagsalita.
"Babe, are we good?" May natunugan siyang pangamba sa tono nito. Dahil siguro sa nangyari kanina sa pagitan nilang tatlo nina Gwendel. Nag-alala ito.
"Oo naman. Sige na, umuwi ka na. It's getting late. You need to rest."
"Okay, I love you..." Paos nitong sabi.
"I love you, Joul."
He ended the call and wave a hand before turning his motorbike towards the exit and pull off. Umalis siya sa may bintana at nagtungo sa kama.
Kinabukasan ay nagulat siya nang mabungaran sa labas ng pinto sina Roven at Jevee na halatang nag-aabang sa kanya. They are both wearing their school uniforms.
"Goodmorning, coach." Duwetong bati ng dalawa.
"Goodmorning, ang aga-aga, anong ginagawa nyo dito?" Nagtatakang tanong niya. Luminga-linga pa siya para tiyakin kung may kasama pa ang mga ito. But it appears there's just the two of them.
"Sinusundo ka po namin." Hindi siya nakahuma nang kuhanin ni Roven ang bag niya at ito na ang nagdala. "Utos ng kamahalang Gwendel. Pinahiram pa nga sa amin ang mahigawa niyang sasakyan, oh." Itinuro nito sa nguso ang nakaparadang Lexus ni Gwendel sa labas ng bukana ng bakuran.
"Ang ganda-ganda nyo pala, coach, kapag umaga." Biro ni Jevee at natawa ito nang tangkang pipingutin niya. Tinakpan nito ang mga tainga at ipinikit ang isang mata na para bang may sasabog na bomba sa paligid.
Natawa na lang siya at pinasadahan ng tingin ang sarili. She's wearing a black sleeveless blouse topped with black blazers and a white above the knee pencil-cut skirt.
"Bakit hindi sumama si Gwendel?" Tanong niya. Isinara na niya ang pintuan at ni-lock. Pinapagitnaan siya ng dalawa habang naglalakad sila patungo sa nakahintong sasakyan.
"Pinuntahan niya si Joul sa dorm. May pag-uusapan daw sila. Di yata 'yon papasok sa first subject." Sagot ni Roven. Pinagbuksan siya ng pinto sa passenger's seat. Habang si Jevee ay lumigid sa kabila. Ito ang magda-drive.
Ang tungkol ba sa inamin niya kagabi ang pakay ni Gwendel kay Joul? Kinabahan siya. Baka magkainitan ang dalawa at di magkaintindihan. Pero wala namang rason para magalit si Gwendel kay Joul. Sabi nga nito ay susuportahan sila. Kailangan niyang magtiwala sa pagkakaibigan ng dalawa.
"Nabasted yata si Gwendel kagabi ng babaeng gusto niya. Tumawag sa amin, eh. Nagyayang uminom."Kwento ni Roven na naupo sa likuran.
Napaunat siya sa pagkakaupo at nilinga ang lalaki. "Uminom kayo kagabi? Di ba pinagbawalan kayo ng captain nyo?" Iyon ang lumabas sa bibig niya kahit hindi naman iyon ang rumehistro sa kanyang utak.
Si Gwendel binasted?
"Kunti lang ininom namin, coach. Di kami naglasing. Gugulpehen kami ni Joul pag di kami nakasipot mamaya sa practice." Jevee started up the engine and maneuvered the car towards the main road. "May babae palang babasted kay Gwendel? Sa dami ng nagkakandarapa doon may naglakas-loob na bastedin siya?" Ngumisi ito na parang tuwang-tuwa.
"Masaya ka ba na nabasted yong kaibigan mo?" Sinamaan niya ito ng tingin.
"Di lang kasi ako makapaniwala, coach. Para kasing si Joul yon, dinudumog ng admirers." Depensa nito.
"Pareho lang kayong lahat, pinuputakti ng girls." Kastigo niya at inirapan ito. Si Roven sa likod niya ay tawa naman ng tawa. Napakamasayahin talaga nito. Minsan wala na sa lugar.
Mapilit ang dalawa na ihatid siya hanggang sa faculty room kaya hinayaan na rin niya. Hinintay nila ni Roven si Jevee na maayos na ipinark ang Lexus saka sabay na silang tatlo na naglakad sa malawak na ground kaugnay ng parking area.
Pagsapit ng lobby ay binati sila ng girls na naroon at nakatambay. Naghihintay sa flag ceremony. Naghuhugis puso ang mga mata ng mga ito dahil sa dalawa niyang kasama. Lalo pa at masyadong friendly talaga itong si Roven. Panay ang kaway pati sa mga nakakasalubong nila.
"Tigilan mo nga yan!" Saway ni Jevee rito. "PDH ka talaga."
"Anong PDH?" Inosenteng tanong ni Roven.
"Person deprived of happiness, PDH. Slow." Kastigo ni Jevee rito. Halos umbagin naman ito ni Roven.
Di tuloy niya mapigil ang bumunghalit ng tawa. Habang tumatawa ay nasagi ng tingin niya ang isang grupo ng engineering students na nakatambay din sa lobby. Para bang may hinihintay. Nakatingin sa kanya ang mga ito at nagsisikuhan. Tatlong araw na niyang napapansin na lumalagi ang grupong iyon dito tuwing umaga. Wala bang klase ang mga ito?
"Roven, di ba grupo iyon ni GM?" Tanong ni Jevee pagkalampas nila sa umpukan na nakapagkit ang paningin sa kanila.
Lumingon muna si Roven saka tumango. "Um."
"Bakit sila nandito? Nag-sight- seeing?" Ngumisi si Jevee.
"Baka may kursunadang babae rito." Sabi ni Roven. At biglang huminto. "Alam ko na, ikaw ang ipinunta ng mga yon dito, coach." Itinuro siya nito na para bang nasa korte sila at siya ang nasasakdal.
"Oo nga pala!" Bulalas naman ni Jevee. "Balita namin may gusto raw sa iyo si GM."
Naparolyo ang mga mata niya at hinawi ang hintuturo ni Roven na nakaumang sa kanya. "Sinong GM?"
"Gerald Madrigal. Yong minsan isinama mo sa panonood ng practice namin. Yong mayabang na anak ni mayor."
Mabilis naman niyang na-recall ang sinabi ng mga ito.
"I'm not interested with that guy. At baka nagkamali lang kayo. Baka iba ang dahilan kaya nandito ang mga kaibigan niya." Sabi niya at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Hindi naman kumontra ang dalawa at sa halip ay nagbukas ng bagong usapan. Yong laro sa NBA na parehong napanood ng mga ito. Nakisali siya ng kunti hanggang sa sapitin nila ang faculty room.
"Mahal na mahal ka talaga ng mga players mo. Gwardiyado na, hinahatid ka pa hanggang dito." Tinukso siya ni Miriam pagdating niya sa kanyang cubicle.
Natawa lang siya at hindi pinatulan ang kaibigan.
Absent sa kanyang subject sa umaga si Joul. Pero sa pangalawang subject ay nakita niya na itong nasa loob ng classroom nang mapadaan siya galing sa klase niya sa ibang block. Hindi siya nito nakita dahil seryoso itong nakikipag-usap kay Darren at sa dalawa pang kaklase. Kumusta kaya ang pakikipag-usap ni Gwendel rito? Wala naman siyang napansin na di maganda sa postura nito. Siguro ayos lang. Malalaman niya iyon mamayang hapon.
Matunog sa usapan ng mga girls na nasa corridor ang basketball team. She can't imagine the stress that the girls would go through becoming a girlfriend of those naughty boys. Yzack is surely a campus babe magnet too but he is more behave and in-controlled when it comes to girls chasing him. Kaya hindi siya nakukunsumi.
Ginulantang si Oshema ng tili ng mga estudyanteng babae sa huling klase na pinasukan niya bago ang tanghalian habang subsob siya sa pagrerecord sa scores ng mga ito mula sa short quiz nila.
"Class, keep it down!" Saway niya sa mga mag-aaral na parang sinapian at halos maglupasay sa sahig.
Isa sa mga estudyanteng lalaki ang tumuro sa pinto. Napatingin siya doon. And there they are. Leaning against the door jambs. Roven and Jevee. Ang mga salarin kung bakit nawawala sa sarili ang girls sa loob ng classroom. They are waving at her, grinning like a heralded idols. Ano na namang ginagawa ng dalawang ito dito?
"Hi, Jevee!" Sigaw ng ilan na di maawat.
"Hellow, Roven!!!"
Pinandilatan niya si Roven nang kawayan nito ang girls. Nangisay na nga sa kilig pinalala pa ng lokong ito. Baka mahimatay na ang mga iyon.
"Ang gwapooo!!!"
"May kailangan kayo?" Tanong niya sa dalawa na feeling artista dahil sa atenstiyong tinatamasa.
"Sinusundo ka po namin para sa lunch." Sagot ni Roven.
Ano ba itong pakulo ng mga players niya? Kanina sinundo siya at ini-escort pa hanggang sa faculty room. Ngayon naman sinusundo siya para sa tanghalian. May banta ba sa kagandahan niya at kailangang umaaligid ang mga ito? Napangiti siya sa naisip.
Tumunog ang bell. Dinumog agad ng girls sina Jevee at Roven. Kulang na lang hingan ng autograph. Ang mga lalaking estudyante ay di niya malaman kung maiirita o matatawa sa inasta ng mga kaklaseng babae. Niligpit niya ang mga gamit at binitbit. Pilit kumawala si Jevee sa mga tagahanga at sinalubong siya. Kinuha ang mga dala niya. Libro lang naman iyon,class record at mga papel. Gusto ding tumulong ni Roven pero nagdadamot si Jevee. Napasimangot na lang ang isa.
Nagpaiwan sa labas ng faculty room ang dalawa at hinintay siya.Paglabas niya ay kasama niya si Miriam na sasabay sa kanya sa lunch. Binati nina Jevee at Roven ang co-teacher niya na nanunukso na naman ang tingin sa kanya. Pero tikom naman ang bibig nito at hindi nagsalita ng kahit ano kahit naglalaro sa mga mata ang makahulugang titig. Kinurot-kurot nito ng maliliit ang tagiliran niya habang naglalakad sila. Panay naman ang piksi niya at saway rito habang nakatawa.
"Coach, anong gusto gusto nyo ni Miss Melendres?" Tanong ni Jevee.
Nag-volunteer ang dalawa na sila na ang kukuha ng pagkain nila sa counter habang siya at si Miriam ang maghahanap ng table nila.
"Value meal ako." Sabi ni Miriam.
"Regular na lang ang sa akin." Sagot naman niya.
"Value meal and regular meal coming right up, ladies. Please, wait for us at our table." Maginoong pahayag ni Roven na nag-bow pa.
Natawa na lang sila ni Miriam sa dalawa na masiglang umalis para kunin ang kanilang pagkain. Naghanap sila ng bakanteng table. Iginala niya ang paningin sa buong looban ng canteen, hoping that she could see him. At di naman siya nabigo. She saw her boy at the far end of the food court. Almost near the glass wall. He's with Darren and Trisha and two other girls in their class. Sina Liazel at MJ. Matiim na nakatingin sa kanya ang binata at ngumiti. Tumalon agad ang puso niya.
"Doon tayo," hinatak siya ni Miriam papunta sa nahanap nitong table. Napilitan siyang bawiin ang paningin.
Sa kabilang dulo ang table nila. Punuan na kasi ang karamihan sa mga mesang malapit sa counter. Maraming kumakain rito ngayon. Tinamad sigurong lumabas dahil sa init. Nakaupo na sila at naghihintay na lang kina Jevee at Roven nang tumunog ang cellphone niya.
Text message galing kay Joul. Napatingin siya saglit sa gawi ng lalaki bago binasa ang mensahe nito. Nakatalikod ito sa direksiyon niya.
Him : I paid for your lunch already, regular is it?
Napangiti siya. Kabisado na talaga siya nito. He must be observing her choice of food closely. Nagtype siya ng reply.
Her : Yeah, thank you...
Him : Can't wait 'til class is over...
Kinagat niya ang labi para itago ang kilig.
"Hm, sino yang katext mo diyan?" Usisa ni Miriam na dumukwang para silipin ang cellphone niya.
Agad niyang inilayo iyon. "W-wala," nauutal niyang sagot. Pinagalitan niya ang sarili.
"Wala daw. Ayan oh, nagblush ka." Natatawa nitong tukso sa kanya. "Boyfriend mo?"
Kagat ang labi na marahan siyang tumango at napahawak sa mukha na lalong uminit.
"Salamat naman. Kung wala kang boyfriend talagang magtataka na ako. Dalawang rason lang ang maiisip ko. It's either the boys are blind or you are abnormal." Kastigo nito na sinundan ng tawa.
Inirapan niya ang kaibigan at nakitawa na rin sa biro nito. Dumating sina Jevee at Roven dala ang dawang malalaking food trays.
"Pardon for the wait, ladies. Here's your food." Nakabungisngis na wika ni Roven at nilapag sa mesa ang mga pagkain. Ganoon din ang ginawa ni Jevee na iiling-iling sa inaakto ng kaibigan.
Itinabi nila ang mga tray at nagsimulang kumain matapos maupo ang dalawa. Value meal din ang kinuha ng mga ito tulad ng kay Miriam at nilantakan kaagad. Ang upuan niya ay nasa bandang nakaharap sa entrada ng canteen kaya nakikita niya ang mga pumapasok at lumalabas. Napaantada ang pagsubo niya nang matanaw ang grupo ni Gerald Madrigal na pumapasok. Ngayon ay kasama na ng mga ito ang lalaki. Saglit itong huminto pati mga kasama nito at sinuyod ng tingin ang buong food court hanggang sa dumapo sa kanila ang tingin nito. Nagtagal sa kanya ang mga mata nito bago nagpasyang tumuloy sa may counter. Sumilip sa mga pagkain na naka-display roon.
Umugong ang bulungan ng mga estudyanteng nagsisipagkain pa at may isang grupo malapit sa counter ang umalis sa kanilang pwesto para ibigay iyon sa mga ito. Pahibhasa kilalang anak ng mayor kaya hindi maiwasang may gusto talagang pumapel. Pero tinanggihan ni Gerald ang alok at pinuntirya nito ang mesang katabi lamang nila. Tapos na rin naman ang mga kumakain roon at nag-uusap na lang. Sumenyas ang lalaki sa dalawang kasama na naiwan sa may counter para kumuha ng pagkain.
Pagkaupo ni Gerald ay agad itong sumulyap sa kanila at tinanguan sina Roven at Jevee. Gumanti ng tango ng dalawa. Too civil, she thought. Ngumiti ito sa kanilang dalawa ni Miriam. Sa lahat na kumakain doon ay sila lang yata ng pinansin nito. Dinidma ang iba na gustong makuha kahit saglit lang ang atensiyon nito lalo na ang mga babae. Nginitian niya ito ng tipid. His dimples are really something. It added his exuding sex appeal
"Coach, wag mo siyang ngitian. Baka iisipin niyan gusto mo rin siya." Saway ni Roven sa kanya.
"I'm just being friendly, Roven." Depensa niya at inirapan ito.
"Talagang pinupuntahan ka na rito ng anak ni mayor, Shem. Mukhang seryoso yan sa iyo." Komento ni Miriam na tonong nanunukso na naman. "Balita ko nakipag-usap yan sa administrator para humingi ng permiso na maligawan ka. Pinayagan siguro."
Napaantada siya sa pagnguya. Nagbibiro lang ito di ba? Gerald Madrigal would never do such stupid thing. Magpapaalam talaga sa administrator? Anong akala nito, tatay niya iyon?
"Kung manliligaw siya kay coach kailangan niyang dumaan sa aming mga players ng Phantoms at sa akin pa lang di na siya papasa." Nagsalita si Jevee na sinadya yatang lakasan ang boses para marinig ni Gerald na nasa kalapit na mesa at abala sa usapan sa pagitan ng mga kasama.
Napalingon ito sa kanila sukat sa sinabi ni Jevee. Narinig nga yata. Di naman nagtagal ang sulyap nito at binawi agad nang may ibinulong ang katabi nitong medyo may katabaan at singkit. Tumango ito at may sinabi na pabulong din. Tumayo ang katabi nito at nagtungo sa counter.
Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain para matapos na at makaalis na sila sa canteen. Millennials are certainly fearless. Hindi natatakot sa batas at kaparusahang saklaw nito. Yzack's recklessness is a living proof. Teacher-student's romantic affair is strictly against the internal rules of every institution but can still easily get broken. Kahit siya na busog sa kaalaman ng sampung kautusan ng Diyos ay binali pa rin iyon. Tama nga yatang mas matimbang ang pagmamahal kaysa anumang batas na umiiral sa mundo.
"Are you done? May idi-discuss sana ako about sa schedule ng practice natin. May humahabol kasing trabaho sa admin." Napatingala siya kay Joul na nagsasalita sa may gilid niya habang nakahawak sa sandalan ng kanyang inuupuan. Ang malalim nitong titig ay nakatunghay sa kanya.
Uminom siya ng tubig para buhusan ang puso niya na nagwawala sa kanyang dibdib. "I'm done." Tumingin siya kay Miriam. Sana hindi nito mahahalatang kabado siya.Tapos na rin itong kumain. Pati sina Jevee at Roven. "Let's go?" Umatras si Joul nang umahon siya sa upuan.
Umalis na sila sa kanilang mesa at tinungo ang labasan. Nakasunod sa kanila ang paningin ni Gerald Madrigal. Para bang hinihimok siyang tumingin pabalik rito pero hindi niya ginawa.
May twenty minutes pa siya bago ang unang klase niya sa hapon. Dinala niya sa opisina ng sports committee si Joul at doon sila nag-usap. Sina Jevee at Roven ay pinabalik niya ng kanilang classroom habang si Miriam ay tumuloy sa faculty office.
"I'm sorry but I lied. Wala namang problema sa schedule ng practice natin." Binasag ni Joul ang katahimikan pagkapasok nila ng opisina.
"Alam ko." Ngumiti siya sa binata.
Hinapit siya nito at hinalikan sa labi. Nagpaubaya na rin siya at hinalikan ito pabalik. She was panting so was he when their kisses ended. Hinaplos niya sa daliri ang labi nito na pulang-pula habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata na parehas na nag-aapoy sa damdaming para sa isa't isa. Papaano niyang hindi babaliin ang anumang batas kung ang kapalit naman ay makasama ang lalaking ito kahit sa panakaw na sandaling kagaya ngayon.
"Sinabi mo pala kay Gwendel ang tungkol sa atin?" Sabi nito. Hinawakan ang kamay niya at isa-isang dinadampian ng halik ang kanyang mga daliri.
"He is worried for us." May pagsuyong hinaplos niya ang mukha nito.
"I know, we talked this morning. He suggested something to make our relationship more discreet and safe." Inakay siya nito patungong sofa. At nagpapasalamat siyang ginawa nito iyon dahil malapit ng bumigay ang nanginginig niyang mga tudod. Naupo ito at pinaupo siya sa parting gitna ng nakabuka nitong mga hita habang nakayakap ito sa kanyang baywang. "Mamayang hapon pag-uusapan natin kasama ang buong team."
"Sinabi ba niya sa iba ang tungkol sa atin?" Tanong niya. Hindi naman sa tutol siya na malaman ng ibang players ang relasyon nila ni Joul. Nangangamba lamang siya na baka hindi tulad ni Gwendel ang mga ito na tanggap sila. Gusto niyang protektahan ang binata at ang kinabukasan nito. Ayaw niyang ang pagmamahal niya ang sisira sa lahat ng pinaghirapan nito ngayon.
"Hindi. Wala siyang ibang pinagsasabihan." Hinagkan ni Joul ang tainga niya.
Tumango siya. "You're lucky to have a loyal friend like him."
"Yeah, but I don't know if his loyalty would last. Lalo na pagdating sa iyo."Bigla itong sumeryoso at may nakita siyang kaunting galit sa mga mata nito nang lingunin niya.
"What do you mean?" Dinampian niya ito ng halik sa labi.
"He likes you, Oshema. "
"Shhh...he won't betray you. Trust him."
Saglit itong napaisip saka dahan-dahang tumango at muli ay nagtagpo ang mga labi nila.