PARANG may pakpak ang mga hakbang ni Oshema habang nilalandas ang pasilyo na maghahatid sa kanya sa conference room. Ipinatawag siya ng administrator. She heard from Mrs. Garcia what happened next after she left Vanessa's classroom. Joul declared his feelings for her. Why did he do that? She thought he's taking Vanessa back as his girlfriend.
Sabi nito sa text kanina na ginawa nito kung anong gusto niya. He did save Vanessa at one point though. Iyon siguro ang tinutukoy nito. Kahit nag-aalala siya para sa pamangkin pero may malaking parte sa puso niya ang nakadama ng kaginhawaan.
Maaring naisip niyang handa siyang isuko si Joul pero ang totoo ay hindi niya talaga makakayang bitawan ang binata at ang pagmamahal niya para rito. Haharapin niya ang galit ni Vanessa kungsakali at tatanggapin ang parusa sa kanyang kataksilan. But never again will she yield his love to other woman. She would fight for him the same way that he fought for her. Magiging makasarili man siya sa mga mata ng lahat.
Binuksan niya ang pinto ng conference room at pumasok. Lahat ng taong nasa loob ay natuon sa kanya ang mga mata. Vanessa and Joul are already there. The dean, the guidance counselor and Vanessa's homeroom teacher. Siya na lang pala ang hinihintay. Iniwasan niya munang tingnan ang dalawang mahal sa buhay. She settled on the seat in between Mrs. Divine Garcia, Vanessa's adviser and the college dean of journalism department, Dr. Roselle Alegado . Katapat nila sina Vanessa, Joul at ang school guidance, si Dr. Annaliza Monterola. Bahagya itong ngumiti sa kanya. She smiled back. Para siyang kabayo na nilimitahan ang lawak ng pwede niyang tingnan kasi iwas siyang mapadako ang mga mata kina Joul at Vanessa na ramdam niya ang mabibigat na mga titig.
Tumikhim ang administrator na nakaupo sa may kabisera. "I think everyone's here?" Inilibot nito ang paningin. "Let's start, then." Sinulyapan nito si Joul.
She can't help stealing a quick stare at him too. The anger and anxiety in his eyes matches his dark expression. God, how come he's still very handsome given his intense mood right now. Umilap ang mga mata niya at uminit ang kanyang pisngi.
Nalipat kay Vanessa ang kanyang paningin nang hawakan nito ang kamay ng binata na namamahinga sa table. She laced her fingers with his. Nakatitig din sa kanya ang pamangkin. At halos masakal siya sa poot na nababasa sa mga mata nito. Hindi lamang iyon basta poot. Kombinasyon iyon ng halo-halong emosyon na iisa lamang ang inihahayag. Galit na sukdulan. Nagliliyab sa gitna ng likidong nakasungaw at nagbabadyang pumatak.
Nabaling ang atensiyon nito kay Joul nang pasimpleng alisin ng lalaki ang kamay mula sa pagkakagapos sa mga daliri nito. Nakita niya sa mukha ng dalaga ang pagtutol. Kinagat nito ang labi na parang may gustong sabihin pero nagpipigil.
Ikinatang ni Joul ang mga siko sa mesa at pinagsalikop ang mga kamay. Ipinatong roon ang baba.
Ibinaba niya ang mga mata at itinuon sa kanyang mga kamay na nasa kandungan. Vanessa's rage is not a big surprise. When she chose to love Joul, she anticipated more of this nightmare to come. A dreadful encounter with her niece and the truth that would set all of them to freedom. Ito na iyon. Pagkatapos nito ay magiging malaya na siya. Magiging malaya na silang dalawa ni Joul na mahalin ang isa't isa.
"Joul here told me his side of the story before all of you came in. Kinausap ko na siya for the possible punishment that he would be getting just in case." Nagsalita si Mr. Saavedra. " Now, I want to hear Ms. Torres' version about what happened."
Tumingin ang lahat kay Vanessa.
" I don't have anything to say, sir. Kung anong narinig nyo mula kay Joul, yon na po yon. Nothing more." Sagot ng dalaga sa matapang na tono at matigas na mukha.
Sa tingin niya ay sinadya iyon ng dalaga upang mapigilan ang nakaambang pagluha. Naaawa siya rito. Just how ironic things are. Ang awa niya para sa pamangkin ang nagdudulot rito ng higit na pasakit. Umiiyak ang budhi niya. Pero hindi iyon makaabot sa kanyang puso na tila umalis sa kanyang dibdib at napunta sa ibang dimension.
"Alright, Ms. Torres. Hindi kita pipilitin. Gusto ko lang na maintindihan mong hindi maganda ang ginawa mo. Bukod sa mapanganib, nilalagay mo rin sa pangit na posisyon ang buong school."
"Alam ko po yon, sir. I'm sorry po." Nabasag ang boses ni Vanessa at tumulo na ang mga luha sa magkasalikop na mga kamay kandungan.
Huminga ng malalim si Mr. Saavedra. "Ikaw, Mrs. Garcia. May gusto ka bang sabihin?" Baling nito sa adviser ni Vanessa.
"Wala na, sir. Nakausap ko na siya kanina bago kami pumunta rito. Sa tingin ko ay naiintindihan naman ni Vanessa ang accountability niya sa nangyari." Sagot ng guro.
"We're done on your part then, Ms. Torres. We will be having a deliberation later to determine an appropriate action. Expect a result tomorrow and be ready. You may go now."
Tahimik na umalis sa inuupuan si Vanessa at bago lumabas ng silid ay nag-iwan sa kanya ng tinging nagsasabing hindi pa sila tapos.
"And you, Joul." Binalingan ng administrator ang binatang hindi matanggal ang titig kay Oshema. "Tatlong babae na ang nagtangkang magpakamatay dito sa school nang dahil sayo."
Awang ang labing nag-angat ng mga mata si Oshema sa binata. Tatlo na ang nagtangkang magpakamatay dahil dito?
"It's not an achievement, Joul." Dagdag ni Mr. Saavedra.
Hindi kumibo ang binata. Parang wala itong pakialam sa sinabi ng administrator. Naglaho ang galit na nabanaag ni Oshema kanina sa mga mata nito at napalitan ng amusement. Tumaas pa ang sulok ng labi nito na para bang nangingiti. How dare him find all of these entertaining. Inirapan niya ito.
"Hilig kasi magpaasa tapos iba naman pala ang gusto." Sabat ng school guidance. Nahimigan niya sa tono nito ang disgusto kay Joul.
Napatikhim roon ang administrator pati na ang dean habang siya ay tila nagkaroon ng bikig sa lalamunan. Pati laway niya ay hirap siyang lunukin. Tumunog ang cellphone niya.
Joul is texting her. How did he manage to compose a message for her when all the while his eyes were glued on her? Binasa niya ang text nito.
Him : Let me handle this, relax and watch...
Napalunok siya at marahang kinagat ang labi habang mabilis na nagtype ng reply.
Her : Okay...
Binawi nito ang paningin mula sa kanya at itinuon sa dean at guidance counselor. "Hindi ako naniniwalang sakop ng batas ng eskwelahang ito ang karapatan kong pumili ng babaeng gusto kong mahalin." Nagsalita ito. Puno ng kumpiyansa sa sarili.
Napapikit siya. Ang sarap pakinggan ng boses nito. Buo at matatag.
"But there's limit to which you should place your admiration. You've just declared that you fell in love with your teacher, homeroom teacher on top of that. Taboo yan, alam mo." It was the dean this time contradicting his reason.
But did not show any single sign of backing down. "Kung si Gerald Madrigal, okay lang, pero kung ako hindi? Isn't it unfair?"
"Gerald Madrigal is a different case, Mr. Gascon." Sapaw ni Dr. Monterola.
"How come? Because he's the mayor's son?"
Walang nakasagot. He hit the nerve.
"Are you going to deprived me of my rights just because I don't have a title like him? Clearly a discrimination, don't you think?"
"Stop talking back just to justify your twisted thinking!" Sigaw ng dean barely keeping her composure. "Namimihasa ka na sa kasasagot sa mga guro mo! We know you're brilliant, we know you're almost good at everything but that doesn't give you the right to argue with us especially in situation like this where you definitely know you're at the wrong track."
"Calm down, people." Awat ng administrator. Na-high blood na kasi pareho ang dalawang ginang. "Joul, know your place. You're talking to your school heads. Where's your manner?"
Napapikit ang binata. Calmly, he seemed trying to take everything in without losing his cool control.
"Nang una kang dumating dito, wala kang ginawa kundi magbasag ng ulo ng mga ka-eskwela mong lalaki. Ngayon naman puso ng mga ka-eskwela mong babae ang pinagkakaabalahan mong basagin? Kailan ka ba titigil?" Dugtong ng school guidance na napapailing at lumalaki ang mga butas ng ilong dahil sa pagpipigil ng galit. " And you never had enough of your stupid game. Announcing to the whole school that you're in love with your homeroom teacher? Are you even sane?"
Joul faced them squarely. " I will be doing that stupid game again if needed and next time, i'll make it sure the whole Martirez province will know. Know that i love her. That I love Oshema so much." Kompisal nitong walang bahid ng ligalig sa tono. At buong pagmamahal na tumingin sa kanya. " I don't really understand. Why is it so wrong to love you? "
Umusok yata sa sobrang init ang pisngi niya. She never expected him to be this straight-forward. More so, to argue the school heads in this manner. Ito ang unang pagkakataong labis niyang hinangaan ang kapusukan ng isang lalaki.
"Nasisiraan ka na!" Bulalas ng dean na hindi makapaniwala sa inaakto ng binata. "Naririnig mo ba ang estudyante mo, Miss Salcedo? Gusto ka raw niya. Aren't you even bother how insane this boy is?" Paangil na baling ng ginang sa kanya.
She cleared her throat. Maybe, it's time for her to make a stand the same way that Joul stood up for his feelings towards her.
"Everyone, i would like you to know that i am in love with Yzack Gascon too." Deklarasyon niya.