"May programme ba tayo para sa event bukas?" Tanong niya habang nag-aayos ng buhok sa harap ng tokador. She tied it in a push-up pony tail. Sinulyapan niya si Joul na nakaupo sa bed at nanonood sa kanya.
"Baka nandoon kay Gwendel. Nagpapadala naman ng programme ang organizers dati." Sagot nito. Tumayo at naglakad papalapit sa kanya.
Sinipat niya ang suot. Tight maong jeans at hanging blouse na peach na may burdang lily sa harap. Parang may kulang. Napanguso siya. Wala pala siyang belt.
"Wag na kaya tayong umalis? Sila na lang ang papupuntahin natin dito." Anas nito at ikinulong siya sa malalakas na mga bisig.
The static voltage from his arms surrounding her makes her body numb and weak. "Ano na namang kapilyuhan yang iniisip mo?"
He growled. "Tinatamad akong umalis." Ibinaon nito ang labi sa kanyang leeg.
Mabilis na kumalat ang apoy sa kanyang sistema. "What are you doing?" Kulang sa lakas ang pagpipilit niyang kumawala rito.
"I'm punishing you," pinagapang nito ang mga labi at ang dila paakyat sa kanyang tainga. "For making fun of me."
"Joul..." A moaned escaped from her. Her brain is telling her to stop him but her body and her heart in unison gave her away.
"Oshema..." he groaned hoarsely poking his hard thing behind her. "Anong gagawin mo kung biglang dumating ang pamilya mo rito para kunin ka? Sasama ka ba? Iiwan mo ako?" Kahit pabulong ay di pa rin nito naikubli ang bakas ng pangamba sa tono.
Is it the reason why he's acting a little strange? The anxiety he's trying to conceal is very evident. Gustuhin man niyang ipanatag ang kalooban nito pero alam niyang hindi sapat ang salita. Pumihit siya paharap rito at kinabig ito para magtagpo ang mga labi nila.
The kiss she gave him was gentle and re-assuring. Binuhos niya doon ang kanyang nararamdaman para iparating sa lalaki na pag-aari siya nito at kahit pamilya niya ay hindi niya hahayaang humadlang sa kanila. Ipaglalaban niya ito. Ipaglalaban niya kung anong sa kanya.
"Haharapin ko sila. Ipapaintindi ko sa kanila na mahal kita at ito ang tama para sa akin. Hindi kita iiwan, Joul."
Hindi ito sumagot at niyakap lamang siya ng mahigpit na halos ikadurog niya.
At the last minute binago ni Joul ang venue ng meeting. Kinansela nito ang practice at sa halip na magkita-kita ang team sa auditorium ay sa Mariners Court nito pinapunta ang mga kasamahan. Nandoon na lahat at kompleto ang buong koponan ng Phantoms nang dumating sila. Ang isang bahagi ng west wing ng restaurant ang inu-okupa nila. Isolated iyon mula sa karamihan na kumakain.
"Goodevening, coach, captain." Nagtayuan ang mga players na bumabati pagpasok nila sa pinto.
"Goodevening, guys!" ganti ni Oshema kalakip ng ngiti habang si Joul ay nakipagbungguan ng kamao kina Gwendel, Neil, Roven at Jevee , ang iba ay tinanguan nito.
He then slipped a hand on her waist, telling everyone a part of his territory. Napatingin siya sa kamay nitong nasa kanyang baywang. Natuon din ang paningin ng karamihan doon habang iginigiya siya nito sa kanilang pwesto. Kahit sawayin niya ang binata, wala ding saysay iyon. News spread fast. Acting demure and prim is pointless now. She is prepared for another negative blow from the players anyway. The least to lessen her guilt for fooling them. Sunod-sunod na tikhim ang narinig niya matapos siya ihatid ni Joul sa kanyang upuan.
"Let's have dinner first then we will proceed to the meeting afterwards." Anunsiyo ng lalaki sa tono na alam niyang papakinggan ng lahat.
Tumango siya. Iginala ang paningin at hindi iniwasan ang matitiim na mga titig na kanina pa gustong tumupok sa kanya. Wala mang nagsasalita pero sa mga mata ng mga ito ay nakarehistro ang rumaragasang mga katanungan. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya na walang sinuman ang nagtangkang isatinig ang mga tanong na iyon, dahil ang totoo, hindi niya alam kung papaano sasagot ng tama o kung may tama bang sagot na sasapat para sa mga ito. Ngayon lamang niya naintindihan na kahit maling sistema ng lipunan ang kanyang nilabag, kailangan pa rin niya magpaliwanag. Kailangan niyang ipaliwanag ang pagmamahal niya kay Joul.
The waiters served their food. Nagsimula silang kumain. Some engages in a slow and fleeting conversation. Talking about hot issues on the net, movies, sports and trending on-line games. Pero hindi pa rin inaalis ang atensiyon sa kanya lalo na at inaasikaso siya ni Joul. Nilalagyan nito ng pagkain ang kanyang pinggan.
"Thank you," she hissed and smiled at him putting a roast beef on her plate.
He grinned back and settled on his seat. Tumikhim ito dahilan para mapatingin rito ang lahat. Maging siya.
" It is maybe a little too late to say this, still, i want everyone to know that I am honored to be your captain until now. Pasensya na kung minsan naging mahigpit ako, especially during training and practice. I know it's tough for you and i am grateful for your patience in enduring all those rough times with me. It's been four years since then and our hard-work pays off. We journeyed through victories after victories. We become the undefeated team in our division. The champion as you call it. Kinatatakutan. Hinahangaan. Kahit maraming di nakakaalam na dugo at pawis ang pundasyon ng ating lakas para magtagumpay sa bawat laro. Again, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. You deserved to be a Phantom in the league." He halted for a moment and took a sip of the orange juice in his glass.
Everyone is anticipating his next word like he is casting a spell with no antidote. But nobody has the idea where would this unprecedented note will lead to. Pero si Oshema, nahuhulaan niya kung saan papunta ang munting mensahe ng binata. She didn't saw it coming though but she felt he is compelled to do this and even the score between him and the team who trusted him and his leadership, for failing that trust because of her. He is now choosing between her and the team. Clearly, he is choosing her.
"Guys, it's time a new captain will lead you. I am stepping down from my post effective this day. Kung anong suporta at tiwala ang binigay ninyo sa akin, sana ganoon din sa bagong kapitan na papalit." He declared.
"Wait, Joul! What are you doing? Naging girlfriend mo lang si coach, tatalikuran mo na kami? That's morbid, dude! Come on!" Angal ni Jevee na tumayo mula sa inuupuan. " Hindi ako papayag."
"I'm with Jevee." Gwendel stood up from his seat too.
"Ako din." Si Neil.
"Lalo na ako." Si Roven naman. "Ano ka sinuswerte? May maganda ka ng girlfriend, iiwan mo pa kami?" Tonong biro kahit napaka-seryoso ng mukha. Nagtayuan din ang iba pa na nagpahayag ng pagtutol sa deklarasyon ni Joul.
Napakagat siya ng labi. Baka siya pa ang masisisi nito. "Boys, calm down and let's continue eating. Mamaya na natin pag-uusapan ito. I'm sure your captain has a good explanation on this." Sumingit na siya bago pa lumala ang tensiyon sa ere.
Bumaling sa kanya si Jevee. Mukhang galit. " Coach, may alam ka ba rito? Did you ask him to ditch us?" Paratang nito at hindi niya iyon napaghahandaan.
Hindi siya nakasagot. Kahit wala siyang alam sa planong ito ni Joul pero klaro naman na isa siya sa mga dahilan kaya nagdesisyon itong bumaba sa posisyon bilang kapitan ng koponan. Maaaring sa ngayon hindi pa naramdaman ng koponan ang impact ng relasyon nila pero sa pagdating ng mga araw ay siguradong yayanigin ang team ng mga problemang may kaugnayan sa kanila.
"Jevee!" Dumagundong ang boses ni Joul. "She doesn't know anything about this." Umahon mula sa upuan ang binata at lumapit sa kanya. " In order for this team to evolve, change is needed. And this is the perfect time for that."
" Fuck that change!" Sigaw ni Jevee na ayaw tanggapin ang katwiran ni Joul. Kailangan na itong lapitan nina Neil at Roven para mapakalma. Sa lahat ng naroon, ito ang pinaka-apektado sa naging desisyon ng binata.
Gusto niyang lumapit din at aluin ito pero baka lalo lamang siyang makadagdag sa iritasyon kaya nagtiis na lamang siyang magmasid at hayaan ang mga kaibigan nitong pahupain ang tension. Naramdaman niya ang mainit na kamay ni Joul sa kanyang braso. Marahang humahaplos. Tumingin siya sa lalaki at ibinuka ang bibig pero nalusaw lamang sa kanyang lalamunan ang gustong sabihin. The determination in his eyes is telling her that his decision was fixed and final. Even her cannot overturn it.
Nabaling ang atensiyon niya sa tumutunog niyang cellphone na nasa loob ng clutch bag. Nancy is calling. Saglit siyang napatda habang nakatunghay sa pangalan ng kapatid sa screen ng phone.
"Di mo sasagutin?" Pukaw ni Joul sa kanya.
Tinanggap niya ang tawag at itinapat sa tainga ang phone. "Nancy?" Tumagos ang paningin niya kina Neil at Roven na patuloy na pinapakalma si Jevee.
"Shem, where are you? Nandito kami sa labas ng staff house."
Nakagat niya ang labi at mariing pumikit. They came to bring her home.
" I LOVE YOU, OSHEMA."
" I LOVE YOU TOO..."
Joul kissed her lips softly before she went inside the taxi. Habang umuusad palayo ang sasakyan ay nakatanaw sa kanya ang binata. Nakatanaw rin siya dito. His broad back when he turned to go back inside the restaurant is the last sight she had on him as the taxi rolled towards the corner leaving away the whole Mariners Court like a shadow at the distance.
Gustong sumama ng lalaki pabalik ng staff house pero hindi siya pumayag. Mahalagang maaayos muna nito ang gusot na dulot ng pasya nitong bumaba bilang kapitan ng Phantoms na malinaw na hindi tanggap ng mga kasamahan nito sa team.
Hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya sa piling ng kanyang pamilya. Pero isa lang ang tiyak, hindi iyon maganda at kaaya-aya sa kanyang panig.
Itinuon niya ang mga mata sa harapan at mahigpit na hinawakan ang clutch bag at ang cellphone. Hindi siya bibitaw. Kahit anong mangyari hindi niya isusuko si Joul. Ilalaban niya kung anong karapatan nila. Po-protektahan niya ang binata. Maaring nagsimula sila sa isang pagkakamali kaya ilalaban niyang gawin ang tama ngayon at panindigan kung anong ibinubulong ng kanyang puso para sa wastong bukas na darating.
Back at the Mariners Court...
Isang tikhim ang nagpahinto kay Joul sa paghakbang. Nilingon niya ang pinanggagalingan ng boses at nasumpungan si Gwendel na nakasandal sa gilid ng vending machine sa tabi ng hallway habang umiinom ng light beer.
"Where'd she go?" Tanong nito. Umalis sa pagkakasandal sa machine at hinulog sa bulsa ng pantalon ang isang kamay habang inaalog naman ng kabila ang laman ng bitbit na canned beer.
"Dumating ang kapatid niya. Nandoon sa staff house, naghihintay." Lumapit siya sa vending machine. He fed a required amount to get a drink for himself. Isa pang light beer ang ibinagsak ng machine para sa kanya matapos i-scan ang pera niya. Dinampot niya iyon at binuksan. Ibinuhos sa bibig ang laman.
"Hindi mo siya sinamahan?" Nanunukat ang tingin ni Gwendel sa kanya.
"Kung sinamahan ko siya di wala ako rito." Pabalang niyang sagot.
He murmured a curse. Naiirita sa kanya. Pero idinaan na lamang nito sa pagtungga ng beer. Ang totoo, gustong-gusto niyang habulin si Oshema kanina habang unti-unti itong naglalaho sa kanyang paningin, pakiramdam niya'y di na niya ito muling makikita pa. At habang sumisiksik sa utak niya ang posibilidad na iyon ay para siyang pinapatay ng paunti-unti. Pero kailangan niyang tatagan ang kanyang loob at magtiwala sa kasintahan. Pagkatiwalaan ang pagmamahal nito sa kanya. At hayaan itong haraping mag-isa ang pamilya na wala pa sa tamang panahon para panghimasukan niya. Ang tanging mapanghahawakan niya sa ngayon ay ang pangakong hindi siya nito iiwan sa kabila ng distansiyang humihiwalay sa kanila.
"I just thought she needs you right now." Nagsalita si Gwendel na nagpabalik sa kanya sa huwesyo.
"Staying with her for now would only cause more trouble. She needs to settle everything alone with her family." Ibinuhos niya sa bibig ang natitirang laman ng canned beer. Hinagis sa trash bin ang lukot na lata matapos pigain.
Gwendel did the same. "Seryoso ka talaga sa desisyon mong bumaba bilang captain ng team?" Nilihis nito ang usapan matapos matantong hindi siya nito mapipilit na puntahan si Oshema.
"When did i joke about serious stuff like that?" Sinipat niya ito ng matalim na sulyap. "You will replace me, Gwen. It is your turn now. I know you can do it. I trust you."
Bahagya itong tumingala at bumuga ng hangin. " Yeah sure, what a load of bull you are. Thinking of running away with her, huh?" The resentment is very transparent in his voice.
Tinapik niya ito sa balikat at humakbang para balikan ang ibang mga kaibigan. For the past four years he's been running away. Running for his life. Running from those people who killed his father. Those who wants him dead as well. Hunting him until this very moment.
Natanggap ni Joul ang text message galing kay Oshema sa kalagitnaan ng meeting nila tungkol sa pre-opening ng Christmas league na magaganap bukas. Nagpapaalam ang babae na sasama sa kapatid at bayaw nito pauwi ng Maynila. Gaya ng pangamba niya. Yet still, trusting her is the only option he has right now.
Her : Ikaw na muna ang bahala kay Pepang...
Him : Kailan ka babalik?...
Naghintay siya ng reply pero hindi dumating.
"Captain, mayroon ka pa bang idadagdag para bukas?" Tanong ni Neil.
Ibinaba niya ang phone sa table at umiling. He did not touch the issue again about him leaving his post as their captain. Sapat na ang deklarasyon niya kanina. Tanggap man iyon o hindi ng nakararami.
Tomorrow, Gwendel will start leading the team, setting a new record for the next shot of victories. Naniniwala siyang kayang tuparin ng koponan ang pangarap nila kahit wala siya. Hindi niya tiyak kung hanggang kailan na lamang siya pwedeng manatili kasama ang mga ito. The idea of quitting from the team now crossed his mind but seeing how Jevee took his announcement taken his guts aback. Hindi makakabuti kung ngayon siya kakalas. Masisira ang koponan na pinaghirapan niyang mabuo ng matatag sa loob ng apat na taon.
Nagbanggaan ang paningin nila ni Gwendel. That smug face dares him to reconsider everything. Kanina pa nito binabantayan bawat sabihin niya. Ngumisi siya. Nag-angat ng kanyang thumb. Enough for Gwendel to see and turned it upside down. Umusok ang ilong nito sa inis. F-U-C-K Y-O-U. The word forming from his mouth. He could just chuckled in silence.