Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

PARA siyang binuhusan ng tubig habang nakatitig sa galit na mukha ng kanyang ama. Ni hindi niya magawang tumayo para salubungin ang mga ito. Naunahan siya ng matinding takot.

Hinawakan ni Joul ang kamay niya na nanginginig sa kanyang kandungan at marahang pinisil. Ang init na nagmumula sa kamay nito ay nagpapaalala sa kanya na ito ang laban na pinili niya at kailangan niyang maipanalo.

Pilit siyang tumingin sa binata. Bahagya itong tumango. Sinuklian niya iyon ng pinong ngiti. Kinailangan na siya nitong hawakan sa baywang para alalayang tumayo. Pero hindi niya maihakbang ang mga paa. Para siyang lalamunin sa sobrang galit na nasa mga mata ng mga magulang.

Nilipat niya kina Edward at Nancy ang paningin. Seryoso si Edward habang si Nancy ay bakas sa maamo at magandang mukha ang lungkot. Pero nakuha naman nitong ngumiti ng tipid sa kanya. Ngumiti siya pabalik sa kapatid.

Tumikhim si Joul at ikinawit sa baywang niya ang kamay nito. Napatingin doon ang lahat.

"Relax, babe. You're shaking." Bulong nito sa kanya at dinampian ng maliit na halik ang kanyang tainga. " Goodevening po," baling nito sa mga magulang niya at bumati. Nakatuon ang atensiyon ng binata sa kanyang ama na tinitingnan ito ng may disgusto at pagbabanta.

" Ikaw ang kabit ng anak ko?" Halos pasigaw na tanong ni Vergel.

Napakagat siya ng mariin sa labi. That was so offensive and harsh. Kabit talaga?

" Hindi po ako nakikipagrelasyon sa may asawa, sir." Magalang na sagot ni Joul na di niya makitaan ng kahit kunting bakas ng takot ang gwapong mukha.

"Kung ganoon, anong ginagawa mo diyan sa tabi ng babaeng may asawa?" Panunuya ng kanyang ama. Talagang sinusubok ang pasensya ng binata.

Sinulyapan siya ni Joul. Gusto niyang humingi ng tawad. Laban niya ito pero ito ngayon ang napapasubo sa mapanghusga niyang kaanak.

" Bago ko po kayo sagutin, pwede po ba na maupo muna tayo at kumain? Sana hayaan nyo rin po ako na magpakilala." Kalmado nitong pahayag.

At hindi siya makapaniwalang napahinuhod nito ang mga magulang niya. Dahilan para magkaroon siya ng lakas ng loob na lumapit sa mga ito. Nagmano siya sa ama at niyakap ito.

"I'm sorry, Papa." Hinalikan niya ang magulang sa noo.

Hindi ito kumibo. Sa halip ay umingos-ingos para ipaalam sa kanya na hindi pa rin humupa ang galit at sama ng loob nito dahil sa kanya. Pero ang pagpayag nitong mayakap niya ay sapat na para umasa siyang malaki ang posibilidad na maaayos niya ang lahat sa pagitan nila. Nilapitan niya ang ina at hinalikan sa pisngi matapos magmano. Doon ay napaiyak na siya nang yakapin siya nito pabalik.

"Anak, saan ba kami nagkulang sayo? Hindi ka naman namin tinuruang maging ganito." Napahagulgol na rin ang ginang.

"Ma, I'm sorry kung nasaktan ko kayo ni papa."

"Umuwi ka na sa asawa mo. Hinihintay ka niya." Subok nito na sinagot niya ng iling.

Kumalas siya sa ina at sina Edward at Nancy naman ang hinarap.

"Alam kong may paliwanag ka sa lahat ng ito." Sabi ng kapatid niya, hawak-hawak ang kanyang mga kamay at pinipisil. Kahit papaano, nadama niyang nasa panig niya ito. Nakakagaan iyon ng pakiramdam.

Tumango siya at pilit na ngumiti. Inabot ni Edward ang kanyang ulo at banayad na hinaplos ang buhok niya. Naupo siyang muli at tahimik silang kumakain.

" Ako nga po pala si Joul." Nagsalita ang binata sa gitna ng katahimikan. " Yzack Joul Gascon Hayashi."

Napatitig siya rito. Hayashi? He's got a Japanese surname? Akala niya Gascon ang apelyido nito.

" Hayashi. How are you related with the owner of Yokohama power in Japan?" Tanong ni Edward na biglang naging attentive kay Joul.

Yokohama power? Parang narinig niya na iyon. Pero hindi niya matandaan kung saan.

" Yeah, the owner of that conglomerate is my father. Akira Hayashi. He is also the mayor of Yokohama City."

"Yokohama City, the famous smart city in Asia." Sabi naman ng kanyang ama.

"Yes, sir."

Tumango si Vergel habang siya ay namangha. So, he came from a very powerful city in Japan who's leader is his father? And if his father is Japanese then what does it made him? Half-Japanese? No wonder he is very good at speaking their language.

Tumikhim ang kanyang ama. Tapos na itong kumain. Pati ang mama niya ay tapos na rin. Si Nancy ay naghihimay ng karagdagang hipon. Iyon lang ang kinain nito palibhasa paborito nito iyon. Habang si Edward ay mariing minamanmanan ang bawat kilos ni Joul. Hindi nito ginalaw ang mga pagkain.

"Wine, sir?" Dinampot ng binata ang bote ng Romanee-Conti at nagsalin sa anim na wine glasses.

"I'd like to know the real score between you and my daughter, young man." Nagsimulang umarangkada si Vergel matapos kunin ang baso nito na may wine. "Wag mong isipin na dahil nagmula ka sa isang makapangyarihang pamilya sa Japan ay kokonsentehin na namin ang relasyon ninyo kungsakali mayron man." Dagdag nito.

Siya na sana ang sasagot sa ama pero pinigilan siya ni Joul.

"I understand your point, sir. But like i told you earlier, i won't be having an affair with a married woman much less thinking of doing so." He got the remaining wine glasses and handed them over to Andrea, Edward and Nancy.

Nanunukat ang tingin ni Vergel sa binata. "So, you're trying to say, nothing's going on between you two?" Sa tono nito ay halatang di ito naniniwala.

"No, sir. I'm afraid it's the other way around." Hinawakan ni Joul ang kamay niyang nasa ibabaw ng hapag-kainan.

Kunot-noong napatingin doon ang kanyang mga kaanak. At bago pa may magsalita ay inunahan na niya.

"Papa," nag-ipon muna siya ng hangin sa dibdib. Alam niyang masasaktan ito sa sasabihin niya pero kailangan na niyang ipagtapat ang totoo na dapat ay noon pa niya ginawa. Sana hindi sila umabot sa ganito. "Niloko po tayo ni Rune. Fake po ang kasal namin. Pineke po niya. 'Yong pari, kaibigan po niya yon at hindi totoong pari."

Shock and disbelief. Magkahalong rumehistro ang mga iyon sa mukha ng mga magulang niya. Bracing his arms on his chest, Edward made a loud growl letting her know he's not happy with what he just heard.

Naintindihan naman niya ang bayaw. Malapit nitong kaibigan si Rune. Masakit malaman na pati ito ay kaya palang lokohin ng isang kaibigang pinagkakatiwalaan nito. Marahang hinaplos ni Nancy ang panga ng asawa para hamigin.

"Anak, anong ibig mong sabihin?" Tanong ng kanyang ina na nawalan ng kulay ang mukha.

Mahigpit siyang humawak sa kamay ni Joul at sinimulang i-kwento ang lahat.

QUIETLY, Yzack listened to the detailed story Oshema is telling to everyone, how Rune Olivares fooled them. He's amazed how accurate the information he got from Jrex. That freaking Olivares guy really did have some balls doing all sorts of those crazy stuff.

Pero may nakaligtaan yata ang babae. Nasaan 'yong parte ng kakambal niya sa kwento? Nasaan ang partisipasyon ni Randall sa nangyari? Ayon sa impormasyon na nakuha niya, si Randall ang binayaran para sumiping kay Oshema sa unang gabi ng honeymoon.

Sinadya yatang 'wag isali yon ng dalaga sa kwento para ma-protektahan si Randall. Lucky ass.

Nag-iiyakan ang mga babae kabilang na si Oshema matapos ang mahabang salaysay ng dalaga. Habang si Vergel Salcedo ay nakatulala. Nahihirapang mamili kung magagalit o huminahon. Tinapik-tapik ito ni Edward sa balikat.

Naintindihan niya kung hirap itong kumalma pagkatapos ng masakit na rebelasyon. Siya man ang mapunta sa lugar nito baka papatay siya. Anak nito ang pinaglaruan ng lalaking lubos nitong pinagkakatiwalaan. Tiwala at relasyon na matagal ng iniingatan ng dalawang malapit na pamilya ang sinira.

Kinabig niya si Oshema at niyakap. Hinayaang umiyak sa kanyang dibdib. Banayad niyang hinaplos ang likod nito at dinadampian ng halik ang ulo nito. Wala siya sa lugar para magpahayag ng anumang pagkadismaya. Ang ginagawa niya ngayon ay klaro na isa ding panlilinlang.

"Shhh...that's enough. Everything will be alright now." Anas niya.

"Joul..." Ungot nito.

Fuck. Bakit ba pag ito ang tumatawag sa pangalan niya parang may mga kabayong naghahabulan sa kanyang dibdib? Bahagya niyang inilayo ang dalaga. Baka maramdaman nito ang kabaliwang nangyayari sa kanyang puso.

" Hindi ko ito mapapalampas. Pagbabayarin natin ang lalaking 'yon!" Galit na pahayag ni Andrea at bumaling sa asawa. " Vergel, gumawa ka ng paraan. Magbabayad ang lalaking 'yon sa ginawa niya sa anak ko!" Atungal nito sa asawa na hindi pa rin nabawi ng lubusan ang sarili mula sa pagkaka-sorpresa.

" Ma, tama na po. Huminahon lang tayo." Inaalo ni Nancy ang ina.

Nagpunas ng luha si Oshema at lumapit sa ina. " Ma, ayaw ko na ng gulo. Hayaan na lang natin 'yon. Ayaw ko ng palakihin pa 'to. Tayo din ang mahihirapan."

"Tama po si Shem, Ma. Anuman ang gawin nating hakbang, tayo din ang malalagay sa alanganin."

"Kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi kita pinilit na pakasalan ang lalaking iyon, hindi sana ito nangyayari." Matigas na kastigo ni Vergel sa sarili.

"Papa," napahagulgol na lamang si Oshema.

And all he could do is take her into his arms again. Habang nasasaktan ito para sa ama na nagsisi sa pagkakamaling hindi maiiwasan.

UMAYOS sa pagkakasandal si Randall sa may headboard ng kama matapos lagyan ng nurse ng karagdagang unan ang likod niya.

Kinapa ng binata ang naka-bendang balikat at pinisil-pisil ang kanyang braso pababa. Hindi na iyon gaanong manhid pero kumikirot. Siguro dahil masyado niyang iginagalaw kahit pinagbabawalan siya ng doctor. It goes without saying that everything beyond rules has a prize.

"Sumakit na naman po ba?" Tanong ng nurse na napansin marahil ang lukot sa mukha niya.

" A bit." Mahina niyang sagot.

" I'll call the doctor."

" No, it's okay. I can handle this." Pigil niya rito.

May pagdududa ang tingin na ibinato nito sa kanya. He laid his throbbing head back aginst the soft pillow and shut his eyes, matapos tapunan ng sulyap ang mga baril na nasa mesita.

Some of those are already assembled while the rest he left them dismantled. Dumating kasi ang nurse para palitan ang benda ng sugat niya.

William said there is no need for him to waste time for those weapons. Hindi naman siya 'yong tipong magpapakadalubhasa. Alam niya kung saan siya magaling. Only he has to learn a thing or two about those stuff. Hindi pwedeng siya na lang lagi ang po- protektahan.

" You may go now, Ms. Lyne. Thank you for tending with me." Dismiss niya sa nurse matapos marinig ang mumunting kaluskos nito sa loob ng silid.

" Walang anuman po, sir. Babalik po ako mamaya. Magpahinga po kayo."

Tumango siya. At binuksan ang paningin matapos marinig ang pagsara ng pinto.

Ayon sa mapang tinitingnan niya kanina, they' re heading towards the direction of Japan. But the ship is moving in a very slow pace and speed. Kapag ganito sila kabagal, buwan pa ang hihintayin bago sila makarating sa destinasyon.

Though, it's quiet a brilliant idea making this ship their extension headquarters. Equipped with everything they need. Kung magkulang sila ng supply, dadaong lamang sila sa mga stop overs.

Nabaling ang tingin niya sa pinto nang pumasok si Alexial kasama si Roelle.

" Kumusta ang pakiramdam mo? Nasabi ni Ms. Lyne na kumirot na naman daw ang sugat?" Tanong ni Alexial matapos igala ang paningin sa buong silid at nagtagal sa mga baril na nasa centerpiece.

" Kunti, pero ayos lang. Nothing to worry. Kumusta ang plano?" Tanong niya pabalik sa bodyguard.

" Almost done. We'll show it to you once it's ready."

Tumango siya. Roelle handed him his phone.

" Gwendel Ongpauco is on the line." Anitong hesitant na sinulyapapn si Alexial.

Sinipat niya ang phone.

" Answer him. He's your friend, right?" Alexial spitted.

He heaved a sigh and turned to his friend on the other end.

"Gwen," he shifted for a bit when pain from his shoulder strucked again.

" Where the hell are you, dude? I heard the news. They said you got shot. Are you alright?" Pagalit na tanong ni Gwendel. Maingay ang background nito. Naririnig niya ang boses ng ibang mga kaibigan.

" Ano na, Gwen? Kumusta daw siya?" Si Jevee.

"Nasa hospital ba siya? Saang hospital?" Boses ni Neil.

" Okay lang ba siya?" Si Roven.

"Quiet, guys! I can't hear anything." Saway ni Gwendel sa mga ito.

Huminga ng malalim si Randall. It's frustrating not telling his friends the truth knowing how much they trusted him.

"Gwen, okay lang ako. How about you guys?" Sinulyapan niya si Alexial na lumapit sa centerpiece at tiningnan ang mga baril. Sumunod rito si Roelle at naupo sa sofa.

"Nasaan ka? Pupuntahan ka namin." Narinig niyang may kumalabog mula sa background. "Fuck, Jevee! Stand down!"

"I-loud speaker mo kasi! Ang damot nito." Ungot ni Jevee.

"Bakla ka ba? Nababakla ka na kay Yzack no?" Kantiyaw ni Roven.

Tawanan.

Tumikhim si Gwendel. "Sorry about that. Ang gugulo talaga nila."

"Yeah, i can imagine them storming the place down like naughty kids." Pigil niya ang tawa dahil sa sugat.

"Okay lang ba if i'll put this in loud speaker?"

"No problem." There's nothing much to say anyway.

"Back where we left off, nasan ka na?" Tanong ulit ng kaibigan."Oshema, is she with you?"

Para siyang nagkabikig sa lalamunan.

"Really, Gwendel! Calling coach by her mere name? And you're talking to her boyfriend." Boses ni Neil. "You've got some balls."

"Fuck you, shut up!" Gwendel groaned like a lion.

"Feeling mo yata ikaw ang boyfriend, eh." Sabat ni Roven.

"I said shut up!"

Pinakinggan lamang niya ang pagtatalo ng mga kaibigan. His heart is constricted. Parang nakakulong sa gitna ng libo-libong matutulis na tinik. Saang banda man siya babaling ay matutusok siya.

"Yzack, what happened, dude?"

"I'm sorry, but i can't tell you.It's hard to explain. I got into some messy stuff. I don't want you guys to get involve that's why i left." Maiksi niyang paliwanag.

"What the hell, Yzack!" Sigaw ni Gwendel.

"Kailangan ko umalis. Manganganib kayo at ang buong school kung mananatili ako diyan." He pursued.

"You are saying you're only protecting us, is that it?Baliw!"

" Gwen, please watch over the school for me. Babalik ako kapag maayos na ang lahat. Mag-iingat kayo."

"Yzack, you jerk."

"Sorry for making you guys worried."

"Sira, masasapak talaga kita. Mas mag-aalala kami kung bigla ka na lang mawawala nang di namin alam. Mag-ingat ka rin. Hihintayin namin ang pagbabalik mo."

"Captain, ingat ka." Sigaw ng mga kaibigan niya.

"Salamat..."

"Bumalik ka, captain. Maghihintay kami." Pahabol ng mga ito.

Ibinaba niya ang cellphone sa kanyang tabi. Babalik siya kapag wala na ang banta sa buhay niya at matitiyak niyang hindi na manganganib ang mga taong mahalaga sa kanya. Babalik siya sa kanyang tahanan. Sa lugar kungsaan naroon ang nagmamahal sa kanya. Si Oshema.