"OSHEMA, please open the door and let's talk." Sa gitna ng malakas na kalabog mula sa pinto ng banyo ay dinig ni Oshema ang nakikiusap na tono ni Joul mula sa labas.
Pagkatapos ng komprontasyong nangyari kanina ay kailangan niyang pakalmahin ang sarili kaya pumasok siya sa banyo at nagkulong roon. Akala niya iiwan siya ng binata at hayaan munang mapag-isa pero hindi ito umalis at kinalampag ang pinto. Napakakulit nito. Bagay na hindi niya matukoy kung tipikal rito dahil simula ng naging sila ay di pa naman sila nagkatampuhan ng ganito.
Napatitig siya sa screen ng kanyang cellphone at binalewala ang kumakalabog na pintuan. Kanina pa niya naisip na tawagan si Nancy. Pero anong sasabihin niya sa kapatid? Bibigyan lang niya ito ng alalahanin. Kadarating niya lang dito tapos ganito agad ang nangyayari? Sa hiwalayan ba sila mapupunta ni Yzack? Kung ganito rin lang pala, anong saysay at sumama pa siya rito?
Tumunog ang phone niya. May text message pero hindi galing kay Nancy. Unknown number ang nakarehistro at ayon sa certification code ay galing ng Pilipinas. Binuksan niya ang mensahe.
Him : Hey, coach, morning! It's Gwendel, got your number from your sister, how are you?
Si Gwendel? Nagtype siya agad ng reply.
Her : Morning, Gwen, kumusta kayo diyan?
It took almost a minute bago dumating ang sagot ni Gwendel.
Him : We're okay, coach, may nangyari rito, Joul got shot, may mga armadong sumugod sa boys dorm, kasama mo ba si Joul? Kumusta na siya? Hindi ba malala ang sugat niya?
Sugat? Si Joul? What's he talking about? Di pa nga siya nakahinga mula sa pagkalito ay panibagong message na naman ang dumating.
Him : Coach, can i call?
Her : Ok...
"Oshema, open the door, babe. Let me explain." Ayaw pa rin tumigil ni Joul mula sa labas. Kinalampag na naman nito ang pinto. "Don't do anything reckless, Oshema!"
Napipikon na tiningnan niya ang nakapinid na pinto. Anong tingin nito sa kanya suicidal? Bakit naman niya sasaktan ang sarili?
Nag-ring ang cellphone niya sa tawag ni Gwendel. Agad niyang tinanggap iyon.
"Gwen?" Naupo siya sa takip ng toilet bowl.
"Coach, kasama mo ba si Joul?" Tanong ng binata. May naririnig siyang sunod-sunod na talbog ng bola mula sa background. Nasa practice siguro ito.
"Um, kasama ko siya. Pero ano yong sinabi mong may nangyari diyan at nasaktan si Joul?" Sumulyap siya sa pinto. Tumahimik na. Mukhang sumuko na ang lalaki.
"May nangyari rito, coach. Hindi ba sinabi ni Joul sa iyo. He got shot by a bullet trying to save some of his dorm mates. Ang sabi ng mga nakakita malubha raw yong tama niya kaya nag-alala kami. Nakausap ko siya a couple of days ago, he said he's alright but then he also told me that he needs to leave. Tingin ko may mga masasamang tao na humahabol sa kanya. Well, it's good to hear that he's there with you. Nong nakausap ko siya, he sounded so down and depressed."
Nawalan na siya ng imik. Everything just doesn't make sense. Ano bang pinagsasabi ni Gwendel na nasaktan at nabaril si Joul? Pero saglit na natulala ang dalaga nang may natanto.
"My God," natutop niya ang bibig. "Gwen, tatawag ako mamaya, may kailangan lang muna akong gawin. Ikamusta mo ko sa buong team at mag-iingat kayong lahat diyan."
"Noted, coach."
Ibinaba niya ang cellphone at tumayo. Tinungo ang pinto. Kakatok na sanang muli si Joul nang pagbuksan niya.
"Babe," medyo nagulat ito at bahagyang umurong. His eyes are pleading.
Huminga siya malalim. "Mag-usap tayo." Pormal niyang pahayag at naglakad patungo sa isang bahagi ng suite na pinaghiwalay ng wall partition para magsilbing sala. Kompleto doon sa modernong mga kagamitan. Corner couch, tv at music components.
Sumunod ito sa kanya. Ramdam niya ang tension dito. Kung tama ang iniisip niya di niya ito mapapatawad.
"Aren't you hungry? Kumain ka na muna." He suggested but she just shook her head lightly.
"Joul," pigil-pigil niya ang nginig sa boses. "Nasaan sina Pepang at ang mga kuneho?" Humarap siya rito. Mahigpit na nakakuyom ang marurupok na mga kamao.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Are we going to talk about them now?" May bahid ng iritasyon sa tono nito.
"I'm just asking because i'm worried and i miss them already. Sana isinama natin sila." Sikmat niya. She can't hide the antagonism anymore.
"Babe," lumambot ang mukha nito. "Alam mong di pwede yon. Okay lang naman sila."
Tumango na lamang siya. Wala na siyang pwedeng argumento. Hindi niya maipipilit ang punto niya sa ngayon dahil wala pa siyang katibayan.
"I missed Nonoy and Mimi too." Dagdag pa nito na lalong nagpatahimik sa kanya. Unti-unti tuloy nagkalamat ang hinala niya.
Kung hindi ito ang totoong Joul napakagaling naman at pati ang maliit na detalyeng iyon ay na-research pa nito.
Nanghihinang napaupo siya sa couch. "Nagkausap na ba kayo ni Gwendel?"
His jaw tightened. Nabasa niya ang pagdaan ng paninibugho sa mga mata nitong matalim na nakatitig sa kanya. So typical of him. Possessiveness.
Bumaba ang paningin nito sa phone na hawak niya. " Yeah, why? Did he told you something?" Humakipkip ito.
Umiling siya. "No. Kinamusta ka lang niya kasi napabalita daw na nabaril ka." She studied his reaction but there was none.
"Hindi pa ba uso sa kanya yong fake news? That's rampant, may mapag-uusapan lang." He spitted.
Tumango siya. Tama ito. Kalat na kalat na nga sa social media ang mga fake news.
"Nag-aalala sila sayo." Sabi na lamang niya at pinaglaruan ang mga daliring nasa kandungan.
"I know. Guess it's my turn now?"
Napaangat ang tingin niya rito. "Turn for what?"
"Explanation." Ibinaba nito ang sarili sa harap niya. With one knee bended on the carpeted floor, he held her hand. "About Mikah Jaruna. I'm not going to deny it. She's my girlfriend." His grip became tighter. Para pigilan siyang makawala.
"It's okay. You don't have to explain. Wala kang obligasyon sa akin para magpaliwanag." Na-sorpresa siya dahil di na niya naramdaman ang kaparehas na sakit na nadama niya nong napanood niya ang balita.
Marahil ay kumbinsido na ang puso niya na ang lalaking ito ay hindi ang Joul na kanyang minahal at nagmahal sa kanya. Kaparehas lang ng pangalan at mukha pero hindi ito iyon. Dahil ang Joul niya ay hinding-hindi siya sasaktan at pagtataksilan. Kahit sa maikling panahon na nagkasama sila naipadama sa kanya ng lalaking iyon na siya lamang ang magiging laman ng puso nito saan man silang dalawa dadalhin ng tadhana.
"I'm sorry, i didn't mean to lie to you. " He continued. "But i was caught up in a situation where i don't have any other choice. I am Yzack, the real Yzack Joul Gascon. And i am asking you to trust me."
"Trust you?" Tumawa siya ng bahaw. "Hindi ako nagtitiwala sa mga taong di ko kilala. Oo, magkapangalan kayo at magkamukha ng lalaking mahal ko pero magkaibang-magkaiba kayo. Hindi kita kilala." Walang ligoy niyang pahayag. "Di ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Pero anumang paliwanag mo ay hindi sasapat para magtiwala ako."
His eyes turned darker. Binitawan nito ang kamay niya at walang anumang pasakalyeng iniwan siya. Akala niya doon na magtatapos ang munting eksena nila para sa araw na iyon. Pero bumalik ito. May dalang black envelope. Binuksan nito iyon at dinukot ang laman. Pictures. Hinagis nito ang mga iyon sa tabi niya.
Napahigit siya ng malalim na hininga sa pag-iisip na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.
Those are Joul's pictures. All in stolen shots. He's wearing the school uniform of Martirez in his usual bad ass style. She pursed her lips to suppress the tears from falling. This is her Joul. The boy she loves. This is him. Hindi siya pwedeng magkamali.
"Is he your Joul?" Nanunukat nitong tanong na mariing nakaantabay sa kanya. " Well, i'm sorry to tell you that his name is not Joul. He is Jairuz Randall Monte-Aragon. My twin brother."
Twin brother? Kambal. Tama nga ang hinala niya. Two the same faces in one blood.
But...
Jairuz Randall Monte-Aragon? The President of Martirez University? My God! Natutop niya ang bibig. Kaya pala napakadali para sa lalaki na pasukin ang mga opisina sa school na kahit silang mga nasa faculty ay di basta-basta nakakapasok. The reason why all of his documents pertaining to his profile is very confidential and had no photos of him. Naging klaro na ang lahat ngayon.
"He's no better than me. He lied too the same that i lied to you. He used my name and my identity to deceive you and the people around him. Whatever the reason, that we didn't know for now."
Isa-isa niyang dinampot ang mga litrato kasabay ng mga butil ng luhang nagpatakan sa kanyang mga mata. Alam niyang may dahilan kung bakit nito kinailangang magsinungaling at magpanggap. At alam niyang mas matimbang ang dahilan nito kaysa anumang kasinungalingan. Wala siyang makapang galit sa puso para sa binata. Ang naroon ay labis na pag-aalala. Gwendel said he's been shot. He's hurt and wounded? At wala siya sa tabi nito. Sinong nag-aalaga sa lalaki ngayon? Kumakain kaya ito ng maayos? Nakakapagpahinga?
"Pwede ko bang itago itong mga pictures niya?" Niyakap niya ang mga larawan. Minahal niya si Jairuz kahit di niya alam ang tunay nitong pagkatao. Mahal niya ito sa kabila ng peke nitong katauhan. At mamahalin niya ito lalo ngayong alam na niya ang katotohanan.
"You love him that much, huh?" Iritableng komento ni Yzack.
Tumango siya. Di niya itatago ang nararamdaman.
"I can't believe how stupid you can get. He ditched you already. Iniwan ka na niya. Where is he when your butt needed his protection from that lunatic Rune Olivares? Walang Randall na dumating para sayo, Oshema. Ako ang dumating para iligtas ka. May utang na loob ka pa sa akin, tandaan mo yan." Matigas nitong pahayag na binirahan ng alis.
Napasunod na lamang siya ng tingin rito.
Naaaliw si Mikah sa panonood sa pusa at mga kuneho na ganadong kumakain. Pagkatapos nilang mag-agahan ay ang mga ito naman ang pinapakain ni Jairuz. Mahilig din siya sa mga hayop lalo na sa aso pero ayaw ng daddy niya na mag-alaga siya ng isa kasi may allergy siya sa balahibo. Hinihika siya pag nakasinghot non. Kaya nakapagtataka ngayon na hindi man lang siya nababahing habang malapit sa mga ito gayong parehas na mabalahibo ang mga ito.
Dumampot ng isang tangkay ng chinese kangkong si Jairuz at iniumang sa mga kuneho. Agad nag-agawan ang dalawa.
Natawa siya. Tumabi siya sa binata na naka-squat sa harap ng mga alaga abalang-abala sa kanilang rasyon. Si Pepang ay seryoso at hindi nagbi-break sa kakadila sa pagkaing nasa bowl nito.
Binawi niya ang tingin at ibinaling kay Jairuz. He was watching the animals closely and quietly. Kahit yata pati ang pagnguya ng mga alaga ay binabantayan nito. Lalo na ang pusa. A concealed longing and sadness is evident in his eyes while petting the cat. Kapag ganito na hindi ito nakatingin sa kanya ay nababasa niya kahit papaano ang mga emosyong nakakubli sa mga mata nito. He is a sublime masterpiece of perfection with roughness and emotion chained and captive inside of him.
"You're never tired of doing that." Bigla itong nagsalita.
Napakurap siya. "Doing what?"
"Staring at my face. Mula ng dumating ka rito wala ka ng ginawa kundi titigan ang mukha ko." Maangas nitong pahayag.
Napanguso siya. "Ang yabang mo. Naghahanap lang ako ng pagkakaiba ninyo ni Yzack." Alibi niya. Nakikiramdam lang pala ito sa kanya.
"Really? May nakita ka ba?" Sumulyap ito sa kanya.
Her heart skips a beat. "Nothing." Inirapan niya ito.
"Di ka magaling maghanap kung ganoon. Malaki ang pagkakaiba namin. Mas gwapo ako don." Anitong nagpipigil ng ngiti.
Her cheeks flush because she can't seem to disagree . Mas gwapo nga ito ng kunti at mas malakas ang dating. His features are seemingly more refine yet rough that she can't explain how.
"Ahm...can i ask you something?" Basag niya sa dumaang saglit na katahimikan.
Tumango ito. Nakatuon ulit kay Pepang ang mga mata.
"What happened to you? How did you get that injury in your shoulder?" Tanong niya. Nahulog ang paningin sa balikat ng lalaki na kahit may shirt ay halata pa rin ang benda sa ilalim.
"I got shot." Sagot nito. Magtatanong pa sana siya kung bakit pero naunahan siya nito. "Don't ask me to elaborate. The whole thing was terrifying even to remember. You don't wanna hear something that can cause you a bunch of nightmares."
"Tinatakot mo lang yata ako. Try me, i can handle whatever it is. I'm not that clumsy." Hirit niya.
"Tawagan mo na lang ang boyfriend mo. Wag ako ang kulitin mo, wala kang mapapala sa akin." Nilagay nito sa kandungan niya ang cellphone at tumayo. "Return the phone when you're done. Nasa cabin lang ako." Hinulog nito sa bulsa ng pantalon ang mga kamay at naglakad paalis. Sumunod rito ang pusa at mga kuneho.
Tumayo siya. Sinipat ang cellphone na hawak saka muling tinanaw ang malapad nitong likod habang papalayo.