Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 41 - Chapter 40

Chapter 41 - Chapter 40

YZACK? No, it's not. Nagpulasan ang masaganang butil ng luha sa mga mata ni Oshema habang nakatitig sa malungkot na mga mata ng lalaki.

It's him. Her beloved Joul. The Joul she knew back in the Philippines. The Joul who loves her more than anyone. Ito iyon. Hindi siya pwedeng magkamali.

Napahagulgol siya. Sumalampak sa sahig. At binitawan ang yakap na vase. Umiyak siya ng umiyak. Di niya matukoy kung dahil iyon sa sobrang kaligayahan o sa nadaramang sakit dulot ng sobrang pangungulila niya sa lalaking ito. Akala niya di na niya ito muling makikita. Kahit hindi siya nawalan ng pag-asa pero sa bawat araw na lumipas ay unti-unti siyang pinanghihinaan ng loob.

Banayad itong naglakad papunta sa kanya. Bawat hakbang nito ay sinasabayan ng dagundong ng kanyang puso at ng pakiramdam na ito lamang ang may kakayahang magdulot sa kanyang sistema.

Ibinaba nito ang sarili sa harap niya at buong pagsuyong pinunasan ang kanyang mga luha. Halo-halo ang emosyong rumehistro sa mga mata nito na kumikislap sa likidong pilit nitong sinusupil.

"Are you okay? Di ka dapat umalis doon sa bed." His voice is trembling. "Can you stand?"

Umiling siya habang patuloy pa rin ang paghagulgol. She can't articulate anything. Dinaig siya ng mga hikbi na hindi niya mapigilan. Pinangko siya nito ng buong pag-iingat at dinala muli sa kama. Mahigpit siyang kumapit sa damit nito pagkalapag nito sa kanya sa bed. Pinipigilan niya ito sa pag-aakalang aalis na naman ito at iiwan siya.

"I wasn't prepared for this. I never thought I get to be alone with you so soon." Tumawa ito ng mapakla kasabay ang pagpatak ng mga luhang kanina pa nito pinipigil. Mabilis nitong pinahid ang mga iyon sa likod ng palad. He whispered curses she couldn't almost hear. Lumuhod sa harap niya ang lalaki at niyakap siya ng buong higpit. "I'm so sorry for everything. Sorry I deceived you. I'm sorry, Oshema." Ibinaon nito ang mukha sa kanyang dibdib habang umuuga ang mga balikat dahil sa pag-iyak.

Hinaplos na lamang niya ng buong pagmamahal ang likod nito. Hindi siya makapagsalita dahil sa silakbo ng pag-iyak.

"But everything about my feelings for you is genuine. I want you to believe that. Lahat ng sinasabi at ginagawa ko para sa iyo, totoo lahat ng iyon. Walang pagkukunwari. Mahal na mahal kita." Nagpatuloy ito sa paliwanag na hindi naman niya hiningi dahil sapat ng nakita niya itong muli. Alam niyang ang pagmamahal nito sa kanya ay totoo. Damang-dama niya iyon. Ang damdaming nakikita niya sa mga mata nito ay walang bahid ng kasinungalingan.

"Mahal na mahal din kita." Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Mula sa pag-iyak ay nagkatawanan sila nang sumiksik sa gitna nila sina Pepang at ang mga kuneho. Isinali na rin nila sa yakap ang mga alaga. Buo na ulit ang kanilang pamilya.

HABANG nakikipaglaro si Oshema kay Pepang, tumawag sa pantry si Jairuz gamit ang intercom para sa kanilang dinner. Kumakalam na ang sikmura niya. Hindi kasi siya nag-snack doon sa school kanina at kunti lang din ang kinain niya sa tanghalian. Mahina ang apetite niya lately at nangangasim ang kanyang sikmura. May kutob na siya kung bakit pero hindi pa niya na-confirm.

"Dinner will be serve in ten minutes." Anunsyo ng binata at naupo sa may paanan ng bed. Lumapit rito si Pepang at nagpapahaplos.

"Thank you." Ngumiti siya ng matamis. "While waiting for the food, can I ask you something if you don't mind?"

"Um, go ahead." Sinuklay nito sa mga daliri ang buhok na bumagsak papunta sa mukha nito.He definitely so hot and gorgeous now more than ever.

"Pwede ko na ba makilala at malaman kung anong pagkatao ng lalaking pinili kong mahalin?" Kinuha niya ang unan sa kanyang tabi at nilagay sa kanyang kandungan. Doon ay pinagpahinga niya ang magkasalikop na mga kamay.

Saglit nitong iniwas ang mga mata sa kanya. Nakita niya mula roon ang pagsungaw ng lungkot. "My name is Jairuz Randall Monte-Aragon."

"The school president of Martirez University." Dugtong niya.

Tumango ito. "My father founded that school twenty years ago. Oshema, I don't intend to keep more secrets from you. But you have to understand, everything that I am holding under wraps is all for your safety. I need you to trust me." He is pleading.

"I trust you and I understand but please, let me at least worry for you. Kung hindi ako makakatulong sa iyo, kahit ang mag-alala man lang ay huwag mong ipagkait sa akin."

Bumuga ito ng hangin at umiling. "I am already your ultimate worries eversince."

"Still, I want to worry more about you." Hirit pa rin niya at sa inihahayag ng mukha ni Jairuz alam niyang nanalo na siya.

Dumating ang hapunan nila. Pinilit niyang kumain ng marami para hindi mahalata ng lalaki na wala siyang gana. Mabuti na lang at nakisama ang kanyang sikmura. Siguro dahil masaya siya. Ang puso niya ay parang sanggol na henehele at hinahaplos.

"Kailangan ko nga palang tawagan sina Yzack at ang mama mo. Para malaman nilang okay lang ako." Sabi niya matapos sila kumain.

"They knew. I sent them a message earlier." Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil.

Gumanti siya ng pisil habang nakatitig sa mga mata nito. She's home now. To his eyes where her reflection is clear and untainted.

Lumipat sila sa cabin ng binata pero hindi para matulog. They've spent the whole night cuddling, making up the times they've lost being apart. After they made love, pinagtapat nito sa kanya lahat ng gusto niyang malaman. Walang labis, walang kulang. Pati mga bagay na hindi na dapat niya malaman ay kinuwento din nito gaya ng interaction nito kay Mikah Jaruna.

"I need to tell you something too." Sabi niya at umalis sa pagkakahilig sa dibdib nito. Dinungaw niya ang kalmado nitong mukha at hinuli ang paningin. "I almost cheated on you. I'm sorry."

"Wala kang kasalanan. Both Yzack and I deceived you. Kung may dapat humingi ng tawad, kaming dalawa iyon." Bumadha sa anyo nito ang guilt.

Hindi. May kasalanan pa rin siya. She should have notice the difference. No. She had. She noticed it. Yzack's signature outfits. The mannerism. The endearments. Napapansin na niya iyon. But she chose to ignore them. She was pre-occupied with running away from Rune. Kahit ang ibinubulong ng kanyang puso ay hindi niya pinakinggan

NAMANGHA si Oshema nang malamang nasa barko pala sila. This is her first time aboard in a cruise ship. Three hundred forty-two meters ang haba ng barko. May capacity na aabot hanggang limang libo at may humigit-kumulang dalawang libo at limang daang cabins.

Inilibot siya ni Jairuz sa kabubuuan niyon at wala siyang ibang magawa kundi matulala sa kagandahang sumasalubong sa kanyang paningin sa bawat bahagi ng barko na pinupuntahan nila.

They went to the huge balconies where there is enormous amount of granite and marble paneling plus the five hundred chandeliers made of Czech crystal. Sunod nilang pinuntahan ay ang pantry. Namangha siya sa kung paano naka-set up ang mga tables na may custom-designed na Versace china.

Pagkatapos nila maglibot ay dinala siya ng binata sa conference room kungsaan naghihintay ang mga kasamahan nito. Natuwa siya nang makita roon ang school administrator. Kamuntik pa niya itong yakapin sa sobrang galak niya.

"This is Alexial Andromida, my bodyguard." Unang pinakilala ni Jairuz sa kanya ang matangkad, moreno at gwapong lalaki na isang tingin pa lamang ay alam niyang hindi ordinaryo at tila nababalot ng misteryo ang buong pagkatao.

"Nice to meet you,Oshema." Kaswal nitong sabi at naglahad ng kamay.

"Same here," iniabot niya rito ang palad.

"This one is my Ninong. Mr. William Regala. He is my father's bestfriend." Kasunod na pinakilala nito ay ang mestisong lalaking may edad na pero nanatili pa rin ang tikas ng tindig.

"Welcome to the family,hija." Hindi pakikipagkamay ang inalay nito kundi magiliw na yakap para sa isang kapamilya.

"And these are my trusted friends. Ms. Lyne, the nurse, Jimmy, the captain of this ship, Jess, the doctor,Teddy and Raul, the chefs." He enumerated the rests of them. Binati niya ng ngiti at malaking HELLOW ang mga ito na gumanti naman ng mas malapad na ngisi. "There are others who are out there running for some errands."

Taos sa puso ang pagpapasalamat niya sa mga taong ito dahil sa katapatan at pagdamay ng mga ito kay Jairuz at sa layunin ng binata. Alam niya na pwede namang talikuran at takasan ng mga ito ang ipinaglalaban ni Jairuz pero nandito at nanatili sila para sa kaligtasan niya at sa kinabukasan nila ng kasintahan.

Dahil puyat ng nagdaang gabi, hinatid siya ni Jairuz pabalik sa cabin para makapagpahinga pagkatapos ng tanghalian. Pero hindi siya makatulog dahil sa kakulitan ng mga alaga. Naroong lulundagan siya nina Nonoy at Mimi na naghahabulan. Si Pepang naman ay parating nakalingkis sa kanya. Kaya nagtungo na lamang siya sa balcony at pinanood ang payapang dagat habang sinusuyo ng amoy-alat na simoy ng hangin.

Gusto niyang sumama kay Jairuz pabalik ng Pilipinas pero ayaw nitong pumayag. Mapanganib raw. Hinaplos niya ang tiyan. Kung wala ang buhay na pumipintig roon talagang ipipilit niyang sumama.

NAGBABANGAYANG boses ang nauulinigan ni Oshema habang papalapit ng conference room. Doon siya itinuro ng huling napagtanungan niya kung nasaan si Jairuz. Gusto niyang magpaalam sana sa binata para sumaglit sa prep school kungsaan siya nagpapart-time. Pero wrong timing yata siya.

Nakabukas ang pinto ng conference room kaya naglakas-loob na siyang sumilip. Napalunok siya at namilog ang mga mata nang makitang ang katalo ni Jairuz ay si Yzack. He really came. Siguro matagal na nitong alam na nandito sa Japan si Jairuz.

"Where is she? I need to see her!" Marahas na demanda ni Yzack na nakatuon ang mga kamao sa conference table at nakikipagsukatan sa kapatid.

"Sinabi ko na sa iyo na nagpapahinga siya sa cabin ko. Gaano ba katigas 'yang bungo mo at hindi ka makaintindi?" Paasik na sagot ni Jairuz na ang mga mata ay nagbabadya din ng panganib.

Sa sukatan ng dalawa, alam niyang walang isa man sa mga ito ang susuko at magpapatalo. Magkakambal nga. So identical. Pati barumbadong ugali walang pagkakaiba.

Looking at them right now, from the neatly brushed up hair of Yzack compare to the messy hairstyle of Jairuz. Yzack's formal signature outfit with tie and coat versus Jairuz's bad boy attire of ripped jeans, V-neck shirt and leather jacket. Still, nothing come close to his bleeding sexiness.

"Anong balak mong gawin sa kanya? Isama sa impeyernong pupuntahan mo? Tahimik na ang buhay niya sa piling namin ni mama. Sisirain mo ba ang kinabukasan niya dahil diyan sa walang kwenta mong laban?"

Natawa ng bahaw si Jairuz. " At ikaw, anong balak mong gawin sa kanya? We're done deceiving her, Yzack. Tama na." Pagod na ibinagsak ng binata ang sarili sa swivel chair. "Galit ka sa akin hindi dahil kay Oshema. Hindi rin dahil ginamit ko ang pangalan at katauhan mo sa pagpapanggap. Alam ko, Yzack. Alam ko ang pinanggagalingan mo kaya naintindihan kita. Pero kung kaligtasan ko lang ang mahalaga sa akin, hindi ako magtatago mula sa inyo. Sorry if that makes me a cruel brother. But I have no other choice. I can't forgive myself if the people who killed our dad will harm you."

Hinaplos ng awa ang puso niya para sa kasintahan. Alam niya kung gaano kahirap para dito ang lahat. Ang magtago sa pamilya at mabuhay sa ibang katauhan. Magpanggap at lokohin ang mga kaibigan na nagtitiwala rito.

"Ganyan kalampa ang tingin mo sa amin ni mama? Inisip mong hindi ka namin kayang protektahan?" Naroon pa rin ang galit sa tinig ni Yzack pero bakas sa tono ang hinanakit. "Pamilya mo kami, Jairuz. Kakambal mo ako. Kung may mga taong gustong manakit sa iyo, nandito ako para protektahan ka. Nandiyan si mama para damayan ka. Ano pala ang silbi namin sa buhay mo kung papasanin mo lang mag-isa ang panganib? Apat na taon. Nabilang mo ba? Apat na taon ka naming hinanap. Halos masiraan ng bait si mama dahil sa sobrang pag-aalala sa iyo."

Umurong siya paalis sa may pinto at nagpasyang bumalik na lang ng cabin. Mukhang iyon na ang tamang oras para magkaayos ang magkapatid at masabi sa isa't isa ang kani-kanilang mga saloobin. Kalabisan na kung isiksik niya roon ang sarili. Hindi na lang muna siya pupunta ng school.

Nagkagulatan sila ng babaeng biglang sumulpot sa daraanan niya habang papaliko siya sa pasilyong papunta sa cabin ni Randall. Nagkatitigan sila at base sa recognition na nabasa niya sa mga mata nito, tiyak niyang nakilala siya nito gaya ng pagkakakilala niya rito. This girl is Mikah Jaruna. Yzack's long time girlfriend.

"I'm sorry/Sorry..." Sabay nilang wikang dalawa.

Pero bumawi siya agad at ngumiti. " Are you looking for Yzack? He's with Jairuz at the conference room." Sabi niya. "Pero may importante yata silang pinag-uusapan."

Tumango ito pero mailap ang mga mata at ayaw mag-focus sa kanya. "Thank you." Halos pabulong nitong pakli at nilagpasan siya.

Napasunod na lamang ang tingin niya rito. Sana hindi nito gagambalain ang magkapatid.

Naghanap siya ng mapagkakaabalahan sa loob ng cabin para hindi mabagot habang hinihintay si Jairuz. May nakita siyang libro ng sikat na author na si Eckhart Tolle sa drawer ng side table, entitled THE POWER OF NOW. It was an international bestseller, as the cover says and according to Oprah Winfrey, it can transform the thinking result. Naintriga tuloy siya.

Naupo siya sa bed at binuklat ang unang pahina pero may nahulog mula roon at nang pulutin niya para tingnan ay gayon na lamang ang pag-asim ng kanyang mukha.

CONDOM?

Binitawan niya iyon at natutulalang nakatunghay roon. Bakit may condom na nakaipit sa libro ni Jairuz at bakit nito kailangan ng condom habang nagbabasa? May namuong inis sa sistema niya. Nawalan siya ng ganang basahin pa ang libro. Ibinaba niya ang aklat sa kanyang tabi at hinamig ang sarili. Baka nailagay lang iyon doon ng hindi sinasadya. Pero kahit na, bakit ito may condom?

Huminga siya ng malalim at hinilot ang sentido. Ayaw niyang pag-isipan ng di maganda ang binata. Tatanungin muna niya ito. Pero naiinis talaga siya sa condom. Inapakan niya iyon at di pa nakontento pinadyak-padyakan niya. Napatili siya at halos maglupasay nang dumikit iyon sa talampakan ng kanyang sapatos.

Walang hiyang condom talaga!

While strolling around the room, she came with so many objective instances just to give Jairuz the benefit of the doubt. Nakapaa lang siyang palakad-lakad, pabalik-balik. Kulang na lang magkahugis ang mga yapak niya sa carpet ng sahig.

Sinuot niya ang tsinelas ng binata na nagmukhang barko sa laki dahil sa maliliit niyang mga paa at lumabas ulit ng balcony. Nakahinga siya roon ng maluwag habang pinagmamasdan ang kawan ng mga Kawasemi na nagliliparan sa ibabaw ng tubig. Paikot-ikot. Sa Pilipinas, mas kilala ang mga ibon na ito sa pangalang Kingfisher.

Napangiti siya nang makitang may ilan ng nakahuli ng maliliit na isda. So sad for the fish though but that's how nature really works. Survival of the fittest. The strong will live, the weak will perish.