Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 45 - Chapter 44

Chapter 45 - Chapter 44

NGUMUSO si Oshema at hinalikan ang tungki ng ilong ni Kyruz na tila walang kapaguran sa kangingiti. Katatapos lang niya ito padedehen at mabilis nitong naubos ang laman ng feeding bottle.

Busog na busog siguro ang sanggol at tatlong beses na itong dumidighay. Natatawa na lamang siya.

"Ang lakas-lakas mong kumain ha? Mauubos ang pera ni Mommy." Biro niya rito na humahagikgik pa.

It's been a week already. Sa bawat araw na lumipas ay tinitiis niya ang kaba at pangamba sa posibilidad ng muling pagkikita nila ni Jairuz. Alam niyang hindi iyon maiiwasan pero hindi niya alam kung handa siya o kung kailan siya magiging handa.

"Don't worry, baby. Daddy is here and I will give you all the milk in the world." Sabat ni Yzack mula sa pinto ng kwarto. Nakasandal ito sa hamba at kumikindat sa kanya. "I have something for mommy!" Nilabas nito mula sa likod ang bungkos ng magagandang red roses.

Malambing na inirapan niya ang lalaki. "Kadarating mo lang?" Tanong niya.

"Thirty minutes ago." Lumapit ito at ibinigay sa kanya ang bulaklak. "Roses for the most beautiful woman in my life."

Nakangiting tinanggap niya iyon at inamoy. Preskong-presko. Mukhang kapipitas lang talaga. "Thank you but you're exaggerating, Yzack." Komento niyang napapailing. Ayaw pa rin nito sumuko hanggang ngayon. Pero siguro, kung alam lang nitong kasal na siya kay Randall, baka matagal na itong tumigil sa kasusuyo sa kanya. Unfortunately, that was a secret that is meant to be kept especially now.

"I'm not, 'di ba, baby?" Kinarga nito ang sanggol na tumawa ng maliit bilang sagot. "Dinner is set. Naghihintay na si Mama. Let's go?"

"Um," tango niya. "I'll just put these in a vase. Mauna na kayo ni Kyruz." Tinungo niya ang banyo para ilagay sa flower vase ang mga rosas.

"Sumunod ka kaagad." Pahabol nito mula sa labas.

Pagkatapos niyang mailagay sa vase ang mga bulaklak ay niligpit niya saglit ang mga kalat nila Kyruz sa kama. Napangiti siya ng makitang maaliwalas na ang buong silid. Sinipat naman niya ang sarili at inayos ang pagkakatali ng buhok.

Habang bumababa ng hagdan narinig niya ang pagtunog ng doorbell at natanaw ang katulong na nagmamadaling tinungo ang pinto para bubuksan.

Nanlamig ang buong pakiramdam niya nang makita ang dalawang bisitang pumasok ng sala. The moment she dreaded finally comes. Nagpulasan ang mga luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal. Ang asawa niya.

May sinabi rito ang katulong pero hindi niya marinig. Tila nabibingi siya sa sobrang lakas ng dagundong ng kanyang puso. Bawat dagundong ay may kasamang pagkawasak. Tumango ito at mula sa pagkakahawak sa braso ni Mikah ay nilipat nito ang kamay sa baywang ng dalaga at may ibinulong kasabay ng damping halik sa tainga.

Hindi kinaya ng sistema niyang panoorin ang dalawa. Pumihit siya at bumalik sa itaas. Pagkapasok ng kwarto ay tuluyan na niyang pinalaya ang malakas na paghagulgol.

Dapat siya ang nasa lugar ni Mikah. Siya dapat iyon. Siya dapat ang nandoon.

"Stop it, Oshema! You should get it! Get a grip and get over it!" Galit niyang kastigo sa sarili. Pumasok siya ng banyo at doon pilit na ikinalma ang sarili.

Nagbihis siya at nag-ayos. Hindi dapat mahalata ng dalawa na miserable siya at nasasaktan. Taas-noo niyang haharapin ang mga ito lalo na si Mikah.

Nakasalubong niya sa gitna ng grand staircase si Yzack habang pababa siya.

"Do you really need to dress up and make yourself pretty like that?" He teased her.

Lihim niyang panalangin na sana ay hindi nito mapuna ang mga mata niyang kagagaling sa pag-iyak.

"Nag-ayos lang naman ako ng kunti. Parang hindi ka nasanay." Pakli niyang ngumiti ng tipid.

"Kailan ba ako nasanay sa ganda mo? Araw-araw, tuwing nakikita kita natutulala pa rin ako." Pasaring na naman ng binata habang sinasabayan siya.

"Magtigil ka nga, Yzack. 'Yang mukha mong napakababaero paniniwalaan ko?" Bara niya rito kalakip ng mataray na sulyap.

"Babaero na naman. Nag-iisa ka lang sa buhay ko, alam mo 'yan." Napabuntong-hininga ito tanda ng pagkatalo. "Anyway, I need to tell you something." May pag-aatubili sa tono nito.

"Ano iyon?" Patay-malisya niyang tanong kahit may kutob siyang ang tungkol kina Randall at Mikah ang sasabihin nito.

"They're here. Randall and Mikah."

Pilit niyang sinupil ang pagsikip ng dibdib. "Then it's great. He gets to see his son finally." Her voice cracked but she's able to conceal it with a broken smile.

"Will you be alright?" Nag-aalalang tanong ni Yzack. Tinangka nitong haplusin ang buhok niya pero tinabig niya ang kamay nito. Umigting ang mga panga ng lalaki.

"I should be." Matapang niyang pahayag. She can cry later but never in front of them. She is Kyruz mother and none of them can take that away from her. "Sorry for waiting, everyone!" Masigla niyang nilapitan si Madam Jemma at hinalikan sa pisngi. Sinulyapan niya sina Jairuz at Mikah na magkatabing nakaupo sa kaliwang parte ng mahabang dining table. She gave them a sweet endearing smile. Umiwas ng tingin si Mikah. Nagkunwaring may tinitingnan sa cellphone.

"It's okay, hija. Kyruz is the best comedian we have here. But I think he's sleepy." Nakatawang sagot ni Madam Jemma.

Sinilip niya ang anak na nasa movable stroller katabi ng ginang. "Yeah, I think he is." Dumukwang siya at marahang pinisil ang mapintog na paa ng anak na itinataas-baba nito. Kahit inaantok na, malikot pa rin.

"Let's dig in, people." Naupo si Yzack matapos siyang ipag-urong ng silya sa tabi nito.

Papaupo na siya nang mahuli niya ang matiim na titig ni Randall sa kanya. Napunta tuloy siya sa edge ng silya na muntik na niyang ikahulog.

"Hey, careful!" Mabilis siyang naagapan ni Yzack.

"T-thanks," baling niya sa binata at pilit na ngumiti.

God! Jairuz is still looking at her intensely. He did not even budge when Mikah tried to get his attention by tugging his shirt. Hindi nito tinanggal ang paningin sa kanyang mukha na para bang may pilit na tinatandaan. At hindi niya alam kung guni-guni lamang niya ang nakitang pagdaan ng pamilyar na emosyon sa mga mata nito.

"Randall, what's wrong?" Hinaplos ni Mikah ang mukha ng lalaki pababa sa leeg nito.

Doon lang ito natauhan at wala sa sariling tumingin sa dalaga. "Ah, n-nothing. I'm sorry." Napahawak ito sa sentido at umiling. Seemed like trying to shake something off from his mind.

Nagkatinginan sila ni Yzack. Kinagat niya ang labi at pinilipit ang mga daliri. She can't almost hold back the tears anymore.

Tumayo si Madam Jemma at nilapitan si Jairuz. Hinahaplos ang mga balikat. "Baka napagod ka sa biyahe. Kumain ka na at ng makapagpahinga."

Tumango ito at muling sumulyap sa kanya. Bahagyang ngumiti. "Sorry, did I scare you?"

Umiling siya. Hindi siya makapagsalita. Parang umakyat sa kanyang lalamunan ang puso niya at bumara doon. God, his voice is like a soft melody in her ears. She missed him so much.

Habang kumakain, hindi niya halos malunok ang pagkain dahil sa nararamdamang kaba. Kahit pilit siyang umiiwas, napapansin pa rin niya ang mga sulyap ng asawa. Parang sinakop ng presensya nito ang buong silid na wala siyang ibang napupuna kundi ang bawat galaw nito.

But as always, Kyruz becomes her saving grace. Dahil nakatulog na ang sanggol, nagkaroon siya ng rason para umakyat na kaagad sa kwarto nila pagkatapos kumain.

MAINGAT na inalis ni Jairuz ang ulo ni Mikah na nakaunan sa kanyang braso at inilipat sa malaking unan. Bumangon ang lalaki at bumaba ng kama.

Hatinggabi na. Hindi siya makatulog. Bago lumabas ng pinto ay saglit niyang nilingon ang nahihimbing na kasintahan. She must be very tired. She has a long day. Akala nga niya hindi na naman sila matutuloy sa pagbisita rito para makita ang kanyang pamangkin.

Napangiti siya nang maisip ang bibong sanggol. Maingat niyang isinara ang pinto at banayad na nilandas ang pasilyo. Tama nga ang kanyang ina, hindi na niya nanaising umalis pa oras na makita niya at makasama si Kyruz. Tinamad na siyang bumalik ng condo.

Habang pinagmamasdan niya ang sanggol kanina at nginitian siya nito, parang may malalaking mga kamay na humahaplos sa kanya puso. Mainit at masakit na hindi niya maintindihan pero masarap sa pakiramdam.

Ang mga mata ni Kyruz ay parang mga mata niya. Like he was looking at the carbon copy of himself. That baby is Yzack's son but why did he felt a strong bond of paternal connection? Ganito ba dapat ang pakiramdam ng isang tiyuhin sa kanyang pamangkin? Napailing siya.

And the mother. Kyruz' mother, Oshema Yzabella. What the hell is that woman did to him? Para siyang napasailalim sa isang mahiwagang mahika nang makita niya ito. His heart and his brain in unison was completely under spell. His senses recognize her aura, her smell, her smile. Even her voice is very familiar. Bumulusok ang buong sistema niya kanina na para siyang sasabog. Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang abnormal na pagtibok ng kanyang puso at ang pabara-barang sakit ng kanyang ulo.

Nahinto siya sa paglalakad nang matanto kung kaninong kwarto ang kanyang tinutungo. What the hell, Jairuz! What are you doing?

Mabilis siyang pumihit pabalik pero dagli ring tumigil nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Napatingin siya roon. Oshema came out holding the two empty feeding bottles. He whispered a curse looking at the skimpy and almost see-through negligee hugging her voluptuous body. Malamang inisip nitong tulog na ang lahat kaya hindi na ito nag-abalang takpan ang kakarampot na suot. Lakad-takbo ang ginawa nito papuntang hagdanan. Medyo madilim ang bahaging kinatatayuan niya kaya hindi siya napansin ng babae.

Tumuloy sa banyo si Jairuz sa loob ng silid niya at binuksan ang shower. Itinapat niya roon ang sarili na halos magliyab sa sobrang init. What the fuck is happening to him? His blood is boiling. His temperature rose rapidly. He is totally in dilemma.

Is he attracted to Oshema? That can't be possible. Hindi siya pwedeng maakit sa nobya ng kapatid niya. That's insane! Tumingala siya at iniamba ang mukha sa malakas na buhos ng tubig. Wari'y eksena sa pelikula na nagpabalik-balik sa kanyang utak ang buong imahe ni Oshema Yzabella.

NAGBUKAS si Oshema ng isang carton ng fresh milk mula sa refrigerator at uminom habang naghihintay sa mga feeding bottles na ini-sterilize niya. Kung kailan naman kailangan ay saka niya nakalimutang dalhin doon sa kwarto ang sterilizer.

Ibinalik niya sa loob ng refrigerator ang gatas at napatingin sa sariling reflection mula sa salaming dingding ng kitchen partition. Hindi pala siya nakapagsuot ng caftan.

Nagmamadaling bumalik siya sa itaas matapos ma-sterilize ang dalawang feeding bottle. Naalarma siya nang makitang nakabukas ng malaki ang pinto ng kwarto nila ni Kyruz. Napatakbo na siya. Subalit nagmistula siyang kandelang itinulos nang masumpungan sa loob si Randall na nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa anak nilang natutulog.

Nahulog ang dala niyang feeding bottles na umagaw sa atensiyon ng lalaki. Tumingin ito sa gawi niya. Her mind went completely blank. Ang puso niya'y tila tumigil sa pagtibok.

Tumayo ito at humakbang papalapit sa kanya. Pinulot nito ang feeding bottles at ibinigay sa kanya. Napalunok siya. Buong lakas na pinipigil ang panginginig ng mga kamay. Hindi niya iyon mai-angat para tanggapin ang mga bote.

"I saw you came out earlier. I thought I'd keep him company while you're down there." Pumihit ito. Tinungo ang side table at nilapag roon ang mga feeding bottles. "Is that really how you should look at me? Para kang nakatingin sa multo." May bahid ng inis ang boses nito.

"I-I'm sorry," bumalik siya sa huwesiyo at bahagyang nag-panic nang mapunang aalis na ito.

"That's underrated." Madilim ang mukhang angil nito.

Kusang gumalaw ang katawan niya nang lagpasan siya ng asawa upang lumabas na ng kwarto. Hinawakan niya ang braso nito para pigilan ito. Dagli itong napatitig sa kanya.

"T-thank you." Nagkandabuhol ang dila niya. "P-pwede mo siyang kargahin kung gusto mo." Hindi siya halos makahinga dahil sa pagyanig ng kanyang puso.

Bahagya itong ngumiti at nahawi ang lambong sa mukha. "I can do that tomorrow. Mahimbing ang tulog niya, baka magising."

Napalunok siya at tumango. May punto naman ito kahit na pakiramdam niya ay isa 'yong malinaw na pagtanggi sa alok niya. Nanlulumong binitawan niya ang braso nito. She looked away when he didn't let go of her eyes.

"But I can stay watching him a little longer, kung okay lang sa iyo." Pahayag nito.

Ngumiti siya at tumango. Isinara niya ang pinto. Magkasama nilang nilapitan si Kyruz na kumislot.

"Hindi ka ba makatulog?" Tanong niya habang ibinabalik sa lalagyan ang dalawang feeding bottles.

Tumango ang lalaki na agad nagbaba ng tingin matapos siyang hagurin ng malagkit na titig.

She knew her nightie is pretty revealing but that's the least of her worries now. This man is her husband, wala siyang kailangang itago rito lalo na kung katawan niya ang pag-uusapan.

"Namamahay ka siguro." Komento niya.

"Maybe," bahagya itong natawa. "Sa tanda kong ito namamahay pa ako."

She just giggled. "Hanggang kailan kayo rito?" Masakit na makita itong kasama si Mikah pero gusto niyang kahit papaano ay makapiling din nito ang anak nila.

"I don't know. Actually, this is just a tentative visit. But meeting Kyruz made me wants to stay a little longer."

Pumalakpak ang puso niya dahil sa narinig. "That will be great." Naupo siya sa kama.

"By the way, back at the dinner, I'm really sorry. Seems like I frightened you." Hinuli nito ang mailap niyang mga mata.

"Okay lang iyon." May pagsuyong hinawakan niya ang kamay ng anak na nakabalot sa gloves.

"Honestly, I never expected that my brother's fiancee is more than a goddess."

Muntik na siyang masamid sa laway niya. Fiancée. So, that's how she appeared to him. Yzack's fiancée. Parang binagsakan ng malaking bato ang puso niya. Doble ang ibinigat niyon kaysa kanina.

"More than a goddess. Then what am I?" Itinago niya sa mahinang tawa ang bigat sa puso.

"That would be a challenging puzzle to solve." Natawa din ito at sumulyap sa may pinto. "Where's Yzack, by the way? Working overtime?" Tanong nito.

"Tulog na siguro." Sagot niya. Dumukwang siya at hinalikan sa ulo ang anak.

"Tulog? Saan siya natutulog?" Nagsabong ang mga kilay nito.

"Malamang sa kwarto niya."

"You really mean that?"

Nag-angat siya ng kilay. "Of course, it's not always a standard practice that engaged couple should sleep in the same bed together, is it?" Inirapan niya ito.

Bumuka ang bibig nito na tila may gustong sabihin pero hindi itinuloy at sa halip ay tumango na lang.

Nagising si Kyruz. Gutom na naman. Agad niyang kinarga ang anak para papadedehen.

"You're breastfeeding him?" Bahagyang nagulat si Randall. He was trying not to stare at her breast exposed from her negligee.

"Mix," sagot niya. Isinubo ang kanyang nipple kay Kyruz na agad sinungggaban ng sanggol.

Tumango ito at tumikhim. "Hindi ba masakit?" Inosenteng tanong ng lalaki na para bang ngayon lang nakakakita ng babaeng nagpapadede sa dibdib.

Natawa siya. "Hindi naman. Sa una masakit pero 'pag nagtagal hindi na."

Tumango ito. "Take it easy, buddy." Marahan nitong hinaplos ang ulo ni Kyruz na hiningal dahil sa dami ng gatas. Pero umungol ang sanggol na tila ba sinasabing 'wag kang istorbo'.

Nagkatawanan tuloy sila.