NGUMITI si Jairuz nang madama ang malamyos na halik sa kanyang noo. Gusto niyang matulog pero nalulunod siya sa komportableng kandungan kungsaan siya nakahiga. Ayaw niyang makalimot sa ginhawang dulot niyon. Ang sarap sa pakiramdam. Para siyang nakalutang sa ulap. Sumasabay pa ang malamig na simoy ng hangin at ang banayad na sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa mga mumunting siwang ng mga dahon ng puno.
Binuksan niya ang mga mata at hinawakan ang kamay ng babae na humahaplos sa kanyang dibdib. Dinala niya iyon sa bibig at dinampian ng halik. The smell of her skin is addicting. Flowers and lemons and honey combined. Kung may mukha lang sana ito, malalaman niya kung masaya din ba itong kasama siya sa ganoon ka-simpleng tagpo. Pero tila pinagkait sa kanya na makita ang hitsura nito.
"I love you," usal niya at muling hinagkan ang likod ng kamay nito.
"I love you too, Jairuz."
Napadilat si Jairuz at bumungad sa paningin niya ang magandang mukha ni Mikah na halos isang dangkal lamang ang layo mula sa kanya.
"Are you having a nice dream? You were smiling while asleep and talking too. I love you pala, huh? Para kanino, iyon?" Nakangiti nitong tukso at mabilis na kinudlitan ng matunog na halik ang mga labi niya.
Nag-iwas siya ng mga mata at bumangon. Guilt flashed all over him. Having that dream again. Pero unang pagkakataon sa panaginip niyang iyon na hindi siya iniwan ng babae. Gaiety and guilt struggled inside him. Nakokonsensya siya dahil alam niyang hindi si Mikah ang babaeng iyon pero ang gaan ng kanyang pakiramdam at masaya siya. Inabot niya ang bottle ng mineral water sa side table. Nilagok ang laman para buhusan ang nagwawalang puso.
"Aalis ka na?" Sinipat niya ang girlfriend. Noon lang niya napansin na nakabihis na ito. She's already having her light make up on.
Napailing ito at malambing siyang inirapan. "What time is it do you think? Almost nine na, babe. Kanina pa ako dapat umalis. Hinintay lang kitang magising."
"Dapat ginising mo na ako." Pakli niyang lalong nakadama ng pagkaligalig.
She rolled her eyes. "Baka magalit ka pa. Mukhang nag-enjoy ka ng sobra sa panaginip mo."
"That's morbid. Tingnan mo, late ka na naman sa rehearsal. Baka idemanda na ako ng production niyan." Bumaba siya ng kama at pumasok ng banyo. "I'll just have a quick shower. Ihahatid na kita."
"Huwag na. Papahatid na lang ako kay Kazu. Naghihintay na siya kanina pa." Sumunod ito sa loob.
Inabot niya ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. "Ayaw mong pahatid sa akin?"
" Mapapagod ka sa matinding traffic mamaya. Your doctor will beat me." Niyakap siya nito mula sa likod.
"Kumain ka na?" Nagmumog siya saka nagsimulang mag-toothbrush.
Tumango ang dalaga. Pilyang pinisil nito ang isa niyang nipple. Ngumiti ito nang umungol siya. Pagkatapos magsipilyo ay hinapit niya ito at mapusok na hinalikan sa labi.
Pareho silang kinapos ng hininga nang maghiwalay. "Off you go then, or else have your rehearsals on the bed with me, hmn?" Kinagat niya ang tainga nito.
Mikah heaved a sigh. "Oh, I love that." Anas nito at iniumang muli sa kanya ang mga labi.
Pinutol ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan ang lambingan nila.
"Must be Kazu." Aniyang hinaplos ang likod ng kasintahan pababa sa baywang nito.
Tumango ito. "Bye, I love you." Muli nitong kinintalan ng masuyong halik ang labi niya.
"I love you too. Ingat." Hinatid niya ito hanggang sa may pinto.
"I'll call you when I have a break. Don't skip your breakfast." Sabi nito habang papalayo.
He nodded and wave a hand. His stomach is growling already.
TINAASAN ni Oshema ng kilay si Yzack na nalukot ang mukha habang pinagmamasdan ang agahan na hinain niya. Ang arte ng lalaking ito. Parang bibitayin. Papakainin lang naman ng breakfast.
"Kainin mo iyan. Hindi ka makakaalis kung hindi mo nauubos ang mga iyan." Babala niya.
"You're kidding me, Oshema. Late na ako sa meeting ko." Naiiling nitong sabi at dinampot ang mug ng umuusok na brewed coffee. "This is enough for me."
"Kakain ka o hindi ka aalis? Sabi ni Madam sa akin lagi ka na lang daw umaalis ng hindi nag-aagahan." Nilagyan niya ng vegetables ang toppings ng sandwich at isinubo rito.
"Kumakain ako sa office." Kumagat ito ng malaki at huminga ng malalim. Ayaw kunyari pero may aliw namang sumungaw sa mga mata.
"Ibig mong sabihin hindi masarap ang mga niluluto namin dito?" Pinandidilatan niya ito.
Nginuya nito ang sandwich at nilunok. "Wala akong sinabing ganoon." Depensa nito at napapatiim.
"Para na ring ganoon ang gusto mong iparating dahil ayaw mong kumain rito." Padarag niyang pinahid sa table napkin ang sauce na naiwan sa gilid ng labi nito.
"Give me a break." Uminom ito ng kape.
"You need to eat properly. Napakarami mong trabaho sa opisina at pumupunta ka pa sa site. Hindi tatagal 'yang katawan mo kung kulang ka sa nutrition." Nilagyan niya ng brown rice ang pinggan nito.
"Ang sarap sana sa pakiramdam kung sinagot mo muna ako saka mo ako tatalakan. Pero basted na nga ako bubungangaan mo pa. Pambihira ka." Angal nitong iiling-iling.
Inirapan niya lang ito at dinala ang tinapay sa toaster oven para i-toast.
"I remember, may itatanong nga pala ako sa iyo." Biglang tumigas ang boses nito. Nagbabadya ng galit.
Umagang-umaga, magtatalo na naman ba sila? Namumuro na siya sa eksenang ganito doon sa Japan. Nahigitan pa nila ang totoong mag-asawa kung magbangayan sa maliit na bagay. Nakapa-istrikto kasi nito. Walang pinalalampas.
"Ano iyon?" Hindi niya ito tinitingnan.
"Nakita ko si Jairuz kaninang madaling araw na lumabas galing sa kwarto mo. Anong ginagawa niya roon?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Ibinagsak ang kamay sa gilid ng oven.
Napaiktad siya at saglit na nanigas. Naudlot ang pagpapaandar niya sa oven toaster. Hinamig niya ang sarili. Wala naman siyang kailangang ipaliwanag. Asawa niya si Jairuz. Walang masama kung pupunta ito sa kwarto niya. Subalit alam niyang ang katwiran niyang iyon na nasa utak lang ay hindi katanggap-tanggap dahil wala naman itong alam.
"Bakit hindi ka makasagot? Anong ginawa ni Jairuz doon sa kwarto mo? Nilalandi ka na naman ba niya kahit may Mikah Jaruna na siya?" Galit na hinawakan siya nito sa bisig at sapilitang iniharap. "Mahal kita, Oshema. But this is getting so one sided already. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ayaw mong tanggapin ang pagmamahal ko. Ang tigas-tigas mo. Pero pagdating sa kapatid ko ang bilis mong bumigay. Ano bang kayang gawin ni Jairuz na hindi ko kaya? Anong mayoon siya na hindi mo makita sa akin? Kailangan kong maintindihan, Oshema, para maisuko na kita."
Naaawang tumingin siya sa mga mata ng binata. Naintindihan niya ang nararamdaman nito pero anuman ang gawin niya hindi niya maibibigay ang hinihiling nito. Kahit pa siguro walang kasal na nagbibigkis sa kanya kay Randall ay hindi pa rin niya masusuklian ang pagmamahal nito. Napakahirap diktahan ng puso.
"I'm sorry," tanging nasabi niya.
Larawan ng pagkatalo, binitiwan siya ni Yzack. Bahagya itong tumingala para paurungin ang marahas na emosyong bumalong sa mga mata. "I need to go. Thank you for the breakfast." Anito at tinalikuran na siya.
Hinabol niya ang binata bago pa ito tuluyang nakalabas ng dining room. Niyakap niya ito mula sa likod.
She could feel his muscles tense up. "Please be safe, Yzack."
Huminga ito ng malalim at pumihit paharap sa kanya. Hinagkan siya sa noo. "See you on dinner, Oshema."
Tumango siya at tipid na ngumiti. Hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa makalabas ng pinto. Hindi na yata maganda kung mananatili pa siya dito. Masyado ng nasasaktan si Yzack dahil sa kanya.
Wala sa sariling humila siya ng upuan at ibinagsak roon ang katawan. Naguguluhang isinubsob niya ang mukha sa mga palad. Ngunit pinukaw siya ng tikhim mula sa may pinto. Agad siyang napatingin roon at nasumpungan si Jairuz. Biglang natuliro na naman ang tibok ng kanyang puso at tila may mga boltahe ng kuryenteng nanulay sa kanyang laman.
"What happened? I heard Yzack's upset voice while coming down." Usisa nitong matiim na nakatitig sa kanya. Ipinamulsa nito ang mga kamay at sumandal sa hamba ng pinto. His enigmatic charms still left her breathless.
Umiling siya. Binawi ang mga mata. "Wala iyon. Normal na pagtatalo lang."
"Lover's quarrel in the morning." Lumapit ito. He checked the foods on the table. "Hindi mo kasi pinatabi kagabi kaya masama ang gising. Ganyan ang mga lalaki. Mainit ang ulo kapag hindi naka-score." Biro nito pero hindi siya natawa at sa halip ay nakadama ng piping inis. Malamang ganoon ito kay Mikah. Nagagalit kapag hindi naka-score.
Tumayo siya. Napabuga ng hangin dahil sa pagsigid ng kirot sa kanyang puso. "Kumain ka na. Would you like some coffee?" Kumuha siya ng malinis na mug.
"Ako na." Kinuha nito ang mug mula sa kanya at nilagyan ng brewed coffee. "Si mama?"
"Nandoon kay Kyruz sa nursery." Inabutan niya ito ng creamer. Pero tumanggi ito.
Naupo ito at nagsimulang kumain. Binalikan naman niya ang tinapay na ito-toast sana kanina. Ramdam niya ang titig ng asawa. Parang nagbabagang aspili na tumutusok sa kanyang laman.
"Nagalit ba si Yzack dahil pumasok ako sa kwarto mo kagabi ng wala siya?" He asked.
Napasulyap siya rito. "Nakita ka raw niya noong lumabas ka."
"Sorry, I don't know what came over me last night. I think I went overboard. Sabihin mo kay Yzack hindi na iyon mauulit."
Tumango na lamang siya. Parang nabubulok na prutas ang puso niya na pinilipit muna bago itatapon. Tinimpi niyang maigi ang mga luhang gusto ng pumatak.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito makaraan ang ilang saglit na katahimikang bumalot sa kanila.
"Tapos na." Mahina niyang sagot para ikubli ang pagkabasag ng boses. There is no sense in crying over the things she lost when she can't even fight for the one she loves.
Isinalang niya sa oven ang mga tinapay at pinaandar iyon. Bumalik siya sa mesa at niligpit ang pinagkainan ni Yzack.
"Who made this omelette?"
"Ako." Bigla siyang kinabahan. "Hindi ba masarap?"
"Hmn, it's the opposite." He took a big bite out of it and gave her a thumbs up.
Ngumiti siya. Naaaliw na pinanonood ito habang ganadong nilantakan ang omelette. Natuon ang paningin niya sa sariwang piklat sa likod ng kanan nitong tainga. Ang marka ng surgery. His hair now is shorter than the usual cut. Pero kapag humaba iyon, matatakpan ang piklat.
JAIRUZ checked his cellphone for Mikah's message. Isang text lang ang naroon. Nagtanong kung kumain na siya. He replied right away and went upstairs. Nakasalubong niya ang ina habang patungo siya sa kanyang silid.
"Anak, pwede ka bang maabala ngayon?" Nakangiti nitong tanong.
"Sure, Ma. What is it?" Hinulog niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone.
"May appointment ngayon sa pedia si Kyruz, pwede mo ba silang samahan ni Oshema. May importante kasi akong lalakarin, hindi ko sila masasamahan."
"Okay," tango niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kay hirap tanggihan ng pakiusap na iyon. "Magbibihis lang ako."
"Thank you, anak. Kazu will take you to the clinic." Banayad na pinisil ni Madam Jemma ang kanyang braso saka siya iniwan.
Tumuloy siya sa kanyang kwarto at nagbihis. Damn it! Para siyang teenager na nasasabik sa unang date. Mistulang kabayong nagkakarera ang tibok ng kanyang puso. He got his wallet, securing it on his backpocket and the black baseball cap then went out from the room fast.
Naghihintay sa sala ang mama niya at sina Oshema at Kyruz nang bumaba siya. Tinanguan niya ang babae at bumaling sa ina na nahuli niyang tila tinutukso si Oshema. The shadow of smile on her face gave her hidden agenda away. Napailing siya. Why did he have this crazy feeling that his mother favored him to be with this woman?
Hilarious!
Itinuon niya ang pansin kay Kyruz na kinakain ang mga daliri. Natawa siya nang tumingin sa kanya ang sanggol at ngumiti ng malaki. Showing his single tooth on the front and the rest of his tender gums.
"Here," inabot sa kanya ng ina ang baby carrier. "Ikaw na ang magkarga kay Kyruz." Amused na pahayag nito.
Tinanggap na lang din niya ang carrier pero hindi niya alam kung paano iyon isusuot. Lumapit si Oshema. Ipinasok sa carrier si Kyruz at ibinigay sa kanya ang sanggol saka tinulungan siyang maisuot ng maayos ang carrier. Lumigid ang babae sa likuran niya para sa lock.
"Sandali nga muna. Kukunan ko kayo ng picture." Kinuha ni Madam Jemma ang cellphone.
Napakunot-noo siya at gamit ang mata ay senenyasan ang ina, tanda ng pagtutol. Hindi naman sa ayaw niya pero nararamdaman niyang kakaiba na ang ginagawa nito. Gulo ang pupuntahan niyon.
Ngunit ayaw nito magpapigil. Para itong director na nasa pictorial at dinidiktahan silang dalawa ni Oshema kung anong pose ang dapat gawin. Napailing na lamang ulit siya. Tulad ng gusto nito, nakahilig sa kanya si Oshema habang siya ay nakahawak sa baywang ng babae.
Iniumang ni Madam Jemma sa kanila ang camera ng cellphone at kinunan sila ng shot. Tuwang-tuwa ito. Parang nanalo sa taya. Pinakawalan niya ang pinipigil na hininga at sinulyapan si Oshema na nakangiti. He can't help but get agitated. Ang pananahimik ng babae ay lalong nagpapatibay sa ideyang pilit niyang iwinawaksi sa isip. Bakit hindi ito tumanggi at sabihin sa kanyang mali ang kutob niya?
"There you go. You're all set. Mag-iingat kayo." Hinagkan ni Madam Jemma si Kyruz na walang kamuwang-muwang sa nangyayari.
"Ma'am Oshema," isang katulong ang lumapit sa kanila. "Nasa telepono po si Sir Yzack, gusto kayong makausap." Sabi nito.
Tumango si Oshema. "Excuse me." Anito at sumunod sa katulong patungo sa study room.
Hinabol niya ito ng matiim na titig. This is nuts. Naiinis na sinulyapan niya ang ina na tuwang-tuwang nakatunghay sa cellphone.
"You look good together. See." Ipinakita nito sa kanya ang picture.
"Ma, you are match-making. Yzack won't like it." Sita niya sa ginang.
"I am not. Para namang hindi ko napapansin ang mga panakaw mong sulyap kay Oshema." Akusasyon nitong may halong panunukso.
What on earth? He spits a curse under his breath. "Stop it, Ma. You're not making any sense."
"I'm just telling the truth, Randall." Giit ng ginang.
"Tama na. She is Yzack's fiancée and I have Mikah." Argumento niyang natutuliro.
This is getting so awkward. Hindi niya itatangging may namumuong intimacy sa pagitan nila ni Oshema dahil sa atraksiyon niya sa babae pero hindi iyon sapat para sirain niya ang pamilya at saktan si Mikah.
"Hindi ako hahadlang kung saan ka masaya, anak. But I think I deserve to be heard as your mother. I don't like Mikah Jaruna for you." Walang ligoy na pahayag ni Madam Jemma.
Sa hindi niya malamang dahilan para bang may pinanggagalingan ang kanyang ina sa disgusto nito sa kanyang girlfriend.
"I know and I understand. I respected your opinion on her but I love her. Sana sapat ng dahilan iyon para tanggapin ninyo siya sa pamilya."
Dumilim ang mukha ng ginang.